Kabanata 6
Nasapian
Agad akong nasalo ng aking nakabangga,pagkatingin ko sa mukha nito omo,si Fransisco ang nakabangga ko.
Agad akong umayos ng tayo at akmang aalis na ng tawagin niya ako.
"Hindi ka ba hihingi ng paumanhin?"
"Hindi."
"Alam mo ba na maaari kang matanggal sa iyong pinapasukan ngayon?"
"Hindi rin."
"Hindi mo ba nais kilalanin ang iyong nasa harapan?"
"Hindi."
"Halika,ipapakita kita kay Don Elias."
Agad nanlaki ang mata ko dahil sa narinig,akmang tatakbo na ako ng matalisod ako sa paa nitong naka-usli.Nakakairita pala ang ugali ng Salazar na ito.
Hindi ko na siya pinansin at agad tumakbo papunta sa silid na nakalaan para sa akin.
*tok tok tok
Katok ko sa pinto para ako ay pagbuksan ni rebecca ngunit hindi ito sumagot,naalala ko ang passcode pala namin hahahaha.
"Cute."
Agad naman nitong binuksan ang pinto at nabahala ako ng makitang namumutla ang mukha nito.
"Bakit tila namumutla ang iyong mukha?"
"Ang Donya ay umakyat kanina upang tawagin ka."
"Tapos?"
"Hindi ako nag wika ng kahit ano,baka wari niya ay namamahinga ka."
"Siguro,maraming salamat Rebecca."
"Walang anuman binibini,ngunit kailangan na nating magmadali dahil tiyak na ano mang oras ay parating na si Aling Corazon."
"Sige sige."
Agad kaming nagpalit ng mga kasuotan at nagpaalam sa isa't isa.
Naglibot libot ako sa silid ng tunay na maria ng may makita ako na isang burda,ito yung bulaklak na nagliliwanag at ang dahilan kung bakit ako naririto sa sinaunang panahon.
May nakalagay na mga sulat sa box ngunit akmang babasahin ko pa lamang ito ng may kumatok na sa pinto.Agad kong itinago ito sa dating ayos sapagkat si aling corazon na ata iyong kumakatok.
"Binibining Susana?"
"Po?"
"Nasa ibaba ang iyong Ina at mga kapatid galing sa bayan,nais ka raw nilang makita at makausap."
"Susunod na po ako."
Hindi na ito nagsalita pa kaya naman inayos ko na ang aking sarili at handa na uling umarte.
Pagkababa ko ay naaninag ko na ang apat na binibini,naalala ko sila dahil ang kanilang mukha ay nakalagay sa projector ng guro.
"Nariyan na ang inyong kapatid."
Wika ng Donya.
"Maligayang pagbabalik aming kapatid."
Ani ni Maria Milagros ang pinakamatanda sa magkakapatid.
"Ang 'yong pagkawala ay labis naming kinalungkot."
Ani naman ni Maria Sophia
"Saan ka nga ba naparoon?At sa kahit saang sulok ng buong bayan ay wala kahit 'yong dulo ng buhok."
Ani ni Maria Delilah
"N-nasa isang maayos naman ako na lugar."
"Ikaw nga ba talaga ang aming kapatid?"
Sadyang mas lalo akong mamumutla sa tanong na iyon ni Maria Josephina.
Alam niya ba na hindi ako tunay at isang mapagkunwari lamang?
"Ano bang katanungan ang iyong ibinabato sa 'yong kapatid Josephina?"
Ani ng Donya.
"Hindi ba ako maaaring magtanong sa kanya,Ina?"
"Sadyang mapagbiro ang 'yong kapatid,huwag mo na lamang siyang pagbigyan ng pansin."
"Nais kong malaman,oo at hindi?"
"Oo,ako po ang 'yong kapatid Ate."
"Nakakapanibago,dahil ang dating Maria Susana ay hindi man lang gumalang kahit na minsan sa pamamahay na ito."
"Ate Josephina,maaaring nagbago ang kanyang ugali sa kaniyang napuntahan."
Ani ni Delilah.
"Pero ito lamang ang aking masasabi...Maligayang pagbabalik aking kapatid."
Ngiting sabi ni Maria Josephina.
"Talaga namang napaka-mapagbiro ka Maria Josephina."
Ani ni Maria Milagros.
"Kung gayon,para sa selebrasyon ng iyong pagbabalik.Ipaghain mo kami ng iyong paboritong iluto."
"P-paborito?"
"Oo,ang longganisa na may keso sa loob nito.Iyong sarapan ang iyong luto sa pananghalian,dahil makikisalo ang aking mga kaibigan."
"Para lamang sa pamilya iyon,Maria Sophia."
"Mas marami ina,mas masarap."
"O siya sige,kung iyong nais na makapag-pahinga Maria Susana pumunta ka na sa iyong silid."
"Sige po ina."
Muling nangunot ang nuo ni ate josephina sa aking sinabi kaya naman ako'y lubusan ng nagpaalam.
Agad-agad akong tumungo sa silid ni rebecca upang magpatulong sa request ng Apat na maria.
Tok*tok*tok
Bumukas ang pinto at pinapasok ako sa loob.
"Ano ang iyong kailangan binibini?"
"Alam mo ba kung paano makagawa ng longganisa na may keso sa loob?"
"Nakakapagtaka binibini na hindi mo alam ang pag-gawa sa isang bagay na iyong kadalasang gawin nuon."
"S-sadyang nakalimutan ko ang proseso."
"Hindi kita matutulungan binibini dahil hindi ko nakita kung paano mo ito ginawa nuon dahil ayaw mo ng may iistorbo sa iyong ginagawa."
"May iba pa bang paraan?"
"Mayroon binibini,sa silid aklatan mayroon duon na isang aklat na naglalaman kung paano gawin iyon."
"Puwede mo ba akong samahan?"
"Kinabukasan,binibini?"
"Hindi,ngayon na mismo."
"Baka tayo'y hanapin ng don sa kanyang pagbabalik."
"Kung tayo man ay mahuli,puwede nating idahilan na ako'y iyong inililibot."
"Sigurado ka na ba sa iyong plano binibini?"
"Siguradong-sigurado kaya naman,halika na."
Nagsuot kami ng isang balabal dahil manipis ang sayang suot namin.
Hindi ko alam na malayo pala ang kinaroroonan ng silid aklatan na iyon.
"Malayo pa ba tayo sa ating patutunguhan?"
"Malapit na binibini,sapagkat malapit lamang ang bahay ng mga Salazar."
"Salazar?Anong kinalaman ng mga Salazar sa parteng ito."
"Sila ang may ari ng silid aklatan maliban sa pagawaan nila ng mga armas."
"Ikaw na lamang ang manghiram ng aklat at hihintayin na lamang kita rito."
"Hindi maaari na ang isang kasambahay ang kumuha ng aklat dahil ang alam ng mga nagbabantay na baka sirain lamang ng mga ito ang aklat dahil hindi nito mawari ang nilalaman ng mga ito."
"Ganuon ang patakaran rito?"
"Ganuon na nga binibini."
"Nakakalungkot man isipin ngunit alam kong balang araw ay maiiba rin ang lahat."
"Iyon rin ang aking hinihiling matagal na panahon na,binibini."
"Hayaan mo at babaguhin ko ang sistemang iyon sa pamamagitan ng pag-gamit ng isip at puso,hayaan mo na iyon halika at pumasok na."
Nagkasundo kami na maghiwalay upang mabilis mahanap ang naturang libro.
Habang naglalakad ako dala ang isang gasera at may naaninag ako sa dulo ng pasilyo,may bulto ng lalaki na animo'y nasasapian ng masamang elemento dahil sinasabunutan ang sarili at nagpapadyak-padyak pa ito sa sahig.
Naaninag ko ang katabi niyang libro at nakita kong cooking tips ang nasa pabalat nito.
Lalapit na sana ako dahil akala ko ay hindi ako mapapansin ng parang nasasapian na bulto ng magsalita ito.
"What are you doing here?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top