Kabanata 57

Katanungan

Halos liparin na nila Maria ang daan papunta sa sala bahay nila Moses para makita lamang ang kanilang kapatid na si Sophia.Halos maiyak si Maria sa hitsura ng kaniyang Ate,gula-gulanit ang damit nito at mistulang pinunit,may mga galos at pasa sa bawat sulok ng katawan,walang pang-sapin sa paa at ang mas matindi ay nakatulala siya habang patuloy na umaagos ang mga luha sa pisngi.

"S-sophia,a-anak..."

Hindi alam ni Don Elias kung anong ipa-pakitang reaksyon sa kaniyang nakikitang kalagayan ng kaniyang anak.

"Sinong may gawa sa 'yo nito?"

Tanong ni Milagros habang inaalog oa ang magkabilang balikat ng kaniyang kapatid,ngunit walang responde na kahit isa kay Sophia.

"Huwag mo siyang masyadong alugin,Ate Milagros.Siguro ay pagpahingahin na muna natin siya bago gawin ang mga bagay-bagay."

Ani ni Delilah habang patuloy sa pagpunas sa mga luhang lumalandas sa mata ng dalaga,akmang tatayo na silang lahat ng kaunting nagsalita si Sophia.

"P-panlima...p-panlima...p-anlima...panlim--"

Pagkatapos bigkasin ang salitang 'yon ay bumagsak na sa sahig ang dalaga at nawalan ng malay,kaagad naman 'tong binuhat ni Fransisco at dinala sa isang silid.Naiwan ang apat na magka-kapatid at si Don Elias sa sala.

"Panlima?Bakit 'yon ang binabanggit na salita ng ating kapatid?"

Nagta-takang ani ni Josephina habang nababakas mo parin sa mukha nito ang pag-aalala sa kaniyang kapatid na si Sophia.

"Baka may kinalaman na naman 'to sa 'yo,Susana."

Madiing ani ni Delilah kay Susana habang sinamahan pa ng madilim na ekspresyon.

"B-bakit po sa 'kin,Ate?"

Nauutal na ani ni Maria habang maluha-luhang tumingin sa kaniyang Ate.

"Hindi ba't ikaw naman ang puno't dulo ng lahat?Nang dahil sa 'yo nakaratay ngayon si Ina,Nuong nakaraan dahil sa pagiging matigas ng ulo mo napahamak ang buo nating pamilya at ngayon ano?Ikaw na naman ang dahilan kung bakit nagka-ganiyan si Sophia!"

Madiin at may hinakit na ani ni Delilah habang nakatingin ng diretso kay Maria,kaagad na inawat ni Josephina ang kaniyang kapatid at patuloy na pinakakalma.

"Hindi porke't may titulo si Susana bilang Panlimang Binibini ay siya na kaagad ang kailangang sisihin sa pang-yayaring 'to."

Kaagad na winaksi ni Delilah ang kamay ni Josephina na nakahawak sa kaniyang mga kamay at tiyaka naman bumaling sa kaniyang kapatid.

"Ano ba ang pinakain sa 'yo ni Susana at palagi na lamang siya ang kinakampihan mo na kahit na mali siya?Josephina at kayong lahat,hindi niyo ba napapansin?Simula nang bumalik si Susana sa 'tin napaka-raming pang-yayari!"

Kaagad na kunalampag ang kahoy na lamesa na nasa kanilang harapan dulot ng paghampas ng kanilang ama na kanina pa nananahimik.

"Tumigil nga kayo!Hindi niyo ba alam na magkakapatid at magka-kadugo kayo?!Hindi kailangang may masisi at mang-sisi sa 'ting sitwasyon ngayon!"

Ka-agad na tumigil at tumahimik ang lahat ng mag-simula nang sumigaw ang kanilang Ama.

"Dapat nga ay nagka-kasundo kayo sa pag-pla-plano para maresolbahan ang ating mga suliranin,ngunit ano?Nariyan kayo at puro ngak-ngak?!Tingin niyo malalaman natin ang mga kasagutan sa ating mga katanungan sa pamamagitan ng ganiyang gawain?"

Muling pahayag ng kanilang Ama at tumingin muna isa-isa sa kanila bago umalis.

"P-pasensiya na Ate Delilah..."

Nakayukong ani ni Maria sa kaniyang ate at akmang hahawakan niya ang mga kamay nito ng tinabig ito ni Delilah at padabog na umakyat sa 'taas kung saan ang kinalalagyan ni Sophia.

"Pagpa-sensiyahan mo na ang 'yong nakakatandang kapatid,Susana.Hindi lamang maganda ang nangyayari ngayon kung kaya't ilabas mo na lamang ang kaniyang mga sinabi sa kabila mong tainga."

Ani ni Milagros at tinapik ang balikat ni Maria tiyaka sumunod papunta sa silid ni Sophia.Ngumiti naman sa kaniya si Josephina at tumuloy na palabas ng pinto,walang nagawa si Maria kung hindi lumabas at magpahangin upang maibsan ang kaniyang sumisidhing damdamin.

Makalipas ang ilang minutong pagla-lakad ng makita niya ang kaniyang kaibigan na si Clara,tatawagin na sana ni Maria ng mabilis na 'tong naglakad papunta sa misteryosong lugar.

"Anong ginagawa ni Clara sa lugar na 'to?'

Halos makalimutan na ni Maria ang suliranin sa kaniyang pamilya ng makita niyang pumasok sa isang abandunadong silid ang kaniyang kaibigan.Narinig niya mula sa pintong kahoy ang pinag-uusapan sa likod nito,

"Walang nakasunod sa 'yo?"

"Wala.Nakarating na sa mga y Dela Fuente ang nangyari kay Sophia,maaari ko na bang malaman ang---"

Kaagad pinutol ng lalaki ang nais sabihin ni Clara.

"Hindi pa tapos ang aking mga ipapagawa sa 'yo,maghintay ka lamang.Sa ngayon nais kong paslangin mo ang nag-iisang Salazar at dalhin mo sa 'kin ang Panlimang Binibini."

Makapang-yarihang ani ng lalaki kay Clara.

"Ukol na naman sa 'kin?Pa-paslangin si Fransisco?Sino ba ang lalaking nag-uutos na 'yan?"

"Ngunit---"

Naputol ang nais sabihin ni Clara ng hindi napansin ni Maria ang lata sa kaniyang likuran,lumikha 'to ng malakas na tunog.

"Sabi ko ay walang nakasunod sa 'yo?"

May otoridad na ani ng lalaki kay Clara halos mautal at manginig ang boses.

"W-wala naman akong napansin na sumunod man lang sa 'kin."

Nagulantang si Maria ng makarinig ng pagka-basag ng isang baso.

"Ano pang hinihintay mo?Tignan mo kung sino ang taong nasa likod ng pinto."

Ka-agad na tumakbo si Maria at nagtago sa mga kumpol ng mga balde ng saktong bumukas ang pinto.

"Sino 'yan?"

Ani ni Clara habang nili-libot pa ang kaniyang panigin sa paligid,kaagad na napatakip si Maria sa kaniyang bibig ng may mapansin si Clara sa sahig.

"Shocks,'yong panyo ko!"

"Maria?"

Halos mawalan na nang kulay ang mukha ng dalaga nang makitang papalapit sa kaniyang direksyon si Clara.Nagulat silang pareho ng bumukas ang pinto at lumabas ang isang lalaki na may tabing ang mukha at naka-itim.

"P-parang nakita ko na siya dati..."

"Sini ang nangahas makinig sa ating usapin?"

Nakita ni Maria na 'tinago ni Clara aa kaniyang bulsa ang panyo niya.

"Hindi ko na po naabutan."

"Naku paano kung mag-suplong?"

"Hindi naman po niya alam kung ano ang 'yong wangis,ligtas parin kayo."

Tumalikod na ang lalaki at bago tuluyang maka-alis ay muling ngumisi.

"Siguraduhin mong ligtas ako kung hindi buhay mo ang kapalit."

At tuluyan ng lumisan ang lalaki.

"Natatandaan ko na...siya,siya 'yong lalaki sa video na nakuhaan ni Nanay Clarita.Ngunit paanong tauhan niya si Clara laban sa 'min?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top