Kabanata 40

Ang Pagtulong

Namu-mutla ako?Siguro ay dahil sa mga ala-alang pumapasok sa aking utak,hindi ko ata kinakaya.

"Sisa?!"

Pagtawag ni Lola sa isang kasambahay,agad naman itong pumunta kung nasaan kami.

"Ano ho 'yon?"

"Nais kong kumuha ka ng isang basong tubig sa kusina,baka mahimatay na lamang ang si Susana rito."

"Sandali lamang ho."

Para siyang nasa 30s na ngunit angganda niya.Dali-dali siyang bumaba at kumuha ng iniutos.

"Naku,dahil ata ito sa init ng panahon.Maupo ka na muna riyan,ipagli-liban na muna natin ang pagta-tahi sa ngayon."

"H-hindi naman po---"

"May susunod pa,Susana.Hindi lahat ng bagay ay ipinagma-madali."

Tumango ako at naupo na lamang sa kama dito sa aming natapatan na silid.

"Eto na ho."

Agad na iniabot ni Lola sa akin ang baso ng tubig pagka-bigay pa lamang ni ate Sisa.

Agad ko naman 'tong ininom,totoo nga na ang tubig ay mabisa...gumaan kasi ang aking pakiramdam.

"Iha,magpahinga ka na muna riyan.Babalikan ka na lamang namin kapag tutungo na lamang tayo sa dulong bahagi ng Agora."

"Sige po."

Lumisan na sila sa silid na aking ikinu-ukupa at isinara ang pinto.Nang makahiga ako ay nag-isip ako,sino ang batang si Dimitria?'yong tunay ba iyon na Maria?Ngunit sinabi na may sakit si Susana...naguguluhan na talaga ako.

Sa kalahating oras siguro akong nakatunganga sa kisame ng silid ay may narinig na akong kumatok.

"Susana?"

Boses ni Lola.

"Po?"

Agad akong bumangon upang pagbuksan si Lola ng pinto.

"Maayos na ba ang 'yong pakiramdam?Sasama ka pa ba sa amin sa Agora?"

"Maayos na po ang aking pakiramdam,siguro po ay maaari na po akong sumama."

Ngumiti naman siya sa akin.

"Mabuti kung ganuon,halika na."

Pagkababa namin ay nagtaka ako kung bakit wala ang aking tiya?Hindi ba siya sasama sa amin?

"May pinuntahan ang 'yong tiya,kung kaya't tayo na lamang muna ang magpupunta sa Agora.Tutulungan mo naman ako hindi ba?"

B-bakit pakiramdam ko ay may kahulugan ang huling sinabi ni Lola.

"O-oo naman po."

Ngumiti naman si Lola sa akin,ansarap pala sa feeling yung may isang Lola na magsasama sayo sa kaniyang pupuntahan...bakit ba kasi hindi ko naitatanong kay Tita nuon kung may iba pa ba kaming kamag-anak.

Pagkarating namin sa Agora ay napakaraming tao.

"Ano po ang nais niyong bilhin rito?"

Tanong ko dahil baka close si Lola at ang tunay na Maria.

"Nais ko kasi sanang bumili ng magandang tela.Ako'y magtatahi kasi ng kasuotan para sa 'nyong ani---"

Natigilan si Lola sa kaniyang sinabi dahil baka hindi angkop ang kaniyang sasabihin.

Anim?Ah baka kay Fransisco ang isa.

"Ano po?"

"Sa 'nyong lima.Siguro ay makakalimutan na nga ako,dahil sa katandaan."

Nag-iwas ito sa akin ng tingin,may tinatago ba si Lola?O ang pamilya ng nga y Dela Fuente?

"Duon po sa bandang 'yon?"

Turo ko sa isang tindahan ng mga tela,napakarami kasing tao ruon na siyang namimili.

Pagkapasok namin ay halos magtaka ako,hindi naman kasi kagandahan ang mga telang naruon ngunit napakaraming tao ang tumitingin.

"Bakit tila dinu-dumog ito ng mga tao ngunit hindi naman kagandahan ang mga tela?"

Nakakunot na tanong ni Lola sa akin habang hinahawakan at tinitignang mabuti ang mga telang nasa aming harapan.

"Kahit ako rin po ay nagta-taka.Siguro ho ay katulad natin ay nadala lamang sila ng kuryusidad dahil ho marami ang nagtutungo sa pamilihan na ito."

Tumango-tango naman ito sa akin,agad naming nilisan ang pamilihan na 'yon at lumipat sa isa pang tindahan ng tela.

"Dito ay kakaunti lamang ang tao ngunit sadyang naka-kamangha ang bawat tela."

Nakangiting ani ni Lola,agad siyang lumapit sa taong naruon...siguro ay dito na siya mamimili.Napatingin ako sa pinuntahan namin kanina na pamilihan,nagkakagulo na sila ngayon.

"May armas sila!!!"

Sigaw ng isang mamimili na galing siguro sa loob,armas?

"Tumigil ka!"

Hinampas naman siya ng baril ng isang lalaki na kakalabas lamang sa loob ng pamilihan na 'yon.

Agad namang nawalan ng malay ang lalaki at humandusay sa kalsada.

"Lahat kayo!Kung sino mang mangahas na magsumbong sa mga y Dela Fuente at Salazar ay uubusin namin ang 'nyong lahi!!!"

Sigaw nuong armadong lalaki na humampas sa lalaki na nakahandusay na ngayon sa kalsada.

Parang nakikilala ko siya...isa siya sa mga lalaking dumukot sa akin nuong nakaraang gabi,iiwas na sana ako ng tingin upang hindi niya ako makilala ngunit huli na ang lahat.Nakatingin na siya sa akin habang may ngisi sa kaniyang mga labi.

"Nagkita tayong muli,Panlimang Binibini!"

Sigaw nito habang unti-unting papalapit sa aking direksyon.Nagpanic ako,once na makuha nila akong muli...hindi na ako makakawala pa.

Tatakbo na sana ako kasama si Lola ngunit may humila na sa akin at isinakay sa kabayo.

"S-sino ka?"

Tanong ko sa kaniya,hindi ko kasi makita ang kaniyang mukha dahil may tabing ito.

"Huwag ka ng magtanong pa!"

Sigaw nito sa akin at mas lalo pang binilisan ang takbo ng kabayo,nakarinig ako ng iba pang tumatakbong kabayo.

"Hoy,Tigil!!!"

Pagkalingon ko ay nakita kong sumusunod na sa amin 'yong lalaki kanina.

"Huwag ka ng lumingon riyan,kumapit ka ng mabuti!!!Yah!"

Ani niya habang mas pinapabilisan pa ang takbo ng kaniyang kabayo.

Parang pamilyar yung boses niya,narinig ko na ata ito sa kung saan.

"Wala na yung humahabol?"

Napatingin naman ako sa likod,wala na nga.

"W-wala na,ngunit paano si Lola?Naiwan ko siya ruon sa pamilihan ng tela!"

"Sa ngayon ay isipin mo muna ang 'yong kaligtasan,hindi naman ang 'yong lola ang kanilang pakay."

Unti-unti ng bumabagal ang takbo ng kabayo ng makarating kami sa itaas ng bundok.Ibinaba niya ako at naupo siya sa isang bato na naruon.

"Nag-aalala ako kay Lola,hindi ko mapapatawad ang aking sarili kapag may nangyari sa kaniyang masama."

Kahit hindi ko siya tunay na Lola ay para sa akin ay tunay na 'yon.

"Hindi mo ba kilala ang 'yong Lola?Halos lahat ng tao sa Agora ay kilala siya,hindi malayong tulungan siya ng mga ito.Kapag kabilang ka sa may kayang pamilya ay wala kang dapat ikabahala pa."

May hinanakit na sabi nito habang nakatingin sa malayo,hindi niya parin tinatanggal ang kaniyang balabal sa mukha.

"Bakit naman?"

"Dahil may pera."

Napasimangot naman ako.

"Ganuon ba dito?"

"Bakit dayo ka?Sa aking pagkakaalam ay isa ka sa Panlimang Binibini,Susana."

"Bakit mo alam ang aking pangalan?"

Unti-unti niyang tinanggal ang kaniyang takip sa mukha,nagulat ako ng makilala ko siya.Sa eskuwelahan ko pa ata siya huling nakita.

"Ginoong Lucas?!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top