Chapter 14
Scent's Point Of View
Nagising ako hindi dahil sa sinag ng araw galing sa bintana. I woke up because of the noise outside my room. May nagsisigawan. Halatang si Mama at si Papa. Boses pa lang.
"Masama bang tumulong sa kapwa?" boses 'yon ni Papa.
"Anong tumulong? Mamumulubi tayo diyan sa ginagawa mo!"
Napakamot ako sa batok at bumaba.
"Ma, Pa. What's with the noise?" I gently asked.
"Ask your father," irap ni Mama.
Ngayon alam ko na kung kanino ako nagmana sa pagiging maldita.
"Mr. Garcia borrowed 1.2 million pesos for personal purpose."
Natahimik ako at mayamaya pa ay nasamid sa sariling laway.
"Pa! Isang milyon?! Seryoso ka ba?! Don't tell me pinahiram mo?!" pinaningkitan ko siya ng mata.
"Sorry, nak, pinahiram ko."
My knees went jelly. Papa owns a residential real-estate pero hindi biro ang isang milyon.
"Pa! Paano kung takbuhan tayo no'n?" singhal ko.
"Hindi. Babayaran niya tayo buwan-buwan. His monthly payment is thirty-one thousand on a five-year mortgage."
Thirty-one thousand multiplied by twelve for twelve months and multiplied again by five for five years. The total amount is one million, eight-hundred, and sixty thousand. Total amount subtract to amount of mortgage. One million, eight-hundred, sixty thousand minus 1.2 million. So, the total interest is six-hundred sixty thousand.
"May kasunduan kayo?" I asked.
"Yes, in front of some lawyers. Relax, you two."
Sumimangot ako at sinamaan ng tingin si Papa.
"Hindi mo nga ako binibigyan ng pera tapos isang milyon nagpapahiram ka sa iba. How could you, Pa."
"Hindi ka ba papasok ngayon?" sa halip ay tanong nito.
Napatingin ako sa wall clock at automatikong nanlaki ang mga mata.
"Hindi ka na makakapasok sa school ng ganitong oras. Mamayang hapon ka na pumasok," sabi ni Mama.
What am I gonna do then?
"Sasama ka sa 'kin. We're going to your Auntie's house."
"Anong gagawin natin do'n, Ma?" tanong ko.
"No more questions. Pumanhik ka na sa itaas at mag-ayos. May laway ka pa sa pisngi mo. And you," dinuro ni Mama si Papa.
"Dito ka sa sala matutulog for one week."
Nalukot ang mukha ni Papa. Pag-alis ni Mama ay agad rin itong sinundan ni Papa. I snickered and went back to my room. I cleaned my bed and arrange everything. Matapos ay ako naman ang nag-ayos. Hindi rin nagtagal ay tinawag ako ni Mama.
"Hindi pa rin kayo bati?" pabulong na tanong ko kay Papa habang naglalakad kami palabas.
"Hindi," umiling si Papa.
"Naaawa lang naman ako doon sa tao. His wife is in the hospital," dagdag niya.
"Sinabi mo ba kay Mama?"
Umiling si Papa. Napahawak ako sa noo.
"Sabihin mo kasi kung anong purpose at pinahiram mo ng pera 'yong tao."
"Gano'n ba 'yon? Common sense na 'yon 'di ba?"
Napatampal ulit ako sa noo dahil sa sinabi ni Papa. Bagay na bagay talaga silang dalawa. Complicated.
"Be good to your cousin, Zethadel Scendra," paalala ni Mama.
Napangisi ako. May payat na anak na lalaki ang Auntie ko. We're not playmates, we are enemies. Well, for me. Ako kasi ang umaaway do'n. Dati pa naman 'yon. Matured na ako ngayon. Lumaki naman akong mabait at maganda kaya tabi, ako na.
"Ito na ba si Scent? Ay kagandang bata. May nobyo ka na ano?"
Typical 'kamag-anak'. Iyon agad ang salubong sa 'kin ni Auntie. Medyo matagal rin no'ng huling kita namin. And yes, lumaki akong dyosa.
"Wala po. Magkakaroon pa lang," sagot ko.
Pinandilatan ako ni Mama. Ngumuso ako at nanahimik na lang sa tabi. Ano namang gagawin ko?
"Nasa taas si Doblenn. Mamaya pa 'yon pupunta sa school, nine AM kasi ang pasok no'n," kwento ni Auntie.
Hindi ako umimik at nag-cellphone na lang. Kausap ko si Apple, tinatanong kung bakit absent ako.
"Doblenn! Bumaba ka rito!"
Maski ako ay nagulat sa biglaang sigaw ni Auntie.
"Pasensya na, Scent anak," tumawa si Auntie.
Sinabayan ko lang ito sa pagtawa. Mayamaya pa ay nakita ko si Doblenn na pababa ng hagdanan at magulo ang buhok. Hindi na siya payatot at dugyot tignan. Glow up. Walang glow up na nangyari sa 'kin, never naman akong naging pangit.
"Hi, Dobby!" magiliw na sabi ko.
Nanlaki ang mata nito pagkakita sa 'kin. Overreacting, I see.
"Scent," he seem disappointed.
"What's with the face? Aren't you glad to see me?"
Tumayo ako at lumapit sa kaniya. Mas matangkad na ito sa 'kin. Sobrang tangkad na parang isang basketball player. Medyo may kalakihan rin ang pangangatawan.
"I will never be."
Pabirong sinapak ko ang balikat niya.
"I like your jokes. Anyway, saan ka nag-aaral?"
Hinila ko siya papunta sa pool ng bahay nila. Bahagyang nagulat ako ng maglagay ito ng kendi sa palad ko.
"Diyan lang... sa malapit," sagot niya.
Umupo ako sa recliner at siya naman sa kabila. Walang kapatid si Doblenn. Only child din katulad ko.
"Kailan periodical niyo?" biglaang tanong nito.
"Hindi ko alam. Wala pa namang announcement 'yong principal namin. Bakit? May exam na kayo?" tanong ko.
"Next week."
Baka next week na rin sa 'min. Sabay-sabay naman siguro lahat. O minsan may nauuna, may nahuhuli. Nang magtanghali na ay umuwi rin kami. Saka ko lang napansin na hawak ko pa pala iyong kendi na bigay niya. Napailing ako at binuksan iyon 'saka kinain. Pagdating sa bahay ay wala akong sinayang na oras at diretso higa sa kama ang unang ginawa. I'm not fond of long rides.
"Zethadel Scendra! May naghahanap sa 'yo!"
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa sigaw na 'yon. Nagmamadali akong bumaba at natagpuan sila sa sala.
"Scent! Bakit absent ka?" bungad ni Apple sa 'kin.
"Anong ginagawa niyo dito? 'Tsaka, papasok naman ako mamaya," sagot ko.
"Actually, sinamahan lang namin si Armil. Baka kasi magalit ang Mama at Papa mo kapag pumunta siya dito mag-isa. At least that's what he believes," bulong niya kasabay ng pagnguso niya kay Armil.
Tumikhim ako. "Na-late lang ako ng gising kanina kaya hindi na ako pumasok. Papasok naman ako mamayang hapon, hindi na sana kayo pumunta dito."
"I was worried."
Napalingon ako kay Papa. Wala sa 'min ang atensyon niya, nasa cellphone at naka-headset rin.
"So blunt, De Luna," sabat ni Jun.
"Sorry," he apologized.
"Hihintayin niyo pa ba ako o mauuna na kayo sa school?" tanong ko.
Nagkatinginan silang tatlo.
"Hintayin ka na namin," sagot ni Armil.
"Oo, tapos kay Armil ka sasakay," tango ni Apple.
"In that case, dito kayo kakain."
Pinasunod ko silang tatlo sa kusina. Nasa kusina na si Mama at hinahanda ang kakainin ko.
"Armil," mahinang tawag ko.
Nahuhuli kaming dalawa at nauuna si Apple at Jun sa 'min.
"Hm?" he hummed.
"I think..."
"What is it?" he warmly asked.
"I think you need to wake up."
*****
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top