Kabanata 64

Karimlan

Kinaumagahan ay halos aakalain mong nakasinghot ng pinagba-bawal na gamot si Maria dahil sa kaniyang mukha.

Bumaba siya sa hapagkainan dahil pinata-tawag na siya upang kumain.

"Nakatulog ka ba ng maayos,Susana?Bakit tila pagod na pagod 'yang mukha mo?"

Napatingin si Maria sa direksiyon ni Delilah ngunit napa-iwas din siya ng tingin dahil sa mapang-asar na mukha nito.

"Baka may pinagka-kaabalahan."

Ani ni Delilah ngunit ka-agad din na napatahimik dahil sa tikhim ni Milagros.

"Inabot ka na naman ba ng umaga sa pagba-basa,Susana?"

Tanong ni Don Elias kung kaya't napatungo si Maria at sumagot.

"O-opo."

Nahihiya niyang ani.

"Ang hirap huminga kapag napakaraming problema na nakapaligid sa 'yo.Hindi ko alam kung sisimulan ko na bang hanapin 'yong Ale na nagsa-sabi sa 'kin na bumalik na sa kasalukuyan."

Napahinga ng malalim si Maria at saka nag-angat ng tingin.Ngunit nagulantang silang lahat ng sumigaw si Rebecca.

"D-Don Elias!"

Nagma-madaling bumaba 'to sa hagdan na halos magkanda dapa na sa pagtakbo at sabayan mo pa na hinihingal pa 'to.

"Bakit tila nagma-madali ka,Rebecca?Huminahon ka,ano ba ang 'yong nais ipabatid?"

Nagta-takang ani ni Don Elias sa tagapag-silbi.

"S-si Aling Corazon po..."

Ani ni Rebecca habang tumutulo na ang mga luha at humihikbi pa.

"Anong mayroon kay Corazon?Kanina ko pa nga siya hinahanap,hindi ba't pinapa-hanap ko siya sa 'yo?Nasaan na siya at bakit ka lumuluha?"

Humikbi ang dalaga at hindi na nakapag-salita pa bagkus ay itinuro ang likod bahay.Ka-agad namang nagsi-puntahan sila Don Elias maliban kay Maria at Delilah.

"Tandaan mo ang sinabi ko sa 'yo,Susana."

Ani ni Delilah at saka sumunod narin papuntang likod bahay.

"Ang hirap na nang sitwasyon ko...Susuko na ba 'ko?"

Napahinga ng malalim si Maria at saka tahimik na tumayo.

"Hindi,hindi ako susuko hangga't may nalalaman ako na alam kong magagamit ko sa mga susunod na araw.Laban lang!"

Pagkatapos maglintaya sa kaniyang sarili ay saka siya sumunod sa mga tao sa bahay na nagtungo sa likod bahay kahit alam niya na kung ano at sino ang naruon.Naabutan niya ang mga naestatwang mga pigura habang nakatingin sa kalunos lunos na kalagayan ng Matanda.

"A-aling Corazon..."

Mahinang ani ni Josephina habang hawak ang kaniyang bibig dahil sa pagka-gulat.Pagkatapos matauhan mula sa pangyayari ng Don ay galit na nagwika 'to.

"Sino ang lumastangan kay Corazon?!"

Habang isa-isang tinignan ang bawat tauhan ng mga y Dela Fuente.

"Hindi po namin alam,Don Elias.Simula kahapon ay balisa na siya na lahat kami ay napansin ang bagay na 'yon."

Ani ng isang tagapag-silbi at saka yumukong muli.

"Hindi ko mapapayagan ang ganitong krimen sa 'ting pamamahay!Halughugin ang bawat sulok ng mansiyon!"

Napa-iling na lamang si Maria habang nakamasid sa reaksiyon ng kaniyang Ate na si Delilah,hindi mo 'to makikitaan ng kalungkutan o ng kahit na ano.

"Tiyempo lamang ang kulang at iba pang impormasyon,sisiguraduhin kong makukuha ko ang hustisya ni Nanay Clarita,Ate Sophia at Aling Corazon.Hindi ako papayag na makagala-gala lamang ang mga taong may sala habang nanghihingi ng hustisya ang mga naapi."

Ani ni Maria at saka lumisan sa eksenang 'yon.

Silid

Habang naka-upo sa kaniyang papag habang nag-iisip si Maria ay may batong sumulpot sa kaniyang harapan.

"Sino 'yan?!"

Ka-agad siyang sumilip sa bintana at nakita niya ang pamilyar na mukha.

"F-fransisco?"

Sinensyahan siya nito na bumaba mula sa bintana ka-agad naman siyang bumaba mula rito,naka-abang naman si Fransisco upang siya'y saluhin ngunit nabaliwala rin dahil madali lamang para kay Maria na maglapat ang paa sa lupa.

"Ano ano ang 'yong nais,Fransisco?"

Hindi 'to nagsalita bagkus ay niyakap siya nito ng mahigpit.

"Alam kong napakaraming pangyayari sa 'yong buhay,Maria.Narito ako upang pakalmahin ang 'yong damdamin."

Kusa namang nagalak ang damdamin ni Maria.

"Ano ka ba,malakas kaya ako!Sisiw lamang ang mga nangyayari sa 'kin ngayon."

Kinurot ng malakas ni Fransisco ang pisngi ng dalaga at saka sumimangot.

"Hindi mo 'ko kailangan?Uuwi na lamang ba ako?"

Kunwaring pagta-tampo ng lalaki ngunit ka-agad siyang sinapak ni Maria sa braso.

"Hindi bagay,Fransisco.May hihingiin sana ako sa 'yong pabor."

Humarap naman sa kaniya ang binata at ngumiti.

"Basta ba ay kaya ko,Binibining Maria."

Napangiwi naman si Maria dahil sa tinuran ng lalaki ngunit ka-agad din namang sumeryoso.

"Samahan mo akong mag-imbistiga."

Ka-agad namang napawi ang ngiti ni Fransisco.

"Imbistiga?Kanino at para saan?"

Naka-kunot na ani ng lalaki.

"Sa kaso ni Nanay Clarita,Kay Ate Sophia at sa nangyari ngayon kay Aling Corazon."

Napa-iling naman si Fransisco.

"Sinasabi ko sa 'yo Maria,lumayo ka sa gulo."

Napatanga naman si Maria.

"Ayaw niya akong tulungan."

"Tingin mo ba hindi pa ako dawit sa mga gulong nangyayari?"

"Hindi sa ganuon pero isipin mo naman ang mangyayari sa 'yo kapag nahuli at naisuplong ka sa mga matataas na kawani,kamatayan ang isa sa mga parusa."

Tumingin ng diretso si Maria kay Fransisco.

"Sa tono nang 'yong pananalita nakikita kong ayaw mo akong tulungan."

"Hindi sa ganuon,Maria.Iniisip ko lang ang 'yong kaligtasan at--"

Ka-agad siyang pinutol sa pagsa-salita ni Maria.

"Hindi lamang kaligtasan ko ang nakasalalay rito,Fransisco.Kapag naka-kuha ko na ang sapat na ebidensiya at nalaman ko kung sino ang pinakapuno't dulo nito tiyaka lamang ako matatahimik."

Hinawakan ni Fransisco ang dalawang kamay ng dalaga.

"Sige basta't kasama ako.May alam akong maalam sa mga ganiyan,marami siyang mata sa paligid."

Nasiyahan naman si Maria.

"Dalhin mo ako sa kaniya."

Walang nagawa si Fransisco sa nais gawin ng dalaga dahil nakikita niya na pursigido 'to na malaman ang katotohanan.

Nang makarating sila sa kanilang patutunguhan ay hinarang sila ng mga tulisan.

"Anong kailangan ninyo?"

Tanong ng isang lalaki na may tabak sa tagiliran.

"Nais naming makita si Kabesang Mata."

Humalak-hak ang dalawang tulisan at saka umiling.

"Anong kailangan ninyo sa kaniya?"

Tanong ng isa kung kaya't magsasalita na si Fransisco nang magsalita si Maria.

"Isa ako sa mga y Dela Fuente at may nais akong itanong sa inyong kabesa."

Nagtinginan naman ang dalawa at saka nagtanguan.

"Sige ngunit ikaw lamang ang aming papapasukin upang kausapin si Kabesang Mata."

Tinanguan naman ni Maria si Fransisco at saka pumasok na sa loob,pipigilan sana siya ni Fransisco ngunit huli na.Nakalayo na si Maria mula sa kaniya,wala siyang nagawa kung hindi maghintay lamang sa labas.

"Kabesang Mata?"

Ani ng isang tulisan na kasama ni Maria sa pagpasok sa loob.

"Bakit Hulyo?Sino 'yang Binibini na kasama mo?"

Imwinestra na lamang ni Hulyo si Maria na lumapit sa kaniyang Amo at saka umalis.

"Ano ang kailangan mo sa 'kin,Binibini?"

Sinenyasan siya nito na maupo sa isang upuan.

"Nais kong malaman ang isang bagay."

"Ano naman 'yon?Kung mga krimen at konpidensiyal na usapin ay may kalakip ito na bayad."

Ngi-ngiti-ngiting ani ni Kabesang Mata.

"Limang daan,sapat na ba 'yon?"

Sandaling nag-isip si Kabesang Mata at saka tumango.

"Payag ako,ano ba ang 'yong nais malaman?Siya nga pala saang pamilya ka nagmula?"

Huminga muna ng malalim si Maria atsaka nagsalita.

"Isa ako sa mga y Dela Fuente.Nais kong malaman kung may lalaki bang nagtungo rito upang humingi ng impormasyon sa aming pamilya?"

Natawa naman ang Kabesa at saka nagsalita.

"Masyadong kompidensiyal 'yang bagay na 'yan.Dagdagan mo ng tatlo na raan at sasabihin ko sa 'yo ang mga detalye."

"Payag ako."

May hinalungkat 'to sa kaniyang mga papeles at saka nagwika nang...

"Hindi siya humingi ng impormasyon sa 'kin tungkol sa pamilya ni'yo ngunit iba ang kaniyang hiniling."

Iniabot ni Kabesang Mata ang isang papeles at saka ang isang larawan.

"Kilalang-kilala mo siya hindi ba?Hiniling niya na isekreto ang lahat ng kaniyang krimen upang itago 'to sa inyo at sa mga tao."

Labis naman ang pangla-lambot ni Maria habang tinititigan ang pangalan at larawan ng tinutukoy ni Kabesang Mata.

"H-hindi po ba kayo nagbibiro?"

Tumawa ang Kabesa at saka sumeryoso.

"Kahit kailan ay hindi ako nagsi-sinungaling sa aking kliyente."

Parang napunta sa ibang dimensiyon ang dalaga at ang nakikita niya lamang niya ay ang karimlan na pilit siyang hinihila.

"B-bakit siya pa?"















Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top