Kabanata 32
Pamilya
Kahit kinakabahan ay lumapit ako sa aming lola o Apo.
"B-bakit po?"
"May iba talaga sa'yo iha."
Nilapitan niya ako at hinawakan ang aking braso.
"Mainit ka iha ah,naligo ka ba sa ulan?"
Akala ko kung ano na.
"A-ah hindi po."
"Naku Apong Cecilia,hindi kasi iyan natutulog sa tamang oras."
Pagbu-buking sa akin ni Ate Josephina,agad ko naman itong tinignan.
"Naku halika na sa loob upang makainom na siya ng gamot."
'yon nga pumasok na kami sa loob,napa-pitlag ako ng may humawak sa aking kamay.
"Nilalagnat ka,Maria."
Ani ni Fransisco na nag-aalala.
"I-ipapahinga ko lamang ito at mawawala na."
Ngunit hindi parin siya nagpa-pigil,bakit ba kasi ngayon pa ako sinumpong ng lagnat?E halos isang buong taon na nga akong hindi nagka-kasakit.
"Apong Cecilia?"
Pagtawag ni Fransisco sa aming lola.
"Bakit iho?"
"Hindi ba't may mga halamang gamot kayo sa 'nyong bakuran?Kung sana ay maaari akong kumuha upang gumaling na si Maria."
Ngunit tumaas lamang ang kilay nito at nagwika ng...
"Kaano-ano mo ang aking Apo?Hindi mo na kailangang sabihin at kumukuha na ang aming kasambahay."
"Asa---"
Pinutol ko ang sasabihin niya,talaga naman ito sabi ng sekreto na muna siya pa nagsabi na hindi mabubuko ah.
"Magiging mag-asawa na po,Lola."
Mas lalong tumaas ang kilay nito.
"Hindi ba't sinabi na sa inyo nila Ama?"
Ani ni Ate Delilah.
"Akala ko'y nagbibiro lamang ang 'nyong ama kung kaya't itinapon ko na ang sulat na kaniyang ipinadala.Kung gayon ay sa pamamahay na ito natin malalaman kung talaga bang kuwalipikado ang Ginoong ito para sa'yo apo."
Ngumiti naman ako kay Lola.
"Ipapakain ka sa alaga niyang piranha sa likod bahay,Ginoong Fransisco yari ka!"
Pananakot pa nila Ate Milagros dito.
"Ay siya,iakyat niyo na sa silid iyang si Susana.Ipapadala ko na lamang ang isang tuwalya at tubig na maligamgam ruon.At saka ang gamot."
"Sige po."
Nauna na sila Ate sa taas kung saan ang kani-kanilang silid,nagbeso pa sila kay Lola bago umakyat sa pangalawang baitang ng bahay.
Kung kaya't ganuon rin ang aking ginawa.
"Magandang Umaga po sa'nyo."
"Sa'yo rin iha,magpahinga ka na muna ruon sa 'yong silid.At ikaw Ginoo,sa iba kang silid magpa-pahinga...hindi pa kayo kasal kung kaya't magiging malupit na muna ako sa 'yo.Pagkatapos mong alagaan iyang aking Apo ay dumiretso ka na rin sa 'yong silid,maliwanag?"
"Opo."
"Paalam na po,Lola."
Aakyat na sana kami ng tinawag na uli ako ni Lola.
"Lola?Bakit hindi Apo ang tawag mo sa akin?"
"Sa aking paraan po ay ganuon ko tawagin ang mga nakatatanda sa akin."
"Kung gayon ay sige,iyon na ang 'yong itawag sa akin...maging ang 'yong mga kapatid."
"Sige ho,LOLA!"
Sigaw naman nila Ate sa itaas,narinig pa nila yun?
"Sige po,magpapahinga na po muna ako."
"Sige apo,ikaw ginoo?Huwag na huwag kang gagawa ng hindi maganda sa aking Apo,tandaan huh hindi pa kayo kasal."
Kasal na po kami e...char hahaha.
"Opo,makakaasa po kayo sa akin."
"Mabuti naman."
"Ia-akyat ko na po muna si Maria sa kaniyang silid."
Magalang na ani ni Fransisco kay Lola,ngumiti naman ito sa kaniya at sa akin.
Pagka-akyat namin ay nakita ko ang silid na naka-laan para sa akin,halos lahat ng materiyales ay kahoy kaunti nga lang ang nakikita kong semento e.
Dahil sa sobrang hilo ay nahiga na ako,feelingera ako e...feeling strong.
"Ipapahatid na lamang raw ng 'nyong kasambahay ang ipang-gagamot sa 'yo,sa ngayon ay huwag ka na munang mag-isip ng ikasa-sama ng 'yong kalusugan."
May pagalit na pag-aalalang ani niya sa akin,pagkatapos niyang wikain 'yon ay kinuha niya ang isang kahoy na upuan at ipinuwesto malapit sa aking mukha.
Tok*tok*tok
Marahil ay 'yon na ang kasambahay na sinasabi ng Lola.
"Pasok ho."
Ani ni Fransisco rito,pumasok ang isang medyo kaedaran nila Ate Josephina at ngumiti sa akin ng pagka-tamis...close tayo te?
"Eto na ho ang 'nyong gamot,Binibining Susana."
Ani niya at ini-abot ang isang maliit na kawayan...yung baso kasi nilang gina-gamit ay pinutol na kawayan lamang.
"Maraming Salamat,maaari ka ng magpatuloy sa 'yong mga gawain."
Ani naman ni Fransisco rito kung kaya't tuluyan na ngang umalis yung kasambahay.
"Inumin mo na 'yan upang umayos na ang 'yong pakiramdam."
Tumango ako sa kaniya bilang pagsang-ayon at tiyaka ininom,muntik na akong masuka ng dahil sa lasa.
"Anong klaseng gamot yan?Nakakabaliktad ng sikmura."
"Hindi naman ako maalam sa iba't ibang klase ng halamang gamot ngunit sa aking pagka-kaalam ay tatlong klaseng gamot ang hinalo sa 'yong inumin...kabilang na rito ang luya."
"Puwede bang hindi ubusin?"
"Hindi puwede,kailangan mo 'yang ubusin upang makasama ka sa bukid ngayong hapon."
Agad namang kumunot ang nuo kong malapad...sa bukid?Ah oo given na 'yon kapag probinsiya ang iyong pu-puntahan.
"Ngayong hapon?"
Tumango ito at ngumisi.
"Kung gayon,heto na uubusin ko na."
"Napaka-bait ng tae ko ah."
Pfft,nakakasira talaga sa sweet moment 'yang tinatawag niya sa akin hahaha.
"Hindi ako mabait,akala mo lang."
Ani ko at inirapan siya,ini-abot ko na lamang ang baso sa kaniya.
"Masama lang ang ugali?"
Hindi ko siya sinagot bagkus ay inirapan ko uli siya at humiga na patalikod sa kaniya.
"Nagta-tampo ka ba,tae ko?"
Hindi ko na nga siya pinansin pa at pumikit na lang,hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Ilang minuto pa ay narinig ko ulit ang boses na narinig ko nuong nanaginip ako netong nakaraan.
"Maria,kailangan mo ng umalis."
Agad akong luminga-linga ngunit kadiliman ulit ang aking nakikita.
"Nasaan ka?Anong ibig-mong sabihin?"
"Mag-desisyon ka na,Maria...nalalapit na."
"Ano ang nalalapit?"
"Basta't mag-desisyon ka na,habang papa-lapit pa lamang ang mangyayari."
"Sabihin mo na sa akin."
"Ikaw ang tumuklas,Binibini."
"Sabihin mo,ano 'yon?"
"Hindi ko puwedeng sabihin sa 'yo,ngunit may sasabihin ako sa'yo."
"Ano po 'yon?"
"Maraming tao ang nakapaligid,isa o dalawa sa mga ito ay mapag-kunwari."
"Anong ibig-sabihin niyan?"
"Paalam,Maria.Mag-iingat ka."
Mag-sasalita pa sana ako ng may yumog-yog sa akin.
Pagkadilat ko ng aking mga mata ay nabungaran nito ang isang pigura.
"S-sino ka?"
Utal-utal kong ani sa pigurang ngayon ay nakatalikod na sa aking direksiyon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top