EPISODE 2
Time Montreal
Napadilat ang mata ni Time habang nakapikit siya at nagbabad ng katawan sa loob nang bathtub. Dahil sa paulit-ulit na pagtunog nang kaniyang cellphone.
F*ck!
Inis na bulong ni Time sa isipan dahil sa paulit-ulit na tumatawag at nasa isip niya na sana'y di na lang niya dinala ang cellphone. Inabot ang towel na malapit sa kaniya at nagpunas ng kamay, sinilip kung sino ang tumatawag ngunit nasira lalo ang mood niya sa nakitang tumatawag na pangalan sa screen.
What the hell, Cheska?
Inis na nilubog ni Time ang ulo sa tubig dahil sa asar, si Cheska ay modelo at isa lang naman siya sa mga babaeng naghahabol sa kaniya matapos ang isang beses na may nangyari.
She's crazy
Aniya niya habang nakapikit sa ilalim ng tubig at ilang sandali ay inangat niya ang ulo niya. Napahilamos siya at sinuklay ng daliri ang buhok paitaas.
"Nasaan ba ako?"
Napadilat bigla ang mata ni Time dahil sa nagsalita at ganun na lang ang panlalaki ng mata niya dahil sa gulat na makakita nang babae dito mismo sa bathtub niya.
"Sino ka..."
Mahinang sambit ni Erin at pareho silang hindi agad nakapagsalita at biglang tumayo si Time, sindak naman ang makikita sa magandang mukha ni Erin dahil sa nakikita ng dalawa niyang mata ngayon.
Biglang sumigaw si Erin at doon lang natauhan si Time mabilis na kinuha niya ang towel at tinakip sa ibaba niya.
"Who are you? Ano'ng ginawa mo dito? Paano ka nakapasok rito?" Sunod-sunod na tanong ni Time.
"Wendra? Nasaan ka?"
"Evaro! Ilayo niyo ako rito tulungan niyo ako may lalaking gusto akong pagsamantalahan."
Nanlaki naman ang mata ni Time dahil sa sinabi ni Erin.
"Ikaw! Anong pagsasamantalahan ang sinasabi mo? Kilala mo ba kung sino ako!? Paano ka nakapasok dito?"
Natigilan naman si Erin at napaatras sa gilid habang yakap-yakap ang sarili at luhaan. Nagtataka na napatingin siya sa paligid dahil kakaiba ang nakikita niya sa bawat sulok.
"Nasaan ba ako? Anong klaseng lugar ito?"
"Are you crazy?" Inis na sabi ni Time dahil sa naririnig niyang sinasabi ni Erin na parang nagsasalitang mag-isa.
Tumayo naman si Erin at natigilan naman si Time dahil sa bumakat ang magandang katawan ni Erin at napansin niya ang makinang na kagandahan nito lalo na ang kutis at mga bagay na makikinang. Lumakad si Erin at panay ang tingin sa paligid dahil pakiramdam niya nananaginip lamang siya.
"Hindi ito ang lugar na nais kong puntahan nasaan ba ako? Sino ka bang lalaki na..." Napahinto si Erin sa pagsasalita dahil muling napatingin sa dibdib ni Time at ang kalahati ay natatakpan na ng tuwalya.
"Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo mabuti pa umalis ka na wala akong panahon makipaglokohan sa'yo. Isa ka ba sa mga babaeng nakasama ko ng isang araw lamang? Bibigyan kita ng pera para manahimik ka na."
"Napakawalang galang mo! Ganyan mo ba tratuhin ang prinsesang tulad ko? Hindi ko rin maunawaan ang mga sinasabi mo sa akin!" Malakas ang boses na sabi ni Erin.
Hindi naman agad nakasagot si Time dahil sa bigla pero mayamaya lang ay biglang tumawa si Time, napahawak pa siya sa tiyan.
"Bakit ka tumatawa? Pinagtatawanan mo ako? Hindi mo ba alam na ako ang nag-iisang anak ni haring Vazor at reyna Para?"
Mas lalong natawa si Time dahil sa sinasabi ni Erin dahil tuwang-tuwa si Time sa mga pinagsasabi ni Erin dahil sa seryoso ang pagkakasabi.
"Hintayin mo ako dito dahil pinasaya mo ako bibigyan kita ng reward,"
Napapailing na natatawa pa rin si Time at lumabas ng bathroom. Naiwan namang natitigilan si prinsesa Erin dahil sa mga sinabi ni Time.
"Sino ba ang hangal na lalaki na iyon? Bakit pakiramdam ko ginagawa niya akong katawa-tawa, at nasaang lugar ba ako?"
Mahinang sabi ni Erin at napatingin sa malaking salamin, nakita niya ang sarili na basang-basa. Napatingin siya sa galid may nakita siyang bagay na hugis kuwadrado na nakadikit sa tiles. Nilapitan niya at hinawakan yon at nasa isip niya kung ano tawag doon.
Hand dryer?
Bulong ng isipan ni Erin, hanggang sa napunta sa ibaba ang kamay niya at bigla na lang siya napasigaw sa gulat takot dahil tumunog yon. Kasabay naman ang pagbukas ng pinto, napatingin naman si Time kay Erin na takot na takot ang rumihistro sa kaniyang mukha.
"Ano ang bagay na iyan?" Natatakot na turo ni Erin sa hand dryer.
Nagsalubong ang kilay ni Time doon sa bagay na tinuturo ni Erin.
"Ito? Hand dryer, pampatuyo ng mga kamay hindi mo 'to alam? Huwag mo nga akong niloloko." sagot ni, Time.
"Hindi mo na ako ginalang simula pa kanina, pakiramdam ko ginawa mo akong katawa-tawa. Prinses-"
"Okey ikaw ang prinsesa tama na kunin mo 'to at umalis ka na bago pa magbago ang isip ko."
Abot ni Time sa tseke na may isang milyon na halaga at muling lumabas naiwan naman na nagtataka si Erin sa papel na hawak.
Mabilis na sinundan ni Erin si Time, lumabas rin siya at halos takbuhin niya upang maabutan si Time, ngunit natalisod siya at siyang harap ni Time huli na para maabot ni Time ang kamay niya, ngunit ang masaklap ay sa mismong towel na nakatakip sa pagkalalaki ni Time ang nahawakan ni Erin, natanggal yun at bumagsak siya sa carpet.
"Shi*"
Asar na naghanap agad ng panakip si Time at yung pillow nga ang nakuha niya, hindi naman gumagalaw si Erin dahil sa nakita niya kanina pakiramdam niya nangangapal ang magkabilaan niyang pisngi.
Lumapit naman si Time sa telepono at nagtawag ng security upang mapaalis na si prinsesa Erin sa kaniyang condo. Pumasok naman sa kuwarto si Time upang magdamit.
Bumangon si Erin at nagpalinga-linga sa paligid wala na si Time, tumayo siya napalingon sa paligid maraming kakaibang bagay siyang nakikita na bago lang sa kaniyang paningin.
Ang pagkakatanda ko hinahabol ako at bigla na lang akong lumusot at nahulog at pagdilat ng mata ko...
Nanlaki ang mata ni prinsesa Erin dahil sa naalala at kung bakit siya napunta sa ibang lugar. Muling bumukas ang pinto at lumabas si Time, nakapormal na kasuotan na ito.
Titig na titig naman si Erin dahil sa kakaibang pananamit ni Time, hanggang sa may narinig silang boses mula sa may pinto.
"Ibalik mo ako sa aming palasyo pakiusap kapag ginawa mo ito bibigyan kita ng malaking gantimpala."
Lapit na pakiusap ni prinsesa Erin kay Time.
"Miss, puwede ba? Tigilan mo na ako sa kabaliwan hindi ka na nakakatuwa. Walang palasyo dito, kumain ka baka nalipasan ka ng gutom."
Iritadong sagot ni Time at binuksan ang pinto naroon ang dalawang security guard.
"Palabasin niyo na lang siya wala naman siyang ginawa huwag niyo lang hayaan na makapasok yan ulit dito."
Sabi ni Time sa dalawang security at nilapitan si Erin, hinawakan siya sa magkabilaang braso.
"Ano'ng ginagawa niyo? Lalaki sino sila bakit nila ito ginagawa sa akin? Saan nila ako dadalhin?"
Kumawala si prinsesa Erin at hinakawan sa kamay si Time, naglandas ang luha sa kaniyang pisngi.
"Pakiusap huwag mo akong ibigay sa kaniya papatayin nila ako, itong korona sapat na ito kabayaran para tulungan mo ako. Gawa ito sa purong ginto at diyamante."
Inalis ni prinsesa Erin ang maliit na korona niya, nagulo lalo ang kaniyang buhok. Hindi siya pinansin ni Time dahil tumalikod na ito, muli siyang hinawakan sa ng dalawang security guard at pilit nilabas ng pinto, nabitawan niya sa loob ang korona niya hanggang sa tuluyan na siyang nailabas at sumarado ang pinto.
Naupo sa sofa si Time habang nakapikit dahil sa nangyari sa kaniya ngayon, naisip niyang lumabas at mag-inom kasama ang matalik na kaibigan. Malapit na rin maggabi dahil sa nakita ni Time ang oras sa cellphone.
Kinuha niya ang susi at balak nang lumabas ng mapansin ang makinang na bagay at dinampot niya yon. Naalala na galing iyon sa babaeng nababaliw, balak sana niyang ilagay sa basurahan pero nagbago ang isip niya dinala niya yun hanggang paglabas para ibalik doon sa babae kung makikita niya at kung hindi itatapon niya yon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top