Chapter 10
Scent's Point Of View
"Hi po, Ate Scent!"
"Hi, Ate. Good morning po."
"Morning po, Ate Scent."
Panay ang kaway at bati sa 'kin ng mga estudyante. Mostly junior high students. Pagpasok ko pa lang sa gate kanina nagsikawayan na sila sa 'kin. Nakakataba ng puso.
"Morning, Scented Candle!" bati ni Mykee.
"Hi, Mykes. Ang weird. Bakit binabati nila ako?" tanong ko at nilapag ang bag sa upuan.
"Huwag ka na magtaka, mhie. Lahat ng current and new members ng bawat club may ganiyan talaga. Lalo na 'yong mga officers ng school," sagot ni Alyssa.
Gano'n? Special treatment? So, ano? Magf-feeling famous na ba ako nito? Hm.
"Anong ginagawa nila? Ano 'yan?" pansin ko.
Nagkukumpulan sa harap ang mga kaklase ko. Nagkakagulo actually. They were arguing with something.
"Sodoku. Nagkakagulo sila, mga bobo kasi," Christine hissed.
"Puro numbers, hindi ko ma-gets," nakakunot ang noo na sabi ko.
Bobo talaga ako when it comes to numbers. Pero kung sukli 'yan, hindi mo ako maiisahan.
"Mahirap talaga 'yan. Hindi ko nga alam ba't nila nilalaro 'yan," irap ni Mykee.
"Si Apple? Saan si Apple?" tanong ko.
"Council's yata. Hindi mo mapapaghiwalay ang dalawang 'yon. Kung nasaan si Apple, nando'n si Jun. Kung nasaan si Jun, nando'n si Apple," litanya ni Aly.
Hindi ko alam kung normal ba 'yon o ano. Sa tingin ko normal 'yon sa mga may boyfriend o girlfriend.
"Hindi ka pa nagkaka-boyfriend, Scent?" tanong ni Alexandra.
"Hindi pa."
"Saang lungga ka ba nagtatago?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"Bakit? Required ba?"
"Hindi naman. Pero normal na kasi 'yan sa panahon ngayon," pilit niya.
"Paanong normal? Abnormal ako gano'n?"
Nagkatinginan silang lahat at sabay-sabay napahagikhik. Parang mga tanga.
"Hindi! Ganito kasi 'yan. Kahit 'yong mga grade seven students ngayon may tig-iisa o tigd-dalawang ex tapos ikaw wala pa kahit isa. Kahit nga elementary students nag-e-emo na sa social media eh."
I know that.
"Alam ko. 'Tsaka, may crush naman ako eh. Counted 'yon," nakangusong sabi ko.
Totoo. May crush ako. 'Yong tipong 'pag nakikita mo siya, tumitigil 'yong mundo mo. Kidding. Paghanga ay paghanga. Nothing more, nothing less.
"Sino?"
Natuod ako sa kinauupuan ko nang may bumulong sa tainga ko. Shit! 'Yong puso ko.
"I'm asking you, Colina. Sino?" he firmly asked.
"Girl's talk, Armil. Alis ka nga," naiinis na turan ni Alexandra.
"No. Not until she tells me who the heck is her crush."
"Eh bakit ka nagagalit? Crush in tagalog is paghanga. Vice President ka pa man din, Armil De Luna," Christine hissed.
"Wala sa posisyon 'yan. Ang gusto kong malaman ay kung sino ang hinahangaan mo, Scendra. Gusto ko lang malaman," he huskily said.
I stayed still and silent. I'm out of breath. Kanina pa ako hindi humihinga. Nakaka-intimidate bigla ang aura ni Armil. What the hell.
"Huminga ka, Zethadel Scendra. Hinga," he softly caressed my back that made me more nervous.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga nang hindi inaasahan. Agad na nag-init ang aking batok at napayuko.
"Care to tell me who the fuck that motherfucker is? Gusto ko lang naman malaman, bakit ayaw mong sabihin?"
Armil sat next to mine. Wala pang nakaupo kasi wala pa naman masyadong estudyante. Naramdaman ko agad ang panlalamig ng kamay ko.
"Why are you so nervous? Hindi ka naman ganito dati kapag tinatabihan kita," he whispered.
Tanga ba siya? Nakalimutan niya bang umamin siya sa 'kin? Ofcourse, mag-iiba talaga ang tingin at pakikitungo ko sa kaniya. My God!
"Okay. We're out of here. Bahala kayo diyan."
Isa-isa silang nagsi-alisan. I was left with Armil.
"Ano bang ginagawa mo?" naiinis kong tanong.
"What?" he innocently asked.
"Umalis ka nga dito!"
"Ikinakahiya mo ba ako, ha, Scent?" may halong inis sa boses nito.
I crossed my arms and raise my brows.
"Wala akong sinabi. Napaka-assuming mo."
"Sino ba kasi 'yang crush mo na 'yan?"
"Gago. Hindi ba importante 'yon. Paghanga nga lang."
"Importante 'yon sa 'kin."
Sinamaan ko siya ng tingin. He rested his face on the desk, facing me. May ngiti ito sa labi at ang isang kamay ay nilalaro ang buhok ko.
"Si Amos. Mapilit ka eh, ayan. Si Amos 'yong crush ko," amin ko.
Though, it's not him. I would never. Celebrity crush lang ang mayroon ako.
Natigil siya saglit at bahagyang napangisi.
"Hm. Finally. May rason na ako para suntukin ang isang 'yon," he darkly said with a creepy smile.
"Tanga. Biro lang. Hindi ko crush si Amos. Celebrity crush lang ang mayroon ako 'no. 'Tsaka ano bang problema mo kay Amos?"
Umayos siya ng upo at nag-inat. He reached for his bag and opened the zipper. Kinalkal niya iyon ng kinalkal na parang wala nang bukas. Kidding.
"Naiinis lang ako sa kaniya," simpleng sagot nito.
Naglagay ito ng tatlong chuckie sa desk ko. Nilagyan ng straw ang isa at itinapat sa bibig ko.
"Drink."
Kinagat ko iyong straw at sinipsip. The taste of the chuckie lingered in my mouth. Parang milo.
"Naiinis ka kasi?"
"Naiinis lang."
"Huwag mo siyang susuntukin, Armil. Amos is nice, he didn't do anything to you. Gago 'to."
A pleasing smile appeared in his lips. He touched my hair. Sinakop ng malaki niyang kamay ang buhok ko.
"Kanina mo pa ako minumura," nakangiting sabi nito.
"True. Naiinis kasi ako sa 'yo."
He shrugged and hummed. Bahagyang nagulat ako ng gamit ang isang kamay ay may kinuha ito sa bulsa ng pantalon. It was a hair tie. He tied my hair into a bun. Mas lalo akong na shookt nang maglabas ito ng suklay at sinuklay ang buhok ko.
"D-dinala mo talaga 'yan lahat?" gulat kong tanong.
"I was in the mall. I saw this and thought of you. Binili ko. Dadalhin ko na 'to araw-araw. I will do your hair everyday."
"Abnormal," I murmured with a smile.
Wala na. Napapangiti na ako.
Lunch came and I didn't get to see Apple. Hindi siya pumasok.
"Lunch na, Scented Candle," untag ni Mykee sa 'kin.
"Sige, go. Hihintayin ko lang si Apple," iling ko.
"Nag-lunch na 'yon kasama 'yong boyfriend niya," sabat ni Antonia Margaret.
Gano'n? Okay.
"Sa canteen na ako kakain."
Tumayo ako at nag-inat. Nakakapagod din ilang oras na pag-upo. Hindi kasi ako nag-recess kanina, ininom ko lang 'yong chuckie na bigay ni Armil.
Lumabas ako na walang kasama. Sa room kasi sila kakain. Pagpasok sa canteen ay medyo marami ng tao. Umupo muna ako sa tabi, ayoko makipagsiksikan.
"Colina?"
Nag-angat ako ng tingin. Amos was standing not so far from me. May dalang tray na may pagkain.
"Ako nga."
"Dito ka kakain? Akala ko sasamahan mo si De Luna."
"Issue ka."
"Anong issue? Trending na kaya kayo. Umabot na nga kayo sa page ng school."
Binundol ng kaba at bigla ang dibdib ko. Binuksan ko agad ang cellphone at nilagay sa search bar ang page ng school. Napaawang ang labi ko ng makitang naka-post na lahat ng pictures na kinunan sa auditorium.
"No way," hindi makapaniwalang bulong ko.
"Yes way. Um-order ka na, wala na masyadong estudyante sa counter."
Tumango ako at tumayo. Iniwan ko sa mesa ang bag at cellphone ko. Wala naman sigurong magtatangkang magnakaw no'n, mayayaman naman sila dito. Char!
"Slow cooker turkey chili and grilled pork salad with strawberries, please," I ordered.
"Drinks, Miss?"
"Coke nalang po, medium size. Thank you."
Pagkakuha ng order ay nagbayad ako. Bumalik ako sa upuan at nando'n pa rin si Amos. Actually, nakaupo na siya.
"Wow. Gusto mo rin pala ng pork salad na may strawberries," sorpresang sabi ni Amos pagkaupo ko.
"Bakit?" blankong tanong ko.
"Wala naman. May naalala lang ako," ngiti niya.
"Sino? Girlfriend mo?"
"Hindi. Hindi akin. Akin sana kaso hindi pinalad," nakangiti pa rin ito pero may lungkot sa mga mata.
"Cheer up."
Tumawa lang si Amos sa sinabi ko. Naunang matapos si Amos sa 'kin, nagmamadali daw siya kasi wala siyang assignment, manghihingi pa siya ng sagot sa mga kaklase namin. Matapos kumain ay naglakad-lakad muna ako. Tulad kaninang umaga ay may bumabati pa rin sa 'kin.
Sa hindi kalayuan ay nakita ko si Armil na may kausap na mga estudyante na may hinuhukay sa lupa. I sat to the nearest bench and stared at him. Grabe. Ayaw ko man aminin pero ang gwapo niya. My heart tightened when he pulled his sleeves up to his elbow and helped the students. He grab the shovel and started digging the dirt. Anong ginagawa nila?
"Hi po, Ate Scent."
"Hello," I waved back with a smile.
Pagbalik ko ng tingin kay Armil ay sa 'kin na ito nakatingin. A smile was plastered in his lips while staring at me. The hell, ano ba talaga status namin? Hindi naman siya nanliligaw, hindi niya sinabi.
Ay! Naguguluhan ako. Mahal niya lang ako, gano'n? 'Tsaka ano bang mayro'n sa 'kin bakit niya ako minahal? Kaunting panahon niya lang naman ako nakilala, my God. Ayaw ko magpaligaw, itatakwil ako ni Mama. I don't want to lie. I don't want to be a liar.
"Hey."
Nag-angat ako ng tingin kay Armil na nasa harap ko na pala. Seryoso ang mukha nito pero may nakapaskil na ngisi sa labi.
"H-hi," kinakabahang bati ko.
Wala sa sariling napahawak ako sa dibdib ko. Lakas ng kabog, nakakakaba.
"Are you okay?" he gently asked.
Tumango ako.
"Ang lalim ng iniisip mo kanina. What's up?" Armil sat next to me.
"Wala naman," mahinang sagot ko.
"Nag-lunch ka na?"
"Oo."
Natahimik kami matapos 'yon. Hindi naman awkward, wala lang talaga kami masabi sa isa't isa.
"Armil," I called.
"Hm?"
"Ayoko magpaligaw," I concisely said.
I turned to see his reaction. May ngiti pa rin sa labi niya. Nakatingin lang ito sa kawalan. He turned to me with a sleepy eyes. There was no hint of sadness or disppointment.
"I know."
"How'd you know?"
"I just know."
"Ah," tango ko.
Wala ng umimik pa sa 'min.
"Scent."
"Bakit?"
Hinuli niya ang kamay ko. He placed my hand in his chest. He looked at me directly in the eye. Nakakaliyo ang mga mata niya. It's hypnotizing.
"It's beating too fast, right?"
I nodded.
"Katabi kasi kita. Kinakabahan ako palagi kapag malapit ka," amin niya.
"Bakit ako?" tanong ko.
"Kasi ikaw."
"Sandaling panahon mo lang ako nakilala, Armil. Isa pa, masyado pa tayong mga bata."
"There is no hard-and-fast rule for how long it takes to fall in love. Tama ka, mga bata pa nga tayo. That's why, I'm not forcing you. But I will still adore you."
"Maghihintay ka?"
"Let's grow together separately for now. Pero sisiguraduhin kong sa 'kin ka pa rin mapupunta."
*****
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top