Chapter 21

Scent's Point Of View

"Armil, alam kong hindi mo tinatanong pero gusto ko lang malaman mo na sinasagot na kita."

Walang ganap at hindi espesyal na araw, sinagot ko ang manliligaw ko na ang pangalan ay Armil John De Luna.

Nakatulala lang si Armil ng sabihin ko iyon. Akala ko nga ay hindi niya narinig. He was wearing my earphones. Pink pa naman 'yon, hindi ba siya nahihiya?

"I clearly heard what you said but I want you to say it again one more time," he gulped.

Mahinang natawa ako at hinawakan siya sa magkabilang balikat. Huminga ako ng malalim at tumitig sa mapupungay niyang mga mata.

"Armil John De Luna, sinasagot na kita. Simula sa araw na 'to, tayo na."

Napabitaw ako sa kaniya ng tumayo ito at tumalikod sa 'kin. Walking with jelly legs, he said, "Ahm... bibili muna ako ng inumin mo. Nga pala, thank you."

With that, he left. Napapantastikuhang sinundan ko siya ng tingin. A small smile plastered on my lips as I stood up and followed him. Habang nakasunod sa kaniya ay narinig ko ang mahihinang bulong nito.

"Ar—"

"De Luna, may saltik ka ba?"

I was about to call him when Amos appeared out of nowhere. Ayos na ayos at parang may pupuntahan. Why is he dressed like that?

"What? No."

"Nagsasalita ka diyan mag-isa. LQ kayo?" turo nito sa 'kin.

Lumingon si Armil sa 'kin at namumula ang mukha nito hanggang leeg. Red as tomato.

"Hindi ah! Sinagot ko nga kani-kanina lang eh. Ikaw 'ata may saltik dito. Bakit ganiyan suot mo? May pupuntahan ka?" kyuryusong tanong ko.

"Sinagot mo na? Nice," he grinned.

"Sagutin mo nga 'yong tanong ko."

Lumapit ako kay Armil at hinawakan siya sa kamay. His grip tightened and he pulled me closer to him.

"Nothing. Ganito naman ako manamit kapag wala sa school. Sige, mauna na ako. Enjoy your date, you guys. Congratulations." Amos waved his hand and left.

"You and your excuses. Alam kong kinikilig ka. Let it out. Come on, let's go back," I held his hand and pulled him back to our picnic mat.

"Paano 'yong kilig?" he asked.

"The feeling of being flustered and ecstatic. Excitement. Pinaghalo. Gano'n," sagot ko.

"Ah, to feel this feeling. Scent?"

"Yes?"

"I love you."

Napatigil ako. Tinitigan ko siya ng medyo matagal at mayamaya ay napangiti.

"Wow, first time iyon. Mahal rin kita."

"Thanks for telling me. I'm sorry for not asking."

"I understand. Nasabi mo na sa 'kin na ayaw mo akong ma-pressure and to always take my time kaya hindi ka magtatanong. What's there to be sorry, right? Ang mahalaga, tayo na. Sa 'yo ako at sa akin ka," litanya ko.

"Mamarkahan ko na ang kalendaryo ko sa bahay. Ang sarap naman sa pakiramdam nito."

Humilig si Armil sa balikat ko habang ako naman ay nakasandal sa puno. We were on a picnic date, again. It has always been our routine every Sunday, after church, picnic date. Kasama namin si Mama at Papa sa pagsisimba kada-linggo at nauuna lang silang umuwi bago kami. Ihahatid muna ako ni Armil saka siya uuwi sa kanila.

"May kalendaryo ka?"

"Hm? Oo naman. Bakit?"

"Wala naman. Ang laki ng bahay niyo. Ilan kayong magkakapatid?"

And then that moment, I realized, I don't really know him well. He's not private, but I didn't ask. Our topic used to be all about me, and I'll change that.

"Two. I have a brother named Travis. Dalawa lang kaming magkapatid. My Dad is always out of the country and my Mom is a housewife. Not really a housewife, my Mom is a nurse. She used to work at their family's hospital. Nang ikasal sila ni Dad ay tumigil ito sa pagt-trabaho at mas nag-focus sa pag-aalaga sa 'min. May iilang branch ng pharmacy ang family ng Mommy ko at hawak niya ang iilan doon."

"You're rich."

"They are."

"Magkwento ka pa. I want to know you more deeper."

"Harder?"

"Ye— what?"

He chuckled. "Nothing. Marami kaming kasama sa bahay. Hindi ako nagpapahatid o nagpapakuha sa school. I love biking, it's my comfort and stress reliever. Exercise na rin iyon para sa 'kin, I don't go to gym."

"But you're physically fit," puna ko.

"Right diet and biking exercise."

"Nagf-fasting ka?" tanong ko.

"No. Hindi kaya ng katawan ko ang fasting."

"What else?"

"I used to study at Melbourne."

"Australia?!" gulat na sigaw ko.

He nodded. "Grade school. After sixth grade, umuwi kami rito. Ang school natin ngayon ang napili kong school na pasukan. It was like a blessing in disguise. Kung 'yong ibang school ang pinili ko baka hindi tayo magkakilala."

Tumango ako. Kung hindi rin siguro ako pinilit ni Mama na mag-transfer, hindi sana kami magkakakilala. But if it's part of destiny's plan, then we can still find each other.

I finished my junior years at the south. Mas malayo iyon kesa sa school ko ngayon. It was fun though. Buti nalang at modern world na ngayon, may communication pa rin kami ng mgs dati kong kaklase.

"I would still be at the south right now. Hanging with my friends," I chuckled.

"Hm. At may malaking posibilidad na iba ang boyfriend mo ngayon," madilim ang mukha na sabi nito.

"Really, Armil? Kaka-sagot ko lang sa 'yo nagseselos ka na agad. Hindi naman mangyayari 'yon. Kilala ko halos lahat ng estudyante sa dati kong school. Let's say na may nakakakuha ng atensyon ko noon, pero hanggang do'n lang 'yon. I was a good girl, not until I met you."

"Yeah, you kinda sacrificed a thing or so for me. I feel so loved, hon."

"Mahal naman talaga kita," natatawang sagot ko.

Maraming gwapo at magaganda sa south. Iba-ib rin ang mga estudyante. May matatalino, ligwak sa lahat, make up artist, dancer o 'di naman kaya ay singer. Grupo-grupo sila. Walang pansinan kung hindi magkakilala. Hindi rin naman nila pinapakialam ang isa't isa. That's why we're all good there.

Sa school ko ngayon, kahit hindi ka kakilala ay ngingitian ka. The atmosphere is way too different from the school I used to. And I love that.

*****

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top