Kabanata 36

Gabing Malamig

"Anong ginagawa niyo rito,sa ganitong oras?"

Ani sa amin ng isang ale.

"N-naghanap lamang po kami ng makakain dahil gustong kumain ng aking asawa."

Ani ni Fransisco sa Ale.

"Nagda-dalang tao ba ang iyong asawa?"

Napatingin naman ako kay Fransisco ngunit ngumisi lamang ito.

"Opo."

Agad namang nag-iba ang mukha ng ale.

"Naku,dalian niyo na sa pagla-lakad upang makarating kayo sa 'nyong tirahan.Bali-balita pa naman na may aswang na gumagala rito."

"Ganuon po ba?Sige ho salamat,mauuna na po kami."

Ngumiti lamang ang Ale at tumungo na sa daanan na kaniyang tatahakin.

Ng makarinig kami ng mga nagma-madaling yabag.

"Dali at baka sila na 'yan."

Ani ko kay Fransisco at agad ko na siyang hinila.

"Hindi muna tayo paparoon sa bahay ng 'yong Lola,Maria."

Agad naman akong nagtaka.

"Bakit?Hindi ba't mas delikado ako kung magpa-palakad lamang ako rito sa lansangan?"

Ngumisi naman ito.

"At sinong nagsabi na rito tayo magpa-palipas ng gabi?"

May mapaglarong ngisi na ito sa mga labi dahilan upang kumabog ng napakalakas ang aking dibdib.

"A-anong ibig-mong sabihin?"

Hindi man lang niya sinagot ang aking tanong ay basta na lamang ako hinila sa kung saan.

Nakarating kami sa isang bahay,ngunit hindi ko alam kung kaninong bahay ito.

"Bakit tayo naparito?Dito tayo tutuloy?"

"Oo,ngayong gabi lang naman."

Napatango-tango ako sa kaniya.

"Halika at ipapakita ko sa'yo kung sino ang nagmamay-ari ng pamamahay na ito."

Nagulat ako ng buksan niya ang pinto.

"Oy anong gagawin mo?Bakit nabuksan mo ang pinto?Baka makulong tayo dahil sa iyong ginagawa!"

Naghe-histerikal kong ani sa kaniya,baka may makakita sa amin at pagbintangan na magna-nakaw.

"Huwag kang mangaba hahaha."

Nakuha pa nitong tumawa at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng bahay.

"At sinong nagpahintulot sa 'nyo na pumasok?!"

Sigaw ng kung sino man,agad naman akong napapikit at nagtago sa likod ni Fransisco.

"Ako,bakit?"

Nakatakas siguro ito sa mental si Fransisco kung kaya't ganiyan ang kaniyang pag-iisip,agad ko naman siyang kinurot sa kaniyang likod.

"Aray."

Mahinang bulong nito sa akin.

"Wala lang,maaari na kayong kumain hahaha."

Nagulat ako ng pagdilat ko,nakita ko si Basilio na tumatawa ganun na rin si Fransisco kung kaya't agad ko ulit siyang kinurot.Napamaang naman ito,siguro ay dahil sa sakit.

"Ginoong B-basilio?"

Tumango-tango naman ito at tumawang muli.

"Kung gayon ay..."

"Tama ka ng iniisip,Binibining Maria.Matalik kong kaibigan si Ginoong Fransisco kung kaya't ganito ang aming turingan."

Muling hinawakan ni Fransisco ang aking braso kung kaya't kinurot ko siyang muli.Anong mahinhin dapat ang ikilos,tsk.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin,Fransisco?"

Nagkibit balikat lamang ito.

"Hindi mo naman sa akin itinanong."

Magsa-salita pa sana ako ng umentra na si Ginoong Basilio.

"Halina't saluhan niyo kami sa hapag."

Hindi ko na nagawang ituloy pa ang aking sasabihin dahil muli na akong hinila ni Fransisco sa kusina.

Kaso nagulat ako ng mag-angat ako ng tingin.

"C-clara?"

"M-maria?"

Sabay naming wika habang nanlalaki pa ang mga mata ngunit tumawa lamang ang dalawang lalaki na nasa magkabilang gilid namin.

"Para naman kayong matagal na panahon ng hindi nagkita kung magulat kayo."

Pang-aasar pa ni Basilio sa amin kung kaya't nagbaba ako ng tingin.

"Naku,magkaibigan naman kayo kung kaya't mag-siupo na kayo at lalamig na ang pagkain."

Sumunod naman kaming lahat sa sinabi ni Basilio at nagsimula ng kumain.

Habang tahimik ang lahat na kumakain ay biglang nag-salita si Fransisco.

"Maraming salamat,Basilio.Kung hindi dahil sa malapit ang 'yong bahay ay siguradong kinabukasan ay sa sapa niyo kami mata-tagpuan."

Agad naman akong napatingin sa kaniya.

"Bakit?Oo nga pala,nakapagta-taka na naparito ka sa aking pamamahay kung ito'y iyong labis na kinaaayawan."

"May mga ginoong humahabol kay Maria."

Pagka-banggit pa lang sa aking pangalan ay nagsitinginan na rin sila Clara sa aking direksiyon.

"Bakit may humahabol sa 'yo?"

Agad naman akong nagkibit-balikat.

"H-hindi ko rin alam,bigla na lang kasi nila akong dinakip."

"Kung gayon ay hindi ka na ligtas sa lugar na ito,Maria."

Ani ni Basilio.

"Dahil kaya ito sa ika'y panlimang Binibini?"

Sabat naman ni Clara.

"Paano naman napunta sa bilang naming magka-kapatid ang bagay na 'yon?"

Natigilan pa si Clara at animoy nag-iisip ng malalim.

"May napabalita kasi nuon na may sindikatong nais kang makuha upang humingi ng malaking halaga sa 'yong pamilya,ang akin lamang hinuha ay baka ang sindikatong nagplano nuon ay baka siya ring gumagawa ng pagdakip sa 'yo ngayon."

Mahabang lintaya niya,hindi ako makapaniwala na kahit pala hindi lumalabas ng tirahan ang tunay na Maria ay may nagta-tangka parin sa buhay nito.

"Basta Maria,lagi mong tatandaan na narito lamang kami.Handa kaming tumulong sa abot ng aming makakaya."

Ani naman ni Basilio.

"K-kaibigan mo kami."

Nauutal pa na ani ni Clara.

"Akala ko'y magtatagal pa ang 'nyong hindi pagka-kaintindihan.Nagagalak ako na ang pagka-kaibigan niyo ay nasa maayos na."

Ani naman ni Fransisco at hinawakan pa ang kamay ko sa ilalim ng lamesa habang pini-pisil.

"Sus,Fransisco kayo lang naman ni Maria ang hindi magkaibigan rito.Basta kami ni Clara ay magkaibigan na,kaso ay baka mag-agawan pa kami sa babae kaya minsan ay itina-tanggi ko ito bilang kaibigan e."

"Itatanggi rin kita kapag inagaw mo ang nililigawan kong Binibini!"

Napabuntong hininga ako at ngumisi,ang isang Binibini ay Binibini rin ang nais.

"Tumigil na nga kayo,kumain na lamang kayo at ng matapos na."

Nagtinginan pa ng makahulugan si Fransisco at Basilio,mukhang may binabalak ang dalawa ah.

"May tuba diyaan sa likod bahay,siguradong manamis-namis na 'yan ngayon dahil sa tagal na ng panahon mula ng ibinahagi sa akin 'yan ni Mang Berto."

"Mag-iinom rin kami!!!"

Ani ni Clara ngunit binatukan siya ni Basilio,ang saya pala ng ganito lang.Yung ayos na kayo ng kaibigan mo at isinantabi muna ang problema.

"Magtigil ka riyan,Clara.Magagalit si Ginoong Romeo."

Agad namang umikot ang mata ni Clara.

"Ano na naman ang dahilan at bakit mo isinama sa usapan si Ginoong Romeo?"

"Hindi ba't nanliligaw 'yon sa 'yo?"

Natatawang ani ni Basilio kay Clara,halos mamatay na si Basilio sa mga titig e kaso parang wala lamang sa kaniya hahaha.

"Mas malaki pa nga ang katawan ko sa pat-patin na 'yon,at saka hindi ako pumapatol sa bakla."

Natawa lamang kaming lahat at tinapos na rin ang pagkain.

Habang naghuhugas ako ng pinggan ay lumapit sa akin si Clara.

"Maria?"

Lumingon naman ako rito habang nagsa-salok ng tubig sa poso.

"Oh?"

"Patawarin mo sana ako sa hindi magandang ugali na naipakita ko sa 'yo,siguro ay nadala lamang ako sa inggit."

"Naku hahaha,matagal na kitang pinatawad.Mabuti at natalo mo ang 'yong inggit,wala namang kainggit-inggit sa akin."

"Mayroon,madami."

Yumuko ito.

"Sus,dumudumi rin naman ako sa damuhan kapag walang tubig sa poso kaya't walang pinagkaiba ano.Pati ang inggit ay hindi mabuti sa ating pagkatao,nagda-dala ito sa atin sa kapahamakan."

Nag-angat naman siya sa akin ng tingin at ngumiti.

"Tama,salamat Maria."

Ngumiti rin ako sa kaniya pabalik.

"Tayo na lamang ang magkaibigan,bakit hindi kita patatawarin?Kaibigan kita,kahit na ano pang kasalanan ang 'yong magagawa kung ito ay may maayos na rason tatanggapin parin kita."

Lumapit ito sa akin at niyakap ako,kung kaya't niyakap ko rin siya pabalik.

Natigilan kami ng may kumalabog na sa sala.

"Taeh kho!!!"

Yari.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top