Kabanata 69
Pag-imbestiga
Ka-agad na tinago ni Maria ang kaniyang cellphone nang makita niya ang humahangos na sina Clara.
"Hangga't hindi ko pa napa-panuod ng buo ang video ay hindi ko muna 'to sasabihin kay Clara.Masama na kung masama pero sa ngayon ay iipunin ko muna ang mga ebidensiya para isahan na lamang ang pag-siwalat."
"M-maria."
Hinihingal na ani nito.At saka naupo sa tabi ng dalaga ganuon narin sina Lucas.
"H-hindi niyo naman kailangang sumunod sa 'kin.B-baka madamay pa kayo kung sakali man na malagay ako sa seryosong bagay."
Lumapit naman sa puwesto niya si Lucas.
"Hindi naman kami apo ng diablo upang pabayaan ka na lamang na matulog at magliwalag sa lansangan.Sa aming tirahan,maaari muna kayong tumuloy duon."
Humihingal naman na sumagot si Clara.
"Huwag ka nang umangal pa Maria,parehas tayong mangi-nginig sa lamig kung paiiralin mo 'yang kaartehan mo.Sa ngayon isipin mo na muna ang 'yong sarili."
Wala namang nagawa si Maria kung hindi sumunod at sumama kila Lucas.
"Pag-pasensiyahan niyo na ang aming bahay,hindi man 'to kasinlaki ng mansiyon ng mga y Dela Fuente maituturing parin 'to na isang desenteng bahay."
Tumango lamang ang dalawa at saka sumunod kay Lucas hanggang sa sala nang makita sila ng Ama ni Lucas.
"Nag-dala ka pala ng 'yong mga kaibigan,Anak.May nais ba kayong gawin sa 'ting pamamahay?"
Ani nito pero nanatili ang kaniyang mga mata kay Maria,nagmano muna si Lucas sa kaniyang Ama at saka ipinakilala ang dalawang kasama.
"Pansamantala po ay maaari sana muna silang manirahan rito.Sila po ay aking mga kaibigan,Si Binibining Maria at Binibining Clara po."
Medyo lumapit ang Ama ni Lucas at saka pumalakpak.
"Ikaw Binibini,Isa ka ba sa Ang Panlimang Binibini?"
Turo nito kay Maria medyo nagulat naman ang dalaga at hindi agad nakapag-salita.
"H-hindi po."
Tumawa 'to at saka sandaling tumahimik.
"Paanong hindi e kamukhang-kamukha ka ni Jose at Villaflor."
Medyo naguluhan sila Maria dahil ang alam nila ay si Don Elias ang Ama ng Limang Binibini.
"S-sino po si Jose?"
Tanong ni Maria.
"Hindi niyo pa alam?Eto ang sasabihin ko sa 'yo hija,gumawa man kami ng masama nuon dahil sa kasakiman pero hindi ako nagsi-sinungaling.Ama siya ng Ikalimang Binibini at nang pang-anim."
Hindi pa naproseso ang ukol sa Ama nang Limang Binibini na si Jose ay medyo nali-liwanagan na si Maria.
"T-totoo ba ang sinasabi nuon ni Aling Corazon?Totoong Anim ang mga Binibini?Kung ganuon p-posible ba na..."
Naputol ang iniisip ni Maria nang mag-salita muli ang Ama ni Lucas.
"Wala ako sa posisyon ngunit nagtanong ka na,hindi ko naman puwedeng tanggihan ang isang magandang Binibini at ang iniirog ng aking Anak.Halika at maupo muna kayo."
Kahit nahihiya si Lucas dahil sa ibinunyag ng kaniyang Ama ay pina-upo niya parin sa mga upuan ang dalawang Binibini.
"Sasabihin ko sa 'yo hija ang lahat ng aking nalalaman,sana ay paniwalaan mo 'ko."
Tumango naman si Maria at saka matamang nakinig.
"Heto na ba ang mga kasagutan sa iba kong tanong?K-kailangan kong makinig ng mabuti."
"Nuong panahon ay magka-kaibigan kami nila Don Elias,Jose,Elsa at Villaflor,magku-kumpare at kumare.Nag-iinuman nuon kami dahil binyag nang ika-apat na Binibini sa bahay ni Don Elias hanggang sa..."
(Pagba-balik tanaw sa nakaraan)
"Ibigay mo nga 'tong munti kong regalo para sa 'king inaanak!"
Ani ni Zakarias(Ama ni Lucas) kay Villaflor,ka-agad din naman 'tong tinanggap ng Babae at saka nag-paalam na muna sa lahat.
"Ilalagay ko na muna 'to sa loob."
Tumango naman at nag-balik sa kasiyahan ang lahat hanggang sa nalasing na si Don Elias nuon pero ako ay hindi pa tinatamaan ng alak.Nang makatulog na ang lahat ay naalimpungatan ako dahil parang naaninag ko na tumayo si Jose at sumunod kay Villaflor sa loob ng isang sekretong silid.
"Matagal kong hinintay na mayakap at mahagkan kitang muli,Mahal ko."
Nagulat ako nuon siyempre dahil bakit niya ipinapahayag ang pagma-mahal niya kay Villaflor hanggang sa isang iglap ay alam kong may nangyari sa kanila nang gabi na 'yon.Pagkalipas lamang ng ilang linggo ay...
"Nagda-dalang tao muli ang Donya!!!"
'yon ang balita na ikinabahala ko,imposibleng magka-anak sila ni Don Elias dahil nasa malayong lugar 'to nagpunta pagkatapos ng binyag.
"Masaya kami para sa inyo,Donya Villaflor!"
'yon ang huli kong nalalaman at saka hindi ko na muli pang nakita kahit isang hibla nang buhok ni Jose.
-pagta-tapos ng pagbalik tanaw-
Halos maestatwa silang lahat dahil sa sinabi ni Zakarias.
"Pag-pasensiyahan mo na hija,'yan lamang ang aking nalalaman.Hindi ko layunin na siraan ang 'yong Ina sa 'yo Hija pero 'yon ang totoo."
Nag-angat naman ng tingin si Maria at saka nagpa-alam muna ngunit hinabol siya ni Lucas.
"Sandali,Maria!"
Lumingon si Maria at saka nagbigay ng nagta-tanong na mukha kay Lucas.
"Saan ka paparuon?Delikado at baka kumalat na sa buong lugar na hindi ikaw isa sa Ang Panlimang Binibini,sa ngayon."
Akmang pipihit paalis muli si Maria nang hawakan nito ni Lucas sa kaniyang mga braso.
"Kung hindi kita mapi-pigilan sa pag-alis,sasama ako sa 'yo."
Tumango lamang si Maria at saka nagpunta sa mansyon ng mga y Dela Fuente nang makasalubong nila si Rebecca.
"Binibining Maria,h-hindi ka puwedeng pumasok sa loob.H-halika at iha-hatid ko na kayo sa labas."
Tinignan lamang siya ni Maria at akmang lalakad siya papasok ay hinawakan ni Rebecca ang kaniyang mukha at nagma-kaawa.
"Naki-kiusap ako sa 'yo,Binibini.Kakausapin muna kita saglit."
"Ano ang nais mong ipabatid?"
Naguguluhang ani ni Maria.Nagpunta sila sa isang gilid at saka dali-daling iniabot ang isang sobre.
"Para saan 'to?"
Huminga muna nang malalim si Rebecca at saka nagsalita.
"Nuong kinuha natin ang mga gamit ni Binibining Susana sa hindi inaasahan ay nalaglag ang sobre na 'yan.Itinago ko dahil mukhang maka-katulong 'to sa 'yo."
Akmang bubuksan na ni Maria nang makita niya na paparating ang tunay na Maria at sila Don Elias kung kaya't tinago na niya muna sa kaniyang bulsa.
"Anong ginagawa nang hampas lupa na 'yan dito?"
Pambungad na bati nang tunay na Maria,pero hindi siya ang pinagtuunan ng pansin ni Maria at akmang lalapit sana sa Don nang maotoridad 'tong nagsalita.
"Huwag kang lalapit,pinag-bigyan na kita dahil may pinagsamahan naman tayo nang ilang taon pero hindi mo sinunod ang aking gusto."
"Pero may nais po akong iparating sa 'yo,heto po ang aking---"
Hindi niya na naituloy nang magsalita mula sa likod si Delilah.
"Ano pang kasinungalingan,Huwad na Maria?Alam na namin ang krimen na 'yong ginawa,ikaw ang pumatay kay Aling Corazon!"
Parang nablangko si Maria at paulit-ulit ang huling sinabi ni Delilah.
"P-paanong ako ang pumatay?H-hindi ko 'yon magagawa!"
Tumawa naman ng bahagya ang tunay na Maria.
"Talaga?Paano mo maipapaliwanag ang nakita kong panyo mo at saka kitang-kita ko na nagma-madali kang pumasok sa 'yong silid.Ako,ako ang patunay!"
Magsa-salita pa sana si Maria nang putuling muli ni Don Elias ang kaniyang sasabihin.
"Alam na namin ang lahat!Bibigyan pa kita nang isa pang pagka-kataon,kung makita kitang muli ay sa piitan na ang 'yong bagsak o mas higit pa sa pagka-kakulong ang 'yong matatanggap na parusa!"
May nais sanang sabihin pa si Maria nang tumalikod na ang mga 'to at pabalik na muli sa loob ng mansiyon.
"I-ikaw Don Elias,Ikaw ang nagpa-patay kay Aling Corazon!Na-napakasama mo,gustong gusto kong sabihin sa kanila ang mga nalalaman ko pero alam kong wala akong laban.Nalaman ko na si Don Elias ang nagpapatay kay Aling Corazon dahil..."
(Muling pagbabalik ng tanaw)
"Ito ang nagpapatay kay Corazon,siya ang nag-utos dahil may isa raw siyang rason.Walang iba kun'di ang 'yong Ama,Binibini."
(Kasalukuyan)
"Nalaman ko nuong pumunta kami ni Fransisco kay Kabesang Mata.A-ano nga ba ang kaniyang rason?"
"Rebecca nais kong ibigay mo kay Fransisco 'to,mag-iingat ka at salamat."
Tumango naman si Rebecca at saka tumakbo na papasok sa mansiyon.
"Sana ay magpunta siya..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top