Kabanata 33

Santol

Sino siya?

"Anak,maraming rebelasyon ang mangyayari...makinig ka na kay lucia bumalik ka na sa 'yong pinagmulan."

Boses iyon ni nanay,ang tunay kong ina.

"N-nanay?Nagbalik ka po?"

"Anak,sasabihin ko sana na huwag ka sanang magagalit sa akin kapag natuklasan mo na ang mga bagay-bagay na may kauganayan sa'yo."

"Pati ba naman,ikaw nanay?At sino pong lucia?Ano po ba talaga ang 'nyong nais iparating?"

"Ang nais kong iparating ay---"

Mari-rinig ko na sana ang mga nais kong sagot ngunit agad naman akong ginising ng kung sino man.

"Nananaginip ka ng masama,kung kaya't ginising kita.Tila humihiyaw ka kasi."

Hindi naman ako humihiyaw aa panaginip ko ah?

"A-ah ganuon ba?Mabuti at ginising mo ako."

Kaso kalahating hindi,dahil kailangan kong malaman ang nais sabihin ni Nanay.

Hindi ba't nagising na ako kanina?O baka isa rin iyong panaginip?

"Maayos na ba ang 'yong pakiramdam?"

"Medyo ayos na naman,nasaan pala sila Ate Josephina?"

"Nasa 'baba na sila,halika at bumaba narin tayo."

"Mm."

Agad naman akong inalalayan ni Fransisco sa aking pag-tayo.

"Pakiramdam ko ay pagsubok ito para sa akin,bilang asawa mo."

Ani niya habang pababa na kami papuntang sala.

"Paano mo naman nasabi na isa itong pagsubok?"

"Dahil simula ng tayo'y ikasal ay sunod-sunod na ang pangyayari na dumating sa buhay mag-asawa natin."

"Sus,hayaan mo na.Lahat naman siguro ito may dahilan."

"Tama."

Ani niya ngunit magsa-salita na sana ako ng magsalita sa gilid namin si Lola.

"Lumayo ka sa aking apo."

Diretsahang ani nito,lumayo?

"Layo."

Ani niya kung kaya't lumayo ng bahagya sa akin si Fransisco.

"Hindi ba't sinabi ko na sa 'nyo na habang hindi pa kayo kasal ay lumayo-layo na muna kayo sa isa't isa?"

"A-ah opo."

Nanginginig na ani ni Fransisco kay Lola habang nakayuko,natawa tuloy ako ng mahina.

"Kapag nasanay kayong nariyan ang isa't isa ay siguradong mahihirapan kayo kapag maghi-hiwalay na kayo ng landas."

Duon ako tinamaan,kahit saang anggulo kapag bumalik ako sa modernong panahon masasaktan at masasaktan ako o kaming dalawa.

"Lola,humuhugot na naman kayo riyan."

Natatawang nag-sulputan sila Ate sa isang gilid.

"Totoo naman ang aking sinasabi,oh siya tayo na't magtanghalian."

Ngayon ay nakangiti ng ani ni Lola sa amin.

Nang matapos kaming mag-tanghalian ay nagtungo na kami agad sa sinasabi ni Fransisco na bukid.

"Hindi ko inaasahang sobrang init pala rito."

Reklamo ni Ate Sophia sa amin.

"Sino kasi ang nag-sabing magtungo kaagad rito pagka-tapos kumain?"

Panunuya naman ni Ate Milagros,natawa na lamang kami lahat at sumilong sa isang puno ng santol na naruon.

Sumimangot naman si Ate Sophia,magsa-salita pa sana siya ng magwika rin si Ate Delilah.

"Magpahinga na muna tayo rito,mamaya at tiyaka na magpatuloy sa pagla-lakad."

"Kung magpa-patuloy tayo ay baka maging isdang binilad sa araw na ang bawat isa sa atin."

Ani naman ni Ate Josephina.

"Tamang-tama,tumingala kayo."

Ani ni Ate Sophia,tumingala naman kaming lahat.

"Napakarami hindi ba?"

Ngiti-ngiting ani niya sa amin.

"Bakit tila hindi ko iyan napansin pagka-rating pa lamang natin rito?"

Ani ni Ate Delilah,habang nakatingin ako sa aking mga ate ay tumabi sa akin si Fransisco.

"Hindi naman siguro bawal ang lumapit sa'yo habang nasa labas tayo,hindi ba?Wala naman ang 'yong Lola rito."

Natawa naman ako sa kaniya.

"Paniguradong napaka-sarap niyan,ang ating problema ay sino ang aakyat?"

Pabalang na ani ni Ate Milagros sa amin.

"Ate,pag-aralan mo kaya maging isang mahiyaing babae."

Paninita naman ni Ate Delilah sa kaniya,sa pananatili ko kasi rito ay nakita ko na ang kanilang mga ugali,gusto o kahit ano pa.

"Ganito ako,Delilah.At wala ng makakabago ruon."

"Paano kung mabihag ka ng isang sobrang ginoo at baguhin ka niya?"

"Tingin mo makaka-lapit sila?"

Ani ni Ate Milagros at ipinakita pa nito ang muscles niya sa braso,muli na naman tuloy kaming natawa.

"Gusto mo ng prutas na iyan?"

Pagsi-singit ni Fransisco sa aking tawa,ani niya habang nakaturo sa mga naglalakihang santol na nasa puno.

"Kung hindi maasim,bakit hindi?"

"Aakyat ako."

"Baka mahulog ka."

"Nariyan ka naman."

Nakangiting ani niya sa akin,agad namang dumaing ang aking mga kapatid.

"Yun oh!!!Pumayag ka na,Susana."

"Maawa ka sa aking tiyan."

Ani ni Ate Sophia habang hini-himas pa ang tiyan.

Pagka-tapos ay nagpa-awa ang kanilang mga mukha.

"Sige na nga,kapag siya ay nahulog pagbu-buhulin ko kayo."

"Natakot naman kami sa 'yo,aming kapatid alam naman natin na isa kang mahinang nilalang."

"Malakas kaya ako."

"Ah basta,pumayag na si Susana ginoong Fransisco kaya naman maaari ka ng umakyat."

Ani ni Ate Milagros.

"Sige ho,Ate."

"Yiee nakiki-Ate siya."

Panunuyang muli ni Ate Josephina,siniko tuloy siya ni Ate Delilah.

"Magtigil ka nga riyan,Josephina.Nahihiya na yung tao oh."

"H-hindi naman po."

Nahihiyang ani ni Fransisco,tumawa na lang tuloy kaning lima.

"A-akyat na ako."

Pagpa-paalam pa sa akin ni Fransisco,tumango naman ako sa kaniya at ngumiti.

Nagsimula na siyang umakyat at halos magnga-nga kami sa husay nito,halos ilang minuto lamang ang itinagal niya at napakarami na niyang nakuha.

"Maraming salamat,Ginoong Fransisco."

Masayang ani nila ate Milagros.

Ngumiti lamang si Fransisco at nagwika ng...

"Wala pong anuman."

Habang nagkakasiyahan sa pagkain sila ate sa isang gilid ay lumapit naman sa akin si Fransisco at may ini-abot.

"Para iyan sa 'yo."

Isa itong napakalaking santol,naghiyawan tuloy sila ate.

"Andaya naman,bakit malaki ang kay Susana?"

Reklamo ni Ate Sophia ngunit agad rin naman siyang binatukan ni Ate Josephina.

"Nobya ka?Kung nais mong mabigyan ng mga espesyal na mga bagay,aba e maghanap ka na ng nobyo mo."

"Ayaw ko nga,sakit lamang 'yon sa ulo lalo na ngayon wala pa nga akong kabuhayan...anong kakainin namin?Iyong pagma-mahal?"

"Sus,Sophia."

Nagbangayan pa sila ngunit hindi ko na ito pinansin pa at itinuon ang pansin ko kay Fransisco na naka-upo sa aking gilid.

"Hati tayo,marunong ka palang umakyat ng puno?"

"Mm,umaakyat na ako sa puno simula ng bata ako."

"Maru---"

Naputol ang sasabihin ko ng maalala kong napaka-lapit lang pala sa amin nila ate Milagros,sasabihin ko sana na marunong rin ako e.

"Maru?"

Takhang tanong sa akin ni Ate Delilah.

"A-ah tiyak na maru-rumihan tayo kapag umakyat tayong mga kababaihan."

"Ah,oo nga naman.Sino naman kasing marunong umakyat na binibini hindi ba?"

"Oo nga naman."

Nakahinga ako ng maluwag ruon ah.

"Mag-iingat ka sa susunod."

Bulong na ani sa akin ni Fransisco.

"Susana!!!Bakit ngayon mo lamang ako dinalaw?"

Ani ng isang lalaki na parang kaedad lamang namin...sino nanaman ito?










Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top