kabanata 60

Payaso

"Nariyan na ang mga Payaso!"

Pagka-sigaw pa lamang ng isang ale ay halos lahat ng taong naruon ay tumingin sa kung saan bumaba sa karwahe ang mga payaso.

"B-bakit tila napa-aga ang kanilang dating?"

Halos hindi na mapakali si Maria nang mamataan ang isang payaso na nakatingin sa kaniya.

"Uy Maria,nadu-dumi ka ba?Nangi-nginig ka riyan."

Napa-iwas naman ng tingin si Maria.

"Nakakahiya kung sasabihin kong takot ako sa mga payaso ano!Kaya no,hindi ko sasabihin."

"H-hindi,siguro ay naiihi lamang ako."

Nata-tawa namang binatukan siya ni Clara.

"Iyan lang pala,halika at sasamahan kita."

Nagpunta sila sa isang palikuran na medyo malayo sa mga tao,may isa lamang palikuran kung kaya't nag-hintay lamang muna si Clara sa labas habang umiihi si Maria.

"Dito lamang ako,Maria ah!I-ihi narin ako kapag tapos mo."

Ani ni Clara sa labas ng palikuran.

"Sige,Clara."

"Naku kailangan kong tagalan upang wala na ang mga payaso duon sa kalsada,diyos ko!Hihimatayin ata ako."

Lumipas ang ilang minuto ay lumabas na rin si Maria sa palikuran ngunit nagtaka siya dahil wala si Clara ruon.

"Clara?"

Hinahanap niya 'to sa bawat gilid ngunit wala,ka-agad naman siyang kinabahan.

"Nasaan na naman ba ang babae na 'yon,sabi siya ang susunod tsk."

Nag-taka siya nang may marinig siya na mga kaluskos at mga tinig sa kaliwang bahagi niya.Dahan-dahan siyang naglakad papunta ruon.

"Ikaw ba ang pinadala ni Pinuno?"

Nanlaki ang mga mata ni Maria ng makita kung sino ang nag-sasalita.

"C-clara?"

"Oo,ako nga.Pinapa-aalahanan ka ni Pinuno na bantayang maigi ang ating puntirya."

Tumango naman si Clara,habang si Maria naman ay patuloy lamang na tahimik habang naki-kinig.

"Ako ay mag-aanyong Payaso mamaya upang walang makahalata na may maga-ganap na hindi nila inaasahan."

Tumingin lamang si Clara sa lalaki.

"Iyan ba ang plano upang madukot ang Panlimang Binibini?"

Tumango-tango ang lalaki habang may ngisi sa kaniyang mga labi.

"Oo kung kaya't ikaw na ang bahala upang makuha natin ang ating pakay."

"Sige,magkita na lamang tayo muli rito."

Muli silang nag-tinginan at may ini-abot pa na sobre kay Clara.

"Paunang bayad daw,ayusin mo ang trabaho Binibini."

Ngumiti lamang si Clara at tinago ang sobre sa kaniyang bulsa sa saya.

"Oo,aayusin ko.Huwag kang mag-alala."

"Mabuti naman,magkita na lamang tayo mamaya."

'yon ang huli nilang pinag-usapan at naghiwalay na nang landas,dadaan si Clara sa kaniyang pinagta-taguan kung kaya't dali-dali siyang tumakbo patungo sa palikuran na kunwari ay kakalabas lamang.Sakto namang dumating na sa kaniyang harapan si Clara.

"Tapos ka na?"

Ani nito na parang wala lang,balik ulit sa masiglang tono.

"Ano ba ang 'yong motibo,Clara.Bakit ka nakikipag-kasundo sa dapat na ay kalaban mo."

"Naga-gandahan ka na sa 'kin,Maria?Naku hindi ako puma-patol ng may nobyo na!"

Ani ni Clara habang may pa-tapik pa sa pisngi ni Maria.

"O-oy hindi ah,iniisip ko kasi kung ano ang maaari kong kainin mamaya."

Pumalakpak naman 'to at tumawa.

"Napaka-raming pagkain ruon kung kaya't hindi ka na maaaring mag-isip pa ng 'yong kakaini!"

"A-ah oo nga,saan pala tayo pupunta?"

Nag-isip pa muna ito habang ngumiti ng malawak.

"Hindi ba't masaya ang manuod ng mga mahika nang Payaso?Manuod tayo!"

"Eto na ba ang pagpa-payag niya sa 'kin upang matuloy ang kanilang plano?"

"B-bakit 'yon?May iba naman at saka---"

Ka-agad na pinutol ni Clara si Maria.

"Mas masaya ruon,balita ko ay may bago silang pasabog mamaya.Halika at panuodin natin 'yon."

"Totoong pasabog.Kung saan maramu ang mamamatay."

"Sa ibang araw na lang o taon,hindi ba---"

Pinutol siyang muli ni Clara.

"Simula bata pa lamang ako ay hindi ko maranasang makapa-nuod ng mga ganitong palabas,isa 'to sa pangarap ko Maria."

Ani ni Clara habang nakayuko,naantig naman ang puso ni Maria ngunit may pumipigil sa kaniya.

"Magpa-padala ba ako sa akting niya?Ngunit mukha namang totoo ang kaniyang sinabi dahil kabilang sila sa mahirap na pamilya."

"Sige na,manunuod na tayo."

"Kahit takot ako sa mga Payaso,pupunan ko na muna ang kaniyang pangarap.Kahit alam kong may balak sila,sa ngayon ay maniniwala na muna ako sa kaniya."

"Yeyyy!"

Kitang-kita ni Maria ang saya sa mga mata ni Clara.

"Masaya ako at naki-kita kong masaya ka,Clara.Kahit na napaka-raming dahilan upang lumayo na ako sa 'yo."

Ani ni Maria habang nakatingin sa tuma-talong bulto ni Clara.Lumipas ang ilang minuto ay lumabas na ang taga-pagsalita o nangu-nguna sa patimpalak na 'yon.

"Magandang Araw sa inyo!Sisimulan na natin ang ating palabas!Narito ang ilan sa mga Payasong aking inimbitahan upang pasayahin kayong lahat!"

Ani ni Kapitan Guevarra habang sinasabayan pa ng musika.

Nag-silabasan isa-isa ang mga payaso,pamilyar kay Maria ang huling lumabas sa tarangkahan.

"Siya 'yong tumingin sa 'kin kanina habang bumababa siya ng karwahe.Sino ba siya?"

"Ito na ang mga munting Payaso!Narito sila upang tayo'y pasayahin!"

Nagsimula sa pagpa-pakitang gilas ang dalawang payaso,gumawa sila nang iba't ibang mahika na mas nakapag-pasaya sa mga manunuod.

"Isa pa!Isa pa!Isa pa!"

Dumagundong ang lugar ng kanilang kinatatayuan dahil sa sobrang katuwaan ng mga manunuod.

"Tayo'y magba-balik mamaya,magme-meryenda na muna ang ating mga kalahok!"

Lumingon si Maria sa kaniyang kanan kung saan naruon si Clara ngunit wala na 'to.

"Eto na ang oras nila upang kumilos,kailangan ko silang pigilan!"

Tumungo si Maria sa likod kung saan naruon ang mga payaso na kumakain ng makita niya kung saan ang lalaking kausap ni Clara na ngayon ay isa nang payaso ay lalapitan na sana niya nang...

"Ahhh!"

May humila sa kaniya patungo sa kakahuyan,nakilala niya na isa 'to sa mga payaso.

"S-sino ka?B-bitawan mo ako."

Ani ni Maria ngunit hindi parin tumitigil sa pagtakbo ang lalaking payaso.Tiyaka lamang sila tumigil ng medyo nakalayo na sa mga kabahayan.

"B-bakit mo ako dinala dito?Isa ka rin ba sa kanila?"

Nangi-nginig na tanong ni Maria sa lalaking payaso.

"Alam ko ang kanilang plano dahil kay Basilio,mabuti na lamang at natunugan ang masamang balak nila."

Napalayo kaunti si Maria dahil halos himatayin na siya sa nakakatakot na hitsura nito.

"Sipain ko kaya siya?"

"S-sino ka?"

Natawa ang lalaki at dahan-dahang lumapit sa dalaga.

"Hindi mo na ba ako naki-kilala?"

"H-huwag kang lumapit!A-ang panget ng mukha mo."

Halos himatayin naman sa tawa ang binata.

"Takot ka pala sa ganitong wangis,Tae ko."

Napa-suntok na sa ere ang dalaga dahil ayaw niyang malapitan ng nilalang at hindi pinag-tutuunan ng pansin ang sinabi nito.

"Lumayo kaaaa!B-bakit ako lamang ang 'yong niligtas?Paano ang ibang tao na naruon?"

Naghe-hesterikal na pahayag ni Maria,ngunit parang mas lalo lamang ngumisi ang binata.

"Naruon na sila Basilio,tae ko.Kaya iniibig kita e,iniisip mo ang kalagayan ng iba."

Nagulat si Maria nang tanggalin ng binata ang mga kolorete sa mukha.

"F-fransisco?"





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top