Kabanata 46
Ang Desisyon
(Ikatlong Katauhan)
Hindi mawari ni Maria kung saan babaling ng tingin sa paligid,kakagising niya pa lamang sa pagkakatulog.
"Nasa dating pinag-dalhan ba ako ulit?Bakit tila mas lumawak?"
Tanong niya sa kaniyang sarili nang makaramdam siya ng parang may nakatingin sa kaniya,napabaling ang tingin niya sa isang sulok na kung saan may nakaupong matandang lalaki.
"Kanina pa kita hinihintay magising,Panlimang Binibini."
Ani ng matandang naka-upo,bahagya 'tong tumayo at lumapit kung saan naruon si Maria.Nagulantang si Maria dahil sa kung sino ang kaniyang kaharap.
"G-ginoong L-lucas?"
Nauutal na ani ni Maria dahil hindi siya makapaniwala,kamukhang-kamukha 'to ni Lucas.
"Napakarami na nang nagsa-sabi niyan,hahaha.Anak ko si Lucas,magka-kilala pala kayo."
"May kinalaman ba si Lucas ukol dito?"
Tanong ni Maria sa kaniyang sarili.
"Hayaan mo at papunta narin 'yon rito,ipinasundo ko na sa katulong.Maiba tayo,may ideya ka na ba kung bakit ka naririto?"
Ani ng tatay ni Lucas habang nakangising nakatingin kay Maria.
"W-wala akong ideya,ikaw rin ba ang may kakagawan ng pagdukot sa akin nuong nakaraang taon?"
Tumango ang matanda at ngumisi.
"Oo Binibini,ngunit sadyang pabor sa 'yo ang langit nitong mga nakalipas na panahon.Nais ko lamang maka-kuha sa 'yo ng mga detalye ukol sa mahiwagang bulaklak."
Nakangiting ani ng Matanda habang umiikot sa paligid ng kinau-upuan ni Maria,hindi maiwasang kabahan ni Maria.
"Nakikita ko na 'to sa mga pelikula,paano kung pagka-kuha nila sa akin ng impormasyon ay patayin nila ako o halayin muna?Naku marami pa akong mga pangarap."
Nagulat na lamang sila ng bumukas ang pinto.
"Tiyo!"
Nagmamadaling lumapit si Lucas sa nakataling si Maria.
"G-ginoong Lucas."
Imbis na magulat ang Ama raw ni Lucas ay pumalakpak lamang ito.
"Ilang ulit ba dapat na sabihin sa 'yo Lucas na Ama na ang itawag mo sa 'kin?Hindi mo ba matanggap na hindi si Norman ang 'yong Ama?Ako,ako ang 'yong ama."
"W-wala akong Ama na gumagawa ng hindi maganda sa kapuwa."
Kahit na ganuon ang binigkas na salita ni Lucas ay alam niya sa kaniyang sarili ang kaniyang lagay.
"Siya ang tunay kong ama,kahit na bali-baliktarin ko ang mundo ay ama ko parin siya."
Ani ni Lucas sa kaniyang isipan.
"Lucas sa panahon natin ngayon ang mapagkumbaba na ang madaling matalo.Halimbawa na lamang si Elias masyado siyang nakinig sa Panlimang Binibini na ito na maging mabait at tumulong sa kapuwa,ngunit anong nangyari sa pamilya nila?"
Umiling si Lucas sa kaniyang Ama.
"Hindi sa lahat ng pagka-kataon ay kailangan mong maging matapang o mang-apak ng mas mahina sa 'yo upang sabihin lamang na malakas ka."
Sagot niya pabalik rito,ngunit tumawa lamang ito.
"Nakikita ko sa 'yong mga mata na may pagtingin ka sa Panlimang Binibini,Lucas.Delikado 'yan."
Nag-iwas naman ng tingin si Lucas.
"Huwag mong isipin ang pansariling kaligayahan mo,Lucas.Habang-buhay magdurusa ang pinakama-mahal mo kapag itinuloy mo 'yan."
Ani ni lucas sa kaniyang isipan.
"Wala akong espesyal na nararamdaman kay Susana.Kung 'yon lamang ang 'yong hinihintay na kasagutan ay maaari ko na ba siyang pakawalan?"
Nagkibit-balikat ang matanda.
"Hindi,hindi pa sa ngayon.Kailangan ko pang malaman kung ano ang mga alam niyang detalye ukol sa mahiwagang bulaklak,siguro ay kapag tapos non ay makakababalik na siya sa kaniyang mahal na pamilya."
"Hindi pa ba sapat na kinuha mo na ang isang buhay para riyan sa nina-nais mo?Pina-patay mo ang Ina ni Susana!"
Imbis na makonsensiya ang makitang ekspresyon sa matanda ay katuwaan pa ang nangi-ngibabaw.
"Hindi siya ang pakay na mabaril ruon kung hindi ang Panlimang Binibini,nais lamang nila ay patamaan sa paa o sa binti ngunit nakisali ang pakielamerang si Villaflor.Duon tuloy nagwakas ang kaniyang buhay,hahaha."
Nagpu-puyos na ang galit ni Maria sa matanda ngunit ang kaya niya lamang gawin ngayon ay titigan 'to ng masama dahil sa nakatali ang kaniyang paa't kamay.
"Walang hiya ka!Para sa lamang sa 'yong nais ay kikitil ka ng buhay?At ang masama pa ruon ay hindi ka man lang nakaramdam ng awa?Napaka-sama mo!"
'Yong dating nakangising mukha ng matanda ay nagseryoso.
"Wala kang karapatang pagsabihan ako sa kung ano ang tama't mali,hindi mo alam kung gaano kami naghinagpis nuong mawala ang aking anak!Nang dahil sa lintik na bulaklak na 'yan napunta sa modernong panahon si Mira!"
"A-ang kaniyang anak ay napunta sa modernong panahon?"
Ani ni Maria sa kaniyang isipan,gulong-gulo siya sa mga natuklasan.
"Tiyo,tumigil ka na!Alam nating pareho na kagustuhan ni Mira ang bagay na 'yon!"
"Kung hindi dahil sa mga y Dela Fuente na kabalustugan ukol sa pagpa-pakalat ng impormasyon ukol sa lintik na bulaklak na 'yan,hindi sana magkaka-ruon ng interes si Mira na magtungo ruon!"
Halos lumabas ang mga ugat sa nuo ng matanda dahil sa tindi ng kaniyang nararamdaman,pagkuway tumawa 'to.
"Sa ngayon,kung sino man ang siyang humadlang sa aking daraanan para makamit ang aking nais ay wawakasan ko ang buhay.Kahit na ikaw pa 'yon Lucas."
Napasinghap sila Maria dahil sa sinabi ng matanda.
"Kaya niyang kitilan ang buhay ng kaniyang anak para lamang aa kaniyang nina-nais?"
Ani ni Maria sa kaniyang isipan.
"Wala na talaga sa wisyo ang ama.Nasisiraan na siya ng bait nang dahil sa aking bunsong kapatid."
Ani naman ni Lucas sa kaniya ring isipan.
Natahimik sila ng mga ilang minuto ng mag-salitang muli ang matanda.
"Ginagawan na kita ng pabor,Lucas.Malapit mo nang maaabot ang 'yong nais,bakit ka pa magda-dalawang isip sa pagkuha?"
"Ilang beses ko ba dapat sabihin sa 'yo na wala akong atraksyon kay Susana?"
Hindi pinagtuunan ng pansin ng matanda ang sinabi nang kaniyang anak.
"Magdesisyon ka na,Panlimang Binibini.Hawak ko ang bangkay ng 'yong ina at ang buhay ng buo mong pamilya,ang nais ko lamang ay ang impormasyon kung paano makakuha ng mahiwagang bulaklak."
Agad kinabahan si Maria,akmang magsa-salita na si Lucas ng itaas ng kaniyang ama ang palad upang pigilan siya sa kaniyang nais sabihin.
"Mayroon pang isa,para sa aking butihing anak.Magpa-pakasal kayo."
"Anong kahibangan 'to,Tiyo?"
"Dapat pa nga ay magpa-salamat ka sa akin,Lucas.Nasa 'yong kamay ang buhay ng 'yong mga minamahal,Panlimang Binibini.Ano ang 'yong desisyon?"
"Bakit tila mas lumalala ang sitwasyon?Ngayon ay nasa akin na ang desisyon para sa kaligtasan ng lahat,hindi ako puwedeng magdesisyon kaagad."
Ani ni Maria sa kaniyang pag-iisip.
"Makakasama mo pa naman sila ng mga isang linggo.Babalik ka ruon ng parang walang nangyari at sa loob ng isang linggo na 'yon ay makapag-desisyon ka na.At isa pa mangalap ka narin ng impormasyon ukol sa mahiwagang bulaklak."
Ani ng matanda habang nakangiti.
"Ililibing mo sa maayos na libingan ang aking ina?At nanga-ngako kang wala nang mga krimen na magaganap?"
"Madali akong kausap.Maasahan mo ako riyan,huwag ka lamang magtangkang magtraydor.Babalik sa dati ang 'nyong pamumuhay kapag tapos ng lahat na 'to.Payag ka na?"
"Hayaan mong makapag-isip na muna siya,Tiyo."
Pumalakpak ang matanda.
"Kung gayon ay samahan mo na sa pagbalik sa tirahan ng kaniyang kaibigan ang Panlimang Binibini,Lucas."
"Kinakabahan ako sa aking magiging desisyon."
Halos manginig rin ang kaniyang kinauupuan sa labis na pangi-nginig ng kaniyang binti.
"Anong gagawin ko?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top