Kabanata 4

Bagong mundo

Kinaumagahan

"Binibining Maria?"

Sisigawan ko na sana si tita pabalik ng maalala kong nasa ibang dimensiyon pala ako kung saan dapat galangin ang mga matatanda.

"P-po?"

"Paki-samahan naman si Clara mamalengke sa agora."

Tiningnan ko ang labas ngunit madilim pa lang.

"Sige po."

"Para kasi sa ilalako mamaya na kakanin."

"Sige po,nasaan po ba si Clara?"

"Nasa 'labas na ng bahay at naghihintay sa 'yong paglabas hija."

"Sandali lang po."

"Kung hinahanap mo ang palikuran upang maglinis ng iyong mukha ay nasa likod bahay rin ito."

"Salamat po."

Ngumiti lamang ito sa akin at narinig kong pinaalam niya kay clara na maghintay dahil maglilinis pa ako ng mukha.

Sadyang napakabuti ni Aling Clarita,niligpit ko na ang aking hinigaan at binilisan ang aking galaw para hindi na mainip pa si Clara sa labas.

Paglabas ko ng bahay...

"Nakailang bilang na ako sa mga lumilipad na insekto dito ay sadyang wala ka parin."

Tatawa tawang sabi ni clara sa akin.

"Halina't manghuhuli pa tayo ng isda sa lawa mamaya at ilalako na natin ito para sa ating hapunan."

"G-ganuon ang inyong buhay rito?"

"Oo,sadyang mahirap pero masaya naman ang pamumuhay namin ni nanay."

"Mabuti nga at may nagma-mahal na isang ina sa iyo e."

"Bakit,Maria?"

"Wala na kasi si nanay,limang taong gulang pa lamang ako ng mamatay siya."

"Eh ang iyong Ama?"

"Hindi ko pa siya nakikilala."

"Isa lamang akong palakad lakad sa kalsada ng makilala ako ni nanay Clarita."

"Napakabuti ng nanay ano?"

"Oo naman,halina't bilisan ang paglalakad dahil tayo ay magla-lako pa ng kakanin na gagawin ni nanay."

"Sige."

At tuluyan na kaming naglakad papuntang agora,palengke ata iyon sa kanila.

May nadadaanan pa kaming mga bukirin at mga kubo.

Totoo ngang hindi na ito isang panaginip.

"Tilapia,Alimasag,Bangus at marami pang naghihintay sa inyo mga kababayan."

Sigaw ng isang lalaki na nagbebenta ata ng mga iba't ibang klase ng isda.

"Halika sa bilihan ng bigas."

"Sadyang napaka-raming tao ang nasa pamilihan ngayon."

"Ganiyan 'yan dahil lahat ng tao rito ay maaga kung magsigising."

"Ayun ba yung harina?"

"Oo."

Lumapit si Clara sa isang ale na nagti-tinda ng harina,hindi ko alam na nilalagyan din pala ng harina ang kakanin.

"Aling bebang,maari po ba akong makabili ng kalahati ng harina?"

"Iyong kinuha ng hapon?"

"Kapag nakabenta po kami ng kakanin mamaya."

"Sana ay mabayaran niyo na ito hija huh,hindi na kasi sapat ang aming kinikita."

"Makakaasa po kayo."

"Hihintayin kita sa dakong niyugan bandang hapon ah."

"Opo,salamat po."

Nakaalis na sila sa bilihan ng harina,ngunit hindi niya alam kung ano ang susunod na bibilhin.

"Ah Clara?"

"Oh?"

"Anong susunod na bibilhin?"

"Isang sentabos na lamang ang natira sa pera ni nanay,siguro ay ang pang-ulam sa tanghalian at sa gabi."

"Isang sentabos?"

"Oo."

Naalala ko na may pera ako na pang sinauna na tinatago ko para kapag sa susunod na hanapin ito ng gobyerno at palitan ng malaking halaga ay tiyaka na lamang ilalabas.

"Bentsingko ba yun?"

"Oo,napakahirap kitain ng salapi sa ganitong sitwasyon."

"Hindi ba puwedeng mamasukasan sa mayayaman na pamilya bilang isang kusinera o katulong?"

"Hindi kami tinatanggap dahil kailangan raw nila ng may pinag-aralan."

"Hindi ka ba nakapag-aral?"

"Hindi,dahil mahirap lamang kami."

"Ano ba ang sinasabi niyong may pinag-aralan sa lugar na ito?"

"Yung mga nakapag-aral ng ingles sa unibersidad at iba pang lengguwahe."

"Ganuon lamang?"

"Oo kaya napakalungkot kung ang iyong pamumuhay ay mahirap."

"Magtiwala ka lamang sa maykapal,nais mo bang turuan kita ng salitang ingles?"

"Marunong ka sa bagay na iyon?"

"Oo naman,sa panahon kasi namin ay isa na ako sa senior high."

"S-senyor hay?"

"Oo kung saan nakalagpas ka na sa sampung baitang."

"Hindi ko maintindihan."

"Kung ayaw mo maniwala,gusto mo halimbawa?"

"Sige,nais kong makasiguro."

"Sige,What's your name?What we gonna do with this thing?"

Sabi ko sabay turo sa harinang hawak ni Clara.

Halatang hindi pa ito naniniwala kaya naman nagsalita ulit ako.

"Believe me,I'm from the modern time."

"Sinasabihan mo ba ako ng masamang salita?"

"Hindi,nagkakamali ka sinabi ko lamang kung ano ang 'yong gagawin sa harinang 'yan."

"Iyon pala ang lengguwaheng ingles?"

"Oo,kung nais mo pang matuto sabihan mo lamang ako."

"Salamat."

At tumuloy na kami sa paglalakad.

Pagdating sa bahay,habang gumagawa ng ilalako namin sila clara at nanay clarita ay kinuha ko ang sinaunang pera na aking inipon at aking cellphone para ibenta nila ito sa bumibili ng mga gadgets.

Tinanggal ko ang simcard at handa na para ibigay sa kanila ito,alam kong makakatulong ito sa kanila.

1,230 ang pera na aking naipon,sapat na siguro ito para mabayaran ang kanilang utang at para na rin makapag-dagdag pa sila ng bagong negosyo.

Pagbaba ko sa hagdan ay tinawag ko na si Nanay Clarita.

"Nanay Clarita?"

"Oh hija?"

"Nais ko lamang ibigay ito sa inyo bilang kapalit ng inyong pagiging mabuti sa akin."

Sabay lahad ko ng pera at ng cellphone ko.

"S-saan mo nakuha ang ganiyan kalaking halaga?Ito ba ay kinuha mo sa agora?Naku ibalik mo iyan sa may-ari."

"Hindi nay,pera ko po 'yan.Inipon ko po."

"Baka may pagga-gamitan ka sa ganiyan kalaking halaga,huwag mo ng intindihin ang pagpa-patuloy ko sa 'yo sa aking pamamahay dahil naging mabait ka naman na bata sa akin."

"Tanggapin niyo na po,Nay.Iyan lang po ang aking maitutulong sa inyo."

Kinuha ko na ang kamay niya at tumakbo na sa malayong parte ng kanilang bahay.

"Hija hindi ko matatanggap ito,at itong bagay na 'to."

Tukoy niya sa cellphone at sa pera.

"Nay,isipin niyo na lang po na blessings yan."

"Blessengs?"

"Bigay po ng may kapal,at iyan pong isa niyong hawak cellphone po ang tawag diyaan.Puwede niyo po iyan ibenta kapalit ng malaking halaga sa inyo na po 'yan."

"Maraming salamat,Maria."

"Wala pong anuman."

Ngumiti ako sa kanya at unti-unti siyang lumapit sa akin akmang tatakbo na ako ng yakapin niya ako ng mahigpit at bumulong ng...

"Maraming salamat Hija."

Hindi na ako nagsalita pa at niyakap na lamang siya pabalik.

Ng may kumatok sa pinto.

"Tao po!"

"Si Corazon ay naandiyaan na."

"Corazon po?"

Ngumiti siya at pinagbuksan ang pinto.

"Magandang umaga,Clarita.Ano iyong sabi mo na nahanap mo na ang panlimang binibini?"

"Oo Corazon."

Sabay pakita sa akin ni Nanay Clarita.

"S-siya nga ang nawawalang Binibini!"

"Kalat na sa buong baryo ang balitang ito."

"Halika,Maria."

Tawag sa akin ni Aling Corazon.

Kaya naman lumapit ako sa kanya.

"Kilala mo pa ba ako,Binibini?"

"A-ah hindi po."

"Halika at tutungo tayo sa mansiyon ng mga y Dela Fuente."

Sabay hatak sa akin ni Aling Corazon,tumingin ako kay nanay Clarita at ngumiti ito at sinabing okay lang.

Sa mansiyon ako dadalhin?kinakabahan ako.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top