Chapter 12

Scent's Point Of View

Pagpasok ko sa room ay nagkakagulong estudyante ang nadatnan ko. May kaniya-kaniyang grupo ang bawat isa at may kaniya-kaniya ring ingay.

"Ginagawa niyo?" kulbit ko kay Mykee.

"Nagp-plano pa'no sumali sa frat para abangan ang mga bida-bida nating kaklase," sagot ni Mykee.

"May reporting si Armil ngayon," kulbit ni Alyssa sa 'kin.

Oo nga pala. Kaya niya 'yan, siya pa eh makapal ang mukha no'n.

Habang nakaupo ay dumating si Armil. May dalang laptop at bag sa likod. His hair is wet and his glasses is also present. 

"Good morning," he horsely greeted.

"Morning," I greeted back.

"Here."

May nilapag itong mogu-mogu, coke in can at iilang oreo sa desk ko. Nag-angat ako ng tingin.

"Para saan?"

"Snack. May dutch mill ako sa bag, may chuckie, yogu, at chocolait," ngumiti siya at nilapit ang mukha sa 'kin.

"Lumayo ka nga," nababanas kong sabi.

"Wow, binili mo ba buong paninda nila, De Luna?" dumating si Mykee.

"Pretty. Tinubuan ka ng skin care 'no?" he smirked and pulled away.

"Imbento kang gago ka," irap ko.

"Sige, huwag niyo ako pansinin. Sino nga ba naman ako," nagd-dramang sabi ni Mykee at umalis.

Armil sat next to me and stretched his arms to the back of my chair.

"Akin lahat?" tanong ko.

"Oo. Angkinin mo na rin ako," tumatawang tango niya.

"Pass. Inumin ko 'to ah?" turo ko sa coke in can.

Kukunin ko na sana 'yon nang mabilis na hinawakan ni Armil 'yong coke at nilayo sa 'kin. I groaned and glared at him. Akala ko ba akin?

"Maliban dito, bawal. 'Yan nalang inumin mo. Sandali, kukunin ko 'yong iba."

He stood up and went to his seat. Sa simpleng paganiyan ni Armil, hindi ko alam kung ligtas pa ba 'tong puso ko. Kinikilig talaga ako, bwesit. Nagsisimula na rin akong mag-overthink dahil sa taong 'to. Only he can make me think deeply.

"Ito. Bagay sa 'yo. This one here is unhealthy for you," turo niya sa bitbit na coke.

"Tapos safe sa 'yo?" pabalang kong tanong.

He grinned and nodded. He put his arms back to where it was and gulped the coke he is holding. Wala sa sariling napabaling ako sa kaniya. I got puzzled as I watch his adam's apple move up and down as he gulp. Shit! Ang hot.

"I like how you stare at me like that. I feel like the most handsome man on Earth."

Nagising ang diwa ko at sinamaan siya ng tingin. Binuksan ko 'yong oreo at kinain. Bwesit. Gwapo nga, tarantado naman. Pero kinikilig talaga ako sa kaniya. Ano ba!

"Set up mo na lahat, Armil. Magsisimula na klase, ang harot ah," tumabi si Alexandra sa 'kin.

Armil stared at me for a couple of seconds before finally standing. Alyssa went to my side, to where Armil was sitting awhile ago.

"Pahingi," Alyssa extended her palms.

"Kuha ka lang diyan."

"Swerte mo kapag si Armil magiging boyfriend mo. Matalino, gwapo, may kaya sa buhay, kaya kang pagsilbihan, kayang bilhin ang lahat ng gusto mo. Higit sa lahat, daks," litanya ni Alyssa.

"Bastos. Makinig ka na nga lang, dami mong alam," pigil tawang ani ko.

Daks daw? Natatawa na naman ako. Parang hinahalukay na 'yong loob ng tiyan ko kakapigil ng tawa. Totoo nga ba?

Nagsimula na si Armil sa reporting niya. Honestly, Armil is a good public speaker. Papasa talagang teacher. He explains the topic in a very detailed way.

"Colina."

Napatayo ako nang tawagin niya ako. He stood straight with a sly smirk in his lips. He adjusted his eyeglass.

"Why do you think freedom is nothing without the society?" he asked.

Natuod ako at kalaunan ay napangiti rin. We were talking about this when he invited me for lunch the other day.

"Because there's no such thing as freedom if there's no society. Freedom is known because of society," I confidently answered with a wide smile.

Napangiti si Armil sa sagot ko at napailing. He's making this easy for me. Ni-revise niya na sa 'kin ang topic niya ngayon.

"Right. Correct."

Nagpatuloy si Armil sa discussion at ako naman ay malaki ang ngiti sa labi habang nakikinig. Alam kong sinadya niyang i-revise sa 'kin ang reporting niya ngayon kasi planado niya na ang tawagin ako. Small things, small gestures, large impact. A man who cares for his studies. So rare.

"Thank you," I simply said as I help him clean the table after his reporting.

"Hm? For what?"

"Dahil sa ginawa mong advance discussion sa 'kin. I learned something in advance and was able to answer your question."

"Of course. Uunahin kita sa lahat ng bagay. Handa kong ibigay lahat sa 'yo, Scent. Handa ko ring iwan ang lahat makuha lang kita."

Napalingon ako sa papalyong bulto nito. Pinakiramdaman ko ang puso ko at sobrang lakas ng kabog nito. Para akong kinakabahan na hindi mapakali.

"Tara canteen," dumating si Apple at humawak sa braso ko.

"Sama ako!" sigaw ni Antonia Margaret.

Sabay kaming tatlo na lumabas at dumiretso sa canteen. Habang kumakain ay may namataan ako sa labas. Bagong mukha.

"Sino 'yan?" nahihiwagaang tanong ko.

"That's Denni, the former club representative," sagot ni Apple.

She's so pretty and also intimidating. She even have this hourglass body. Malaki ang hinaharap at balingkinitan ang katawan.

"Ngayon ko lang siya nakita? Ibang section?" tanong ko.

Nakikita ko naman 'yong mga tiga-ibang section kasi sa iisang canteen lang din naman kami bumibili lahat. First time ko talaga nakita 'to eh.

"Hindi. Ibang school. Hi, Deni!" Antonia Margaret waved.

"Oh my, Marga! How are you?" she smiled and I felt uneasy.

"I'm doing good. Ikaw? Buti naman at napabisita ka."

"Yes. Na-miss ko lang ang dating school ko. Hi, Apple!" bati niya kay Apple.

Apple simply smiled and just waved.

"Ano nga pa lang ginagawa mo dito?" tanong ni Antonia Margaret.

"Just visiting. Pupuntahan ko rin si Roxanne. And you know, maybe..." pinaglapit niya ang dalawang pointer finger niya at makahulugang ngumiti kay Antonia Margaret.

"That's a bad idea, Denni," iling ni Apple.

"No, it's not. Wala namang masama. I have to go na, talk to you later na lang. Bye!" she waved.

Napahinga ng maluwag si Apple at lumingon sa 'kin.

"What do you feel?" she asked.

"W-wala naman, bakit?" tanong ko.

"Tell us the truth. 'Yong totoo. Anong naramdaman mo kanina paglapit ni Dennielle?" tanong niya ulit.

So, Dennielle is her real name. Even the name sounds so classy.

"Intimidated, scared, uneasy. Kinakabahan din," amin ko.

"Girl, I suggest you trust your instincts," hinawakan ni Antonia Margaret ang kamay ko.

"Ano? Bakit?" naguguluhang tanong ko.

"Just trust your instincts."

"Huwag muna tayong praning, bumisita lang naman," sabi ni Antonia Margaret.

"Parang tanga naman kayong dalawa," pilit ang tawa na sabi ko.

"Dennielle is Armil's ex-lover and Amos' first love," Apple blurted and my mind went blank.

*****

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top