Kabanata 5
Panlimang Binibini
Habang sakay kami ng kalesa papunta sa bahay ng mga y Dela Fuente ay may nadaanan kaming mga nangangabayo sa parang field.
Napansin ko ang isang pamilyar na mukha...
"Isa siyang Salazar,ang tanyag na batang salazar."ani ni Aling Corazon.
"Tanyag po?"
"Oo,dahil napakahusay niya sa ingles,pakikipag-debate at napakarami pang iba."
"Napaka-husay nga po."
"Hindi ba't naikuwento na iyan ng 'yong Ina sa 'yo?Dahil siya ang lalaking dapat ay maika-kasal sa 'yo."
"Kasal po?"
Biglang naalala ko ang aralin sa history na tumakbo lamang si Maria at parang bulang nawala.
"Oo,narapat dapat na ikasal kayo.Ngunit hindi niya pa nakikita ang iyong mukha."
"Kahit isang beses po?"
"Oo."
Magtatanong pa sana ako ng nasa harapan na ng sinakyan namin ang isang napakalaking gate.
Pagkapasok sa loob tila isang buong baryo ang naroon,napakaraming tao at may parang pista sa labis na dami ng pagkain.
"Maligayang pagba-balik binibining Maria Susana."
Sabay-sabay na wika ng mga taong naroon.
At may lumapit sa akin na mag-asawa,sina Don Elias at Donya Villaflor ang ina ni Maria.
Hindi ko maiwasang kabahan,ni wala nga sa aking nananalaytay na dugong y Dela Fuente e.
"Aming anak,maligayang pagba-balik."ani ni Don Elias
"Labis kaming nagagalak at ikaw ay nagbalik sa amin."
"A-ah opo."
Nakahanda ang kamay ng ama ng panlimang binibini kung kaya't naalala kong mag-mano sa kanila.
Nagmano ako at ngumiti ito.
"Simulan na ang kainan,huwag kayong mahihiyang ubusin ang bawat laman ng lalagyan sapagkat selebrasyon ito para sa pagba-balik ng aking panlimang anak."
Nakakahiya mang isipin na hindi man ako ang tunay na Maria alam kong hindi na ako makakatakas sa pag-acting na ito hanggat hindi pa bumabalik ang tunay na Maria.
Kailangan kong umakto na isa nga akong Binibini.
"Halika,at ituturo ko saiyo ang kuwarto mo."
"Marami kang dapat sabihin sa amin ng iyong ina,Maria."
"T-tungkol po sa ano?"
"Ukol sa iyong pagkawala pagkatapos niyong magkita ni ginoong Fransisco."
"Elias,sa loob na natin iyan pag-usapan at pagpahingahin mo muna si Maria."
"Halika sa sala."
Seryoso ang mukha ng tatay ng tunay na maria kailangan ko lamang ay umarte ng naayon,hindi naman puwedeng ipagsigawan ko na hindi ako tunay na maria at galing ako sa modernong panahon hindi ba?
"May hindi ba ginawang kanais nais ang batang Salazar sa iyo,kaya't hindi ka nakabalik sa mahabang panahon?"
Bungad na taong ni ama.
Inhale,exhale kailangan nating umakto na isang anak.
"W-wala pong kinalaman ang batang Salazar,ako po ang kusang tumakbo sa takot na hindi niya magustuhan ang isang tulad ko."
"Kung gayon,bakit nakita ang kapiraso ng iyong kasuotan sa kakahuyan at may nahanap na isang sandata na pagmamay-ari ng mga Salazar?"
"Isa po ata iyong frame up."
"F-frame up?Anong kahulugan ng salitang iyan?"
Muntik ko ng masapak yung sarili ko,nahihirapan ako sa purong tagalog ang salita.
"Isa pong kasinungalingan upang makapag-bintang."
"Hindi ko lamang mawari kung bakit nagsinungaling ang mga Lazarte sa parting iyon."
Eto na nga ba ang sinasabi ng guro namin sa history...
"Inbitahan na natin Elias ang ating kaibigang pamilya,upang makahingi na rin tayo ng tawad sa ating pang-aakusa."
Sabi ni Donya Villaflor.
"Ipatawag si Brendo."
Utos ni Don Elias sa isang batang katulong.
Ilang minuto ay nakarating na rin ang pinatawag.
"Brendo?Pakitawag ang mga Salazar at sabihin na may importante kaming pag-uusapan."
"Masusunod,Don Elias."
At umalis na ito.
"Sigurado ka ba na walang nangyari sa iyong masama?saan ka nanirahan sa ganuong kahabang panahon?"
"Nasa isang lugar po ako na ligtas po ako."
"Kung gayon,dapat ka ng magpahinga sa iyong silid."
"Hindi na po,nais ko po munang mamasyal sa hardin."
"Sige,kung iyon ang iyong nais anak."
Ngumiti lamang ako kay Donya Villaflor.
"Rebecca?Iyong samahan ang panlimang binibini sa hardin."
"Opo."
Sabay lapit sa akin ng kasing edad ko na babae.
Pagkapunta sa hardin,nagsalita ito.
"Matagal na panahon ka naming hinanap binibini,saan ka ba nagpunta?"
"Sa modernong panahon."
"Modernong panahon?Kahit na sino binibini ay wala pang nakapunta duon,sigurado ka na duon ka nagpunta?"
Naisip ko kagaagad na baka ipangalat niya sa buong baryo na galing na ako sa kakaibang panahon kaya agad kong binawi ang aking sinabi.
"Biro lamang,sa isang lugar kung saan napakatahimik."
"Naging mapagbiro ka na binibini,nuon ay kahit paglabas sa 'yong silid at pakipag-halubilo sa iba ay ayaw mong gawin."
"Ganuon ba ako nuon?"
"Oo binibini,ni ayaw mo sa mga tao."
"Siguro dahil napadpad ako sa bundok ay ito ang nagpa-bago sa aking ugali."
"Hinihiling ko na sana ay ganuon nga binibini."
Nakarinig kami ng mga tumatakbong kabayo kaya napabaling ang mata ko sa aking nilabasan kanina.
"Ang mga Salazar ay nariyan na."
"Halika,tingnan natin kung ano ang magiging kaganapan sa loob."
"Hindi pa maaari binibini."
"Bakit?"
"Hindi niyo pa puwedeng makita ang isa't isa sa kadahilanan na hindi pa sinasabi ng Don."
"Iyon ba ay kanyang iniutos?"
"Tama,binibini."
"Hindi ba natin puwedeng suwayin iyon?nais ko lamang makita kung anong wangis ng ginoo."
"Hindi talaga puwede binibini."
"Kahit kapalit ay ang pagba-bago ko?"
"Suhol ba 'yan binibini?"
"Ako narin ang magluto sa kusina?"
"Isa pang suhol?"
"Pumayag ka na,magpalit lamang tayo ng kasuotan."
"Paano 'yon binibini?"
"Magkulong ka lamang sa aking silid at huwag kang magbubukas ng pinto hanggat hindi ko sinasabi ang salitang cute."
"Ikaw ang gagamit ng aking wangis sa labas?"
"Oo,hindi naman nila nakita ang hitsura ko pagkalabas ko sa karwahe."
"Payag na ako binibini,ngunit pareho tayong malalagot sa Don."
"Huwag kang mag-alala."
Nagsimula na kaming umakyat sa aking silid,salamat at si Rebecca ang nauna dahil hindi ko alam kung saan nga ba ang silid ng tunay na maria.
Pagkatapos magbihis ay bumaba na ako sa kasiyahan duon.
Hindi na ako napansin ni Don Elias kaya naman nakihalo ako sa mga taong bisita,inalok ko sila ng kahit ano hanggang sa may makabunggo ako...Pagkalingon ko ay napalayo na pala ako sa bahay.
Unti-unti kong itinaas ang aking tingin at halos takasan na ako ng kaluluwa sa aking nabungaran na mukha.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top