Kabanata 26
Ang Pagyanig
Hindi ko na halos marinig ang aking dibdib dahil sa sobrang nakabi-bingi ang pagkabog nito,tipong akala mo ay kakawala na ito sa pinaglalagyan.
"Huwag kang gagawa ng kahit na anong ingay,Binibining Maria."
At agad niya akong hinila sa isang malaking puno,nakaharap ako sa aking pinanggalingan at nakita kong may mga lalaki na nagpunta ruon at hawak nila ang bulaklak na aking nakita kanina.
Ang ipinagtataka ko ay sino ang aking nasa likod?Ramdam na ramdam ko ang kaniyang mainit na hininga sa aking ulo.
"Huwag kang mangamba,ako ito.Si Ginoong Fransisco."
Agad naman akong nakahinga ng maluwag,pero paano niya nalaman na may mga kalalakihan na may masamang balak sa akin?
Napahinto ako sa aking pag-iisip ng makita kong luminga-linga ang mga kalalakihan na pare-parehong nakaitim at may tabing ang pagmu-mukha.
Hanggang sa nagsi-alisan ang mga ito ng humudyat na ang isa sa kanila.
Ng tuluyan na silang naka-alis ay hinila na kaagad ako ni Fransisco papunta sa kaniyang kabayo.
"P-paano mo nalaman na naririto ako?"
"Sinundan kita ng makita kitang umalis kasama ang lalaking iyon."
Halatang may sama ito ng loob ngunit ng tingnan ko ang kaniyang mukha ay umiba ito ng tingin.
"Nakita mo ba si Romeo?"
"Romeo?Bakit tila nag-iba na ang iyong pagtawag sa kaniya?May namamagitan na ba sa inyo?"
"Wala,mag-kaibigan lamang kami."
"Kung gayon ay ano ang itatawag mo sa akin?Ngayong nalalapit na ang ating pagpa-pakasal?"
"Sa susunod na natin iyan pag-usapan at baka bumalik pa ang mga kalalakihan na nasa loob ng gubat."
"Ano muna ang iyong itatawag sa akin?"
"Tiyaka ko na lamang sasabihin kung tayo ay hahayo na."
"Mangako ka na sa ating pagdating sa inyong pamamahay ay sasabihin mo na sa akin."
"Oo na."
Isinakay niya na ako sa kabayo at pumwesto na sa aking likuran,ramdam ko ang mainit niyang hininga...shocks,erase-erase hindi ako ang tunay niyang iniibig mahirap umasa.
Nang makarating na kami sa hamba ng aming bahay ay kita parin sa loob nito ang selebrasyon na nagaganap.
"Ano na?Maaari ko na bang malaman?"
"Hindi ba ako puwede mag-isip na muna?"
"Hindi,nangako ka."
"Tae."
"Tae?Iyan ba ang itatawag mo sa akin?Kung gayon ano ang ibig-sabihin niyan?"
"Mahal."
"Kung gayon ay mahal mo ako?"
Nagliwanag naman ang mukha nito,hindi niya alam kung ano ang ibigsabihin ng tae hahahaha.Dumi pa ata ang tawag rito sa tae e.
"Siguro?"
"Hindi naman sigurado ang iyong sagot.Ngunit ako naman ay tae mo,mabuti na iyon."
Muntik na akong matawa ng malakas dahil sa kaniyang sinabi hahaha.
"S-sigurado ka na ba diyaan?"
Onti na lang talaga ay tatawa na ako ng malakas,ang priceless kasi ng mukha niya yung tipong tuwang tuwa dahil sinabihan ng tae.
"Oo naman,tae mo naman ako hindi ba?"
"Oo,pfft."
Yung kaunti kong tawa ay lumakas kaya naman nangunot ang kaniyang nuo.
"Bakit ka natutuwa,tae ko?"
Imbis na sumagot ay mas tumawa pa ako ng malakas,yung tipong lahat ng binibini rito ay mahihiya kasi para akong nasasapian hahaha.
"W-wala,pfft."
Sabay takbo ko na papuntang pintuan ng aming bahay,ngunit narinig ko pa siyang sumigaw habang sumusunod sa akin.
"Iiwan mo na lamang ba rito ang iyong tae?"
Halos masuka na tuloy ako sa kakatawa,wala siyang kaalam-alam kung ano ang kaniyang sinasabi hahahaha!
Dahil sa lakas ata ng aking tawa ay napahinto ang lahat ng nasa loob ng bahay.
"Saan ba nanggaling ang Panlimang Binibini at tila sinasapian ng masamang espirito?"
Ani ng isa sa mga ale.
"Magpatawag na tayo ng pari o albularyo."
Napahinto tuloy ako,mali pala ang naging asal ko hahaha.Hindi pala dapat ganuon tumawa ang isang binibini.
"Anak?May masakit ba sa 'yo?"
"Donya Villaflor,magpatawag na ba tayo ng pari upang maalis ang masamang espiritu?"
"Kinabukasan ay tiyaka tayo magtutungo sa simbahan,ipapa-bawtismuhan natin uli siya."
Ani ni Ina.
"Mukha pa naman siyang maayos,siguro ay tamang bukas na lang."
Segunda naman ni Ama.
"Magpahinga ka na ruon sa iyong silid,Susana."
Nakangiting ani ni ina.
Hala!Baka itali pa nila ako bukas ah,akala nila siguro ay nababaliw na ako.
Siguro dahil sa pagod ay nakatulog ako ka-agad.
Kinaumagahan*
Nagising ako ng may maramdaman kong may nakatingin sa akin,pagmulat ko ng aking mga mata ay nakita ko si Rebecca na may hawak na krus at nakatutok ito sa akin.
"Ano ang iyong ginagawa,Rebecca?"
"Oh masamang espirito lubayan mo ang katawan ng aking amo."
"Ano ba Rebecca?Ako ito,kung kaya't tigilan mo na iyan."
"Kung gayon ay suotin mo na ang puting bestida na iyan at tayo na raw ay magtutungo sa simbahan."
Magsa-salita pa sana ako ng bigla itong tumakbo papunta sa ibaba.
Talaga naman,agad na akong naligo at isinuot ang puting bestida na kaniyang ibinigay at nag-ayos na rin.
Pagkababa ko ay handa na silang lahat kung kaya't agad rin naman kaming umalis at nagtungo sa simbahan.
"Tiyak na aalis na ang sumapi sa iyo kapatid."
Ani ni Ate Delilah.
"Nakatitiyak ba kayo na siya ay nasapian?Mukha naman siyang matino."
Ani naman ni Ate Milagros.
"Ah basta mabuti nang naninigurado."
Pagkapasok namin sa simbahan ay agad kong inilibot ang aking paningin,siguro ay luma na ang mga kagamitan na ginamit rito.
Inilibot ko ang tingin sa mga tao at nasiyahan naman ako dahil kahit ang hindi mayamang pamilya ay naririto at makikinig ng salita ng diyos.
Kami ay naupo at lahat kami ay napadako ang tingin sa isang prayle na lumabas sa isang pintuan.
"Buenó,mga anak ng diyos.Hindi lang pala mayayaman ang naririto kung hindi ay may mga naisalong mga Pobré Filipinós."
Ani nito,para namang natawa ang mga nakaintindi at ang mga mahihirap na pilipino naman ay nakisabay lang din dahil hindi nila naintindihan.
"Ate Josephina?Ano ang ibig-sabihin ng kaniyang huling sinabi?"
"May nakahalo raw sa atin na mga mahihirap na pilipino."
Bulong niya sa akin,kung kaya't nagbago ang tingin ko sa prayle na nasa harapan...mapanghusga naturingang pari ay ganiyan ang ugali!
Lumipas ang ilang oras ng may maramdaman kaming pag-uga,akala ko lamang ay dahil sa taong nasa likod ay nag-uugo ngunit mas lalong lumalakas ang yug-yog kung kaya't may sumigaw na.
"May lindol!!!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top