Kabanata 44

Akusa

Hindi ko alam kung nasaan na kami ngayon,gulong-gulo na ang utak ko...tipong isa pang detalye ay sasabog na dahil sa napakaraming laman.

Hanggang sa tumigil kami sa gitna ng gubat,may bahay na bato ang naruon.

"K-kasalanan mo i-ito,Susana eh!"

Nagulat ako ng hawakan ni Ate Delilah yung magkabila kong braso,halos kaming lima ay lumuluha parin.

"Tumigil ka,Delilah."

Mahinahong ani ni Ate Milagros ngunit hindi natinag si Ate Delilah.

"Bakit Ate Milagros?Hindi ba't nang dahil kay Susana ay namatay si Ina?!"

Hindi ako naiyak dahil sa paraan ng pagka-kahawak niya sa akin,naiyak ako dahil alam kong kasalanan ko nga kung bakit namatay si Ina...kung hindi niya sana sinalag ang bala na dapat ay tatama sa akin,hindi siya mamamatay.

"Tumigil ka na,Delilah!Dahil riyan sa pagsi-si mo kay Susana,mababalik ba ang buhay ni Ina?Hindi ba't hindi?!"

Sumigaw na si Ate Milagros,mas lalo akong napayuko.

"T-tama si Ate Milagros,Delilah."

Kahit na humihikbi ay sumabat si Ate Sophia,natigil lamang kami ng tumalikod si Ate Josephina at pumasok na sa loob ng bahay.

"Siguro ho ay pumasok na muna kayo,baka marinig ang 'nyong sigawan rito sa labas at masundan pa tayo."

Hindi na nagsalita pa si Ate Delilah at padabog na pumasok sa loob ng bahay na sa tingin ko ay pag-aari rin ng mga y Dela Fuente.

"Hindi mo kailangang sisihin ang 'yong sarili,Susana."

Ani ni Ate Milagros at pumasok na rin sa loob ng bahay,kami na lamang ni Ate Sophia at Fransisco ang nasa labas.

Niyakap ako ni Ate Sophia habang humihikbi pa,w-wala akong masabi...kahit ako ay iniisip kong kasalanan ko talaga.

"Nasa maayos naman na kalagayan si Ina hindi ba?"

Ani ni Ate Sophia habang humihikbi pa.

"O-opo,Ate."

Kumalas siya sa yakap at ngumiti sa akin ng malungkot bago sumunod narin sa loob ng bahay.Nagulat ako ng may humila sa mga braso ko at niyakap ako ng mahigpit.

"Shh,iiyak mo lahat.Alam kong nais mo nang may paglalabasan niyan."

Wala akong ginawa kung hindi sumuksok sa dibdib ni Fransisco,para akong nakahanap ng isang unan at mas lumakas ang buhos ng aking mga luha.

"F-fransisco,ka-kasalanan ko kung bakit nawala si Ina."

Mas yinakap niya pa ako ng mahigpit.

"Hindi mo 'yon kasalanan,sadyang dumating na ang kaniyang oras at wala na tayong magagawa para ruon."

Hindi na ako sumagot pa at mas lalo lamang umiyak sa dibdib niya.

Makalipas ang ilang minuto ay nakaupo na kami ngayon sa sala ng bahay,magka-kaharap kaming lahat.

"P-paano si Ama?Hindi ba't naiwan rin siya sa simbahan?"

Lahat kami ay natigil na sa pag-iyak,hindi sa tanggap na namin ngunit hindi kailangan sa panahon ngayon ang umiyak lang ng umiyak.

"Nasisigurado kong nabihag na rin siya ng mga armadong espanyol,ngunit huwag kayong mag-alala.Maililigtas natin siya."

Ani ni Fransisco.

"Hindi tayo puwedeng magtagal rito sa pamamahay na ito,siguradong ipagta-tanong nila sa ibang tao kung saan pa ang mga tirahan nang ating pamilya."

Ani ni Ate Josephina na may blangko na ekspresyon.

"Maaari tayong magtungo sa bayan,may bahay ruon ang aking kaibigan."

Ani ulit ni Fransisco,alam kong si Ginoong Basilio ang kaniyang 'tinutukoy.

"L-ligtas ba tayo ruon?"

Ani ni Ate Delilah.

"Oo,sa ngayon."

Huminga ng malalim si Ate Milagros at nagwika,

"Ngayong araw na 'to ay hindi tayo puwedeng maging mahina,kapag mahina tayo ay mas lalo lamang nila tayong aapihin."

"Ang mga kaibigan ni Ama na opisyal sa bayan,baka matulungan nila tayo laban sa mga armado."

Ngunit pinigilan siya ni Ate Sophia.

"H-hindi tayo nakaka-sigurado na hindi sila kasabwat ng mga armadong iyon."

"Tama si Sophia,kailangan natin ng matalas na pag-iisip."

"Paano?"

"Simple lamang,huwag magtiwala sa ibang tao maliban sa atin."

Feeling ko wala akong karapatan na magsalita dahil sa nangyari.Binalaan na ako nuon ni Aling Cecelia na habang maaga pa ay bumalik na ako sa modernong panahon dahil maraming mangyayari kung hindi pa ako babalik.

Natigilan kami ng may marinig kaming mga takbo ng kabayo.

"Narito na sila,magmadali kayong tumungo sa likod na pinto."

Ani ni Ate Milagros sa amin kung kaya't amin siyang sinunod,saktong paglayo namin sa bahay ay may narinig kaming mga putok ng baril.

Hawak ni Fransisco ang aking kamay kung kaya't alam kong ligtas ako,kami.

Nang makarating kami ng ligtas sa bahay ni Basilio ay parang alam na nito ang nagyari.

"Kamusta kayo?"

Nag-aalalang ani niya habang sinasara ang lahat ng bintana at pinto.

"May mga humahabol sa amin,'yong mga tao na dumukot kay Maria nuong nakaraang taon."

Nangunot ang nuo niya.

"Akala ko'y tumigil na ang mga 'yon?Ngunit nakita niyo na ba ang lumalabas sa mga pahayagan ngayon?"

Iniabot niya sa amin ang parang diyaryo.

"Ang mga y Dela Fuente ay may mga ginagawa palang anumalya sa bawat tao,marami na ang nagreklamo sa pag-uugali ng mga ito.Kung sino man ang makakita sa kahit isa sa mga ito ay agad ring isuplong sa ating Tinyente."

"Ngayon ay gumagawa na sila ng mga hindi makatotohanang balita laban sa pamilya natin.Tumulong na nga sila Ama sa kanila,heto pa ang kanilang igaganti sa pamilya natin?"

"Sinabihan na tayo ni Ama nuon na kapag naging mabait tayo sa mga tao at pupulutin tayo sa kangkungan.Heto na nga ang nagyayari sa atin ngayon."

"Mga walang utang na loob!"

Nakakuyom ang mga kamao ni Ate Sophia habang sinasabi niya ang mga katagang 'yon.

"Maghunos dili ka,Sophia.Walang mabuting maidudulot ang galit."

Agad namang tumahimik si Ate Sophia at tumingin na lamang sa malayo.

"Kailangan nating maihiganti si Ina."

Ani naman ni Ate Delilah.

"Hindi masusulusyunan ang isang problema kapag ika'y naghiganti,mas lalo lamang itong lalala."

Hindi ko na napigilang sumabat,tumingin naman sa akin ng blangko si Ate Delilah.Akmang magsasalita siya ng inunahan na siya ni Ate Josephina.

"Tama kailangan na nating magplano,hindi puwedeng ganuon na lamang ang gagawin nila sa atin.Kailangan nating makuha ang hustisya para kay Ina."

"Kuhain natin ang bangkay ni Ina upang mailibing sa tamang libingan."

Tumango si Fransisco.

"Mamayang gabi ay babalikan namin ang simbahan,baka naruon pa si Aling Villaflor."

"Sa ngayon ay magpahinga na muna kayo,may mga silid ruon sa 'taas."

Ani ni Basilio kung kaya't isa-isa nang umakyat sila Ate papunta sa mga silid.

Naiwan kaming tatlo sa 'baba.

"Nakikiramay ako,Binibining Maria."

"Salamat,Ginoong Basilio."

Ani ko at yumukong muli.Hinawakan ni Fransisco ang aking kamay,at muling kinausap si Ginoong Basilio.

"Nasaan na pala si Binibining Clara?"

Sasagot na sana si Ginoong Basilio ng makarinig kami ng mga katok sa pinto.

"May inaasahan ka bang bisita,Basilio?"

Agad namang umiling si Ginoong Basilio,kaagad akong kinabahan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top