Chapter 22

Scent's Point Of View

Hindi ko na namalayan ang mga araw na nagdaan. Kasalukuyan akong nasa loob ng room namin at pinagmamasdan ang mga kaklase ko na may kaniya-kaniyang ginagawa. May nagm-make up, my kumakanta, at may nagbabaraha. Itong isa na hindi pa tapos sa make up ay mukhang sasalang sa pageant.

"Scent, ikaw dito sa kabilang mata," untag ng kaklase ko sa 'kin na agad ko namang tinanguan.

Blue and violet. Unang nilagay ko ay primer. Hindi ko rin alam ginagawa ko. Kawawang Joshua Edward, drag queen ang datingan.

"Trust the process, Joshua, ha? Huwag kang mang-judge. Sasapukin kita," banta ko.

Ngumiti lang ito at tumango.

"Anong una mong nilagay?" tanong ko.

"Silver brown. Hoy, huwag niyong galawin 'yong pallette!" sigaw nito sa iba naming kaklase na magulo.

"Ako na bahala dito. Kaya ko na 'to," tango ko.

"Okay! Goodluck."

May tatlong brush. Maliit, sakto lang, at malaki. Iyong medium na brush ang ginamit ko. Wala akong karanasan sa ganito kaya hindi ko alam kung anong tawag dito.

Magulo ang classroom namin ngayon dahil walang teacher na pumasok. May meeting ang mga teachers ngayon kaya namin ito ginagawa. I was supposed to be sleeping at the floor right now, but I can't properly lay down without a pillow so I refused to.

"Pikit ka, Joshua. Lagyan ko ng highlight sa gilid para astig tignan," utos ko na ginawa naman agad nito.

Pati contour ay nilagay ko sa mukha niya. I curled his lashes and put some mascara on it. Nang tignan ko sa kabila ay matulis na mahaba ang eyeliner na nilagay ng kaklase ko. I was about to put the eyeliner when a hand grabbed me from behind.

"Nawala lang ako saglit kung ano-ano na ginagawa mo," ani Armil sa matalim na boses.

"Akala ko mamaya ka pa."

"Halika. Ako make up-an mo kung gusto mong makaranas mag-make up. Manghiram tayo ng pallette."

"Ha? Hindi na! For try lang naman 'yon. Kulang pa ng eyeliner 'tsaka liptint si Joshua," maliit ang boses na sabi ko.

Nagsalubong ang kilay ni Armil at kinuha sa kamay ko ang eyeliner.

"Anong klase ng linya ang gusto mo, Edward? Iyong mahaba at matulis o... maikli at bitin?" malamig na tanong ni Armil.

"A-ako na, kaya ko na," kinakabahang sagot ni Joshua.

"Good."

"Napaka-seloso talaga nito. Halika nga, lagyan kita ng make up. Huwag kang magre-reklamo kapag pangit ang kinalabasan, okay?" ungot ko.

Napangiti rin naman ito agad. "Kailan ba ako nag-reklamo sa 'yo? Do what you want, hon. I'm all yours."

Umirap ako at pinapuo siya sa upuan. I grab the pallete and the brush. I started with powder and foundation. Matapos i-blend ay nilagyan ko ng silver brown na kulay ang eyelid nito. Naaawa ako sa boyfriend ko kaya light nalang ang ilalagay ko.

Habang naglalagay ay ipinaikot ni Armil ang braso niya sa baywang ko. I stiffened a bit but composed myself.

"Alexandra, pahiram ng curler!" tawag ko.

"Here."

"Thank you. Burger ka sa 'kin," ngisi ko.

"Kadiri! Tigil mo nga 'yan, baho ng kamay mo," natatawang arte nito.

"Bastos," tawa ko. "Open your eyes, hon. Ic-curl ko ang lashes mo."

Lumunok ng marahan si Armil at nagmulat ng mata. We're too close with each other.

"Huwag kang gagalaw, okay?" pahabol ko.

"Hindi ba ako mamamatay diyan?" nanginginig ang boses na tanong nito.

You wanted this, De Luna.

"Hindi 'to nakamamatay, okay?Sira."

After a minute of talking, he finally gave up. Pangit kasi kung hindi curled ang lashes kapag nilalagyan ng mascara. Mags-smudge iyon sa under eye at hindi makikita na nilagyan ng mascara. Mangingitim pa ang ilalim ng mga mata nito kung sakali.

Mas magandang i-curl para mag-stiff pataas ang lashes. Mahaba ang pilik mata ni Armil kaya kapansin-pansin iyon ng nilagyan ko ng mascara.

"Eyeliner at liptint. Lagyan na rin natin ng lip balm, okay? Para mag-shiny shimmering spledid siya."

"I look gay."

"You're still handsome for me, hon. At mahal kita," natatawang sagot ko.

Kinuha ko iyong eyeliner ko sa bag at liptint ko. I own things like this but I don't use this.

"All done. Look at yourself."

Armil refused at first but I pursued him even more. Natural lang naman kasi ang make up na nilagay ko.

"Oh 'di ba? Simple lang. Hindi pang-drag queen ang look mo kaya ngumiti ka na diyan."

"Feeling ko mas maganda na ako sa 'yo ngayon," ngisi niya.

"Feel mo lang 'yon pero mas maganda pa rin ako sa 'yo."

"True ka diyan, sis."

Napatawa ako ng malakas dahil sa sinabi nito.

"Nagugutom ka na?" mayamaya ay tanong nito.

"Hindi masyado."

"Diyan ka lang, kukunin ko sa bag."

Tumango ako. Kinuha ko iyong salamin at nilagyan ng liptint at lipbalm ang sarili. I also had my lashes curled and put mascara to it. Nagpalagay ako ng eyeliner saglit kay Alexandra.

"Here's your snack— woah, woah!" napaatras si Armil ng lumingon ako.

"Bakit?" inosenteng tanong ko.

"Sis, inaagaw mo ang spotlight sa 'kin. Bakit naglagay ka ng ganiyan? Sobrang ganda mo na tuloy."

"Baliw ka. Thank you. Love na love mo talaga ako eh."

"Syempre, ikaw ang idol ko."

Si Armil na rin ang nagbukas ng snack na dala niya para sa 'kin. Lumapit ako kay Christine at kinalabit siya.

"May pantali ka?"

"Mayro'n pero maliliit."

"Sige, pahingi ako."

Binigyan ko siya ng tatlong lollipop bilang kapalit. Trade lang saglit sa kaklase.

"Hon, braid mo nga ako."

"Sige, upo ka dito."

Umupo ako sa dating inuupuan ni Armil. Siya naman ay nakatayo sa likod ko. Dalawang half braid ang ginawa nito sa 'kin. Hindi ko alam kung saan niya 'to natutunan pero ang galing niya, in-all-fairness.

"Kanino ka natutong mag-braid?" curious na tanong ko.

"Promise me you won't get mad."

"Depende sa sagot mo," ani ko.

"Hon," he protested.

"What? Depende nga sa sagot mo. Kung hindi ko magugustuhan, yari ka sa 'kin."

"It's better for you not to know. Ayokong mag-away tayo."

Napairap ako. Inubos ko 'yong chuckie at hinarap siya.

"May dapat ba akong ikagalit sa sagot mo?" tanong ko.

"I don't know. You're not the jealous type of girlfriend and I don't you to be jealous either."

"Is it from Denni?" I asked.

He nodded. I turned my back on him.

"Ano namang ikakagalit do'n? Ano naman kung sa kaniya mo natutunan, 'di ba? Come on, finish my braid," utos ko.

Wala naman akong dapat ikagalit sa bagay na 'yon. Hindi rin ako nagseselos. I think it's normal. She was his girlfriend before and yeah, I think it is.

But no matter how I deny it, the jealousy inside me always wins. Nakakaselos isipin ang bagay na 'yon.

"Guys! Nandito si Denni!" sigaw ng kaklase ko na agad kong ikinalingon.

*****

W/N: a few chapters more, maybe four or five chapters, and we'll be finally ending this story.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top