Kabanata 56
Kamatayang Lakad
Halos mawalan ng hininga ang lahat ng tao ng dumating ang Tinyente na mukha ng manga-ngain.
"Ano ang nang-yayari rito?"
Ulit na tanong ng tinyente,yumuko ang mga opisyales na espanyol.
"Nagsa-saya lamang kami,Tinyente."
Nangunot ang nuo nang tinyente.
"Nagsa-saya?Masaya bang makakita ng mga taong nahihirapan?"
Nasupal-pal ang lahat ng opisyales na mga espanyol sa sinabi ng tinyente,nanahimik sandali ang mga 'to at pagka-lipas ng ilang minuto ay nag-angat ng tingin ang isa.
"Bakit,Tinyente?Ipapatigil mo ang parusang nasimulan na?Hindi mo ba naki-kilala ang mga taong 'to?"
Tanong ng isa habang matapang na nakangiti sa Pilipinong Tinyente.
"Ganuon nga nga,para kayong mga walang pinag-aralan.Bakit ba pumapatol kayo sa mga walang laban?Bakit hindi ni'yo kalabanin ang iba pang opisyales?"
Balik na sabi ng tinyente sa lalaking espanyol.
"Iniinsulto mo ba kami,Tinyente?Kung ipati-tigil mo na lang din,puwede ba kaming humingi ng pabor?"
Ta-tawa tawang ani ng lalaki.
"Kung para sa nakararami ay papayag ako sa 'yong pabor."
Seryosong ani naman ng Tinyente.
"Panigurado,Tinyente.Nais namin na maiwan ang miyembro ng mga Salazar na 'yan."
Turo ng lalaking espanyol kay Fransisco,dumako naman ang tingin ng tinyente sa binata.
"At bakit siya pa ang mai-iwan?May nagawa ba siyang kasalanan?"
Umiling ang lalaking espanyol habang nakatawa.
"Dahil nais niyang ipag-patuloy ang pagla-lakad,binibigyan ko na siya ng pabor.Nagpa-paka bayani kasi ang binatang 'to."
Lumapit na ang Tinyente sa kinaru-ruonan ni Fransisco.Matapos ay tinignan ng seryoso ang lalaking espanyol.
"Mat masama na ba ngayon sa pagpa-pakabayani?"
Lumapit narin ang lalaking espanyol sa puwesto nila Fransisco,abot tahip naman ng dibdib si Maria dahil sa kaba na baka may mangyaring masama kay Fransisco.
"Sabi mo kanina ay tutuparin mo ang 'yong pangako?Bakit tila nag-bago na ang 'yong isipan?"
Nanu-nuyang ani ng lalaki kila Fransisco.
"Hindi sa ganitong paraan---"
Hindi na naituloy pa ng tinyente ang kaniyang nais sabihin ng sumabat na si Fransisco.
"Paumanhin po Tinyente,ngunit kung makakabuti naman sa nakararami ay pagay ho akong maglakad kahit buong araw aa bawat kalye ng walang tigilan."
Napa-palakpak naman ang lalaking may lahi sa sinabi ni Fransisco,lalo namang kinabahan si Maria sa pabugso-bugsong kilos ng Binata.
"Bravo!Mabuti at natauhan ka na,tinyente ano na?Pumayag na ang Batang Salazar,ituloy niya na ba ang kaniyang pagla-lakad?"
Napatingin naman ang tinyente kay Fransisco na animoy humihingi ng kasagutan sa kaniyang naging desisyon.
"Handa na po ako Tinyente,para po sa iba pa na ating kababayan."
"Kung gayon ay hindi na kita mapi-pigilan pa.Sige simulan na ang pagla-lakad,aasahan kong buhay ka pa pagka-tapos nito Fransisco."
Tumango naman at ngumiti si Fransisco at nagsimula nang maglakad,walang nagawa si Maria upang matulungan ang Binata ngunit naisip niya kung walang magawa ang tinyente ay ganuon din siya.
Lumipas ang maghapon hanggang sa naging gabi na,halos mukha nang lantang gulay na si Fransisco,nakauwi na nang maayos si Moses at ang kaniyang mag-ina.Ngunit nanatili si Maria at Josephina na nakatingin lamang kay Fransisco.
"Tama na 'yan!Maaari ka nang umuwi,batang Salazar."
Nanu-nuyang ani muli ng lalaking espanyol at tiyaka tuluyan ng umalis.
"Fransisco,kamusta ang 'yong kalagayan?"
Tanong ni Maria habang sinusuri kung may galos ba ang binata ngunit nanlumo siya ng makitang dumudugo na ang talampakan nito,
"T-t-tubig..."
Utal-utal na sabi ni Fransisco habang nakahawak ng mahigpit sa mga kamay ng dalaga,kaagad namang umalis si Josephina upang bumili o humingi ng tubig sa kahit na sino.
"Papatayin mo ba talaga ako sa pag-aalala sa 'yo,Fransisco?"
Tumingin sa kaniya ang mga mata ni Fransisco na pagod.
"N-nais kong t-tumulong,T-tae ko."
Halos maawa si Maria sa hitsura ng kaniyang asawa,hindi niya alam kung paano niya 'to a-asikasuhin.
"Huwag ka na nga munang mag-salita!Nakikita mo ba ang 'yong sarili?Para kang basang sisiw!"
Ngumiti lamang ang binata kahit halata sa mukha nito ang sakit na nararamdaman.
"Maayos naman ang pakiramdam ko..."
Sa inis ni Maria ay kinurot niya sa tagiliran si Fransisco,napadaing naman ang dalaga pagkuwa'y humahalak-hak.
"Tignan mo kahit na nasasaktan ka na nagawa mo pang tumawa riyan!Umayos ka Fransisco ah,arghh!"
Napangiti na lang ang binata sa kaniyang nakikitang ekspresyon mula sa Dalaga.
"Galos lang naman 'to,kahit na huwag ka nang mag-alala pa."
Sinamaan siya ng tingin ni Maria.
"Galos?Kung sa 'yo ay galos lang 'yan paano kung sugat na?Ano bali-bali na buto mo huh!"
Mas lalo lamang humalakhak ang binata sa inaasal ni Maria.
"Parang nawawala ang pagod ko sa araw na 'to dahil sa galit niyang ekspresyon,isa rin palang gamot ang galit niya."
"O bakit ka ngumingisi diyaan?Anong nakakatawa?!"
"Paumanhin pero natutuwa lamang ako sa 'yo."
Muling umirap ang dalaga pagkatapos ay lumambot ang ekspresyon nito.
"Kaya mo pa bang maglakad?Paniguradong magdu-dugo pa 'yang mga sugat mo kapag pinuwersa."
Naupo si Fransisco habang nakatingin kay Maria.
"Oo kaya ko pa,siguro ay sa pamamahay na lang nila Ginoong Moses ako magpa-pahinga.Alalayan mona lamang ako sa pagla-lakad tiyaka alagaan mo narin ako,tutal ay asawa parin naman kita."
Kinurot muli ni Maria ang tagiliran ni Fransisco ngunit ngayon ay hindi na nabakasan ng sakit sa mukha ng binata bagkus ay humahalak-hak na 'to,natigil lamang sila ng humahangos na bumalik si Josephina dala ang isang bote na may laman na tubig.
"T-takbo..."
Napakunot ang mga nuo ni Maria dahil sa winika ng kaniyang Ate.
"Ano po,Ate?"
Kita sa mga mukha nito ang takot at pagkabalisa.
"K-kailangan ka nila,Susana.Tumakbo na tayo..."
Ka-agad na tumayo si Fransisco at hindi na ininda pa ang sakit sa kaniyang talampakan,sabay silang tumakbo pauwi sa pamamahay nila Moses.
Nakahinga sila ng maluwag ng maka-rating na sila sa pamamahay nila Moses.Ka-agad silang sinalubong ni Milagros.
"Bakit kayo humahangos?Nakita niyo na ba si Sophia?"
Magkasunod na tanong nito pero naupo muna ang tatlo habang habol ang mga hininga.
"Maraming lalaki ang humarang sa 'kin kanina at kasama ruon ang mga lalaking dumukot kay Sophia."
"Mga kalalakihan?"
Tumango si Josephina at humanga muna nang malalim bago muling nag-salita.
"Si Susana ang kailangan nila,sinabi nila sa 'kin na kung ibibigay ko sa kanila si Susana ay ibabalik nila si Sophia."
Napasapo sa nuo si Milagros at sinenyasan sila na huwag masyadong maingay.
"Nakapag-tataka kung bakit si Susana na naman ang pinag-tutuunan nila ng pansin.Huwag niyo na muna 'tong ipaalam kay Ama at baka makasama sa kaniyang kalusugan,bukas na bukas ay hahanapin natin si Sophia at hindi natin ibibigay si Susana sa kanila."
Sumang-ayon naman ang tatlo na hanggang sa ngayon ay hinahabol parin ang kani-kanilang hininga.
"Pagod kayo kung kaya't magpahinga na muna kayo.Lalo ka na Ginoong Fransisco.At ikaw Susana,alagaan mo 'yang kaibigan mo."
Halos maupos sa kinauupuan niya si Maria dahil ang alam pala ng kaniyang pamilya ay hiwalay na sila ni Fransisco.Nagtungo sila sa isa sa mga silid duon at gina-gamot ni Maria ang sugat ni Fransisco.
"Alam mo ba Maria kung ano ang nais makuhang impormasyon sa 'yo nang mga lalaki na 'yon?"
Halata sa boses ng binata ang pag-aalala ngunit may nakatagong pag-uusisa.
"Sasabihin ko na ba kay Fransisco?Ngunit kahit taon na ang lumipas ay hindi dapat ako mag-tiwala kaagad.Sa ngayon ay susundin ko muna ang payo ng matatanda."
"Hindi ko alam."
Diretso at seryosong ani ni Maria.
Magsa-salita na sana si Fransisco nang bumukas ang pinto ng silid,natigilan silang dalawa ng bumungad sa kanila ang humahangos na si Delilah.
"S-susana."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top