Kabanata 27
Kaibigan
Nagkagulo ang lahat dahil sa pagsigaw ng isang ginang.
Lumilindol?Nagsimula na silang mag-silabasan sa iisang pintuan sa likuran namin.Hindi sinasadyang maitulak ako ng mga tao sa isang sulol kung kaya't napahiwalay ako kila ate Josephina.
"Dón de está la Quinta Dama ahora!?"
(Nasaan na ang Panlimang Binibini!?)
Narinig kong ani ni ama,ngunit nasaan sila?Halos lahat ng tao sa simbahan ay naguunahan makalabas,unti-unti na ring gumuguho ang unahan ng simbahan kung saan may mga kagamitan para sa misa.
"Fransisco..."
Iyon na lamang ang aking nabulong dahil para akong naestat'wa sa aking pinagkakatayuan,ramdam ko na ang mga bumabagsak na maliliit na semento sa aking ulo.
Kailangan kong umalis,kailangan kong makalabas!Hindi ko dapat inaasahan ang kahit na sino.
Ngunit kaunti na lang sana ay mababagsakan na ako ng isang malaking kahoy ng may humawak sa aking kamay at hinila ako.
"B*bo ka ba?Magpapakamatay ka?"
Sigaw sa akin ni Clara,pero bakit?
"Clara..."
"Tatayo ka na lang diyaan at magmamatigas?Magsimula ka ng tumakbo!"
"Hindi niyo dapat iniisip kung ano ang estado niyo sa buhay!Magtulungan kayo upang makalabas riyan!"
Narinig kong ani ng mga tao sa labas,nakarinig ako ng isang iyak ng bata.
"Inay..."
"Sandali,Clara.May bata."
"Mauna ka na sa labas ako na ang kukuha sa kaniya."
Ngunit matigas ang aking ulo,mas nauna pa akong nakalapit sa bata kaysa kay Clara agad kong hinila ang bata palabas kasama ni Clara.
Saktong pag-labas namin ay siyang pag-guho ng naturang simbahan,sabi ko na nga ba e luma na kasi ang mga kagamitan na ginamit kaya hindi naglalayong gumuho ito kapag sa sakuna.
Pagkaharap ko ay sinalubong ako ng isang bisig,si Fransisco.
"Mabuti't ligtas ka."
Kusa namang tumulo ang luha ko,hindi ko alam pero naramdaman ko na may masasandalan ako.
"Shh,huwag ka ng umiyak naandito na ako.Hindi agad ako nakapasok dahil delikado,pasensiya na."
Mas lalo lamang lumakas ang iyak ko paano kung hindi ako nahila ni Clara?Mamamatay na lamang ako dito?
Speaking of Clara.
Agad akong kumalas kay Fransisco.
"Pupuntahan ko lamang si Clara,baka may natamo siyang galos."
"Ikaw?"
"Wala akong kahit na ano.Nasaan sila ina?Ligtas ba sila?"
"Oo,naruon sila malapit kay Binibining Clara."
Lumapit na ako kila ina,agad naman akong niyakap ng aking mga kapatid ng mahigpit.
"Mabuti at ligtas ka,Susana."
"Alalang-alala ang ama't ina sa iyo,bakit ka ba nawalay sa amin?"
Ani ni Ate Milagros.
"Dahil ho sa mga tao."
"Mabuti naman at nasa mabuti kang kalagayan,hindi ko alam kung anong gagawin ko kung tuluyan ka ng mawawala sa amin."
Ani ni Ina at niyakap rin ako.
"Sa katanayan po ay si Clara ang sumagip sa akin,kayo rin po mabuti't nasa mabuti kayong kalagayan."
"Nakalabas kami kaagad,kung kaya't nagtaka kami ng hindi ka namin kasama."
"Mabuti nga po at naruon si Clara,pupuntahan ko na lamang po siya upang magpasalamat."
"Sige,anak."
Ani ni ina.
At tuluyan na nga akong lumapit kay Clara.
"Clara,magpapasalamat sana ako sa 'yo."
"Hindi naman na kailangan,Maria.Ginawa ko 'yon upang suklian ang kabutihan na naibigay mo sa amin ni Nanay Clarita,kaya patas na tayo."
"Nagtataka lamang ako,bakit mo ako tinulungan?"
"Hindi porke't may sama ako sa 'yo ng loob ay pa-pabayaan na kita ruong mamatay,t*nga ka pa naman."
Iyon lamang at sinabi niya at naglakad na palayo.
Sana sa modernong panahom ganito rin ang mga kaibigan,kahit na may galit sa 'yo ay magagawa kang tulungan kapag iyong kailangan.
"Halika na,Susana!!!"
Sigaw ni ina na nagpabalik sa akin sa huwisyo.Agad naman akong lumapit sa kanila at sumakay narin sa karawaheng nakalaan,nadaanan pa namin yung batang hinila namin ni Clara palabas sa simbahan.Yakap-yakap ng ina niya ata at hinahalik-halikan,tuwang tuwa siya men...nakakataba ng puso.
Pagkauwi namin ay agad na ginamot ang maliit na galos na mayroon sila Ate Josephina,aakyat na sana ako upang umakyat sa aking kuwarto ay tiyaka naman ako napakamot sa ulo ko.
Pagkatingin ko sa aking mga daliri ay may dugo,dahil ba ito sa mga maliliit na bato na tumama sa ulo ko?
Bakit ba kasi ako takot sa dugo?Bago ako mawalan ng malay ay narinig ko pang sumigaw sila Ate Sophia.
"Susana!!!"
At nawalan na nga ako ng malay,nagising lamang ako ng nasa aking silid na.
Nakita ko si ama na natutulog sa aking tabi habang nakaupo,siguro ay kanina niya pa ako hinihintay na magising.
Pagkatingin ko kasi sa labas ng bintana ay gabi na.
"A-ama."
Agad naman itong nagmulat ng mga mata at ngumiti sa akin.
"Anak!Mabuti't gising ka na."
"Opo."
"May masakit pa ba sa 'yo?"
"Wala na po."
"Kung mayroon man ay magpa-patawag na agad tayo ng mang-gagamot."
"Hindi na po ama,mabuti na po ang aking lagay."
Tumango naman ito at umamba ng yakap.
"Sana ay sa susunod ay magsabi ka sa amin kung ano ang iyong nararamdaman,tandaan mo na pamilya mo kami at hindi ibang tao."
Ani ni ama sa gitna ng aming yakapan.
Sana nga ay pamilya niyo ako,sana ay ikaw nga ang aking ama.
"Opo,nasaan po sila ina?"
"Mahimbing na ang mga tulog,kanina pa kasi sila nagpapaikot-ikot rito dahil sa hinihintay ang iyong pag-gising.Kung kaya't pinatulog ko na."
"Kumain na po kayo?"
"Hindi pa iha,halika at sabay na tayong kumain sa 'baba."
Tumango ako kay ama bilang sang-ayon.Bumaba kami at may mga nakatakip na pagkain ruon may kasama pang sulat.
"Elias at anak,narito na ang inyong pagkain...magpakabusog kayo."
Tapos may Villaflor sa ibaba.
"Ang iyong ina talaga,ahahaha."
Natatawang ani ni ama,kung kaya't natawa narin ako.Pagkatapos namin kumain at maghugas ay natulog narin kami sa aming mga silid.
Kinaumagahan*
Maaga akong nagising dahil hindi na naman ako makatulog dahil sa nakatulog na ako ng mahabang oras.
Naglibot-libot ako sa buong silid ng may mapansin akong isang larawan,pamilyar na pamilyar ang kasamang babae ni Ina rito sa larawan.
Magkatabi sila sa upuan at parehong nakangiti,halos magka-mukha silang dalawa...bakit kasama ni Nanay si Donya Villaflor?Anong mayroon?
"Binibining Susana?"
Agad kong itinago ang larawan sa dating pinaglalagayan at binuksan ang pinto.
"Bakit po,Aling Corazon?"
Naghinala ang mukha ni Aling Corazon ngunit agad rin namang ngumiti.
"Nasa 'baba si Ginoong Fransisco,hinahanap ka."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top