Kabanata 50
Liham
Habang nakaupo sa damuhan sila Maria at Fransisco ay biglang nagsalita ang binata.
"May sama ka ba sa akin ng loob?"
Agad namang tumingin ang dalaga sa mukha ng Binata.
"Bakit naman?Ukol ba sa nasaksihan ko nuong pagkarating ko sa bahay ni Basilio?"
Tumango ang binata.
"Siguro ay mayroon.Sino ba kasing babae na matutuwa kung ang kanilang kabiyak ay may iba palang ina-ano."
Natawa ang binata sa inasal ng dalaga.Niyakap niya ito habang nakaupo sa damuhan at hinagkan ang kaniyang ulo.
"Sa aking pagka-kaalam ay may ibinigay sa akin si Hilda na inimun,hindi na ako nagtaka dahil uminom rin naman siya sa baso na hawak niya.Hanggang sa nanlabo na ang aking paningin."
Napa-isip naman ang dalaga,alam niya kung sino ang gumawa nuon ngunit hindi niya alam kung ano ang motibo nito.
"Hayaan mo na 'yon,ang mahalaga ay hindi 'yon totoo at alam nating pareho ang tunay na nararamdaman natin."
Ka-agad nag-ngitian ang dalawa at masayang tinanaw ang mga alitap-tap na animoy sumasayaw dahil sa sinag ng buwan.
Ilang minuto ang lumipas ay napag-pasyahan na nilang bumalik sa bahay nila Maria dahil lumalalim na ang gabi,akmang ia-akyat na siya ni Fransisco sa bintana ng makarinig sila ng mga yabag kung kaya't bumaba kaagad si Maria sa pagka-kahawak ng binata at sila'y nagtago sa kumpol ng mga halaman.
"Shh,huwag kang maingay."
Ani ni Maria kay Fransisco dahil para itong kiti-kiti sa likot kung kaya't gumagalaw ang ibang tuyong dahon.
"May tao ba riyan?"
Ani ng ama ni Maria,kaagad namang may naisip na paraan ang dalaga.
"Meow."
Halos nangi-nginig pa ang kaniyang boses dahil sa kaba,dahil tiyak na mapapagalitan siya kapag nakita ang kaniyang kalokohan.Napahinga sila ng maluwag nang humarap na ito sa kausap.Si Lucas.
"Ano,Lucas?May kahina-hinala bang kinikilos si Susana?"
Ngumunot naman ang nuo ng dalaga dahil sa narinig ang kaniyang pangalan.
"W-wala naman po,maliban na lamang sa wala siya ngayon sa kaniyang silid."
Halos manlaki ang mata ng dalaga dahil sa sinabi ni Lucas.Sa kalagayan naman ni Fransisco ay hindi siya mapakali dahil sobrang lapit niya sa dalaga,ngunit parang wala lang nama ito kay Maria.
"Hindi ba't nag-iwan siya ng babala na huwag na siyang i-istorbohin dahil siya'y matutulog na?"
Nagtatakang ani ni Elias kay Lucas.Si Maria naman ay halos maihi na sa kaba.
"Paano nalaman ni Lucas na wala ako sa aking silid?Patay ako kung sakali mang puntahan nila at tignan kung naruon ba talaga ako sa aking silid."
Ani ni Maria sa kaniyang isipan.
"Habang nag-iikot ako kanina ay napansin kong naka-awang ang bintana ng Binibini kung kaya't pumasok ka agad ako sa loob ng kaniyang silid upang malaman kung may nanloob,ngunit nadatnan kong wala siya ruon."
Nagulantang si Maria ng maramdaman niya ang hininga ni Fransisco sa kaniyang batok,lumingon siya rito ng mas lalo lamang siyang nagulat dahil isang maling galaw ay muling magla-lapat ang kanilang mga labi.
"A-ah ano...mauna ka na,may plano na ako hehehe."
Bulong niya sa binata kung kaya't ngumiti naman siya.
"Sige,aking tae.Magkita na lamang tayong muli sa mga susunod na araw."
Kaagad na lumakad palayo ang binata at naiwang nakatulala si Maria sa kinapu-puwestuhan ng kaniyang asawa kanina.
"Nais ko pong maikasal sa 'nyong anak,Don Elias."
Tumawa naman ang ama ni Maria.
"Ngunit may nakatakda nang maikasal sa kaniya,maaari ka namang pumili sa apat na natira."
Matutuwa na sana si Maria nang marinig ang sinabi ni Lucas.
"Siya po kasi ang itinitibok ng aking puso."
Mas lalong humalakhak ang Ama ni Maria.
"Hindi ako ang magde-desisyon para riyan,Lucas.Ama niya lamang ako at wala akong karapatan upang kuwestyunin kung sino ang nararapat niyang pagbigyan ng matamis na sagot."
Napangiti naman ang Dalaga.
"Ama ko 'yan!"
"Sige ho.'yong tungkol po pala sa ipinapagawa ninyo sa akin,ano po ba ang hitsura ng bulaklak?"
May inilabas si Elias na isang panyo na may burda ng isang bulaklak,hindi mawari ni Maria kung ano ang kaniyang reaksyon.
"Sa tunay na Maria ang panyong 'yon ah!Bakit nagpapahanap ng ganuong bulaklak si ama?"
"Parang nakita ko na 'to nuon,ano po pala ang ikinalaman nito kay Susana?"
Bumuntong hininga si Don Elias.
"Nakita ko 'yan sa kaniyang silid,naisip ko kung ano ang kinalaman niya riyan.Kung kaya't humanap ako ng iba pang impormasyon ukol sa ganiyang bulaklak."
Ngumiti si Lucas.
"Sige ho,hahanap po ako ng iba pang impormasyon ukol rito."
Lumapit ang matanda at tinapik sa balikat ang binata.
"Maraming salamat,nawa'y huwag mong sasabihin ang ukol rito kay Susana."
"Masusunod po."
"Halika na at nais kong malaman ang totoo kung wala ba talaga si Susana sa kaniyang silid."
Kaagad namang nataranta ang dalaga kung kaya't lumayo siya ng kaunti at kunwari ay naglakad ng normal,bago pa man makapasok ng bahay ang dalawa ay tinawag niya na ang kaniyang Ama.
"A-ama!"
Kaagad namang lumingon ang dalawa.
"Saan ka nanggaling,Susana?"
Kahit kinakabahan ay sumagot siya rito.
"Naglakad-lakad po rito sa labas,nanghu-huli po kasi ako ng mga alitap-tap."
Lumapit sa kaniyang direksyon sila Elias.
"Gabi na,baka maka-abala ka sa mga taong lupa.Mabati ka pa,halika na at pumasok ka na sa loob."
Nagmano muna ang dalaga at sumunod na nga rin sa kaniyang Ama.Kung nakamamatay ang tingin ay kanina pa nakabulagta si Lucas dahil sa sama ng tingin ng dalaga sa kaniya.Nagulat siya ng lumingon ito at ngumiti sa kaniya.
"Magandang Gabi sa 'yo,Binibini."
Sinuklian niya naman ito ng isang ngiting aso.
"Magandang gabi your face tsk.Akala ko ba'y nagka-linawan na kami ukol sa pagpa-pakasal na 'yan?Feelingero tsk."
Napabaling lamang ang atensiyon ng dalaga sa Ama ng tinawag siya nito.
"May mga liham na nasa ibabaw ng lamesa,nakita kong may pangalan mo ruon."
Nagtaka naman si Maria.
"Sino naman ang magpa-padala sa akin ng liham?Hindi kaya si Fransisck 'yon?Eh nagkita na kami kanina ah?"
Kahit nagtataka ay ngumiti ang dalaga sa kaniyang Ama.
"Sige ho,salamat."
"Hindi ka ba talaga magha-hapunan?Siguradong napagod ka sa panghuhuli ng kulisap riyan sa labas."
Napailing ang dalaga at ngumiti.
"Hindi na po,busog pa po talaga ako."
Ani niya at kinuha na ang liham na para sa kaniya,kaagad siyang nagpa-alam sa mga 'to at tinungo na ang kaniyang silid.Kaagad niyang binuksan ang liham at binasa.
Magandang Araw sa 'yo Maria,
Nais ko sanang ipa-alam sa 'yo na nalalapit na ang aking pagba-balik,habang may panahon ka pa ay tapusin mo na ang mga gusot na 'yong nagawa riyan.Nais ko na kapag nagbalik ako ay nasa maayos ang lahat,ang nakadikit na bulaklak sa 'yong katawan ay simbolo na maaari kang umalis sa 'yong kinalalagyan kahit kailan mo gusto.Mag-iingat ka sa 'yong mga kilos.
-M.
Halos takasan si Maria ng kaniyang mga dugo sa katawan dahil sa nabasa.
"B-babalik na siya?H-hindi ba't masyado pang maaga?"
Halos mabaliw na kakaisip ang dalaga sa kung ano ang kaniyang uunahing gawin,unti-unti niyang nalulukot ang liham.
"Ano siya,kung kailan niya gustong bumalik ay babalik na lamang siya basta-basta?Hindi naman ako nakipag-palitan ng puwesto sa kaniya para mapunta ako sa ganitong sitwasyon e.Hindi ako magpa-paapekto sa kaniyang liham na ipinadala,at lalong hindi ako magpa-padikta ng aking mga gagawin sa kahit na sino man."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top