Kabanata 47

Katotohanan

Habang nagla-lakad sila Lucas at Maria ay may nadaanan silang isang parang tambayan sa tabi ng kalsada kung kaya't inaya na muna ni Lucas si Maria upang maupo.

"Isantabi mo na muna ang 'yong mga iniisip,Maria.Halika at maupo muna tayo,ibabahagi ko sa 'yo kung ano ang aking naisip na plano."

Kahit labag man sa loob ni Maria ay naupo parin siya upang mapagbigyan ang kasamang binata,nang makaupo na sila ay sandaling namayani ang katahimikan bago magsalitang muli si Lucas.

"Kilala ko ang aking Ama,Maria.Kung ano ang gusto niya ay gagawa talaga siya ng paraan upang makuha ito,kung kaya't naka-isip ako ng plano."

Sandaling napasulyap si Maria kay Lucas ngunit agad rin siyang umiwas.

"P-paano kung ang plano na 'yon ay kasabwat rin ang kaniyang ama?Nasa ibang dimensyon ako kung kaya't kailangan kong mag-ingat sa kung sino ang aking pagka-katiwalaan."

Ani ni Maria sa kaniyang isipan.

"Alam kong ika'y nagda-dalawang isip,ngunit nais ko lamang makatulong."

Ani ni Lucas hahawakan niya sana ang mga kamay ni Maria ngunit inilayo niya 'to.

"A-ano ba ang 'yong plano?"

Nakayukong ani ni Maria at hindi man lang sinu-sulyapan ang kaniyang katabi.

Dumaan sa pagitan nila ang nalamig na simoy ng hangin kasabay nang paglipad ng kanilang mga buhok pa-kaliwa ay ang pagbanggit ni Lucas sa kaniyang plano.

"Nais kong sang-ayunan ang huling sinabi ni Ama."

Nag-angat ng tingin si Maria at direktang tinitigan si Lucas.

"Tama ang 'yong nasa isip,Maria.Ang maikasal tayo."

"Nababaliw na ba siya?A-anong kasal?Ano naman ang maganda sa plano niyang 'yan?"

Ani ni Maria sa kaniyang isipan habang si Lucas ay may nabuo nang plano sa kaniyang isip.

"Sa pama-magitan ng pagpa-pakasal niya sa akin ay maililigtas ko siya sa kamay ni Ama.Wala na akong pakielam kung iba ang kaniyang mahal,ang hangad ko lamang ay ang kaniyang kalagayan."

Huminga nang malalim si Maria at nagsalita.

"A-anong kasal?Nahihibang ka na ba?"

Tumayo si Maria kung kaya't tumayo rin si Lucas galing sa pagka-kaupo.

"Nais ko lamang tumulong sa---"

Agad siyang pinutol sa pagsasalita ni Maria at tinignan si Lucas sa mga mata.

"Paki-ipaliwanag nga sa akin kung saan banda ang nakakatulong ruon!Alam mo kung sino ang aking iniibig,Lucas!"

Hindi na maiwasan ni Maria ang pagtaasan ng boses ang binata,umiwas naman ng tingin si Lucas.

"Sa ganuong paraan ay hindi ka na madadamay pa sa kasamaan na ginagawa ng aking Ama.Huwag ka sanang magalit sa akin,hangad ko lamang ay ang 'yong kaligtasan."

Napatawa nang bahagya si Maria at lumapit kay Lucas.

"Hindi ako damay?Lucas,simula nang mamatay si Ina at ang pagdukot sa akin nuong nakaraang taon ay damay na ako!Hindi ba't nais ng 'yong ama na malaman ang ukol sa mahiwagang bulaklak?Nang dahil sa lintik na bulaklak na 'yan kaya niyang pumatay!"

Akmang hahawakan siyang muli ni Lucas sa mga kamay ngunit agad niya 'tong itinabig.

"Maria,makinig ka sa akin---"

Muli ay pinutol niya ulit ito sa pagsasalita.

"Ikaw ang makinig sa akin,Romeo!Iyang plano mo?Sa tingin mo ay kapag naikasal ako sa 'yo ay hindi titigil ang 'yong Ama sa kaniyang pinapangarap na makamit huh!"

"Naisip ko lamang 'yon para sa 'yo at sa pamilya mo,mahal kita...mahal kita Maria,alam mo 'yan!Nasasaktan ako kapag nakikita kitang nahihirapan!"

Hindi maiwasan na dahil sa galit ay tumulo na ang mga luha ni Maria na kanina pa nagba-badya.

"L-lumabas rin ang katotohanan na makasarili ka.Nais mong ikasal tayo upang makamit mo ang 'yong gusto,katulad ka rin ang 'yong ama."

Hinuli ni Lucas ang mga kamay ni Maria at hinawakan ng mahigpit.

"K-kahit gamitin mo lamang ako upang matalo ang aking Ama,payag ako kahit paulit-ulit mo pa akong gamitin para sa ikakabuti ng pamilya mo...at ng minamahal mo."

Malungkot na ngumiti si Lucas kay Maria.

"Hindi ko kailangang gumamit ng ibang tao para ipagkatiwala ang aming kaligtasan,Lucas.Kung nais mong tumulong bakit hindi?Ngunit ang naiisip mong plano ay hindi ako makakapayag."

"Kasal na kami ni Fransisco,at ayokong gumaya sa ibang may mga asawa na nanga-ngaliwa pa dahil may magandang offer.Mahal ko na si Fransisco at hinding-hindi ako gagawa nang ikakasira ng aming relasyon,hindi pa nga kami nagsisimulang ipagmalaki sa lahat ang aming relasyon.Mangangaliwa na kaagad ako?"

Ani ni Maria sa kaniyang isipan.

Bumuntong hininga si Lucas at muling ngumiti.

"Kahit anong desisyon mo ay aking pahahalagahan,huwag kang mag-alala nasa likod mo ako."

"Kahit na masaktan pa ako ay pahihintulutan ko kasi tunay kitang mahal,Maria."

Ani ni Lucas at unti-unting binitawan ang kamay ni Maria.

"Maraming salamat sa 'yong suporta,Lucas.Hinihiling ko na makatagpo ka na ka-agad ng binibini na para sa 'yo."

Muli silang ngumiti sa isa't-isa.

"Tayo na't magpatuloy sa paglalakad upang makarating na tayo sa ating patu-tunguhan."

Ani ni Lucas,muling tumango si Maria at nagsimula na silang maglakad.

"Alam ko na nasasaktan ang kaniyang damdamin,kahit hindi niya sabihin sa akin kitang-kita ko na nadudurog siya.Bakit ba kasi hindi siya ang una kong nakilala nang sa ganon ay siya ang aking minahal...para hindi na siya nasasaktan pa."

Ani ni Maria sa kaniyang isipan habang nakatingin sa bulto ng binata habang nangu-ngunang naglalakad sa kaniya,nagulat siya ng bigla itong humarap.

"Huwag kang mabagal lumakad!Palibhasa'y maliliit ang biyas mo!"

"Imbis na tumawa ako kasnagbiro siya ay hindi ko magawa dahil sa bawat pag-ngiti niya ay ramdam ko ang hina-nakit niya."

Ani ni Maria sa kaniyang isipan.

"Sadyang maha-haba lamang ang 'yo!"

"Siguro ay mabuti na ang ganito upang maiwasan ang ilangan dahil sa masyadong konpidensyal na usapin kanina."

Ani ni Maria habang nakangiting binilisan ang lakad upang masabayan sa pagla-lakad si Lucas.

Nang makarating na sila sa pamamahay ni Basilio ay kaagad na silang kumatok,

"Tao po!"

Sa una ay wala pang sumasagot kung kaya't inilibot muna ni Maria ang paningin sa paligid,habang si Lucas na ang nagpatuloy sa pagkatok.

"Nawala na nga ang mga nagkalat na mga papel ukol sa pangu-ngutya laban sa aming pamilya,siguro ay tinu-tupad na nga ng Ama ni Lucas ang kaniyang pangako."

"Tao p--"

Naputol ang pagkatok ni Lucas ng biglang bumukas ang pinto,kung kaya't ang dapat niyang pagkatok sa pinto ay sa nuo ng nagbukas ng pinto tumama.

"Susana?"

Ang panganay na kapatid ni Maria ang siyang nagbukas ng pinto,si Milagros.

"A-ate!"

Agad silang nagyakapan at tumuloy na sa loob ng bahay,nagulat pa sila Basilio na kaka-baba lamang galing sa pagsilip sa isang silid.

"N-naka-balik ka na pala,Maria!"

Ngumiti naman si Maria sa kanila.

"A-ah oo,pag-pasensiyahan niyo na kung pinag-alala ko kayo.Nasaan pala si Fransisco?"

Nagtaka si Maria nang magtinginan si Clara at Basilio.

"A-ah Maria,a-ano k-kasi..."

Ani ng nauutal-utal na si Clara habang sini-siko pa si Basilio upang makahingi ng tulong.

"Ano?Nasaan na siya,may importante lamang kaming pag-uusapan.Nasa silid ba na 'yon?"

Akmang magtu-tungo na si Maria sa silid na sinisilio nila Clara kanina ay kaagad siyang pinigilan ng mga ito.

"Nakapag-tataka kung bakit pinipigilan nila akong magtungo ruon,may itinatago ba sila sa akin?Kung mayroon man ay aalamin ko 'to."

"Tumabi kayo,Clara.Hindi niyo gugustuhing magalit ako sa 'nyo,tama na ang lahat nang init ng ulo ko ngayon.Huwag na kayong dumag-dag pa."

Agad namang hinawakan ni Lucas ang kamay ni Maria ngunit desidido talaga siya upang nalaman kung ano ang kanilang 'tinatago.

Pagkarating nila sa silid ay unti-unting lumuha si Maria nang hindi niya inaasahan.

"Maria."

Ani ni Lucas at inilabas ng naturang silid.

"S-sabihin mong hindi totoo ang nakikita ko,Lucas.H-hindi si Fransisco 'yon hindi ba?Hindi niya sa akin magagawa 'to."

Walang sabi-sabing niyakap siya ni Lucas habang umiiyak siya ng walang tunog.

"Totoo pala talaga ang sinasabi nilang kapag umiiyak ka nang tahimik ay talagang nasasaktan ka."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top