Chapter 24

Scent's Point Of View

KATOK sa pintuan ng kwarto ko ang gumising sa diwa ko. Napatulala ulit ako sa kawalan ng tumigil ang pagkatok. Simula noong dinala si Armil sa ospital ay hindi ko pa ito nabibisita. Natatakot ako.

"Anak? For how long will you cage yourself here in your room?"

Bahagyang napalingon ako kay Mama. Hindi ako sumagot at binalik ang tingin sa kawalan. I don't feel like talking. I just want to keep myself hidden.

"Nasa baba si Doblenn. He's here to accompany you to the hospital. I just got the news from your adviser, gising na si Armil."

Nakuha no'n ang atensyon ko. Nangilid ang luha sa mga mata ko at lihim na nagpasalamat sa Diyos dahil gising na ang boyfriend ko. Lumapit si Mama sa 'kin at niyakap ako ng mahigpit.

"I know you're traumatized, Scent. It's okay, take your time and heal. Mama is always here for you. You're too young to witness that kind of situation but it happened."

"Thank you," I whispered.

"Magbihis ka na para makapunta na kayo sa ospital."

I nodded.

"Anak, I know this will break you but I want to tell you this sooner. Armil remembers everyone except you. Iyon ang sinabi ng adviser mo sa akin. They tried asking him if he remembers you but no luck."

Napamaang ako. Retrograde amnesia cause by his head injury. It was that bad. Retrograde amnesia can be temporary or permanent. I smiled a little and nodded before walking to the bathroom. Pagpasok ay pinuno ko ng tubig ang bathtub at lumusong doon. Ini-on ko rin ang shower para hindi marinig ni Mama na umiiyak ako.

I heard he was in coma for more than two weeks. At sa loob ng dalawang linggo na 'yon ay excused ako dahil sa PTSD or post-traumatic stress disorder. His head injury was fatal and that scared me.

"Are you ready?" salubong ni Dobby sa 'kin ng makitang pababa na ako ng hagdan.

Hindi ako umimik at pasimpleng tumango lang.

"Let's go. Aalis na kami, Tita, Tito," paalam nito.

"Mag-iingat sa daan, ha?"

"Yes, Tita."

Dobby and I headed outside. He opened the car door for me. Umikot ito sa harap ng sasakyan at umupo si driver's seat. Lumingon ito saglit sa 'kin.

"All good?" he asked.

Tumango ako. Pinaandar na nito ang makina at pinasibad na ang sasakyan. Habang nagb-byahe ay nakatingin lang ako sa labas. Hindi namn masyadong malayo pero mabagal kasi ang pagmamaneho ni Dobby.

"Do you have something in mind that you want to share?" imik nito.

Umiling ako. I don't want to talk about it. Iiyak lang ako at maiinis na naman ako sa sarili ko kasi napaka-iyakin ko. Ang tanda-tanda ko na pero kung maka-iyak akala mo bata.

"You know it's okay to cry, Scent. Alam ko ang tumatakbo diyan sa utak mo. Everyone is a crybaby, always remember that, okay?"

"Imbento ka," natatawang sabi ko.

"People act tough sometimes but they also cry in secret."

Napahalukipkip ako. Napatingin ako sa kamay ko. Nakikita ko pa rin doon ang bahid ng dugo ni Armil.

Masakit na hindi niya ako maalala. But time heals... right? Hindi ako mawawalan ng pag-asa. Kung palagi kaming magkasama... baka... baka maalala niya ako agad. Gano'n naman 'yon, 'di ba?

"Scent? Scent, nandito na tayo."

"Huh?"

"Nandito na tayo."

"Oh."

Pingbuksan ulit ako ni Dobby at inalalayang bumaba. Nag-angat ako ng tingin sa malaking gusali ng ospital. Isa sa mga kwarto ng ospital na 'to... nakaratay ang lalaking minamahal ko.

"Sabi ni Tita ang adviser mo lang at mga magulang niya ang nandito."

"T-tara na."

"Your heart?"

"I'm okay," kiming ngumiti ako.

"I'll be at your back, cousin. Nandito lang ako kung gusto mong umiyak."

Pabirong hinampas ko ang balikat nito. Sabay kaming pumasok at dumiretso sa ikalawang palapag ng ospital. Huminto kami sa kwarto na nasa dulo. Dahan-dahan ay kumatok si Dobby. Nang bumukas iyon ay sumalubong sa amin ang teacher ko.

"Colina, sa wakas ay nandito ka na. Natutulog pa si De Luna pero nandito ang parents niya. Gusto ka nilang makausap," ani nito.

"I'll stay here," Dobby tapped my back.

"Aalis na rin ako, babalik ako bukas. Pumasok ka na."

Tumango ako. Pumasok ako sa loob ng kwarto at agad na pinukaw ng pansin ko ay ang mga bulaklak sa tabi. Dumako ang tingin ko sa higaan kung saan nakahiga ang mahimbing na natutulog na si Armil. Nakabenda ang ulo nito. Parang may nakabara sa lalamunan ko habang pinagmamasdan ko ito. He looked so pale. 'Yong boyfriend ko. Paano ko naatim na hindi siya bisitahin kshit isang beses man lang. Punyetang buhay naman 'to oh, wala ng ginawang tama.

"Sit down, young lady."

"Ang gandang bata naman nito. Umupo ka, hija. Huwag kang mahiya sa amin."

Kamukhang-kamukha ni Armil ang daddy niya. May iilang features naman siyang nakuha sa mommy niya pero mas lamang ang sa daddy niya.

"Nagising si Armil noong isang araw. Nakailang balik na rin ang mga kaklase mo rito, ikaw nalang ang hindi. Ayos ka na ba, hija? Alam naming na-trauma ka sa nangyari kaya naiintindihan namin kung bakit hindi ka nakapunta," litanya ng mommy niya.

"Ayos lang po ako."

"Girlfriend ka ng anak namin, hindi ba?" ngumiti ito sa akin.

Palihim na napalunok ako at tumango.

"No need to be shy, young lady. I'm sure your homeroom teacher had told you already. Of all people na makakalimutan niya..." he stopped when his wife touched his hand.

"Ayos lang po. Babalik at babalik din naman po ang ala-ala niya. M-maybe..." lumabo ang paningin ko at ngumiti. "maybe by this week or next week maalala niya na ako. Hindi ko po susukuan ang anak niyo."

"The problem is that si Denni ang naaalala niyang... girlfriend niya. Kapag gumigising ay siya ang hinahanap ni Armil. Hindi pa namin sinabi sa kaniya na hiwalay na sila at ikaw ang girlfriend niya. Ang sabi kasi ng doctor ay may tendency na ma-trigger ang ala-ala niya at baka mag-bleeding siya."

Umawang ang labi ko dahil do'n. Bakit ba ang malas ng buhay pag-ibig ko? Lord, may isasakit pa ba 'to?

Natigil kami sa pag-uusap ng gumalaw si Armil at unti-unting nagising. Ipinalibot muna nito ang paningin sa kabuuan ng kwarto at dumapo sa akin ang tingin nito. Nangunot agad ang noo nito  at halatang nagtataka kung sino ako. And that pained me. Ang sakit ng tingin nito sa 'kin.

"Mom, where's Denni?" he asked and I felt my heart being shattered into pieces.

Iba pa rin pala talaga ang epekto kapag narinig mo sa sariling bibig nito. Parang sinasakal ang puso ko at the same time ay tinutusok ng milyon-milyong karayom. Hindi na sa akin nakatuon ang atensyon nito kundi sa mommy at daddy niya.

Tinapunan ako ni tita ng nagmamakaawang tingin. Tipid na ngumiti lang ako at tumayo. Nagpaalam ako sa kanila at walang lingon na lumabas.

"How was it?"

Napahawak ako kay Doblenn ng manghina ang tuhod ko. Huli na ng malaman kong umiiyak na pala ako. Inakay ako ni Doblenn patayo at inalaayan sa paglalakad hanggang sa marating namin ang kotse.

"Shh. It's okay. You're okay. Pagsubok lang 'to sa inyo, okay? Magiging maayos rin kayo," marahang tinapik nito ang likod ko.

"Uwi na tayo, inaantok na ako."

"Ice cream muna tayo."

"Sige."

Iyon nga ang ginawa namin. Bumili kami ng dalawang gallon ng chocolate ice cream. Akala ko ay id-diretso niya ako sa bahay ngunit mali ako. Sa halip ay dumiretso kami sa tabi ng dagat at doon nagpalipas ng araw habang pinapapak ang ice cream.

"Ang ganda mo naman kahit umiiyak," puri niya.

"Alam ko," ngisi ko.

Ginulo lang nito ang buhok ko. Ako lang ang kumakain ng ice cream, si Doblenn naman ay umiinom lang ng beer in can na binili niya rin kanina.

"Bawal 'yan," imik ko.

"Kung makikita ni Mama, bawal."

"Isusumbong kita."

"Ayos lang," he shrugged.

"Dapat nakauwi na tayo by five, ayokong gabihin tayo sa daan," paalala ko.

"Yes, Ma'am."

BALIK na ulit ako sa school. Patapos na ang klase at kailangan na naming mag-ready. Hindi pa ako nakakababa sa kotse ay natanaw ko na si Armil at kasama niya si Denni. They look good together. Nagseselos ako pero wala naman akong magagawa. Ayokong ako ang maging dahilan ng pagkaka-trigger ng alaala nito. I think it's better this way. There is always a right time ika nga.

"Hindi ka pa bababa?"

Nabaling ang tingin ko kay Doblenn. Hindi ko alam kung paanong naging driver ko siya pero iyon ang naging usapan nila Mama at Papa.

"Susunduin mo ulit ako mamaya?"

"Scent, ako ang taga-hatid at sundo mo hanggang sa makatapos ka ng highschool kaya asahan mong araw-araw kitang susunduin," anito sa walang ganang boses.

"Sige, pasok na ako. Ingat ka."

Nakaabang si Apple sa 'kin sa gate kasama si Jun. Buti pa 'tong dalawa going strong.

"Ngayon lang ako nainis ng sobrang bongga kay Denni," salubong agad nito sa 'kin.

"Hayaan mo na, Apple. Masaya si Armil kasama siya."

"Tapos ikaw nasasaktan? Ano bang ginagawa ng babaeng 'yan dito? Hindi naman 'yan dito nag-aaral," irap niya.

"Time will come, Apple. Let's just wait."

"Gusto ko hilahin buhok niya," padyak niya.

"You have a point, babe, but you will not do such thing. Dito ka lang sa tabi ko at baka ikaw pa ang masaktan," sabat ni Jun.

Pagpasok sa room ay busy ang mga kaklase namin. Iyong iba nag-aayos ng bulletin at iyong iba naman ay nagm-make up. May naglalaro ng poker kahit bawal, may naggigitara at may mga natutulog. Ang aga-aga tulog agad.

"Scented candle! Make up-an kita!" sigaw ni Mykee.

"Ayoko."

Umupo ako sa upuan ko. Naninibago ako, wala ng tatabi sa 'kin at bibigyan ako ng snack. Nakakainis naman.

"Nakasimangot ka na naman. Halika na kasi!" hinuli ni Jareyn ang kamay ko at hinila ako patayo.

Pinaupo nila ako sa harap ng bintana kung saan may nakalagay na salamin. May hawak na brush si Mykee at Jareyn, si Margaret naman ay eyeliner ang hawak, suklay ang kay Christine at pulbo ang kay Alexandra.

"Go, best friend! Gawin niyong pang-drag queen ang look, okay? Kukunin ko saglit sa councils 'yong gown na hindi na nagamit."

Napangiwi ako sa sinabi ni Apple. Nagtatakbo ns ito palabas kaya hindi ko na napigilan.

"Guys, wala si Ma'am! Wala tayong klase!" anunsyo ng class president at agad naman silang nagsigawan.

Ipinagpatuloy na namin ang ginagawa. Habang nagm-make up ay nag-uusap din sila.

"Relax ka lang, Scent. Joke lang 'yong sinabi ni Apple, 'tsaka hindi rin pang-drag queen ang make up mo. Simplehan lang natin, natural ba," pangungumbinsi ni Margaret.

"Basta hindi ako magmukhang clown," tango ko.

Busy ako sa cellphone ko at hinahayaan lang silang lagyan ng kolorete ang mukha ko. Nasa Twitter kasi ako nagr-rant ng mga hinaing sa buhay.

"Nandito si Denni at Armil," bulong ni Alexandra habang nilalagyan ako ng mascara.

Act fool. Act fool. Act fool.

"Ang pangit ng eye shadow, hindi halata. Lagyan nating ng yellow, para mas halata."

Bahagyang napaatras ako ng marinig si Denni sa tabi. Nagulat ako ng itapat niya ang brush sa mata ko at idinutdot iyon.

"Ano ba, Denni! Papansin ka ba?!" singhal ni Jareyn at nilapitan ako.

"What? Inaayos ko lang naman," patay malisyang sagot nito.

"Sinira mo na tuloy! Hay naku, Denni, hindi ka ba tinuruan ng good manners and right conduct no'ng grade six?" mahinahong tanong ni Mykee.

"Hindi ka ba nag-grade six?" tanong ko.

"Anong nangyayari dito?" dumating si Armil na seryoso ang mukha.

"Itali mo nga 'yang aso mo, Armil. Tahol ng tahol eh, inggitera," irap ni Christine.

"Samahan niyo ako sa cr, tanggalin natin 'to. Ulitin nalang natin. Kulang kasi sa pansin," irap ko at nauna ng maglakad.

"Ang lakas naman ng loob mong sabihan ang girlfriend ko ng ganiyan eh transferee ka lang naman dito."

Napahinto ako dahil doon. Sa isang iglap lang ay tumutulo na agad ang luha ko. Hindi ako humarap. Natigil rin ang mga kaklase namin dahil do'n.

"Uy, uy, De Luna, sobra ka na," agap ni Joshua.

"Kilalanin mo kung sinong binabangga mo, Miss," dagdag pa ni Armil.

"Hoy, De Luna, ano 'yan?!" sigawan ng mga kaklase naming lalaki.

Nagtipon-tipon na sila sa tabi ko. Hindi pa rin ako humaharap. Umiiyak ako nakakahiya naman.

"Grabe, Armil, ang bastos na ng bibig mo. Sana hindi mo pagsisihan 'yang mga sinasabi mo," rinig kong sabi ni Shaila.

"Bakit? May dapat ba akong pagsisihan? Don't test my patience with you all. Napapansin ko ang ginagawa niyong pagtrato kay Denni sa mga nagdaang araw. Malilintikan sa 'kin ang gagalaw kay Dennielle."

Bahagyang napaubo ako ng may matigas na bagay na bumangga sa 'kin. Si Armil na kinakaladkad si Denni. Hindi pa sila tuluyang nakakalabas ng room ay nagsalita si Apple na kararating lang.

"Kaibigan kita, Armil. Naiintindihan ko ang sitwasyon mo ngayon. Pero hindi ako papayag na saktan mo si Scent ng ganito. Kapag kinanti niyo ni Denni si Scent, mananagot kayo sa 'ming lahat." Huminga ng malalim si Apple. "Bumalik na kayo sa ginagawa niyo. Scent, samahan na kita sa cr. May sasabihin rin ako sa 'yo."

Yumuko ako at pinunasan ang luha sa pisngi. Lumapit ako kay Apple. Ngumiti ito ng malawak sa 'kin kaya napangiti na rin ako. Dinaanan namin si Denni at Armil.

"Iintindihin kita... kasi 'yon naman talaga ang dapat," huling sabi ko saka sila nilampasan.

*****







Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top