Kabanata 9

Ina

Napalingon ako sa tumawag sa aking pangalan.

Si Don Elias ito,at may galit na galit na ekspresyon.

"Pumasok ka sa loob,at tayo'y may pag-uusapan."

Tumingin ako kila Ate Milagros ngunit umiwas lamang ito ng tingin,maaari kayang sinumbong nila ako sa mga sinabi ko kanina?

Sinulyapan ko si Romeo at tumango lamang ito.

"Kung nais mo ng karamay mamaya dahil ika'y makagalitan ng iyong ama,naandito lamang ako."

"Sige,maraming salamat."

Sumunod na ako kay ama ngunit pinagbihis niya muna ako ng damit dahil basa pa ako.

Pagkababa ko sa kaniyang silid kumatok muna ako at narinig ko ang kaniyang malamig na turan.

"Pasok."

Pagkapasok ko sa loob ng silid-aklatan ay sandali ko munang inilibot ang aking paningin.

Nakapalibot ang napakaraming libro sa bawat sulok ng silid,may mga halaman pa sa mga ibaba nito.

Nasa isang lamesa na parang mga pang teacher si ama.

"Ano itong nalalaman ko na nais mong tumutol sa paggiba ng mga kabahayan sa bayan?"

"Ama,hindi po kasi tama ang pagkuha sa mga may tirahan ng may tirahan."

"Isa silang hamak na mga pilipino at di hamak na wala silang alam sa mga patakaran ng batas."

"Paano ninyo nasasabi iyan kung ang iyong asawa ay isang purong pilipino?Ama,napakahirap ng kanilanh pamumuhay ruon mas papahirapan niyo lamang sila."

"Naririnig mo ba ang iyong sinasabi,Maria Susana?Trabaho namin ito at kung magpapadaig tayo sa awa para sa kanila ay tiyak na sa kangkungan tayo pupulutin."

"Pero Ama---"

"Ilayo mo na lamang ang iyong sarili sa aming trabaho."

"Hindi tama ang gagawin niyo,Hindi porket may kapangyarihan kayo ay ganuon na lang kung gamitin niyo ito laban sa mahihina."

"Wala kang karapatang kiwestyunin ang mga ginagawa namin,wala ka pang alam."

"Hindi na po ako bata,ang nais ko lamang ay kahit na ikaw sana ay mapigilan mo ang pang-aapi ng sobra sa mga pilipino."

"Wala na akong magagawa ruon."

"Napatunayan ko nga na ang mga purong kastila ay mga sakim at puro pasakit lamang ang hatid sa mga pilipino."

"Huwag mong kakalimutan na ama mo ang kausap mo at may nananalaytay sa iyo na dugong kastila,Maria Susana!"

Namumula na ito sa galit ngunit hindi ako titigil hanggat hindi ko nababago ang kaniyang isip.

Naisip ko kasi paano na sila nanay Clarita at si Clara kung aalisan rin sila ng bahay,ano magiging taong kalye sila dahil isa silang hamak na mahirap na pilipino?

"Huwag niyo naman gamitan ng dahas ang mga mahihirap na pilipino,Ama.Hindi porket wala silang salapi at hindi sila nakapagtapos ng pag-aaral ay hindi ibigsabihin na wala silang karapatan mamuhay ng mapayapa.Ang sama niyo,Ama!"

Hindi ko na rin mapigilan ang aking sarili na mapag-taasan ng boses ang don.

"Corazon?Maghanda ka ng asin sa harap ng bahay."

"Ano pong gagawin sa asin?"

"Gawin mo na lamang ang aking sinabi."

Nakatingin lamang ito sa akin ng matalim at hinila ako palabas ng silid-aklatan.

Pagkarating namin sa harap ng bahay ay naruon na ang napakaraming asin sa lapag,kung sana ay iodized salt ito kaso rock salt.

Parang alam ko na ang susunod na mangyayari,nakakasugat pa naman ata iyan.

"Lumuhod ka riyan!"

Sigaw ni ama,nasa isang gilid ang apat na maria at tanging tingin lamang ang ibinabato sa akin.

Hindi ko makita si ina.

"Hangga't hindi mo binabawi ang iyong sinabi,magdusa ka riyan."

"Tama naman ang aking sinabi,ama.Hindi ka man lang ba nakadama ng awa sa mga pamilyang mawawalan ng tirahan?"

"Corazon dagdagan mo ng dalawang malaking libro."

Pagdagdag ng libro sa aking kamay ay nakaramdam ako ng pagtusok ng mga asin sa aking tuhod,ngunit hindi ako susuko.

"Ama pakinggan mo ako,Paano kung sa atin mangyari ang mawalan ng tirahan?Maaatim mo bang matulog tayo sa lansangan?"

"Kung ganiyan ang iyong pag-iisip at kinikilos ay maaari tayong mapunta sa ganuong sitwasyon,kaya tigilan mo na iyang kahibangan mo."

"Hindi iyon kahibangan,Ama."

"Corazon,dagdagan mo pa ng dalawa."

Pagkaragdag ay mas lalo atang bumaon sa aking balat ang matutulis na bahagi ng mga asin,sadyang napakasakit.

Hindi ko alam kung may sugat na nga ba ang aking tuhod dahil sa mga asin ngunit magsasalita na sana ako ng dumating si ina.

"Anong kaguluhan ito?Bakit nakaluhod si Maria Susana?"

"Sadyang napakatigas ng ulo niyang anak mo nangingielam ng hindi naman niya trabaho."

"Ano ba ang nangyari?"

"Sinabi ni Milagros sa akin na nais kaming pigilan sa aming proyekto na paggiba ng mga kabahayan ruon sa bayan niyan ni Susana."

"Sisira kayo ng kabahayan ruon sa bayan?Mahihirap na mga pilipinong pamilya ang mga naruon tapos ganuon ang inyong gagawin?"

"Pati ba naman ikaw,Villaflor?Trabaho namin iyon."

"Kung nais niyong magtrabaho ng mabuti dapat lamang na magplano kayo at walang masasagasaan na tao."

"Hindi porket puro kang pilipino---"

"Susana?Halika sa iyong silid,nagdurugo ang iyong mga tuhod gamutin natin iyan."

"Hindi pa ako tapos Villaflor."

"Kung nais mong makuntento,ikaw na ang lumuhod riyan at maranasan mo ang hirap ng iyong anak."

Iyon lamang ang sinabi ni ina at iginaya na ako papunta sa aking silid.

"Maupo ka muna riyan at kukuha ako ng dahon ng malunggay upang mahinto ang pagdurugo."

"Sige po."

Ilang sandali lang ay nariyan na ang ina,may dala itong planggana na may tubig at bimpo.Dagdagan pa ng isang kumpol ng malunggay.

"Napahanga mo ako sa iyong tapang,Susana."

"Baka po tama po si ama."

"Hindi na tama ang sobrang paggamit nila ng kapangyarihan upang mapasunod ang bawat pilipino."

"Sana nga po ay itigil nila ang kanilang gagawin."

"Hayaan mo at kakausapin ko uli ang iyong a-ama."

Nagdalawang isip ito sa pagbanggit ng ama at nilinisan na lamang ang aking mga tuhod.

Napakalalim ng natamo kong sugat mula sa nagtu-tulisang bahagi ng mga ito.

Ganito pala mag-alaga ang isang ina.

Napakasarap sa pakiramdam,ganito rin ang aking nadarama nuong si ina ay nabubuhay pa.

Pagkatapos niyang ayusin ang aking sugat sa tuhod ay nag-salita ito.

"Umiwas ka muna sa iyong ama sa araw na ito,hayaan mo at kakausapin ko siya.Naghihintay ata ang iyong manliligaw ruon sa ilog,magmadali ka at iyo ng puntahan."

Ngiting sabi ni ina.

Kaya naman nagpaalam na ako at tuluyan ng tumungo sa ilog.

Pagkakita ko sa likod niya ay alam kong nakapagpalit narin ito ng damit.

Kaya naman ay tinawag ko na ito.

"Romeo!!!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top