Kabanata 34

Taya

"Ang laki mo na,Susana!!"

Ani ng lalaki na nasa aking harapan,sino ba 'to?

"A-ah sino ka?"

Nagtaka naman ang gumuhit sa pagmu-mukha neto.

"Ako si Pedro,hindi mo ba natatandaan?"

Hinawakan niya pa ang kamay ko at inilapit ang kaniyang pagmu-mukha.

"Puwede ka bang lumayo ng kaunti?"

Ani ni Fransisco kay pedro daw.

"Ganito naman kami kalapit simula ng kami ay mga bata pa,Ginoo."

"Ibahin mo ang nuon sa ngayon."

"Ah basta,Susana nagbi-biro ka ba?Dala ba 'yan ng iyong matagal na paglisan sa ating baryo?"

Umiwas tuloy ako ng paningin.

"P-parang ganuon na nga."

Ngumiti naman ito ng pagka-lapad.

"Kung gayon ay ipa-paalala ko sa iyo.Sino pala ang Ginoong ito?"

Tumingin naman ako sa direksiyon ni Fransisco at nakita kong naka-igting ang mga panga nito.

"Siya ay aking nobyo,si Fransisco."

Gulat naman ang rumihistro sa mukha ni Pedro.

"M-may nobyo ka na?Hindi ba't ako ang 'yong nobyo,bago ka umalis sa baryo natin?"

Lumapit naman sa amin sila Ate.

"Hindi mo ba natanggap ang liham na ipinadala sa 'yo ni Susana ilang linggo lamang ang nakakalipas ng maka-alis siya rito?"

Takhang tanong naman ni Ate Milagros.

"H-hindi ko na tanggap."

Dumaan sa mga mata nito ang sakit,talaga naman si Maria heartbreaker ba siya?Ngunit kaya ba siya hindi nagpakita kay Fransisco nuon ay dahil may pinangakuan na siya?

"Patawad kung hindi ko kaagad na sabi sa 'yo,puwede naman tayong maging magkaibigan."

Nag-angat siya ng tingin sa akin at malungkot na ngumiti.

"Siguro ay mas mabuti nga 'yon."

Malungkot na ani niya ng biglang sumingit sila Ate.

"Hindi ba't malapit lamang ang 'nyong pamamahay rito,Ginoong Pedro?"

Tanong naman ni Ate Delilah.

"Ah oo,halika at magtungo tayo ruon."

Pagka-tapos niyang sabihin iyon ay nagpatiuna na siya kung kaya't amin siyang sinundan.

"Naruon ba sila tiya Carla?"

Narinig kong tanong ni Ate Milagros kay Pedro,tumango naman ito.

"Fransisco?"

Pagtawag ko sa aking katabi,ngunit hindi man lang ito lumilingon.

"Uy!"

Kinalabit ko na siya ngunit diretso lamang ang kaniyang mata sa lalakaran.

"Fransisco?!"

Hinila ko na ang damit nito,nakikita ko nga ang mga tinapay sa kaniyang tiyan e ngunit wala parin itong pake.

"Hindi mo talaga ako papansinin?"

Ani ko habang humaharang na sa kaniyang lalakaran,ngayon ay patalikod na ako kung lumakad.

"Uy,nagse-selos ka?"

Umiwas naman ito ng tingin,akmang magsa-salita ulit ako ng muntik na akong matisod sa malaking bato na nasa aking likuran mabuti na lamang at nahila kaagad ako ni Fransisco at ngayon ay parang naka-yakap na ako sa kaniya.

"Ayusin mo na ang 'yong pagla-lakad."

Sumimangot ako sa kaniyang sinabi,may lagnat pa kaya ako char.

"Bakit kasi hindi mo ako pina-pansin?"

Ani ko habang ganuon parin ang istilo ng pagla-lakad,agad niya ulit akong itinabi sa isang gilid may bato na naman kasi.

"Umayos ka ng lakad,Maria."

"Ako ba nag itinu-tukoy mo?O ang aking mga kapatid?"

Ngunit hindi niya na ulit pinansin ang aking sinabi.

Paulit-ulit lamang na ganuon hanggang sa napagod ako at namatay....wakas.

Biro lang,hanggang sa nakarating na kami sa bahay nila Pedro...Isang simpleng bahay lamang iyon ngunit napaka-raming mga halaman sa buong paligid.

"Pagpa-sensiyahan niyo na ang aming tirahan,hindi naman kasi kami kasing yaman niyo."

"Ano ka ba,Pedro.Maganda nga rito e."

Ani ni Ate Sophia.

"Kahit na ano pang antas mo sa buhay sa ngayon,darating rin ang panahon na aangat ka."

Ani ko sa kaniya,ngumiti naman siya sa akin at kumatok na sa kanilang pinto.

"Nay?Narito po sila Susana."

Ilang minuto ay bumukas na nga ang pinto at inilabas nuon ang isang may edad ng babae.

"Ay mabuti at napadalaw kayo rito,gustong-gusto ko na kayong makita e."

Sabay hagod ng tingin sa aming lahat,ngunit ng mapadaan ang tingin niya kay Fransisco ay gumuhit ang takot sa mga mata nito.Bakit takot?

"M-may kasama pala kayong isang Salazar."

"Ah opo,nobyo ko po siya."

Ani ko.

"Hindi ba't ang---"

May sasabihin pa sana siya ng pinutol na ito ng kaniyang anak na si Pedro.

"Nay,papasukin niyo na po muna sila upang makainom ng tubig."

"Oo nga po,grabe ho kasi ang init sa aming dinaanan."

Pagsang-ayon ni Ate Josephina kay Pedro.

"O siya sige at magsi-pasok na kayo."

Nang makapasok na kami sa loob ay halos mapanganga kami sa ganda ng loob,napakarami ring halaman ruon.

"Napaka-ganda ho ng 'nyong tirahan."

Naunang puna ni Ate Delilah,ngunit agad na sumingit si Ate Sophia.

"Wala ho kayong makaka-kain riyan?"

"Umayos ka nga,Sophia!Pati ba naman rito ay dadalhin mo iyang katakawan mo?"

Puna ni Ate Milagros at nahihiyang tumingin sa nanay ni Pedro ngunit ngumiti lamang ito sa kay Ate.

"Huwag kang mag-alala iha,may ihahanda para sa atin si Aira."

Napatingin naman kami sa isang babae na nasa isang sulok.

Nakapagtataka na parang ang sama ng tingin niya sa amin,sa amin ba o kay Fransisco lang?

"Oho,nay."

Iyon lamang ang sinabi nito at muling tinignan ng masama si Fransisco,bakit ba tila galit sila?

"Kamusta naman sa 'nyong baryo?"

Nakangiting ani ng nanay ni Pedro sa akin,may kakaiba talaga ang ngiti nila.

"Mabuti naman po ang kalagayan ruon."

Tumango-tango siya at pagkuwa'y nagsalitang muli.

"Nabalitaan namin ang pag-panaw ni Clarita,may ideya ba kayo kung sino ang pumaslang?"

"Hindi po."

Natigil lamang ang pagsa-salita niya ng dumating na ang aming pagkain,kakanin ito at turon.

"Puwede na hong kumain?"

Nahihiya pang ani ni Ate Sophia,tumango naman ang nanay ni Pedro.

"Naku sige lang,kumain kayo."

Hindi na nabalikan pa ang usapin ukol kay nanay Clarita,ayaw ko ng balikan.

Ilang minuto ang lumipas ay susubo na sana ako ng isang kakanin ng bumagsak sa sahig si Ate Sophia.

"Sophia!!!"

Ani ni Ate Delilah at lumapit na sa nakahandusay na katawan ni Ate Sophia sa lapag.

"Anong mayroon sa ipinakain niyo sa aking kapatid?"

Ngumisi lamang ang ina ni Pedro na animoy tuwang-tuwa sa nangyari sa aking ate.

Napadako ang tingin ko kay Aira na papa-alis na ng bahay.

Habang nagsa-sagutan sila ruon ay sinundan ko si Aira.

"Tumigil ka!!!"

Sigaw ko rito ngunit lumingon lamang ito at nagpatuloy sa pagtakbo.

"Magba-bayad ka sa ginawa mo!!!"

Ngunit magpa-patuloy na sana ako sa paghabol kay Aira ng may sakong ipinantakip sa ulo ko.

"Taya!Sa larong ito ay nataya ka,mahinang nilalang."

Hindi ko alam kung bakit para akong nahihilo kahit hindi naman nilagyan ng pangpatulog yung sako,ang bango pa nga e...baka iyon ang inilagay upang hindi halata.

Unti-unti ko ng nararamdaman na umiikot na ang aking paningin hanggang sa nagdilim na ang lahat.

"Dalhin na iyan kay pinuno!"















Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top