Kabanata 41

Hindi gaanong Masama

Ngumiti naman ito sa akin.

"Oo,ako nga."

Lumayo ako kaunti dahil naalala ko na siya ang may dahilan kung bakit nasira ang pangalan ng mga Salazar.

Tumawa naman siya ng bahagya,pagkatapos ay tumayo sa kinauupuan.

"Base sa 'yong pagmu-mukha ay bahagya kang natakot sa aking presensiya.Huwag kang mag-alala hindi naman ako kasama upang halayin ka rito ng walang kalaban-laban,baka basagin na lamang ang mukha ko ni Fransisco...sayang."

Ngunit hindi parin ako sa kaniya naniniwala,baka bigla niya na lamang akong patayin o paghigantihan dahil sa away nila ni Fransisco.

"Hindi ka parin naniniwala?Sige sasabihin ko na sa 'yo kung bakit ko ginawa ang pagsira sa pangalan ng mga Salazar,walong taong gulang ako nuong pumanaw ang aking Ama dahil sa isang labanan...gaya namin ni Fransisco ay ang aming mga pamilya ay matalik na magkaibigan."

Agad naman akong nagtaka.

"M-matalik na magkaibigan?Hindi ba't mag-kaaway nga kayo?"

Ngumisi naman siya.

"Noon ay sanggang dikit talaga kami ngunit dahil sa aming nalaman na may kinalaman ang mga Salazar kung bakit pumanaw ang aking Ama ay duon na kami nagsimulang mag-away."

Totoo kayang may kinalaman ang mga Salazar?Ngunit sa ngayon ay hindi dapat kaagad ako maniniwala sa kahit na nino man.

"Napatunayan niyo na ba na may kinalaman talaga ang mga Salazar?"

Tumango ito at ngumiti ng mapait.

"Oo nang minsan akong mapadako sa sekretong silid ng mga Salazar,nakita ko ruon ang isang bagay na siyang iniingatan ni Ama."

"Kung kaya't nagalit ka?Eh bakit hindi muna kayo nagtanong kung bakit naruon ang bagay na 'yon?"

Nakita kong kumuyom ang kamay niya ngunit kaagad ding kumalma.

"Bago tuluyang magkalamat ang pagkakaibigan namin ni Fransisco ay itinanong ko sa kaniya ang bagay na 'yon,hindi niya puwedeng itanggi na hindi niya alam dahil lahat ng ginagawa ng kaniyang Ama ay alam niya.Ngunit nagsinungaling siya sa akin,kung kaya't tuluyan ng lumayo ang loob ko sa kaniya."

May isa pang luha na tumakas sa kaniyang mga mata,totoong mahirap mawalan ng mahal sa buhay at pagsinungalingan pa ng taong pinagka-katiwalaan mo.

"Pasensiya na kung hinusgahan kita kaagad base sa aking mga narinig na salita galing sa ibang tao."

Ngumiti lamang ito sa akin.

"Mabuti na 'yang ganiyan,hindi ka kaagad masasaktan ng iba."

Natawa naman ako,ma guwapo rin pala siya sa malapitan hahaha.Shocks kung hindi lang ako kasal,echos hahaha.

"Sus,matanong ko nga bakit mo pala ako iniligtas kanina?"

"Ayaw ko kasing makakita ng ganuon."

Tumatawang ani niya,baliw na ba siya?

"Anong ganuon?"

"Walang laban na babae tapos kikitilan ng buhay,hahaha."

"Oy!Anong walang laban kung hindi mo ako kinuha kanina ay baka nakatakbo na ako."

"Bakit kasing bilis ba nang takbo ng kabayo 'yang paa mo sa pagtakbo?"

Ani niya ng may nanunuyang mga ngisi.

"Hindi,pero kaya ko namang magtago ano."

"Ano ngayon?Gusto mo ibalik kita sa mga gustong kumuha sa 'yo?Napaka-malas maging isang Panlimang Binibini."

Inirapan ko naman siya at umupo narin sa kaniyang tabi.

"Ayoko nga,bakit naman malas?"

"Naalog ba ang 'yong utak at hindi mo naalala kung bakit hindi ka pinapayagang lumabas sa 'nyong pamamahay?"

"S-sadyang hindi ko lang maalala!"

Mas tumawa pa siya,kung kaya't nais ko na siyang batuhin ng mga bato rito sa aking tabi.

"Marami ang nagha-hangad na makuha ka dahil sa 'yong natatanging talino,Nais nilang malaman kung paano makapunta at makabalik sa modernong panahon."

Agad akong kinabahan,anong kinalaman ng tunay na Maria sa bulaklak?

"Ganuon ako katalino,upang maka-imbento ng ganuong bagay?"

Tumango tango naman siya.

"Eh bakit hindi mo ako dakipin ngayon?"

"Sus,hindi ko hinahangad na mapunta sa modernong panahon.Mabuti naman ang kalagayan ko rito."

"Eh totoo?"

"Mm,nais ko lamang ay mapunta sa langit."

Ako naman ngayon ang tumawa ngunit kaagad ding natigil dahil sa seryosong mukha ni Lucas.

"Seryoso?"

Tumingin ito sa malayo at nagwika ng...

"Gusto ko ruon dahil naruon si Ama,nais ko ulit siyang makapiling."

"Naku,bago mo isipin ang mga bagay na 'yan may naiisip ka ba kung paano natin matatalo ang mga Espanyol na tuluyan ng sumasakop sa ating bansa?"

"Ayos na ako sa pag-gawa ng mabuti sa kapuwa,sa ganuong paraan naman ay naipapakita ko ang pagmamahal ko sa aking sariling bayan."

"Tama,siguro ay hayaan na muna natin na sila Jose Rizal ang---"

Natigil ako ng magsalita siya.

"Kilala mo si Ginoong Jose?"

"Nabasa ko lamang sa libro,hindi ba't may ginagawa siya at ang iba pa para makalaya tayo?"

"Siguro,hindi naman ako nangi-ngielam ng ibang buhay ng tao.Puwera na lamang kung may kaugnayan sa akin."

"Ahh,sa usaping pag-ibig?"

"Hindi ba't nangako kang pakakasalan mo ako?"

Nagulat naman ako.

"H-huh?Anong pangako?"

"Nang minsan kang tumakas sa 'nyong pamamahay upang makita ang mga tao sa labas ay naging magkaibigan tayo.Makalipas ang ilang buwan ay nangako tayo sa isa't isa na magpapakasal kapag nakapag-trabaho na tayo."

"Sinabi ko 'yon?"

"Oo naman,ngunit sa ngayon ay alam ko na kung ano ang 'yong tunay na nararamdaman.Si Fransisco na ang bahala sa 'yo."

"Hindi ka na mag-aasawa pa?"

"Siguro?Hahayaan ko na lamang ang diyos ang magdisisyon."

Magsasalita na sana ako ng maalala ko si Lola.

"Maaari na ba tayong bumaba?Nag-aalala parin kasi ako sa aking Lola."

"Oo naman,halika na."

Inalalayan niya ako sa pagsakay sa kabayo at sumakay narin siya.

Habang tumatakbo ang kabayo pababa ay bigla na lamang kaming naalog kung kaya't kaagad akong kumapit ng mahigpit sa beywang ni Lucas.

"Pagpasensiyahan mo na,lubak kasi talaga ang banda ruon."

"A-ayos lang."

Tumawa naman ito ng malakas.

"Hindi porke't sinabi kong bahala na sa 'yo si Fransisco ay hindi na kita babawiin kapag sinaktan ka niya.Sa ngayon ay maghihintay lamang ako sa 'yo."

"Puwede naman tayong maging kaibigan!"

Kaagad itong umiling.

"Marami na ako nuon,hindi mo na kailangang dumagdag pa hahaha."

"Baliw!"

Tumawa lamang siya ng malakas at ipinagpatuloy ang pagpapatakbo ng kabayo.

Nakarating kami sa tirahan ni tiya at nakita ko na naruon sa labas sila Lola,kaagad naman itong tumakbo papunta sa akin at niyakap ako.

"Kamusta ka,Susana?"

"M-maayos lang po ako."

"Mabuti kung ganuon,tinulungan ako ni Ginoong Fransisco kanina ng napadaan siya ruon sa bilihan ng tela.Sino itong guwapong Binata na ito?"

Agad naman akong tumingin kay Lucas.

"Lola,si Lucas po 'yan.Siya po ang tumulong sa akin kanina."

"Maraming salamat sa 'yo,iho!"

"Wala po 'yon,kaibigan po ako ni Maria."

Natigil kaming lahat ng may tumawag sa aking pangalan.

"Dimitria!"

Ang aking asawa!!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top