Kabanata 55
Pagsiklab ng Apoy
Nang makabalik na sa bahay ni Moses sila Maria ay nagtaka sila dahil hindi pa naka-babalik si Sophia.
"Nasaan na si Sophia,Milagros?"
Takhang tanong ni Elias sa kaniyang anak.
"Si Josephina po ang kaniyang kasama na naglakad-lakad."
Lumingon naman silang lahat kay Josephina na malalim na ang iniisip.
"Josephina?Nasaan ang 'yong kapatid?"
Umiling-iling saglit si Josephina bago nagsalita.
"Ang aking naalala ay pinasundo niyo na si Sophia sa dalawang kalalakihan dahil may mahalaga daw kayong sasabihin."
Kumunot naman ang nuo ni Elias.
"Hindi ako nagpatawag sa kahit na sino,Josephina.Saan mo huling nakitaan ang 'yong kapatid at ang mga lalaki?"
"Sa dulo po ng sakahan,hindi ko na po pinansin dahil ginamit naman ang 'yong ngalan."
Halos manlumo ang tuhod ni Elias dahil sa narinig,nasi-siguro na niyang may dumukot sa kaniyang anak.
"Dios Mio..."
Kaagad na inalalayan ni Fransisco si Elias dahil sa biglaang pagwalang balanse nito.
"Susana kuhaan mo nang maiinom si Ama."
Utos ni Milagros sa kaniyang kapatid,kaagad namang sumunod sa utos si Maria.Nang maka-punta siya sa kusina ay nakita niyang lumuluha ang asawa ni Moses,kaagad niya 'tong dinaluhan.
"A-ano pong nangyari?"
Tumingin sa kaniya ang mga lumuluhang mata ng asawa ni Moses.
"S-si Moses.."
"Bakit po?"
"Napag-bintangan ng nga guardia sibil sa bayan,sasabihin daw nila ang parusa mamayang alas dos ng hapon."
"B-bakit po napag-bintangan?S-siguro naman po ay hindi na siya gumawa ng ikasama niya."
Yumuko na lamang muli ang Ale at tahimik na umiiyak.
"E si Bea po nasaan?"
Tanong niya dahil bigla na lamang nawala si Bea pagkarating nila sa bahay.
"Sigurado akong nasa bayan na siya,kailangan natin siyang puntahan."
Kaagad ng kumuha ng maiinom para sa kaniyang ama si Maria at tinulungang tumayo ang Ale bago nagpunta sa sala.
"Bakit ka lumuluha?"
Tanong ni Elias sa babae.
"Ang asawa ko't anak..."
Tatayo na sana si Elias upang alamin kung ano nga ba ang nangyayari ngunit kaagad ding napaupo dahil sa labis na pangi-nginig ng binti.
"Kami na po Ama ang titingin sa bayan,magpahinga na lamang po kayo riyan."
Sumang-ayon naman ang lahat kaya sa huli ay walang nagawa si Elias kung hindi ang sumunod sa Payo ng kaniyang mga anak.Si Fransisco,Maria,Asawa ni Moses at Josephina ang nagtungo sa bayan upang alamin kung ano ang mga nangyayari.
"Ano ho ba ang ginagawa ni Ginoong Moses sa bayan?"
Malungkot na tumingin sa kaniya ang babae.
"Nais niya sanang bumili ng pang-meryenda para sa inyo,ngunit nabalitaan ko na lamang na napag-bintangan na siyang nagnakaw sa isang tindahan."
Hinawakan ng mahigpit ni Maria ang kamay ng babae at nginitian na parang sinasabi na magiging okay lang ang lahat.
Ng makarating na sila sa bayan ay sakto naman na nagku-kumpulan na sa gitna ang mga tao na animoy may isang magandang palabas.
"Bagay lamang sa inyo 'yan!"
"Mga mababang uri!"
"Magnanakaw!"
Narinig nila ang mga salita na 'yon sa mga tao,ng makarating sila sa gitna ay nakita nila ang napakaraming lalaki na mga gusgusin...kasama na si Moses na tahimik na lumuluha habang niya-yakap ang kaniyang Anak.
"A-anak..."
Akmang lalapitan ng asawa ni Moses ang kaniyang mag-ama ay kaagad na siyang pinigilan ni Josephina.
"Madadawit lamang kayo kung lalapit kayo sa kanila."
Hindi na nakapalag pa ang babae at tahimik na lamang na lumuluha sa isang gilid.
Hindi nagugustuhan ni Maria ang kaniyang nakikita sa harapan.
"Hindi ko alam na ganito pala ang mga espanyol nuon.B-bakit ba gustong-gusto nila na nahihirapan ang mga Pilipino?"
Kitang kita niya ang pagngisi ng mga matatandang espanyol habang nag-uusap at nakatingin sa mga lumuluhang Pilipino.
"Kailangan nating baguhin ang sistemang 'to."
Mahinang ani ni Fransisco habang nakatiim bagang na nakatingin sa harapan.
"H-hindi natin mababago ang mga nakatakda,Fransisco.Hayaan na lamang natin na umayon ang lahat sa tadhana."
Kaagad namang tumingin sa kaniya si Fransisco habang nagla-lagabgab ang mga mata.
"Ang mga Pilipino ay hindi dapat ganiyan ang sistema,kailangan natin ng matalinong isip upang lumago ang ating bansa."
Ani nito habang bumalik na ang tingin sa harapan,magsa-salita na sana si Maria nang magsalita na ang isa sa mga lalaking espanyol.
"Buenos dias,senyrita't senyorito.Nakikita niyo naman siguro kung ang mga nagawa ng mga lalaking 'to."
Ani niya at saka ngumiti,naghiyawan naman ang taong bayan tiyak pinagba-bato ang mga tao.
"Gustong-gusto ko sumigaw na kababayan niyo 'yan!Gumising kayo sa kahibangan niyo!Pero natatakot ako na baka kapag ginawa ko 'yon ay mas lalo lamang silang mapahamak."
Ani ni Maria habang umiiwas ng tingin.
"Ngayon simulan na nating leksyunin ang mga tampalasan na 'to.Papalakarin natin sila sa gitna ng kainitan,hindi natin sila papatigilin kung hindi sila aamin sa kasalanan na kanilang ginawa."
Naghiyawang muli ang lahat ngunit may isang tao ang sumigaw.
"Hindi ka dugong pilipino kung kaya't ginagawa mong manika ang mga mahihirap!Wala kang karapatan para utos-utusan kami!Mga wala kayong pu--"
Ngunit bago niya pa maituloy ay binaril na siya ng lalaking espanyol sa binti,natahimik ang lahat at ang tangi lamang naririnig ay ang tawanan ng mga espanyol na nagpasimula ng parusa.
"Ganiyan ang mangya-yari sa inyo kapag nakielam kayo,dalhin at isama siya sa mga taong maglalakad wala kaming pakielam kung mamatay siya dahil sa pag-ubos ng kaniyang dugo.Lakad!"
Halos ang ibang ka-pamilya na kabilang sa nakasama sa tinaguriang "walang hanggang lakad sa kamatayan" ay humahagul-gol na at naglu-lupasay ngunit wala man lang awa ang nakikitaan sa mga mata ng mga taong gumawa ng parusa.
"Hindi na talaga tama ang kanilang ginagawa."
Ani ni Fransisco,bago pa mapigilan ni Maria ang pagpunta sa harapan ni Fransisco ay tumakbo na 'to papalapit sa mga espanyol na opisyales.
"Mawalang galang na po sa inyo,pero hindi po tama ang ginagawa niyo sa mga pilipino!"
Napasinghap si Maria ng tinutukan ng baril si Fransisco.
"Ga-gaya ka pa sa lalaking nabaril kanina?"
Matapang na hinawakan ni Fransisco ang baril na hawak ng espanyol at itinutok sa kaniyang dibdib.
"Sige iputok mo,pero sa oras na iputok mo 'yan sana ay naiisip ko ang mangya-yari sa 'yo."
Natigilan ang lalaki ng parang makilala ang mukha ng binata.
"Isa kang Salazar?Akala ko ba ay hindi na mangi-ngielam pa ang mga Salazar sa bagay-bagay?Haluh sige dahil matapang ka,ikaw na lamang ang pumalit sa puwesto ng lalaking nabaril."
Kaagad na binaba ng lalaki ang baril at tumalikod na,kaagad na nilapitan ni Fransisco ang lalaking nabaril kanina at pina-uwi na 'to.Nagsimula na silang maglakad hanggang sa wala paring umaamin sa punto na mag aala-sais na nang gabi.May nahimatay na,gumagapang dahil sa pagod,umiiyak dahil sa sakit ng katawan pero walang pake ang mga namamahala.
Natigil sa paglalakad ang mga kalalakihan ng may sumigaw.
"Sino ang pasimuno rito?!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top