Kabanata 29

Pagma-mahalan

Kasal?Anong kasal?

"A-anong kasal?Hindi ba't pagkatapos pa ng bakasyon tiyaka itutuloy ang kasal?"

Ngumiti naman ito sa akin.

"Nais ko kasing maitali sa'yo."

"Hindi ba't napaka-aga pa para ruon?Malay mo magsi-si ka sa huli at tiyaka hindi ba't masama na hindi natin kasama ang ating mga magulang?"

"May kamag-anak ako na isang padre kaya walang problema sa ating kasal,ngunit bakit sa tono ng iyong pananalita ay ayaw mo sa aking makasal?Sa 'yo bang pinanggalingan ay may nobyo ka na?"

"Hindi naman sa ganuon ngunit sagrado kasi ang pagpa-pakasal."

"Edi magpakasal ulit tayo sa bakasyon,nais ko ng pagisahin ang ating kaluluwa."

Magsasalita pa sana ako ng may inilabas siyang singsing sa isang gilid ng kaniyang bulsa.

"Binibini,maaari ko bang hingiin ang 'yong kamay?"

Agad naman akong napa-isip,ikakasal kami ng patago kung ganun ay may itatanong pa ako.

"Talaga bang sigurado ka na?Mahal mo ba talaga ako?"

"Mahal kita,Maria."

Hindi naman siguro masama pumili ng kaligayahan hindi ba?

Hindi ko naman mapipigilan ang sarili ko na mahalin siya kahit sa sandaling panahon.

"Oo,magpapakasal na ako sa'yo."

"Salamat!Napakasaya ko,Maria.Huwag kang mag-alala maikakasal ulit tayo sa pangalawang pagka-kataon sa bakasyon."

"Mm."

Agad naman niyang hinalikan ang nuo ko at ngumiti sa akin.

"Mahal mo ba ako?"

Tanong niya sa akin,ngunit nahihiya kong itinago ang aking mukha sa kaniyang damit.Yohoo libre pangboboso niyahahaha,may abs.

"Ako lang naman ang makakarinig,kahit ibulong mo na lamang sa akin."

"Ayaw."

Ani ko na nakatago parin sa kaniyang kasuotan,hindi niya alam na namboboso na ako hahaha.

"Naghihintay ako..."

"Ayaw ko..."

"Nahihiya ka sa akin?"

"Parang ganun na nga,e kasi huwag mo ng itanong kung alam mo naman."

"Sige na nga,kung 'yon ang iyong gusto."

Ngumiti ako sa kaniya at mas siniksik pa ang sarili ko sa kaniya.

Nang makarating na kami sa simbahan na kaniyang sinasabi ay agad naman kaming pumasok sa loob at tiyaka tinungo ang isang silid.

"Ginoong Fransisco!Kamusta ka na?Mabuti't napa-dalaw ka rito."

"May hihingiin sana akong pabor tiyo Simon,nais ko sanang ikasal mo kami ni Maria."

"Ikasal?Hindi ba't sinabi ng inyong pamilya na pagka-bakasyon na?Naparito sila nung nakaraang araw."

"Nais ko po kasing maikasal na kami sa lalong madaling panahon,hindi po kasi natin ang mangyayari sa hinaharap."

"Ikaw ba iha ay pumayag sa gusto ng aking pamangkin?"

"A-ah opo."

"Nakita ko nga sa 'nyong mga mata ang pagmamahal niyo para sa isa't isa,halika at maupo kayo.Kukuhain ko na muna ang mga papeles na inyong pipirmahan."

"Sige,Tiyo."

Agad naman akong inalalayan ni Fransisco upang makaupo sa isang silya na naruon.

"Nagagalak ako dahil pareho ang ating mga nararamdaman."

"Ako rin naman."

Hinawakan niya ang aking mga kamay hanggang sa makabalik na ang kaniyang tiyuhin.

"Pirmahan niyo na muna ang mga iyan upang mapatunayan na legal ang inyong pagpa-pakasal."

Nakangiting ani ng tiyuhin niya.

"Opo,salamat Tiyo Simon."

"Walang anuman,Fransisco.Hangad ko ang 'yong kaligayahan.Talaga nga namang tumatanda ka na hahaha."

Tatawang tawa na ani ng tiyo niya.

Hanggang sa nakapirma na kaming dalawa at nakatayo na.Nasa gitna namin si Padre Simon at nagsasalita na.

"Sa ngayon ay tayo muna ay manalangin.Sa ngalan ng Ama,ng Anak at espirito santo.Mahabaging Diyos,bigyan niyo po ako ng kapangyarihan upang mabasbasan ang dalawang tao na nagma-mahalan sa aking harapan iyon lamang po at sa pangalan ng makapangyarihang diyos...Amen."

"Amen."

Ani naming dalawa ni Fransisco habang hawak niya parin ang aking kamay at nakatitig sa aking mga mata.

"Ikaw Fransisco,tinatanggap mo ba ang iyong Binibining kaharap bilang kasangga at kadamay mo hanggang sa kamatayan ganun narin bilang isang asawa?"

"Opo,Padre."

Ani niya,kinakabahan ako.

"Ikaw naman Binibini,tinatanggap mo ba ang iyong Ginoong kaharap bilang kasangga at kadamay mo hanggang aa kamatayan ganun narin bilang isang asawa?"

"O-opo."

"Kung ganun ay maaari niyo ng hagkan ang bawat isa bilang simbolo ng 'nyong pagmamahalan."

Nakangiting ani niya ni Padre sa amin,dahan-dahan namang lumalapit sa akin si Fransisco kung kaya't napapikit na lamang ako at hinihintay ang kaniyang halik...ngunit ang inaasahan ko na sa labi ay sa nuo niya ako hinagkan at tiyaka niyakap ng mahigpit.

"Napaka-gandang pagmasadan.Hangad ko ay matiwasay ang inyong pamumuhay."

"Marami pong salamat."

Ani ko sa Tiyo ni Fransisco.

"Walang anuman,iha."

"Maraming Salamat,Tiyo.Hindi na ho kami magtatagal,magkita na lamang ho tayo sa bakasyon."

"Aasahan ko iyan,Fransisco.Sige na humayo na kayo baka may nais pa kayong puntahan o gawin."

"Opo,Marami po uling Salamat."

"Walang anuman."

Ngumiti ito sa amin at kumaway na ako bilang paalam at lumabas na sa silid na 'yon.

"Walang paglagyan ang aking kasiyahan,tae ko."

Panira ng mood yung tae ko hahaha,mabuti na 'yon upang unique ang aming tawagan hindi ba?HAHAHA!

"Ako rin naman,saan naman tayo tutungo?"

"Sa sakahan,nais kong ipaalam kay Basilio ang bagay na ito."

"Mabuti pa nga,masarap naman siguro ang simoy ng hangin ruon hindi ba?"

"Oo,nangunguha sila ng mga mangga ngayon kung kaya't maaari tayong manghingi."

"Anong klase ng mangga ang mga naruon?"

"Piko,kalabaw at tiyaka marami pang iba."

"Piko?'yong pangbungkal sa lupa?"

"Hindi hahaha,makikita mo ruon kung ano iyon."

"Napakabilis ng mga pangyayari ano?"

"Paano mo nasabi?"

"Kung dati ay ayaw mo pa sa akin---"

Agad niya akong pinutol sa pagsasalita.

"Mahal na kita nuon,hindi ko lang maipakita dahil sa hiya."

"Bakit ipinagtatanggol mo si Clara?"

"Dahil para makita ko ang 'yong reaksiyon,kung magagalit ka ba?Dahil nais kong malaman kung pareho nga ba tayo ng nararamdaman."

"Hindi ka naman nagka-kamali hahaha."

"Talagang masaya kung kasama ang tinitibok ng 'yong puso,pangako ibibigay ko sa 'yo lahat ng aking kayang ibigay."

"Kahit laman loob mo?"

Natatawa kong ani.

"Puwede naman,kung may lahi kang aswang."

"Tanggap mo parin ako?"

"Oo naman,na-ikasal ka nga sa akin ibigsabihin kahit na ano ka pa ay mahal kita."

"Sana ay ganiyan ang mga lalaki sa modernong panahon."

"Hinaan mo ang 'yong boses,baka may makarinig sa iyo hindi ko pa nais mabyudo kaagad."

"Ah ganuon?Naandirito lamang din naman ako."

"Pangako?"

"Pangako."

Natigil lamang kami ng may sumigaw.

"May natagpuang patay sa kabilang baryo!!!"









Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top