Kabanata 66
Pagba-balik
Dahil sa pangya-yari malapit sa palayan ay napilitan silang bumalik sa bahay ng kanilang Lola at saka isinara ang lahat ng daanan o mga bintana.
"Bakit nagka-ganuon ang mga tao rito sa 'ting baryo?Elias,isara mo nang maigi 'yang pinto."
Kinakabahang wika ng Lola nila Maria,kung kaya't hinawakan ni Maria ang mga kamay nito at hinimas.
"Baka ho ay may hindi lamang sila pagka-kaintindihan kung kaya't nagkagulo sila."
Kahit hindi sabihin ng matanda kay Maria ang kaniyang tunay na nararamdaman ay alam na niya 'to.
"Naku sana kung ganuon lamang.Ay siya pumasok na muna kayo sa mga silid ninyo at may pag-uusapan lamang kami ng inyong Ama."
Nagsi-"opo" naman ang lahat kahit na sina Fransisco,Clara at Basilio ay nakisang-ayon na.Ngunit natigil sila nang muling mag-salita ang Lola nila.
"Fransisco hijo,sumama ka na muna sa silid ni Susana.Bantayan mo siya."
Makahulugang ani ng Lola ni Maria.
"Opo,hindi ko po paba-bayaan si Maria."
Ngumiti naman ang matanda sa lalaki at saka nag-paalam na upang umakyat sila.
Pagkarating sa silid na nakalaan para kay Maria ay naupo ka-agad 'to.Tinabihan naman siya ni Fransisco at inakap gamit ang kaniyang braso.
"Huwag ka munang mag-isip ng mag-isip,Maria.Hindi lahat ng problema nasu-sulusyonan ng isang bagsakan,tandaan mo may bukas pa."
Yumakap naman pabalik si Maria at siniksik ang sarili sa dibdib nito.
"Sana Fransisco hindi mo 'ko iwan kapag walang wala na ako.Iniisip kong panigurado na kapag bumalik ang tunay na Maria ang lahat na mayroon ako ngayon ay mawawala."
Ani ni Maria kasabay ng pagpatak ng isang butil ng luha,pinunasan 'to ni Fransisco gamit ang kaniyang hinlalaki at saka hinalikan ang ulo ng dalaga.
"Pinakasalan kita isa na 'yong dahilan upang hindi kita iwan,siguro kung iiwan man kita may malalim 'yon na dahilan.Pero sinasabi ko sa 'yo Maria,iniibig kita ngayon at iibigin pa kita hanggang sa 'king kamatayan."
Pagkatapos sabihin ni Fransisco ang mga katagang 'yon ay ramdam ng lalaki ang paghigpit ng yakap ng dalaga sa kaniyang beywang.
"B-babalik na siya...maaaring bumalik rin ang 'yong pag-sinta sa kaniya."
Dahan-dahang hinawakan ni Fransisco ang pisngi ni Maria gamit ang kaniyang dalawang kamay at tinignan 'to ng diretso sa mga mata.
"Kahit pa gumiling siya sa 'king harapan gamit ang 'yong wangis hinding-hindi niya maiiba ang pagtingin ko sa 'yo.Mahal kita,Maria."
Dahan-dahang lumapit ang mukha ni Fransisco sa mukha ni Maria at saka hinagkan ang labi nito.Pareho nilang dinaramdam ang pagma-mahal ng bawat isa,libo-libong mga paniki ang nagsiliparan sa tiyan ng dalaga dahil sa hindi maipaliwanag na nararamdaman.Ilang segundo ang lumipas at unang kumalas na si Maria at saka muling niyakap si Fransisco.
"Mahal mo rin ba 'ko,Maria?"
Kinurot naman siya ng dalaga sa tiyan.
"Tyansing...biro lang.Sana all naka-kapagbiro pa.Kung puwede lang sana akong umalis ng walang paalam,ginawa ko na.Pero kasi may pinag-aralan naman ako kahit papaano."
"Heh!Edi sana umayaw ako sa pagpa-pakasal sa 'yo.Gusto kaya kita!"
Sumimangot naman ang Lalaki sa sinabi ng dalaga.
"G-gusto lang?Bakit may iniirog ka na ba sa modernong panahon?"
Ngumiti ang dalaga at saka muling yumakap sa lalaki.
"Nagdra-drama ka na naman,wala ah.NBSB kaya 'to,pati wala naman nanliligaw sa 'kin duon."
Nahihiyang ani ni Maria at saka lumayo ng kaunti kay Fransisco.
"Bakit?Maaari ko bang malaman kung anong rason?"
Medyo natawa si Maria dahil kitang-kita niya sa mga mata ng lalaki na desidido 'tong malaman ang tungkol sa kaniyang buhay pag-ibig sa modernong panahon.Magsa-salita na sana siya ng may marinig silang putukan ng baril sa labas.
"A-anong nangya-yari sa labas?"
Kinakabahang tanong ni Maria kay Fransisco at saka humawak sa matipunong braso nito.
"Baka napadaan na rito ang mga nag-aalsa laban sa pamamalakad ng mga espanyol sa 'ting bayan."
May dumaang takot naman sa mga mata ni Maria.
"Paano na si Ama?Isa siyang opisyales at isang espanyol."
Hinawakan ng mahigpit ni Fransisco ang kamay ng dalaga at saka ngumiti sa kaniya ng alanganin.
"Hindi natin masisisi ang taong bayan,Maria.Napuno na sila at huwag kang mag-alala sa 'yong Ama,maraming tao ang naka-kaalam ng kaniyang kabutihan para sa mga Pilipino."
Kahit na pampa-lubag ng loob ang mga sinasabi ni Fransisco ay hindi maiwasan ni Maria na mag-alala sa buong pamilya ng mga y Dela Fuente.
"Paano kung--"
Hindi na naituloy ni Maria ang kaniyang sasabihin ng muli nilang marinig ang putukan sa loob mismo ng bahay ng kanilang Lola,ka-agad na lumabas sila Maria at nasaksihan nila ang gulo-gulong hitsura ng sala.
"Fransisco..."
Kitang-kita sa mga mata ni Maria ang takot ngunit hindi niya 'to pinapakita gamit ang kaniyang aksiyon.
"Walang magagawa ang takot sa ngayon,kailangan kong maging matatag for them.B-bago ako lumisan,dapat may magawa man lang akong mabuti para sa kanila."
"Dito ka lamang sa 'king likuran,pro-protektahan kita.Tignan mo kung ang 'yong mga kapatid ay nasa kani-kanilang mga silid ako na ang bahala sa 'baba upang puntahan sila Don Elias."
Ka-agad silang naghiwalay ng landas ni Fransisco,nagtungo si Maria sa silid ng kaniyang Ate Sophia,nadatnan niya 'to na nanlalaki ang mga mata habang nakatulala.
"Ate..."
Tumingin sa kaniyang Ate at saka siya hinawakan sa kamay.
"I-ikaw ang sadya nila rito,S-susana...t-tumakas ka na!"
Nagu-guluhan man ay nagtanong siya.
"A-anong ako ang sadya nila?Sino?"
Magsa-salita pa sana si Sophia nang makarinig sila ng dalawang putok ng baril sa 'baba.
"Fransisco..."
At saka bumukas ang pinto,iniluwa nito ang kanilang batang kasambahay na si Rebecca na hingal na hingal.
"Mga Binibini..."
Ka-agad nilapitan 'to ni Maria at saka pinakalma sa tabi nila ni Sophia.
"B-bakit ka humahangos,Rebecca?Nasaan ang iba?Sila Ate Milagros?"
Umiling iling 'to sa tanong ni Maria at saka nagwika ng..
"H-hindi ko sila mahanap ngunit panigurado pong nakapagtago sila sa unang pagputok pa lamang ng baril."
Medyo nakahinga ng maluwag si Maria sa sinabi ni Rebecca ngunit ka-agad rin bumalik dahil nakarinig sila ng mga yabag.
"Susana ikaw ang sinadya nila rito,kailangan mong magtago kami na ang bahala."
Umiling si Maria at saka sumeryoso ang mukha.
"Hindi lamang ako ang mahalaga ang buhay,tatlo tayong magta-tago."
Naaalala niya na minsan siyang mapadpad sa silid na kinaroroonan nila ay may isang sekretong dingding,lumapit siya ruon at saka muli 'tong tinulak.
"P-paanong---"
Mas lalong lumalapit ang mga yabag sa kanilang kinaruruonan kung kaya't tinulak na nang marahan ni Maria sila Rebecca upang tuluyan nang makapasok.
Isang yabag.
Dalawa,
Tatlo.
Ngunit bago pa bumukas ang pinto ay nakapasok na sila sa loob nito,sinenyasan niya na huwag maingay ang dalawa.
"Shh."
Nakarinig sila ng mabibigat na yabag,ngunit hindi lang isa ang kanilang naririg na tao na naruon.
"Akala ko ba'y narito ang Panlimang Binibini!"
Bulyaw nito sa kasama niya,nanatiling tahimik ang tatlo habang nakikinig.
"Sinabi NIYA na rito nagtungo ang Panlimang Binibini,hanapin na lamang muna natin baka nagtago lamang sa mga sulok-sulok."
Nakarinig sila ng mga yabag papalapit sa dingding na kinaruruonan nila.
"Hindi natin puwedeng hindi makuha ang Panlimang Binibini,buhay ng ating minamahal ang kapalit.Tama nga tayo hindi nila inaasahan na ang totoong sadya natin ay hindi ang matandang y Dela Fuente kun'di ang Panlimang Binibini."
Nakarinig sila ng mga pagbagsak ng mga kagamitan ngunit nananatili lamang silang tahimik.
"Fransisco,nasaan ka na ba?Sana nailayo mo sa kapahamakan sila Ama."
"Mukhang wala dito sa silid na 'to,halika na at suriin ang iba pang mga silid."
Nanahinik sila hanggang makarinig ng pagsara ng pinto.
Humanap sila ng lampara sa likod ng dingding at hindi naman sila nabigo,ka-agad umupo sa silid na naruon.
"Kung sino man ang nagpa-sadyang kuhain ako,sisiguraduhin kong malalaman ko kung bakit niya ba 'to ginagawa at---"
Naputol ang sasabihin ni Maria nang may magsalita sa isang gilid.
"Ngayon na ang araw,Maria."
Nanlaki ang mga mata ni Maria sa Binibini na nasa kanilang harapan.
"S-susana?B-bakit magka-mukha kayo?"
Nauutal na ani ni Sophia habang palipat-lipat ang tingin sa dalawa.
"Nag-balik ka na?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top