Kabanata 30
Kagimbal-gimbal
Pagkarating namin sa pinangyayarihan ng komusyon ay agad kumabog ang dibdib ko,hindi ko alam pero kinakabahan ako.
"May masakit ba sa'yo?"
Takhang tanong sa akin ni Fransisco.
"W-wala,kinakabahan lamang ako."
Hinawakan niya ang aking mga kamay at hinila papunta sa mga nakakumpol na mga tao.
"Kawawa naman iyang matanda!"
Ani ng isang ale.
"Sino na naman ang gumawa ng ganiyan karumaldumal na pangyayari,grabe na talaga ang nangyayari sa ating baryo."
Ani naman ng isa pa.
Marami pang mga bulungan ang aking mga narinig ngunit ng makalapit ako ay agad nanlaki ang aking mga mata.
"Nanay Clarita!"
Malakas kong ani kung kaya't napahawi ang lahat ng tao na nakapalibot kay nanay Clarita.Agad ko itong niyakap hanggang sa unti-unti ko nang nararamdaman ang mainit na likido na lumalandas sa aking pisngi.
Anong nangyari?Sino ang gumawa nito?!Ano na ang magiging reaksyon ni Clara?Paano na...
Naputol ang aking iniisip ng may bumagsak galing sa bulsa ni nanay Clarita,'yong Cellphone ko...akala ko ay ibinenta niya na ito?Agad ko itong itinago sa aking bulsa.
"Maria."
Si Fransisco,hinawakan niya ang aking likod at hinihimas-himas siguro ay para kumalma ako ngunit sino ang makaka-kalma sa ganitong sitwasyon?
"Nay?!"
Dumating na rin si Clara agad niya akong itinulak ay yumakap sa tumayong ina,agad akong yumakap kay Fransisco dinu-durog ang puso ko sa mga ganitong eksena.
"Anong ginawa mo sa aking Ina,Maria?!"
Hinablot niya ang braso ko sa pagka-kayakap kay Fransisco at sumalubong sa akin ang namumula niyang mukha.
"Clara..."
Wala akong masabi,hindi dahil natatakot ako sa kaniya kung hindi dahil hindi ko rin alam kung ano ang nangyari.
"Anong ginawa mo sa kaniya!!!"
Agad siyang hinawakan ni Fransisco upang ilayo sa akin.
"Wala siyang ginawa,Binibining Clara!Naparito kami upang tingnan ang pangyayari,walang kasalanan si Maria."
Kumawala ito sa pagka-kahawak kay Fransisco at agad na muling niyakap ang malamig na bangkay ng kaniyang ina.
"Anong kaguluhan ito?"
Dumating na ang mga sibilyan at agad lumapit sa amin.
"Ginoong Fransisco?Ano ang nangyari?"
"May natagpuang patay rito sa ibang baryo ngunit sa kabilang baryo nakatira ang biktima."
"Kung ganuon ay sino ang pumaslang sa aleng ito?"
"Iyon ang dapat nating malaman,hindi natin puwedeng isa-walang bahala lamang ang pangyayaring ito."
"Makakarating ito sa mga nakakataas,huwag kayong mag-alala."
"Maraming salamat,Baldo."
Hinila na ako ni Fransisco upang makaalis sa pinangyarihan ng kumosyon.
Nang makarating kami sa sakayan ay agad akong tinanong ni Fransisco.
"Maayos ba ang 'yong pakiramdam?"
"B-bakit kasi...kailangan pang mangyari yung ganito?Naguguluhan ako,paano na ang pamumuhay ni Clara?"
"Sumakay na muna tayo,upang ika'y makauwi na."
Pagkasakay namin ay agad niya naman akong niyakap.Ang akala ko ay puro magandang bagay ang mangyayari sa akin ngayon ngunit hindi pala.
"Pshh,tahan na.Masaya na si Aling Clarita kung nasaan man siya ngayon.Huwag kang mag-alala ako mismo ang tutuklas kung sino ang salarin."
Kung nasasaktan ako ngayon,ano pa kaya si Clara?Si Nanay Clarita ang kumupkop sa akin nuong unang punta ako rito,sadyang napakabuti niyang tao...sino naman ang halang ang bituka upang gawin ang bagay na iyon.
Pagkarating namin sa aming tahanan ay agad kong iniwan si Fransisco sa karwahe,nasalubong ko pa sila Ina ngunit maagap ako na nagtungo sa aking silid.
"Magandang tanghali po,Inyo nalang po sanang intindihin si Maria,may nangyari lang po kasing hindi inaasahan sa kaniyang Nanay sa bayan."
Rinig kong ani ni Fransisco kay ina.
"Narininig nga namin ang tungkol ruon,kung sana ay nahuli sa akto ang gumawa sa Ale ang ganiyan."
"Siguro ho ay mauuna na po ako,sisimulan ko na po kasi ang pag-imbistiga."
"Mag-iingat ka iho,maraming salamat at inihatid mo ng ligtas ang aking anak."
"Wala pong anuman,trabaho ko po ang ingatan si Maria...mauuna na po ako."
Unti-unti kong narinig ang papalayong tunog ng kabayo hudyat na naka-alis na si Fransisco.Tinignan ko ang singsing na nasa aking daliri,kasal na pala kami...kung sana ay naruon si Nanay Clarita sa aking ikalawang kasal ay mabuti ngunit ngayong wala na siya para akong nanlumo.
"Susana?May inihain na kaming pagkain para sa tanghalian,bumaba ka na lamang kung gusto mong kumain.Anak,alam naman natin na walang permanente sa mundong ito kung kaya't sana ay huwag mong masiyadong dibdibin ang nangyari makakasama ito sa 'yong kalusugan."
Hindi na ako sumagot dahil natatakot ako na baka marinig ni Ina ang pagbasag ng aking tinig.
Hanggang sa makarinig na lamang ako ng hakbang palayo,tatayo na sana ako sa pagka-kaupo ng malaglag sa aking bulsa ang aking Cellphone na nakuha ko kay Nanay Clarita.
May 6% na lamang ito,agad ko itong binuksan at nagtaka ako dahil may video.
"Magandang Gabi sa 'yo tanda."
Ani ng isang tinig sa naturang video.
"Anong kailangan mo sa akin?Wala akong pera upang kayo'y mabayaran."
"Hindi pera ang aming kailangan sa'yo."
"Kung gayon ano ang pakay niyo sa akin?"
Puro's kadiliman ang nakikita sa backround ngunit sapat na ang mga salita na aking naririnig.
"Kilala mo na siguro kung sino ang nawawalang Binibini hindi ba?"
"W-wala akong alam."
"Talaga ba,Tanda?Ikaw ang kumup-kop sa kaniya nuong una siyang nakarating sa bayan na ito."
Ako ba ang tinutukoy niya?
"Wala akong alam sa kung ano ang 'yong sinasabi,pakawalan niyo na ako."
"Hindi ba't kataka-taka kung paanong bumalik sa ating baryo ang taong nawala nang napakahabang panahon?"
"Kung masama ang 'yong balak ay huwag mong gagalawin ang aking alaga."
Alam kong ako ang tinutukoy rito.
"Hindi kaya may ginamit ang Panlimang Binibini upang makabalik rito?"
"Wala akong sasabihin sa 'nyo,kahit pa may nalalaman ako.Patayin niyo na lamang ako,wala kayong mapapala."
"Isang tanong na lamang tanda kapag nasagot mo ito ay makakalaya ka na,kilala mo bang talaga ang mga y Dela Fuente?"
"Wala akong babanggitin na kahit anong impormasyon,nagsa-sayang ka lamang ng laway."
"Sabihin mo sa akin,ano ang kaugnayan ng Panlimang Binibini sa mahiwagang bulaklak?"
"..."
Ngunit hindi na umimik pa si Nanay Clarita.
"Hindi mo sasabihin?Puwes wala ka nga talagang silbi."
"Tumigil ka sa kahibangan mo---"
Malalaman ko na sana kung hindi lamang namatay ang aking Cellphone,sino iyong tao na nasa likod nito?Napatigil ako ng may marinig ako sa aking likuran.
"Maria."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top