Kabanata 8
Maria
Kinabahan ako ng may magsalitang estranghero.
"Anong ibigsabihin mo na pagsira sa iyong mukha?"
Takang sabi ni ate Delilah.
"Tiyak na ikaw ang may-ari ng panaling ito."
Ani ni Romeo na nasapak ko kagabi.
"A-ako?Pinagbibintangan mo ba ako?"
"Sino pa nga ba ang may ari ng panaling ito?kitang kita naman na ganitong panali ang iyong ginagamit."
"Inaamin ko na,mukha ka kasing nasasapian nuong nakaraang gabi."
"Ako pa ang may kasalanan?"
"H-hindi,Ate nakahanda na ang pagkain sa hapag."
"Halika na."
Aya ng ate milagros,unti unti na silang tumatayo sa kahoy na upuan at isa isang pumunta sa kusina.
Napadaan sa kaniya si Fransisco at parang kinikilala siya sa loob-looban nito.
Mabuti nalamang sumingit si Romeo.
"Magba-bayad ka sa iyong ginawa,binibini."
Lumagpas na si Fransisco,kaya nakahinga siya ng maluwag.
"Bring it on."
"Nagsasalita ka ng ingles?"
"Wala kang pake."
"Akala ko'y isa kang kasambahay sa mga y Dela Fuente?"
"Akala mo lamang iyon,hindi ka pa susunod sa iyong mga kaibigan?"
"Ikaw?Saan ka pa tutungo?"
"Kakain narin,Nasapian ka parin ata e."
"Tssk,Let's go."
"Marunong ka mag english?"
"Yun lamang,hahaha."
"May sira ang utak."
Ngumiti narin ako,mukha lang pala siyang bad boy hahahaha.
Sabay kaming nagtungo sa kusina ng may mga ngiti sa labi.
"Bagay ang pustura niyo."
Pansin ni Ate Delilah sa amin ni Romeo.
"Mapag-biro ka talaga Delilah."
"Hindi ako nagbi-biro ano."
"Sus,halina't kumain luto iyan ni Susana."
"Susana pala ang iyong ngalan."
"Naku kumain na kayo."
Ani ni Ate Milagros sa amin.
Napadako ang tingin ko sa puwesto ni Fransisco ngunit pagdako ng tingin ko sa kanya ay umiwas ito ng tingin.
"Ngayon lamang ako nakakita ng ganitong mga pagkain,saan mo natutunan maghain ng ganitong klaseng pagkain Susana?"
Tanong bigla ni Ate Sophia sa akin.
"Sa isang libro po."
"Talaga namang napakasarap nito."
Ani ni basillio.
"Mayroon na bang nakatabi para sa ina at ama?"
"Mayroon na."
"Siguro ay mamaya pa sila darating dahil sa pagpupulong sa bayan."
"Ano nga pala ang kaganapan sa bayan?"
"Maaari raw ipasira ang mga tirahan na naroon dahil sa proyektong ipapagawa nila ama."
Saglit akong natigilan,ipapagiba ang mga tirahan sa bayan?Ibig sabihin ay kasama ang bahay nila Nanay Clarita sa masisira?
"Wala ba tayong gagawin para ruon ate?"
Hindi ko mapigilang sabi kay ate Milagros.
"Hindi natin maaaring pakielaman sila ama,Susana."
"Ngunit maraming pamilya ang mawawalan ng tirahan ruon!"
"May lahi tayong kastila Susana,kaya naman ay makapangyarihan ang ating apilyido ganuon din ang puwersa ng paghila sa atin pababa kung tayo ay magpapakita ng awa sa mga pilipino."
"May dugo parin tayo ng pilipino,hindi porke't ganuon ang pamamaraan ng ating pamilya ay susunod na tayo."
"Ang iyong pananalita ay hindi angkop para sa ating pamilya,Susana."
Mariing sabi ni Ate Josephina.
"Pero Ate,hindi niyo alam kung gaano kahirap ang buhay nila sa bayan!"
"Tumigil ka na,Susuna.At kumain ka na lamang."
Sabat rin ni Ate Milagros,magsasalita sana ako ng...
"Kung makapag-salita ka Susana ay parang naranasan mong maghirap gaya ng mga tao sa bayan e hindi mo nga maisali ang iyong sarili sa mga ganitong sitwasyon nuon pa man dahil ayaw mong makielam."
Si Ate Sophia na ang sumagot.
"Kung sana ay ganuon na rin ang iyong gawin sa ngayon,dahil tiyak na mapaparusahan ka kapag narinig ni ama ang iyong mga sinabi."
"Kung ayaw niyong makielam dahil takot kayo kay ama,puwes ako ang gagawa ng paraan."
Matigas na sambit ko sa lahat ng tao sa lamesa.
Halos parang lahat sila ay naestatwa sa kani-kanilang upuan ng magsimula kaming magsagutan sa hapag.
Maliban kila Romeo at Fransisco.
Tumayo na ako at nagpaalam.
"Ako'y aalis na,nakakawalan ng gana kumain ang nangyari sa tanghaling ito.Kung nais niyong kumain maraming pagkain riya,mauna na ako."
Pagpapa-alam ko sa kanila ng may halong respeto kahit na alam kong labag iyon sa patakaran rito sa unang panahon.
Tumalikod na ako at tuluyang nakalabas sa bahay.Dumiretso ako sa isang ilog na may maraming isda.
Nasiyahan ako sa mga ito at hindi na ako nakatiis at tinaas ko na ang aking saya at itinali ang aking buhok.
Nagsimula na akong lumusong sa tubig,napakaganda rito may mga batos sa gilid ng ilog na nagsisilbing palamuti at para sa daraanan ng mga isda.Sadyang napaka-kulay ng mga ito.
"Mahilig ka sa isda?"
Isang tinig ang nagpahinto sa akin,at paglingon ko ay si romeo.
"Bakit hindi ka manatili sa loob?"
"Ako ang unang nagtanong binibini."
"Mahilig ako,puwede mo na bang sagutin ang aking tanong?"
"Nakakasakit ng ulo ang tensiyon na naiwan ruon sa inyong pamamahay."
"Dapat ay iyong tiniis,bumalik ka na roon."
Ngumisi lamang ito.
"Ganiyang mga binibini ang aking tipo,sadyang napaka-mapagmahal sa sariling bayan."
"Paumanhin ngunit hindi kita gusto."
"Napaka-diretsong sumagot,mas lalo lamang kitang nagugustuhan."
"Kadiri ka,lumayas ka na kung wala kang ibang pakay."
"Manghuhuli rin ako ng isda."
"Manghuli ka sa ibang ilog."
"Gusto ko rito."
"Ilog namin ito."
"Akala ko ba ang mga pilipino ay isang mapagbigay na lahi?"
"Makapagsalita ito,Hoy pilipino ka rin."
"Tama,naibigay ko na nga ang puso ko sa iyo e."
Dahil sa inis ko ay sinaboy ko ang tubig sa kanya ngunit naiwasan niya lamang ito.
"Ganiyang laro ba ang iyong nais?"
Humalakhak ito at sinabuyan na rin ako ng tubig.
"Magtigil ka na,Romeo."
"Pahingi ako ng rason."
"Manghuli na tayo ng isda."
"Sige."
Ngunit hinila lamang ako nito at napabitaw rin kaagad.
"Kung sinong maraming huli ay may premyo."
"Anong premyo?"
Nagtataka kong sabi sa kaniya.
"Uutusan sa loob ng tatlong araw."
"Umpisahan na ang laro."
Nag-umpisa na kami sa panghuli at naka limang malalaking tilapia na ito samantalang ako ay iisa.
"Dinadaya mo na ata ako,ginoong Romeo?"
"Hindi yun kasama sa ating patakaran kaya hindi ko iyon gagawin,binibini."
"Sanay ka sa mga ganitong trabaho,paano ako mananalo?"
"Depende na iyan sa iyong diskarte,binibini."
Akmang huhuli na ako ng isang tipalia ng may baritonong boses ang tumawag sa akin.
"Maria!!!"
Tila galit ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top