Kabanata 58

Pilibustero

Hinihingal na tumakbo palayo si Maria habang lumilinga-linga.

"Isa bang kalaban si Clara?Traydor ba siya?"

Halos hindi na malaman ni Maria kung saan siya magtutungo kung kaya't naupo na lamang siya sa ilalim ng puno nang santol.Nagulat siya ng may gumulat sa kaniya.

"Bulaga!"

Napalingon siya at nabungaran ang mukha ni Romeo.

"Buhay pa pala ang loko na 'to?Mabuti naman at nagpakita siya."

"Loko ka talaga,Romeo!Bakit ngayon ka lamang nagpakita sa 'kin?"

Ngumisi ng nakakaloko ang binata at kinurot ang dalawang pisngi ni Maria.

"Ikaw ba'y nalulumbay na sa 'kin?Ako lang 'to,Binibini."

Ani nito habang may pakindat pang kasama,kinurot naman siya ni Maria sa mga braso.

"Heh!Saan ka nga pala nang-galing?At bakit ngayon ka lamang nagpakita sa 'kin?"

Nag-kamot ito ng batok at saka ngumisi ng malapad.

"Abala kasi ako sa isang bagay kaya naman hindi na kita nadadalaw."

Sandaling nakalimutan ni Maria ang kaniyang iniisip kani-kanina lamang dahil sa kaibigan na dumating.

"Sus,eh kamusta naman ang panliligaw mo kay Clara?"

Ka-agad na umiwas ng tingin ang binata at bahagya pang naubo.

"A-anong mayroon sa panliligaw kay Binibining Clara?"

Ngumiti nang nakakaloko si Maria at tinusok-tusok pa ang tagiliran ng kaibigan.

"Yieee,ikaw huh!Hindi mo man lang nabanggit sa 'kin ang bagay na 'to hahaha."

Natatawa namang umiling si Romeo sa kaniya.

"Tumigil ka sa kaka-ganiyan mo,Maria.Baka magka-totoo at tuluyan akong mahulog sa amasonang Clara na 'yon."

Ani ni Romeo habang may pairap pang kasama,hinampas tuloy siya ni Maria sa braso.Magsa-salita pa sana si Maria nang hindi sinasadyang marinig niya sa mga Aleng nagdaan ang isang balita.

"Naku Pasing,narinig mo na ba ang kumakalat na balita sa buong San Lorenzo?"

Ani ng isang Ale habang may dalang isang basket,napalingon naman sa kaniya ang kasama habang may pagta-taka sa mga mukha.

"Hindi pa Victoria,ano ba ang balita na 'yan?Ukol na naman ba sa mga y Dela Fuente?"

Umiling naman ang Ale at tiyaka ibinulong ang kaniyang balita.

"Shsvajsvsvsjshs."

"Pilibustero ang Ama ni Ginoong Fransisco?!"

Ani ng Ale habang nanlalaki pa ang mga mata nito,nanlaki rin ang nga mata ni Maria sa kaniyang narinig kasabay ng pag-singhap ni Romeo.

"Pilibustero?Hindi ba't kalaban ito ng pamahalaan at simbahan?Paanong---"

Naputol ang iniisip ni Maria nang muling magsalita ang isang Ale.

"Huwag kang maingay,Pasing!Naku ipinakalat ba naman daw ng Babaeng Salazar sa Estados Unidos na hindi maganda ang pangya-yari sa ating bansa dahil sa mga kastila."

Nanlaki naman ang mata ng Isang Ale.

"Eh paano naman naging Pilibustero ang Lalaking Salazar?Hindi ba't ang babae naman ang may sala?"

Umiling-iling ang Ale pagkatapos ay tumingin ng diretso sa kausap.

"Hindi daw nangu-ngumpisal kung kaya't sinabing kalaban daw ng simbahan."

Magsa-salita pa sana ang isang Ale ng matanaw sa hindi kalayuan sila Maria.

"Sus maryeosep,magmadali ka pasing.Narito pala ang Panlimang Binibini ng mga y Dela Fuente."

Tumingin din sa dako nila Maria ang isa pang Ale at napa-krus na lamang at naglakad na sila palayo.

"Totoo kayang isang Pilibustero si Ginoong Protacio?"

Nagkibit balikat ang binata at nagwika nang...

"Hindi natin alam,Maria.Malalaman lamang natin ang bagay na 'to kung ating kakausapin na si Ginoong Fransisco."

Bumalatay sa mukha ng dalaga ang labis na pag-aalala kung kaya't hinawakan ni Romeo ang kamay niya.

"Huwag kang mangamba,Maria.Baka may pagka-kamali lamang ang nangyari sa pagitang ng mga Salazar at ng mga may katungkulan,halika na at kausapin si Fransisco ukol dito."

Tumango naman si Maria bilang sang-ayon.Nang makarating na sila sa bahay nila Maria ay nadatnan nila na nasa isang sulok si Fransisco at tulala,kaagad naman siyang nilapitan ng dalaga.

"F-fransisco..."

"A-ayos ka lang ba?Hindi ko malakas ang salitang ayos sa kaniya dahil pakiramdam kong hindi."

Kitang-kita ni Maria ang mga panga ni Fransisco na umiigting.Inabot niya nag mga kamay nito at hinawakan ng mahigpit.

"M-maria...a-akala ko tapos na silang sirain ang mga buhay natin,hindi pa pala.Ngayon ang aking pamilya naman?"

Nabitawan ni Maria ang mga kamay ni Fransisco ng sinabunutan ng binata ang kaniyang sarili,halos awang-awa naman ang dalaga sa hitsura nang binata.

"A-anong gagawin ko...H-hindi,hindi kayo maaaring masangkot sa aming gulo.Kapag nalaman nila ang pagka-kaibigan ng ating pamilya ida-dawit nila kayo sa aming isyu."

Naguguluhang tumingin ang dalaga sa binata,nag-angat ito ng tingin sa kaniya...kitang-kita ang mga luhang nagba-badya sa mga mata nito.

"A-anong ibig mong sabihin?"

Magsa-salita na sana si Fransisco ng matigilan silang lahat ng magwika si Don Elias sa isang banda.

"Lalayo tayo sa kanila.Ang mapagbintangan ng pagiging isang Pilibustero ay may kaakibat na mabigat na parusa,hindi nais ni Fransisco ang madamay pa tayo sa gulo ng kaniyang pamilya...Susana."

Ka-agad na umiling si Maria.

"Ama!Simula nang tayo ang nasa gulo ay nariyan lagi ang pamilya ni Fransisco,paano ninyo nasasabi ang bagay na 'yan imbis na sila'y tulungan?"

Matalim na tumitig sa kaniya si Don Elias.

"Kung papairalin mo na naman 'yang katigasan ng 'yong ulo Susana ay mailalagay na naman tayong lahat sa panganib,bakit ba mas iniisip mo pa ang kalagayan ng iba kaysa sa pamilya natin?"

Ka-agad namang hinagod ni Milagros ang likod ng kanilang Ama upang kumalma.

"N-ngunit Ama--"

Bago niya pa masabi nang tuluyan ang kaniyang sasabihin ay pinutol na siya nang kaniyang Ate na si Delilah.

"Susana!Puwede bang kahit ngayon lamang ay makinig ka sa 'min?"

"T-tama ang kanilang mga isinalaysay Maria.Siguro sa ngayon ay kailangan na muna nating putulin ang ating ugnayan."

Napatanga sandali si Maria ngunit kaagad din namang umalma.

"H-hindi,tutulungan kita Fransisco katulad ng 'yong ginawa sa 'kin.Hindi---"

Muli siyang pinutol sa pagsa-salita ng kaniyang Ama.

"Susana!"

Nagulat ang dalaga dahil sa pagsigaw ni Don Elias na may kasamang diin sa kaniyang pangalan.

"Maria,makinig ka na lamang muna sa amin."

Ani ni Josephina habang seryosong nakatingin sa kaniyang kapatid.

"Pero--"

Muli siyang pinutol sa pagsa-salita ni Fransisco.

"Huwag ng matigas ang ulo,Maria.Para rin 'to sa kapakanan nating lahat,kapag naman na resolba ko na ang bagay na 'to maaari na tayong magsamang muli."

Mukhang medyo natauhan si Maria sa mga pangya-yari at bahagya na lamang yumuko.

"P-pasensiya na po."

Nailing naman ang lahat habang pinagma-masdan ang dalaga.

"Hindi ako nani-niwalang isang pilibustero si Ama,kung kaya't dapat ko 'tong imbistigahan.Mag-iingat po kayo Don Elias,Maria."

Masuyong hinalikan ni Fransisco ang nuo ng dalaga at tiyaka niyakap.

"Bibisitahin kita kapag walang nakamasid,sa ngayon ay gawin na muna natin ang makakabuti para sa isa't isa...tae ko."

Marahang tumango ang dalaga at yumakap ng mahigpit sa binata,bago kumalas ay nag-ngitian muna sila.

"Hanggang sa muli po nating pagki-kita.Aalis na po ako Don Elias,Maria."

Tumingin rin ito sa iba pang magkakapatid at kay Romeo,tinapik niya 'to sa balikat at tuluyan ng umalis.

"Mag-iingat ka,Tae ko.May aasikasuhin lamang ako,naniniwala ako na hindi totoo na isang Pilibustero si Ama."

Ani ni Fransisco habang naglalakad palayo dala ang pandigmang wangis.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top