Chapter 18

Scent's Point Of View

Dito na nga nagsimula ang opisyal na panliligaw ni Armil sa akin. Hindi naman siya exaggerated kung manligaw. Iyong tipong bongga na kung bongga. Siya 'yong tipo ng manliligaw na chill lang. Wala rin naman masyadong nagbago sa pakikitungo niya sa 'kin at sa mga ginagawa niya para sa 'kin. Maliban sa part na umaga at hapon na kaming palaging magkasama.

Binibilhan niya ako minsan ng snacks kahit hindi ko naman kailangan. I'm just letting him do what he wants. He's in the act of pursuing me and that is one of his ways. Sa tanghali ay sabay kaming kumakain, kasama namin minsan ang mga kaklase namin, minsan naman ay si Apple at Jun. Sa hapon ay hinihintay niya munang dumating si Papa para sunduin ako bago siya umuwi sa kanila. Walang ilangan sa paligid kapag kaming dalawa lang ang magkasama. Minsan nagk-kwentuhan kami, may mga panahon ring tahimik lang at dinadama ang presensya ng bawat isa. 

Katulad ngayon, magkasama kaming dalawa sa isang hindi mataong lugar. Nakahiga si Armil sa damuhan habang ako naman ay nakasandal sa puno ng kahoy. Mahangin ang paligid at masarap sa pakiramdam. 

"Colina," tawag nito.

Nagbaba ako ng tingin. "Bakit?"

"Nasabi ko na ba sa 'yo na ang ganda mo?"

That put a smile on my face. Araw-araw ganito si Armil. Walang palya.

"Sira."

"Anong oras kita iuuwi?"

Oo nga pala, hindi niya ako sinundo kanina kaya hindi niya alam kung anong oras ako iuuwi. Ayoko namang palaging hatid sundo niya ako kapag may mga lakad kaming ganito. Mas prefer ko ang meet up. Isa pa, baka hindi kami makapag-date kasi nanakawin siya ni Papa sa 'kin at silang dalawa nalang ang mag-uusap. Ayoko ng gano'n.

"Anytime. As long as safe mo akong iuuwi. Walang labis, walang kulang."

"Hm, okay."

Hindi na ako umimik matapos iyon. Naramdaman ko nalang ang kamay ni Armil sa kamay ko. Hinila niya iyon at dinala sa bandang dibdib niya. 

"My heart is beating like crazy," he mumbled.

"Kailan mo naramdaman na gusto mo ako? Curious lang," tanong ko.

"Hindi ko alam."

"How come?'

"Nagka-crush ako sa 'yo, first day of school. Ang ganda mo, sobra. Take note, hindi ako nagbibiro. Sabi ko baka bago at baka junior high. Kaklase ko pala," he chuckled.

He averted his gaze in me and smiled. Armil's hand made its way to my face. "Delikado talaga kapag ganito kaganda, maraming kaagaw."

Parang mabibingi ako sa sobrang lakas ng kabog ng puso ko. Damang-dama ko sa tono nito ang nararamdaman niya. 

"Ikaw? Kailan mo ako magugustuhan?" nagbibirong tanong niya.

Oh, baby, you don't know I already do.

"Secret, baka i-my day mo pa."

"Speaking of, send ka ng maraming pictures mamayang gabi. Wala akong featured photo sa account ko."

Bumangon si Armil at umayos ng upo sa tabi ko. Binuksan ang in can na inumin at ininom iyon. The way his adam's apple move, gosh, my face is all red, this is embarassing.

"Anong gagawin mo?" wala sa sariling tanong ko.

"If-featured ko sa Instagram at Facebook. Gagawin kong profile at cover sa twitter. Marami ha? Gusto ko punuin mo ng pictures ang chat box natin."

Tinitigan ko ng matagal si Armil. Nang mapansin niya iyon ay tumitig rin ito pabalik. Giving the same ferocity as I do.

"Ang gwapo mo," I blurted.

His neck and ears went red. Napaawang rin ang labi nito. Bigla ay tumalikod ito.

"Ayos ka lang?" kulbit ko.

Tango lang ang isinagot nito sa 'kin. He's really weird at random times.

"Armil, humarap ka nga."

Nang hindi ito humarap ay tumayo ako at nagpunta sa harapan niya. Ako naman ang nagulat ng makitang may umaagos na luha sa pisngi nito at nakapaskil sa labi ang malawak na ngiti.

"Hindi kita inaano umiiyak ka diyan. Ano? Ayos ka lang ba?"

"Yeah, I am."

"You don't look like you are to me. Bakit ka ba umiiyak?"

"Masaya."

"Ha? Sira ka ba?"

"Masaya nga lang ako. Bumalik ka na sa likod ko."

I sat in front of him and cupped his face. "Ang cute mo na, ang pogi mo pa. Kaya ka ba umiiyak dahil sa compliment na 'yon?"

"Hm. Kinikilig ako sa gano'n," he nodded.

"First time?" I teased.

"Hindi. Maraming nagsasabi sa 'kin na gwapo ako 'no."

"Kahit si Denni?" seryosong tanong ko.

May kalalagyan siya sa 'kin kapag hindi nagin maayos ang sagot niya.

"Oo. Pero normal na sa 'kin kapag sinasabi niya 'yon. It doesn't feel like this, like what you did to me. I cried out of happiness, Scent. Anong ginawa mo sa 'kin?"

Armil took my hand and planted a kiss on them. Malamlam ang mga mata nito habang nakatingin sa 'kin.

"Hinding-hindi kita papakawalan, Colina. Kakalabanin ko ang kahit ano, kahit na ang sarili kong mundo. Dito ka lang sa 'kin, maliwanag ba? Huwag mo akong iiwan. Ako bida dito," biro niya.

Natatawang tumango ako. "Tumayo ka na nga riyan. Halika, mag-picture tayong dalawa."

Gamit ang cellphone niya ay nag-picture kami. Maraming-marami. Inaamin ko, mahal na mahal ko na si Armil. Gusto ko siyang makasama hanggang sa kung kailan kami balak paghiwalayin ng tadhana.

I took candid pictures of him using my phone. Kahit saang anggulo ay ang gwapo nito. Pag-uwi ay hinatid niya ako at gamit namin ang bike niya. Naka-angkas ako sa likod hawak ang basket at blanket na ginamit namin kanina. I scrolled through the photos in my phone and sent it all to him using airdrop. Nasa akin naman ang phone niya.

"Kumapit ka nga sa 'kin. Kanina pa ako nine-nerbyos sa 'yo, Colina."

Mahinang natawa ako. "Hindi ka naman mabilis magpatakbo ah, ayos lang ako dito sa likod. As if hahayaan mo akong malaglag."

"Hindi nga, but it's better to be safe than sorry. Kumapit ka ng mahigpit sa 'kin."

"Oo na po."

Kumapit ako sa suot niyang polo shirt, more like yumakap.

"Armil."

"Hm?"

"Ikaw pa rin ang pipiliin. Ikaw pa rin ang hahanapin," I whispered.

Si Armil ang pahinga. Si Armil ang mamahalin. I want him to be my first and last. Ikaw pa rin, sinta.

"Scent."

"Yes?"

"Ikaw lang ang nais."

Pagdating sa bahay ay sinalubong ako ni Mama at Papa sa gate. It turns out Armil texted them that we're going home. I bid goodbye to him and my parents thanked him for bringing me home safe and sound. Tinanong ako ni Mama kung nag-enjoy ba kami na agad ko rin namang sinagot ng oo. Ikinatuwa ni Mama ang bagay na 'yon. Siya rin kasi ang nag-bake ng mga kinain namin ni Armil kanina. Bagay daw kaming dalawa pero kailangan pa ring mag-ingat at maging responsable sa mga bagay-bagay.

As soon as I finished bathing myself, I turned on my phone and received a message from my suitor slash mahal. 

Armil: Already posted all of your photos. I feel proud. Thanks for letting me, Scent. I feel so pampered. 

Armil: Nga pala

Armil: Iniibig kita.

*****

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top