EPISODE 3


Prinsesa Erin

"Bakit niyo ba ito ginagawa sa akin? Isa akong prinsesa isa itong kalapastanganan."

Natatawang napapailing ang dalawang guard dahil sa sinabi ni prinsesa Erin, matapos siya kaladkarin palabas ng building.

"Umuwi na kayo sa bahay niyo," wika pa ng isang security.

"Maganda pa naman ang babae na yon may problema lang sa pag-iisip,"

"Tama ka,"

Napapangiti ang dalawang guard matapos iwanan si prinsesa Erin. Panay ang lingon ni Erin sa palagid at hindi siya makapaniwala sa kaniyang mga nakikita, dahil sa mga nagdaraanan na mga kotse at mga motor at ang mga tao na kakaiba ang pananamit.

"Ano'ng mga bagay na 'yon na umaandar at may mga hugis bilog at umiikot sa ilalim?"

Inosesnteng bigkas ni Erin at naglakad siya papunta kung saan may mga naka-park na mga kotse. Inikutan niya ang kotse at pinagmasdang mabuti.

"Napakakintab at nakikita ko na ang aking sarili dito, ano'ng uri ba itong kagamitan? Ito ba ang bagong naimbento upang manakop ng mga kaharian?"

Mahinnag bigkas ni Erin at lumapit sa bintana, nakita niya ang loob no'n.

"Ano bang klaseng lugar ito?"

"Hoy! Ano'ng ginawa diyan! May balak kang nakawin ang kotse ko!"

Biglang napalingon si Erin dahil sa malakas na boses na 'yon at bahagya siyang natakot dahil sa itsura ng lalaki na napakalaki nang katawan.

"K-kotse?" Sambit ni Erin.

"Maang-maangan ka pa ano ba sa tingin mo diyan? Umalis ka nga diyan saang parada ka ba galing?"

Napakunot noo si Erin dahil naguguluhan siya sa sinabi ng lalaki at humakbang palapit kay Erin yung lalaki at akmang hahawakan siya sa kamay.

"Huwag!" Sigaw ni Erin at napatakbo siya dahil nakaramdam ng takot.

Ilang tao na ang nabungo ni Erin ngunit hindi niya alintana dahil sa takot na may gawing hindi magandang sa kaniya. Hanggang sa mapahinto si Erin dahil napansin niya sa tapat niya sa 'di kalayuan may mga tao roon na naghihintay ng signal para sa kanilang pagtawid. Napalingon si Erin sa kaliwa at kanan niya may mga tao rin at mga naghihintay, binalewala na lang 'yun ni Erin at humakbang na ang paa niya at nagmamadali siyang tumawid ngunit mga nagsigawan ang mga tao dahil sa ginawa niya.

"Ineng nako po!"

"Bumalik ka dito!"

Sunod-sunod ang busina ng mga sasakyan dahil nasa gitna si Erin, hinatatakot naman si Erin dahil sa mga sasakyan na muntik-muntikan na siyang mabunggo. Napaupo si Erin sa semento at napayuko, kaniya-kaniya naman kuhanan ng video at litrato ang mga tao hanggang sa naghintuan na ang sasakyan at naglapitan ang mga tao kay Erin.

"Baka naman wala siya sa tamang pag-iisip?"

"Oo nga pero napakaganda pa namang bata sayang,"

"Tingnan mo ang damit niya akala mo sa mga cartoons na prinsesa."

Tuwang-tuwa ang ilang estudyante habang kinukunan ng litrato si Erin at nagbe-video ang iba naman.

Napaangat ang mukha ni Erin dahil sa kaniyang mga narinig at tiningnan ang mga taong nakapalibot sa kaniya.

"Oo nga para siyang prinsesa na manika,"

"Totoong prinsesa ako,"

Natigilan ang mga tao dahil sa sinabi ni Erin, mga nagkatinginan pa ang iba at matapos mga natawa.

"Ikaw talaga ne, oo na prinsesa ka na kung gusto mo." Natatawang sabi ng ginang kay Erin.

"Ako si prinsesa Erin galing ako sa kaharian ng Ivary,"

Muling nagkatinginan ang iba at muling tumawa at isa-isang nag-alisan.

"Sige beh search ko ang sinasabi mo na kaharian, sige bye." Ngiting-ngiti na sabi ng babae na estudyante na may kasama pa na dalawang babae.

Naiwang hindi makapaniwala si Erin dahil walang naniniawala sa kaniya at pakiramdam niya nag-iisa na talaga siya lalo pa at ibang mundo ang kaniyang napuntahan.

Dahan-dahang naglalakad si Erin sa gilid ng kalsada at nanghihina na siya dahil sa gutom. May nadaanan siyang restaurant at natakam siya sa mga pagkain na nakikita sa mga taong kumakain sa loob ngunit palagi siyang itinataboy ng mga tao.

Ama, ano ba itong nangyayari sa akin? Nasaan ba ako ano bang klaseng lugar ito? Hindi nila ako kilala at pinagtatawanan nila ako.

Mangiyak-ngiyak si Erin na napaupo sa gilid na batuhan dahil sa panghihina at pagdaramdam.

-------

Time Montreal

"Seryoso may babae sa bathtub mo? Paano naman napunta yon doon kung hindi mo dinala?"

"Hindi ko siya dinala doon at isa pa hindi ako nagdadala ng babae sa condo ko." Inis na paliwanag ni Time sa kaibigan na si, Antony.

"Kung ganun paano siya napunta doon? Ano yon hulog ng langit?" Natatawang sabi pa ni, Antony.

Napailing at ininom ng diretso ni Time ang alak na nasa shot glass dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nawala sa isip niya 'yung pangyayari kanina.

"Maganda ba 'yung babae?" Mayamaya'y tanong ni Antony paginom ng alak.

Natigilan naman si Time dahil biglang naalala ang maganda at kumikinang na kagandahan no'ng babae na nakita niya sa bathub.

"Hindi siya maganda," balewalang sagot ni, Time

Tumawa lang si Antony sa sagot niya nasa restobar sila na pag-aari ni Antony, matalik na magkaibigan sila simula no'ng high school pa lamang.

"Prinsesa raw siya sa kaharian ng Ivary," sambit ni Antony sa binabasa na caption sa video na pinapanood.

Napatingin si Time dahil sa sinabi ni Antony dahil muling naalala niya ang paulit-ulit na sinasabi ni Erin na siya ay isang prinsesa.

"Trending agad itong video na 'to, tingnan mo ang ganda pa naman ng babae mukha talaga siyang prinsesa dahil sa suot niya."

Biglang inagaw ni Time ang cellphone kay Antony na kanagulat naman, matamang pinagmasdan ni Time ang video at nakita niyang pinagkakaguluhan si Erin ng maraming tao.

Nakita ni Time ang inosent na mukha ni Erin, nakaramdam siya ng kakaiba sa kaniyang puso. Nilapag niya ang cellphone at naalala ang maliit na korona na binit-bit niya dahil hindi niya na nakita si Erin sa labas.

"Ano naman 'yan?" Takang tanong ni Antony ng makita ang hawak ni Time na korona na gawa sa ginto at may desinyo na diyamante.

"Sa kaniya 'to," mahinang sabi ni Time.

"Alin?" Naguguluhang tanong ni, Antony.

"Yung babae sa video sa kaniya 'tong korona," ani ni Time.

Natigilan naman si Antony dahil sa sinabi ni Time.

"Siya pala 'yung pinag-uusapan natin?"

Marahan na napatango si Time at bigla na lang siyang napatayo naiwan ni Time ang korona sa lamesa. Nagtataka man si Antony dahil sa biglaan na pag-alis  ni Time ay hinayaan na lang niya, kinuha ni Antony ang korona at dinala sa opisina niya dahil baka hanapin ni, Time.

Patingin-tingin sa gilid si Time habang dahan-dahan na nagmamaneho dahil nagbabakasakali na makita niya si Erin.

Bakit ko ba siya hinahanap? Dapat wala na akong pakialam sa kaniya.

Napabuntong hininga si Time dahil sa tinatakbo ng isipan niya at biglang natigilan nang makita niya si Erin na nasa gilid nag-iisa parang basang sisiw dahil sa itsura nito. Laylay na ang mga hibla ng buhok at nanlalagkit na ang pisngi, marumi na rin ang suot niya at ang sapatos na suot 'ay marumi na rin.

Lihim na pinagmamasdan ni Time si Erin , napansin ni Time na pumipikit na ang mata ni Erin kaya mabilis na lumabas ng kotse si Time at nilapitan si Erin, walang anu-ano'y hinubad niya ang coat at pinatong sa balikat ni Erin.

Napatingala si Erin at hindi makapaniwala ng makita ulit si Time, bigla na lang yumakap si Erin kay Time at humagugol ng iyak.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top