Chapter 13

Scent's Point Of View

Nang matapos ang klase ay tumakbo ako palabas ng room. Bibili kasi ako ng pagkain at inumin para kay Armil. Bayad na rin sa ginawa niya sa 'kin kanina.

Armil is the bad boy and pa-cool type. Kung unang kita mo pa lang sa kaniya, masasabi mo agad na barumbado, mahilig sa away, at maangas. Sa hairstyle pa lang nito na two block haircut. Syempre, biro lang. Kung tutuusin kasi, ang tino tignan ni Armil. Parang strict professor talaga ang datingan. Ang gwapo. 

"Kaya pala nagtatakbo kanina. Gutom na gutom, Colina?"

Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Amos. I was too focused in ordering the food. 

"Imbento," irap ko.

"Wow. Ako pa naging imbento eh kitang-kita naman ang ebidensya," mahinang natawa ito.

Sinamaan ko siya ng tingin at kinuha ang order ko na nakalagay sa plastic. Hindi ko alam kung anong favorite food ni Armil pero sure ako na paborito niyang inumin ay gatorade. Palagi ko kasing nakikita na umiinom ng gano'n kahit saan. 

I seek for Armil anywhere but there was no trace of him. Kung kailan namang hinahanap natin, saka naman wala. Kapag hindi ko hinahanap, present na present.

"Sinong hinahanap mo? Si Armil ba? Papunta sa gym 'yon kanina."

Nasa harap ko na naman ang mukha ni Amos. Honestly, never naging pangit si Amos sa paningin ko. He has this softy features. Naka-curly hair at nakadepina talaga ang panga dahil na rin sa buhok. Isa pa 'tong biniyayaan eh. Lord, anak mo rin naman po ako.

"Thanks."

Dala ang pagkain para kay Armil ay nagpunta ako sa gym. May iilang cheerleaders pa akong nakita, isa sa kanila ay nakasuot ng cheerleading uniform. Itim na top na may stripes na puti at pula 'saka maikling itim na skirt na may maliit na slit sa right leg.

May isa sa kanila na outstanding at sobrang ganda. Ang ganda rin ng katawan, nakaka-insecure. Maliit ang mukha at mukhang doll. 

"Excuse me, pwede magtanong?"

"Girls, line up!" sigaw nito at bumaling sa 'kin. "Of course, what is it?"

"Nagpunta ba dito si Armil?" tanong ko.

"Oh, my God! I know you. You're quite popular, miss Music club president. I'm Roxanne, by the way," she extended her hand in front of me.

"Zethadel Scendra, everyone calls me Scent or Colina."

"I know. Anyway, nasa backstage si Armil. He's with Denni. May pinag-uusapan yata. Puntahan mo nalang. You go girl!" she winked.

Huh? Si Denni?

"Thank you."

Nagmamadaling pumunta ako sa backstage. Pumasok ako sa pintuan na nasa backstage. Dressing room pala dito. Maraming kwarto na may malalaking salamin. Not too long, I heard murmuring. Dinala ako ng mga paa ko sa isa sa mga dressing room na nakaawang ang pinto. I peeked inside and found Armil sitting on a wooden chair. 

"I heard you're into someone already?"

"Yes," Armil answered in a serious tone.

"Wow. I'm glad you've moved on already."

"Yeah, I hope you did too."

Hindi ko man nakikita kung sinong kausap ni Armil ay alam kong si Dennielle 'yon. Soft soothing voice? Yes, definitely her.

"Not yet, but I'm healing."

"Dennielle..." Armil breathe heavily.

"No need to be guilty, Armil. Ako 'yong nang-iwan, 'di ba?"

Dennielle's voice cracked. As if she is in deep pain. I silently moved to the side and rested my back on the cold wall. Mukha akong marites. Dapat hindi ako nakikinig sa pinag-uusapan nila, pero kailangan ko 'tong ibigay kay Armil. Ibig sabihin, kailangan ko ring maghintay.

Well, I can't just barged inside just to give this to him. Inappropriate. I unconsciously touched my chest. My heart is beating so fast. So fast that it hurts.

"I somewhat regretted it. Hanggang ngayon tinatanong ko pa rin ang sarili ko. Kung hindi ba ako umalis, tayo pa rin hanggang ngayon?" she chuckled.

"Probably not," Armil answered.

"What do you mean?" pasinghal na tanong ni Dennielle.

"Be practical, Denni. Stop dreaming things. We were messed up in the first place. You made it for clout and I agreed. Stop acting like you cared for that so called fucking relationship."

"What are you talking about? Hindi mo ba ramdam? I loved you. I did. I cared for you. I treated you well. I did everything for you. Even bought you expensive gifts. What's wrong with you?"

"It was all a play. How could you forget? You were the script writer."

"I am into someone right now, Denni. And losing her isn't part of my plans. Hindi ko pa nga nakukuha, mawawala na sa 'kin. Kapag nakuha ko, hindi ko pakakawalan. If you try to get on my way, I suggest you don't," Armill added.

Dennielle gasped. My breathe hitched.  I decided to walk away quietly. Bukas ko nalang siguro ibibigay 'to. I mean, may private talk kasi sila. Private, ibig sabihin hindi ako kasali.

Paglabas ay nakita ko sila Roxanne na nagp-practice. When I was a kid, one of my dreams is to be a cheerleader. Ngayong nakikita ko na sila na binabato sa ere, umaatras na 'yong atay ko.

"Did you found them?" lumapit si Roxanne sa 'kin.

"Hindi. Naligaw nga ako sa dami ng kwarto do'n. Tinamad ako kaya umalis nalang ako."

That reason didn't please Roxanne. Kumibot ang labi nito.

"Okay. Uuwi ka na?"

"Oo. I'm sure nasa labas na si Papa. Kayo?"

"Haanggang seven PM ang practice namin."

"Ah, ingat nalang sa pag-uwi. Mauna na ako," paalam ko na tinanguan naman nito.

Nakatungo lang ako habang naglalakad. Iniisip rin 'yong sinabi ni Armil kanina. Complicated. 

"Colina, mababangga ka na."

"Hu— aray!"

Bumagsak 'yong plastic na dala ko. Napakamot ako sa noo. Napasama 'yong pagbangga ko sa bulletin. Ang tanga naman.

"Lutang ah. May nangyari ba?"

Nasa harap ko si Jun na kasama si Shaila, isa sa mga kaklase ko. Ngayon ko lang na-realize na may kaniya-kaniya talagang ganda 'yong mga kaklase ko. Just like Shaila. Hindi siya mahilig maglagay ng make up pero nakaka-attract 'yong ganda. Astigin rin gumalaw pero hindi no'n naaapektuhan ang ganda niya.

"Bakit nandito pa kayo?" tanong ko nalang.

"Iniiwasan mo 'yong tanong," sabi ni Shaila.

"Wala naman. May iniisip lang. Fictional things," pekeng ngumiti ako.

"Pauwi na rin kami, may binabalik lang sa faculty room," sagot ni Jun sa tanong ko.

"Si Apple?"

"Nasa canteen, kumakain," sagot niya.

"Ah, sige, una na ako. Bye."

Iyon na 'yon. Nilayasan ko sila. Pagdating sa labas ng gate ay wala pa si Papa. Minsan gusto ko ring batukan si Papa. 

"Hi, tangi."

Umawang ang labi ko ng mayamaya pa ay may tumabi sa 'kin na isang stupid creature.

"Akala ko umuwi ka na?"

There's a sly smile plastered in his lips. He grinned and patted my head.

"Kunyari ka pa. Sinabi ni Roxanne pinuntahan mo daw ako sa gym kanina kaso hindi mo ako nakita."

"Kapal mo," irap ko.

"Gusto kita talaga, Zethadel Scendra."

Armil pulled me close. He rested his head on my shoulder.

"I will always be into you. Love doesn't know time. There are days, I wake up and I feel like... missing you."

I stayed silent. Unable to speak to be exact. He held my hand and put it in his chest. 

"Feel it, Colina. It's beating so fast and you're the reason. Nakakatanggal ng angas. Self-proclaimed naman ako kaya ayos lang. Basta sa 'yo. Ikaw 'yan eh. Tinatangi ko."

*****





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top