Kabanata 62
Larawan
Nang makabalik na sa bahay ng mga y Dela Fuente sila Maria ay halos ang dalawang dalaga ay hindi maka-usap.
(Pagbabalik tanaw)
"S-solusyon niya na ba 'yan?"
Nagtatakhang ani ni Maria habang masuyong nakatingin kay Clara at sa Ginoo.Nang matapos na ang ginagawa ng dalawa ay nagsalita ang lalaki.
"Marami pa namang panahon,Clara.Habang hindi pa si Maria naghi-hinala sa 'yo,may pag-asa ka pang ayusin ang iniatas ko sa 'yo."
Tumango naman si Clara na parang isang masunuring bata habang sinasabihan ng nakakatanda.
"Maki-kielam na ba ako upang iligtas sa kapahamakan si Clara?Ngunit paano ang aking kaligtasan?"
Naguguluhang ani ni Maria ngunit natigil lamang siya sa pag-iisip ng muling mag-salita ang Ginoo.
"Siya nga pala,nais kong paslangin mo si Fransisco.Tinatamad na akong gamitin pa ang aking kamay at baka marungisan pa,kung kaya't ikaw na ang bahala."
Nanlaki naman ang mga mata ni Clara.
"P-papaslangin?P-paano?"
Tumawa ng bahagya ang lalaki.
"Lasunin mo o kaya naman pukpokin mo nang bato sa ulo,basta huwag mong sasaktan si Maria.May kailangan pa tayo sa kaniya."
Ka-agad namang yumakap si Clara sa binata.
"Gagawin ko ang lahat para sa 'yo,mahal ko."
Literal na nanlaki ang mga mata ni Maria sa kaniyang narinig.
"Tama ba ako nang narinig?Iniibig ni Clara ang lalaking pumaslang kay Nanay Clarita?Ngunit p-paano?"
"Gawin mo lamang ang aking kagustuhan at ibibigay ko ang pagma-mahal na 'yong hinahanap."
Ani ng Ginoo,pilit man ina-aninag ni Maria ang kabuohan ng mukha nito ngunit hindi niya talaga makita.
"Oo mahal ko."
Ayon lamang ang huling narinig ni Maria dahil sa kaniyang pag-atras ay naka-apak siya ng dalawang tuyong dahon.
"Sino 'yan?"
May kaba sa boses ni Clara,walang nagawa si Maria kung hindi tumakbo pabalik kila Fransisco.Ilang minuto ay nagbalik narin si Clara na may pagdu-duda sa mukha habang nakatingin kay Maria.
"Hoy,matunaw!May gusto ka na ba kay Maria,Clara?Naku yari ka kay Fransisco."
Ngunit hindi 'to sumagot ngunit halatang natauhan kung kaya't tumawa ng malakas.
"Biro lang!HAHAHA!Naisip ko lang kanina kung paano kayo bibiruin,pasensiya na."
Napahalak-hak naman si Basilio ngunit ka-agad ding napahinto ng lumabas galing kusina si Aling Corazon.
"Hijo?Puwede mo bang hinaan ang 'yong paghagik-hik?Mainit ang ulo ng Don kung kaya't pakihinaan."
Tumango naman si Basilio at ngumiti rin sa matanda.Nakatingin si Aling Corazon kay Maria kung kaya't napa-angat rin 'to nang tingin sa matanda.
"Bakit napaka-wirdo ng tao sa paligid.Pero sadyang kinakabahan ako sa mga mangyayari."
"Hija?Susana?Maaari ka bang sumama sa 'kin saglit?"
Medyo nagulat si Maria nang tawagin siya ni Aling Corazon,wala siyang nagawa kung hindi sumama rito sa silid nito.
"Ikandado mo ang pinto,Susana."
Seryosong ani ng matanda,kaagad naman 'tong sinunod ni Maria.
"B-bakit po?"
"May mahalaga akong sasabihin sa 'yo,ngunit bago 'yon ay sana sa 'ting dalawa lamang ang sikretong ito."
Tumango naman ang dalaga,tumalikod ang matanda at may hinalungkat sa ilalim ng papag.Isang kahon ang nakuha nito sa ilalalim,binuksan 'to ng Ale at nakita ni Maria na mga larawan 'to.
"Ano po ang mayroon sa mga larawan na 'yan?"
Lumapit sa kaniya si Aling Corazon at iniabot ang isang larawan.Nagtaka si Maria dahil nakita niya ang pigura ng kaniyang Nanay ruon.
"S-si Nanay po 'to ah?At saka si Ina Villaflor..."
Ka-agad namang nagsalita ang Ale.
"Matagal na akong nani-nilbihan sa mga y Dela Fuente kung kaya't alam ko ang bawat detalye ng pamilya nila.Si Donya Villaflor at si Donya Flora ay magkapatid,magka-sundo silang dalawa sa lahat ng bagay ngunit sa hindi inaasahan ay nagka-roon sila ng alitan dahil sa isang Ginoo."
"Totoo po ba 'yan?Ngunit paanong magkapatid si Nanay at si Ina?"
Umiling-iling ang Ale at tiyaka naupo sa papag.
"Alam ko na naguguluhan ka kung kaya't aking ipapaliwanag."
Iniabot muli ni Aling Corazon kay Maria ang isa pang larawan,Si Don Elias.
"Nagkaroon ng hidwaan sa pagitan ni Villaflor at Flora dahil sa pareho nilang sini-sinta si Don Elias.Nabigo si Donya Flora nang malaman na si Villaflor ang pinili ng Don at ito pa ay nagda-dalantao kung kaya't sila ay nagpakasal.Labis ang pagda-dalamhati ni Flora sa nangyari kung kaya't hindi siya lumabas sa kaniyang silid simula ng mangyari 'yon hanggang sa maisilang ang mga supling."
Sandaling napahinto ang Ale sapagkat naubusan na ng hangin sa kaka-salita.
"H-hindi ko kayang ipasok sa aking utak ang mga nalaman ko...p-paanong dito galing si Nanay?"
"Alam kong naguguluhan ka sa kung paano napunta sa Modernong panahon si Flora pero tiyak ko na alam mo na ang sagot.Maliban sa pagku-kulong ni Flora sa kaniyang silid ay may naimbento siyang mahiwagang bulaklak na kung saan kaya kang dalhin sa modernong panahon."
Ani ni Aling Corazon at tiyaka ibinigay kay Maria ang isa pang larawan.
"Simula nang lumaki ang---"
Naputol ang sasabihin ng matanda nang may kumatok sa pinto,ka-agad na tinago ng matanda ang kahon at naiwan naman kay Maria ang huling litrato na binigay ng Ale.
"Sandali!"
Ani ng Ale at ka-agad na pinagbuksan ng pinto ang kumakatok.
"Nakahain na daw po ang mga pagkain,inaanyayahan na po kayong bumaba ni Binibining Susana."
Ani ni Rebecca kung kaya't tumango ang matanda.
"Susunod na kami."
Pagka-alis ni Rebecca tiyaka bumaling ng tingin si Aling Corazon kay Maria.
"Halika na at baka maghinala na sila."
Kahit maraming bumabagabag sa isio ng dalaga ay nagpati-anod siya sa matanda,tinago niya ang larawan sa kaniyang bulsa at tahimik na nag-iisil parin.
"Ito na ba ang sinasabi ni Nanay na huwag akong magagalit sa kaniya kung sakali mang malaman ko ang totoo?Ngunit hindi ko pa nakukuha ang mga impormasyong gusto ko.Marami pa akong gustong malaman."
Pagkarating nila sa hapag kainan ay naruon na ang lahat maliban kay Sophia at kay Villaflor.
"Maupo na kayo at lalamig na ang pagkain."
'yon lamang ang sinabi ng Don ngunit ramdam mo na ang kaniyang salita ay hindi makikitaan ng pagbi-biro.Hanggang sa natapos ang pagkain ay tahimik silang lahat.
"Don Elias?Kami po'y nagpa-pasalamat sa pagkain.Mauuna na ho kami."
Pagpa-paalam ni Fransisco sa Don.Tumango lamang 'to at nagtungo narin sa kaniyang opisina.
Palabas ng bahay ay inihatid ni Maria sila Fransisco.
"Salamat sa pagkain,Maria!"
Ani ni Clara ngunit parang walang narinig ang dalaga kung kaya't muli niya 'tong inulit ng mas malakas pa.
"Huwag mo nang pilitan,Clara.Mauna na kayo at may sasabihin lamang ako kay Maria."
Ani ni Fransisco kung kaya't sumangayon sila Basilio at Clara at nauna na nga sa paglalakad.
"Simula lang ng maka-usap ka ni Aling Corazon ay nagka-kaganiyan ka na.Ano ba ang kaniyang sinabi sa 'yo?"
Tumingin naman si Maria sa kaniya at akmang ibubuka na nito ang bibig ngunit kaagad ding nag-sara.
"Pasensiya na Fransisco ngunit hindi ko sasabihin sa 'yo."
"W-wala sinabihan niya lamang na magbawas na ako sa 'king mga kinakain dahil tumataba na ako."
Kahit halatang hindi kunbinsido si Fransisco sa sinasabi ni Maria ay hindi niya na lamang 'to pinakita bagkus ay niyakap niya ito.
"Tiwala lamang sa diyos,Maria."
Ayon lamang ang sinabi ni Fransisco at hinalikan niya si Maria sa nuo.
"Hanggang sa muli nating pagkikita,Tae ko."
Tumango naman si Maria at tiyaka pilit na ngumiti.
"P-paalam."
Nang maka-alis na si Fransisco ay ka-agad siyang nagpunta sa kaniyang silid at tiyaka sinarado ang pinto.Naupo muna siya sa kaniyang kama at nag-isip ng maalala niya ang huling larawan.Nang makita niya 'to ay nanlaki ang kaniyang mga mata.
"B-bakit anim ang batang narito?H-hindi ba't lima lamang ang mga Binibini?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top