Kabanata 67

Pag-bunyag

Halos ma-bato si Maria sa kaniyang kinakatayuan dahil sa Binibini na nasa kaniyang harapan.

"M-Maria?"

Ngumisi ang kaniyang nasa harapan at saka lumapit ng bahagya sa kanilang tatlo.

"P-para akong nana-nalamin,totoo na bang kaharap ko ang totoong Maria?"

"Tapos na ang iyong pamamalagi rito,maaari ka nang lumisan."

Halos mapanga-nga sina Sophia at Rebecca dahil sa nakikita.

"G-ganuon na lang 'yon?Li-lisan na lang ako ng basta-basta?Hindi ako papayag."

"A-anong lilisan,Maria?Anong sa tingin mo ang sinasabi mo?"

Nagpabalik-balik naman ang tinging ng dalawa nilang kasama sa kanila.

"Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng tatag ng loob upang sabihin 'yon sa tunay na Maria pero alam ko sa sarili ko na napa-mahal na ako sa pamilya niya."

Tumawa ng pagak ang Tunay na Maria at saka lumapit kay Maria.

"You don't understand me?I said you can leave now!"

Parang nabingi pa si Maria sa kaniyang narinig pero naiintindihan niya na magaling na 'to mag ingles dahil galing siya sa modernong panahon,pero ang ugali nito ang hindi maintindihan ni Maria.

"Ano ba ang nais mong iparating,Binibini?Bakit magka-pareho kayo ng wangis ni Maria?At saka naka-langhap ka ba ng opyo?"

Hindi na napigilang pag-sabat ni Sophia kung kaya't napabaling ang ulo nang tunay na Maria sa direksiyon ng dalawa.

"Oh ikaw na pala 'yan,Sophia.Hindi mo ba 'ako yayakapin o kakamustahin man lang?Ako 'to ang 'yong nawawalang kapatid,ang tunay na Ang Panlimang Binibini."

Tumingin muna si Sophia sa isang Maria at saka tumingin sa tunay na Maria bago nag-salita.

"Huwag mo akong linlangin,Binibini.Taon na ang nakalipas simula nang makabalik ang aming kapatid."

Tumawa naman ang tunay na Maria at saka ngumiti nang naka-loloko kay Maria.

"Why you're not explaining yourself?Ah baka na bobo ka na din at hindi na naka-kaintindi ng ingles,tama ba ako?"

Nag-angat ng tingin si Maria at saka ngumiti rin pabalik.

"Excuse me?Can you highlight the word idiot and you will realize that it's pertaining to yourself."

Halata namang naguguluhan ang dalawa pa nilang kasama ngunit pumagitna rin naman si Sophia.

"Itigil niyo na ang inyong pag-uusap hindi 'yan ang tamang panahon para diyaan."

Ani ni Sophia at saka bumaling sa tunay na Maria.

"At ikaw,kayong dalawa.Marami kaming itatanong sa inyo."

Simula nang pag-uusap na 'yon ay hindi na sila muling umimik pa ngunit kita sa mga ngiti ng tunay na Maria na ramdam niya na ang pagka-panalo.

"Naiinis ako sa sarili ko,'to na ang hinihintay kong karma.Naiinis ako kasu kahit alam ko na mangya-yari ang bagay na 'to gaya ng mga nasa pelikula ngunit sinunod ko parin ang aking gusto.Pero naiinis din ako kasi...alam ko sa sarili ko na minahal ko ang pagiging Ang Panlimang Binibini ko."

Lumipas ang ilang oras nang magulantang silang lahat ng makarinig ng palitan ng mga putok ng baril sa labas.

"H-hindi parin ba sila tapos?"

Kinakabahang tanong ni Rebecca kay Maria kung kaya't hinawakan ng dalaga ang mga kamay nito,nanatili namang nakatingin lang sa kanila ang tunay na Maria.Walang modo.

"Huwag ka mag-alala,baka isa na 'yang hukbo para ilikas ang mga residente."

Sandaling natigilan si Rebecca at saka tumingin ng diretso kay Maria.

"Si Nanay!Nasa bayan siya,h-hindi ko kayang masikmura na nasa maayos ako na kalagayan tapos siya ay tatagusan lamang ng bala na nasa armas ng mga halang ang loob."

Naawa naman si Maria sa dalaga kung kaya't desidido siya na tulungan 'to sa pag-sundo sa Nanay nito sa bayan,kahit buhay niya pa ang kapalit.

"A-ako na ang susundo sa 'yong Nanay sa bayan,ibigay mo lamang ang tamang lokasyon."

Hindi nag-dalawang isip ang dalaga kung kaya't lumabas siya sa isang pinto ruon at agad sinara ang pinto.

"B-bakit nagkalat ang dugo sa lupa?Naka-kabingi ang bawat putok ng baril,sigawan at ang mga hinagpis.Pero hindi,kailangan kong maligtas ang Nanay ni Rebecca!"

Ka-agad na nakarating si Maria sa bayan na pamilyar sa kaniya.

"Dito nagkaroon ng pista,ngunit saan nga ba ang bahay na tinu-tuluyan ng Nanay niya?"

Binilang niya ang bawat bahay at saka napahinto sa isang bahay.'to ang bahay ng matandang tinulungan nila ni Clara sa pagti-tinda ng pansit at palabok.

"N-nanay niya ang matandang nagtinda rito nuong mga pansit?Si Rebecca ba ang sinasabi niyang anak niya?What a coincidence."

"H-hija?"

Nagulat si Maria nang makita niya ang matanda sa bintana ng bahay ka-agad naman siyang pumasok at hindi na inintindi ang putukan sa labas.

"M-mabuti po at nasa maayos po kayo na lagay...p-pinapunta po ako rito ni Rebecca."

"Si Rebecca?Kaibigan ka ba niya?"

"O-opo,halika na po at tumungo sa pamamahay ng aking Lola."

May sasabihin pa sana ang matanda ngunit isinantabi na niya muna at saka sumama na kay Maria.Pagka-rating nila sa mansyon ng kaniyang Lola ay malinis na,maraming sibilyan na nag-iikot at nagba-bantay kung kaya't pumasok na sila sa bukana nang pinto.

"B-bakit?"

"Isara ninyong mabuti ang mga bintana at pintuan.Pumaruon muna kayo sa isang silid upang makapag-pahinga."

Seryosong saad ni Don Elias.

"Lumapit ka rito at maupo."

Halos magsi-tindigan ang lahat ng balahibo ni Maria sa katawan dahil aa sobrang lamig ng boses ng Don.Naka-paikot sa upuan sila Sophia,Josephina,Delilah,Milagros,Don Elias,Fransisco,Basilio,Clara at ang tunay na Maria.

"Hahatulan na ba nila ako ng kamatayan?Pero kung 'yon ang nararapat wala na akong magagawa pa."

"Sino ba talaga sa inyo ang tunay at huwad!"

Dumagundong ang boses ng Don sa buong pamamahay dahil sa galit.

"Ama,siya ang huwad.Tingin niyo ba ay ako?Paanong ako e hindi ko nga siya kilala at kung bakit pareho kami ng wangis e."

"Ngayon ay hindi niya na ako kilala?"

Ani ni Maria kung kaya't hindi niya na mapigilang sumagot pabalik.

"Paanong hindi mo 'ko kilala?Eh ikaw nga 'tong humingi ng pabor sa 'kin!"

Magsa-salita pa sana ang tunay na Maria ngunit natigilan silang lahat ng basagin ni Don Elias sa harap nila ang isang porselanang Vase.

"P*tragis!Wala man lang ba kayong galang sa katawan ninyo at sa harap ko pa kayo nagta-talo?Simple lang ang tinanong ko ngunir ni isa sa inyo ay wala akong nakuhang tamang sagot!"

Yumuko si Maria ngunit nananatiling naka-taas nuo ang tunay na Maria.

"Pasensiya na po,a-ako po ang huwad.Niloloko ko lang po kayo sa mga nakalipas na taon."

Napanga-nga ang lahat sa sinabi ni Maria maliban kay Fransisco at Josephina na walang kibo.

"I-ikaw?Napaka-rami nang problema sa ating bayan tapos dadagdag pa kayo?Nakaratay si Villaflor,siya lang ang may alam sa bagay na 'to."

Ani ni Don Elias at saka medyo kumalma.

"Kahit pa umamin ka na sa puntong 'to hindi muna ako maniniwala.Hihintayin natin na magising si Villaflor,bago tayo mang-husga."

Ani nito at saka naglakad palayo,naiwang tahimik ang lahat hanggang sa magsalita ang tunay na Maria.

"Si Fransisco ka hindi ba?Bumalik na ba ang 'yong nararamdaman para sa 'kin?Huwag mong sabihin na 'tong huwad na 'to ang natitipuhan mo."

Dahil sa kahihiyan ay yumuko na lamang si Maria dahil wala na siyang laban.

"Paano kung magbalik din ang lahat ng pagma-mahal niya sa tunay na Maria?K-kaya ko ba 'yong tanggapin?"

"Bakit mo naman nasabi 'yan?Hindi,hindi nawala ang pagsinta ko sa 'yo."

Ani ni Fransisco na ikinanga-nga nila Clara,Basilio ganuon narin si Maria.

"P-panaginip ba 'to?Talaga bang puro kamalasan na lang ang dadating sa 'kin?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top