Kabanata 38

Nyaw-nyaw

Muntik na akong mapatalon ng lumabas bigla sa damuhan ang isang orange na pusa,mahahalata mong kuting pa lamang ito dahil sa liit.

"Pinakaba mo naman ako ming,bakit ka ba napunta rito?"

Tumingin ito sa akin at sumagot lamang ng ....

"Nyaw."

Naka-kaintindi pala ang mga pusa hahaha,ang ganda ng mga mata niya kulay green.

"Halika na at dadalhin kita sa loob,ang payat mo oh."

"Nyaw."

Aba sumasagot pa siya,agad ko naman itong binuhat kasama ng planggana at iniakyat ito sa silid kung saan naruon si Fransisco.

Pagkapasok ko sa loob ay agad ko rin naman siyang ibinaba,nagtungo naman kaagad ito sa tiyan ni Fransisco...ang kyut lang nila pagmasdan.

"Huwag ka riyan at baka magising 'yang ama mo.Lasenggero kasi 'yan,huwag kang gumaya nyaw ah!"

Tumingin naman ito sa akin.

"Nyaw."

Ani niya at bumaba,napakabuting pusa.

"Mm."

Ungol ni Fransisco habang pinupunasan ko siya,hindi kita hinahalay gurl kaya huwag kang umungol riyan.Pagkatapos ko na siyang linisan ay naglatag narin ako ng banig sa sahig upang matulog na kami ni nyaw.

Kinaumagahan

"B-bakit may hayop dito?!"

Nagising na lamang ako sa lakas ng boses ni Fransisco,nakita ko siya na may hawak na walis tambo habang itinataboy si Nyaw na lumalapit sa kaniya.

"Hindi iyan hayop,pusa 'yan.Halika nga rito Nyaw."

Agad naman itong lumapit sa akin,nahihiwagaan talaga ako sa pusa na ito.

"Bakit narito sa aking tiyan 'yan?Isa iyang hampas lupa,ilabas mo na 'yan."

Nagga-galaiting sigaw ni Fransisco sa akin.

"Inuutusan mo ba ako?Ikaw ang lumabas,hindi ka naman kailangan dito."

Ani ko sa kaniya habang umiikot pa ang aking mga mata,kinakausap ko si Nyaw at hindi na pinagbigyan ng pansin si Fransisco.

"Mas pipiliin mo talagang makasama 'yang bagay na 'yan?Paano naman ako na asawa mo?"

Kunot nuong ani nito sa akin,tinignan ko lang siya ng walang ekspresyon siyempre para convincing.Tignan lang natin kung ano ang kaniyang magiging reaksiyon.

"Edi maghiwalay na tayo,maghanap ka ng hindi mahilig sa pusa."

Tinignan niya rin ako ng blangkong ekspresyon,anong akala niya madadala niya ako sa ganiyang mukha niya?Hindi ko ipagpa-palit si Nyaw,saan ka makakapulot ng pusa na nakakaintindi?

"Talaga bang nasa-sabi mo 'yan para lamang sa diyaan?"

Turo niya kay Nyaw na naglilinis pa ng katawan.

"O-oo naman.Kung ayaw mo kay Nyaw ibigsabihin ay ayaw mo rin sa akin."

Umiwas ito ng tingin.

"Hindi sa ayaw ko sa 'yo,t-takot lamang ako sa bagay na 'yan."

Ani niya at tumalikod na,siguro ay papunta sa kusina.

Nakonsensiya tuloy ako,hindi ba tamang isali ko ang aming relasyon duon?

"Nyaw!Halika at hihingi tayo ng paumanhin sa tatay mo."

"Nyaw."

Lumapit naman ito sa aking binti at kinuskos niya ang sarili niya ruon,agad ko naman siyang binuhat at isinama sa 'baba.

"Magandang Umaga,Maria."

Ngumiti naman ako kay Clara,natawa naman ako ng makita ko si Basilio na kahit sa lamesa ay nakaduk-dok parin.

"Magandang umaga rin sa 'yo."

Agad naman itong tumingin sa hawak ko.

"Kanino 'yang hawak mo na pusa?"

Ngumiti naman ako sa kaniya at nagwika.

"Napulot ko siya kagabi sa damuhan,mukhang naliligaw.Kaya't pinulot ko,nagba-balak kasi akong ampunin at alagaan si Nyaw hanggang sa tumanda."

Tumawa naman ito.

"Balita ko ay takot sa pusa si Ginoong Fransisco?"

Alam niya?Siguro ay ako lang ang walang alam.

"H-hindi ko alam."

"Eh paano kayo magsa-sama ni Ginoong Fransisco?"

Umiwas naman ako ng tingin,pinag-awayan na nga namin ito si Nyaw e...baka hindi na rin kami magtagal.

"Edi parang inayawan niya na rin ako."

Umiling-iling ito sa akin.

"Naku siguradong magta-tampo sa 'yo si Ginoong Fransisco kapag nalaman 'yang pinagsa-sabi mo."

Napayuko naman ako,tama si Clara.Maaaring sumama ang loob sa akin ni Fransisco,ngunit paano si Nyaw?Nagbabalak nga ako duon sa modernong panahon na manguha ng mga pusa sa kalye,kaso ayaw naman ni Fransisco.

"Kumain na.Lalamig ang pagkain."

Malamig na ani ni Fransisco na nagpatigil sa amin sa pag-uusap,inilapag ko naman si Nyaw sa isang tabi at naghugas na ng kamay.

"Oy,Basilio?Ano matutulog ka na lamang buong maghapon?Umayos ka nga riyan,kakain na oh."

Bulyaw ni Clara kay Basilio,umungol lamang ito habang pumu-pungas pa na humarap sa amin.

"Magandang umaga."

May pahikab pa na sabi nito,nagsimula na kaming mag-sandok ng aming pagkain ng mapansin kong walang plato si Fransisco.

"Ah Ginoong Fransisco?Bakit wala kang plato sa 'yong harapan,hindi ka kakain?"

Tanong ni Clara,napatingin naman ako kay Fransisco.

"Sandali,kukuha ako at baka nakalimutan niya---"

"Hindi ako kakain,uminom na ako ng kape kanina."

Malamig na ani niya at biglang tumayo.Nagtungo siya sa bukana ng pinto at nagdala ng upuan sa labas.

"Masama ba ang pakiramdam ni Ginoong Fransisco?"

Ani ni Clara ngunit umiling lamang ako.

"Naku,narinig niya ata ang ating pag-uusap kanina.Humingi ka ng paumanhin."

Tumango naman ako sa kaniya at nagsimula na ring kumain,pagkatapos kong kumain ay si Nyaw naman ang aking pinakain.

Pagkatapos ng lahat ay nagtungo na kaming dalawa ni Fransisco sa Tirahan nila Lola.Siyempre ay nagpa-alam rin muna kami kila Clara.

"Lola,narito na ho si Susana!!!"

Ani ni Ate Sophia na nakasilip pala sa bintana.

Pumasok naman kami sa loo ng bahay at naabutan kong nagka-kape sila Lola sa kusina nakatingin ito sa aking hawak,dinala ko kasi si Nyaw.

"Bakit ngayon lamang kayo umuwi?Hindi niyo ba alam na nag-alala kami sa 'nyong dalawa?"

Ani ni Lola habang masungit na nakatingin sa amin.

"May dumukot po kasi sa akin nuong nasa bahay kami nila Pedro,inabutan na po ng dilim.Nagpalipas po muna kami sa isang kaibigan."

"Bakit ka naman dudukutin?"

Nagtatakang ani nito sa akin.

"Huwag kang magtitiwala kahit na kanino man."

Naalala kong ani ni Nanay sa akin.

"H-hindi ko po alam,bigla na lang po kasing nangyari."

"Talaga naman ang mga rebelde ngayon,walang magawa.Kumain na ba kayo?"

"Opo."

Tumango naman ito at tumingin kay Fransisco.

"Siguro naman ay hindi kayo magkasamang natulog ni Susana?"

"Hindi po."

"O siya,Maria maghanda ka para mamaya.Tutungo tayo kila aling Narisa upang manahi."

Ani sa akin ni Lola kung kaya't tumango na lamang ako.

Pagka-akyat ko sa aking silid ay agad kong 'binaba si Nyaw ngunit nagulat ako ng tumakbo ito patungo sa likod bahay.

Sinundan ko siya ruon at napatigil ako ng makita ko na seryosong nag-uusap si Lola at Ate Milagros.Napatago tuloy ako sa isang gilid.

"Milagros,nakapagtataka dahil si Maria ay may komplikasyon kapag may pusa sa kaniyang paligid...ngunit nakita mo naman kung ano ang kaniyang hawak kanina."

"Nakaka-pagtaka nga po,ngunit baka naman nalunasan na ang kaniyang sakit sa ganuong bagay."

"Hindi ako naniniwala,Milagros.Bantayan mo na ngayon ang kilos niyang si Maria."

Aalis na sana ako ng may mabunggo akong paso sa aking tabi.

"Sino 'yan?"

Narinig kong sigaw ni Lola kung kaya't agad akong kinabahan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top