Kabanata 53
Tagu-taguan
Nagtago si Maria sa mga gamit na naruon dahil nasabi niya na rin kay Fransisco ang kaniyang narinig kanina.Binuksan ni Fransisco ang pinto at tumambad sa kaniya ang mukha ng isang sakristan.
"Ano ang 'yong kailangan?Ipinapatawag na ba tayo sa 'baba?"
"Hindi."
Ani ng isang sakristan habang umiikot ang paningin sa likuran ng Binata.
"May tao o bagay ka bang nais mahanap?"
Tanong na seryoso ni Fransisco sa lalaking kaniyang kaharap.
"Ipinapahanap kasi ng pari ang Panlimang Binibini,babasbasan raw ang kanilang pamilya."
Napangisi naman si Fransisco.
"Hindi ako mangmang para maniwala sa 'yong mga sinasabi,ginoo."
Ani ni Fransisco sa kaniyang isipan.
"Ipina-pahanap?Hindi ba't tapos na ang pagba-basbas sa mga tao?"
Parang biglang nabalisa ang binatang kaharap ni Fransisco dahil nara-ramdaman na nagdu-duda na ang kaniyang kaharap.
"Ba-basbasan daw silang muli.Ayon sa aking napagtanungan ay sa silid na ito nagtungo ang Binibini."
"Trying hard ka ba kuya?"
Ani ni Maria sa kaniyang isipan habang sinisilip ang pangyayari sa pinto.
"Naandito nga siya,hayaan mong ako na ang bahalang maghatid sa kaniya patungo sa pari."
Lumabas si Maria sa kaniyang pinagta-taguan at nanlaki naman ang mata ng pekeng sakristan.
"A-ako na daw ang magha-hatid sa Panlimang Binibini,Ginoo."
May hinawakan ito sa loob ng bulsa habang matamang nakatingin kay Maria.
"Ako na nga ang bahala,salamat sa pagsabi ng impormasyon."
Ani ni Fransisco at seryoso na muling tinignan ang kaniyang kaharap.
"Hindi na Ginoo,ako ang inatasan kung kaya't ako na ang magha-hatid."
Pami-milit pa ng sakristan kay Fransisco.
"Hindi na sabi---"
Naputol ang sasabihin ni Maria nang maglabas ng patalim ang pekeng sakristan.
"Kung ayaw niyong madaan sa maayos na pakiki-usap ay mapi-pilitan akong gumamit ng dahas!"
Ani ng pekeng sakristan habang dahan-dahang lumalapit kila Maria.
"Ibaba mo 'yan."
Pakiusap ni Fransisco ngunit mas iniamba pa ito ng pekeng sakristan.
"Ibigay mo na muna sa akin ang Panlimang Binibini upang hindi ka masaktan."
Ngumisi naman si Maria.
"Halata naman na hindi siya sanay humawak ng patalim,madali lang namin siyang mapapatumba."
"Hindi ko siya ibibigay sa 'yo--"
Hindi pa natatapos ni Fransisco ang kaniyang sinasabi ng inambang muli ng lalaki ang patalim kung kaya't nadaplisan ang kaniyang kamay.
"Aray!"
Ani ni Fransisco at hinawakan ang kaniyang nasaktang bahagi ng kamay.
"Huwag ka na kasing humarang pa.Ibigay mo na ang Panlimang Binibini sa akin."
Umiling naman si Fransisco ngunit kaagad na umamba ng saksak ang lalaki,napapikit si Fransisco at ihinarang ang kaniyang mga braso sa paparating na saksak ng lalaki.
"Ahhh!"
Nagulat si Fransisco ng humiyaw sa sakit ang pekeng sakristan,nagmulat ng mata si Fransisco at una niyang nabungaran ang nakangising mukha ni Maria.
"Ayos ba?"
"P-paanong---"
Kaagad na pinutol ito ni Maria habang nakatingin parin sa nakahandusay ng lalaki.
"Sa modernong panahon hindi puwedeng ta-tanga ka,kaya eto?Nagawa ko to dahil hindi porket ang depinisyon ng Binibini sa panahon niyo ay mahinhin at mahina ay hindi na namin kayang ipag-tanggol ang aming sarili.Hindi naman habang buhay ay nariyan kayong mga ginoo sa aming tabi."
Ngumiti naman si Fransisco,masyado siyang namangha sa bagong katangian na kaniyang nalaman mula sa dalaga.
"Sang-ayon ako sa 'yo,kaya nga'y nahulog ako sa 'yo eh."
Medyo napairap naman ang dalaga ngunit kaagad ring humalak-hak.
"Tama 'yan sa akin ka lamang mahulog,HAHAHA!"
Nagtawanan silang pareho ng maalala ni Maria sa pekeng sakristan.
"Ano pala ang gagawin natin sa isang 'to?"
Nagkibit balikat ang binata.
"Siguro ay itali natin,para kapag siya na ay nagising ay maitatanong natin kung sino ang nag-utos sa kaniya."
Pumalakpak naman ang dalaga at sumang-ayon sa plano ni Fransisco.
....
Ilang oras rin ang tinagal at naka-uwi na sila Maria sa kanilang bahay,iminungkahi niya na rin ang tungkol sa pekeng sakristan sa kaniyang Ate at Ama.
"Ang mga tao talaga ngayon,hindi parin sila talaga tumitigil para masaktan ang miyembro ng ating pamilya."
Ani ni Elias habang nakatingin sa lalaking nakatali sa isang upuan.
"Simula pa nuon ay nais na nilang kuhain si Susana upang ipanakot sa 'yo Ama na bumaba sa posisyon mo sa Pamahalaan."
Ani ni Milagros habang umi-iling at tumingin sa malayo.
"Hindi porket marami sila at halatang matataas rin na pamilya ang kumakalaban sa atin ay hindi na tayo lalaban."
Segunda ni Sophia.
"Kaya ba hindi niyo ipina-pakita sa karamihan nuon ang wangis ni Maria?"
Kuryosong tanong ni Fransisco kay Elias.
"Oo,Iho.Napakaraming banta sa buhay ni Susana kahit nuon pa man,kung kaya't ang solusyong naisip namin ay ang pagtago sa kaniya rito sa aming pamamahay."
"Tagu-taguan ang nagaganap sa pagitan natin at ng mga kalaban,ngunit sila ang taya at tayo ang kailangang sugpuin,pahirapan."
Napabuntong hininga na lamang ang kanilang Ama dahil sa labis na pagka-bahala.
"Mm..."
Napadako lahat ng kanilang paningin sa lalaking nakaupo.
"N-nasaan ako?A-anong ginawa niyo sa akin?"
Nahihin-takutan na ani ng pekeng sakristan.
"Wala naman kaming ginagawa sa 'yo,tinali ka lamang riyan."
Seryosong ani ni Maria sa lalaki.
"Kung inaakala niyong may makukuha kayong impormasyon sa akin,puwes umasa kayo!"
Sigaw ng lalaki kahit na nangi-nginig pa ang tinig nito,lumapit naman ang Ama ni Maria at pinag-katitigan ang lalaki.
"Bakit mo gustong kuhain ang Panlimang Binibini?"
"Wala akong sasabihin!"
Pagma-matigas pa nito at umiwas ng tingin.
"Wala kang sasabihin?Edi ang pamilya mo na lamang ang pagtu-tuunan namin ng pansin,Susana tawagin mo si Hakob ruon sa 'baba para---"
Naputol ang sasabihin ni Elias ng sumigaw ang lalaki.
"S-sasabihin ko na!Huwag niyo lamang ida-damay ang pamilya ko!"
"Ang aking tanong ay bakit ka sumunod sa nag-utos sa 'yo upang dakping muli ako?"
Ani ni Maria habang matamang nakatingin sa lalaking nama-mawis na.
"D-dahil sa pera,k-kailangan ko ng pera para ipagamot ang aking may sakit na anak."
Napatunga-nga naman ang lahat.
"Totoo ba 'yang sinasabi mo?Baka naman ay pinagsi-sinungalingan mo na naman kami."
Ani ni Fransisco,ka-agad na umiling ang lalaki habang maluha-luhang nagsalita.
"Totoo!Sinabi ng lalaking 'yon na kapag nagawa kong makuha ang Panlimang Binibini ay tutulungan daw ako ng pinuno niya na mapagamot ang aking anak."
Kumunot naman ang nuo ni Delilah.
"Sino ang sinasabi mong lalaki?"
"H-hindi ko siya kilala,minsan na lamang siyang nagpunta sa bahay at inialok sa akin ang ganitong trabaho kapalit ng pag-gamot sa aking anak."
Napayuko na ang lalaki habang umiiyak,napailing naman si Maria.
"Kung gayon ay dalhin mo kami sa 'nyong tahanan.Hindi dahil sa nagdu-duda kami ngunit gusto kong makita ng personal ang 'yong anak para kung sakali mang may maitulong kami."
Kaagad nag-angat ng tingin ang lalaki,kita sa mga mata nito ang labis na pagsi-sisi at kalungkutan.
"Hindi ko nais madamay kayo sa aming kahirapan at gumawa ako ng kasalanan sa 'nyo,hindi maganda kung ako'y inyo pang tulungan."
Ani ng lalaki,sumingit naman sa usapan ang Ama ni Maria.
"Tutulungan ka namin kung magba-bago ka na ng buhay,huwag ka na sanang gumawa ng ikapa-pahamak mo."
Nginitian ito ni Elias.
"Hindi naman kasi masu-sulusyunan kung ang problema ay lalapatan pa ng isang problema."
Ani ni Josephian.
"Tama na siguro ang tagu-taguan."
Ani ni Maria habang nakangiti na rin sa lalaki.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top