Kabanata 25

Kagubatan

Pagkatapos ng sayawan ay naupo na kami sa aming mga lamesang nakalaan.

"Susana?"

Tawag ng kaniyang Ate Milagros.

"Bakit po?"

"Sumama ka na sa iyong mga kapatid,upang kuhain ang inyong kagamitan sa pagpipinta."

"P-po?

Magpi-pinta?Marunong ba ako nuon?

"Sabi ko kako ay kuhain mo na ang inyong mga kagamitan sa pagpipinta dahil kayo ng iyong mga magkakapatid ay magpapakitang gilas sa harap,gamit ang pagpi-pinta."

"A-ah opo."

Takte,bakit ba kasi marunong sa ganuong bagay ang tunay na Maria?E stickman lang ang kaya kong i drawing e.

Pagkarating ko sa aking silid ay agad ko itong hinanap,ngunit sa kasamaang palad ay hindi ko ito mahanap.

Bumalik ako sa ibaba at hinanap si Rebecca,upang itanong sa kaniya kung saan ko inilagay ang aking mga gamit sa pagpipinta.

"Rebecca?"

Pagtawag ko sa kaniya,nakita ko kasi siyang kumakain sa gilid.

Agad naman itong tumayo at sumunod sa akin habang hawak parin ang kaniyang plato.Ayaw iwanan sis?

Pagkarating ay agad kaming pumasok sa loob.

"Rebecca?Alam mo ba kung saan ko inilagay ang aking mga kagamitan sa pagpipinta?"

"Ah,opo.Naandirito."

Sabay turo niya sa akin sa isang kabinet na hindi ko pala napansin kanina.

"Maraming salamat,kung gusto mo ay maaari ka ng bumalik ruon sa ibaba at ipagpatuloy ang iyong pagkain."

"Hindi na ho,tutulungan kita sa inyong pagbaba ng mga gamit."

"Ay hindi na,ipagpatuloy mo na lang ang iyong pagkain."

"Naku,tutulungan na talaga kita."

Hindi na ako nakatanggi pa at nagkibit balikat na lamang.

Tuluyan na kaming nakababa at pumwesto na ako sa tabi nila Ate Milagros na naghahalo na ng mga kulay.

Halos lahat ng tao na nasa aming likuran ay tutok na tutok sa aming ipipinta.

Nagpinta ako nuong pinagawa sa eskuwelahan ngunit iyon ay may gayahan!

Nag-umpisa na ako sa paghalo ng mga kulay,nakagawa ako ng pink,violet,blue at green.

"Mukhang makakasaksi tayo ng mga magagaling na mangpi-pinta ah!"

Sigaw ng Ama ni Romeo,agad namang nagsi-sang ayunan ang iba.

Haysst,ano kaya ang aking ilalagay rito.Bilog tapos---

Natigilan ako,buwan kaya tapos babaeng may hawak na bulaklak?Yun na nga lang.

Tatlumpung minuto ang aming tinagal sa pagpipinta,ang aking ipininta ay isang kulay asul na buwan at isang babae na may hawak ng bulaklak.

Feeling ko ang ganda niya,siyempre gawa ko hahaha.

"Mukhang tapos na ang limang Binibini,maaari na kayong tumayo upang suriin at tignan ang bawat ipininta nila."

Ani ni ama.

Agad naman akong tumayo at dumiretso sa labas,kung hindi nila magustuhan ang aking gawa okay lang naman hindi ko naman kailangan ng kanilang opinyon char hahaha.

"Saan ka pupunta?"

Ani ng isang boses sa aking likuran,pagkalingon ko ay si Romeo.

"Sa likod bahay,maglalakad lamang bakit?"

"Hindi mo ba nais malaman ang kanilang mga reaksiyon sa iyong gawa ruon sa loob?"

"Hindi na,kontento na ako sa aking reaksiyon hahaha.Ikaw nagustuhan mo?"

"Oo naman,kaibigan kita e."

"Ano naman kung kaibigan mo ako?"

"Para hindi sumama ang iyong loob,magugustuhan ko na lang."

"Ang sama neto,ano nga?"

"Maganda nga,simple lang siya.Sakay tayo sa kabayo?"

"Tapos?Saan naman tayo magtutungo?"

"Sa gubat."

"Ano mag--"

Natigil ako sa sasabihin ko na (maghu-hunting) muntik na ako ruon.

"Ano?"

"Maghahanap ng mga kulisap."

"Hindi,mag-gagala lang.Alam ko naman na nabuburyo ka na sa atmospera rito."

"Nasaan naman ang kabayo,aber?"

"Hindi mo na ba natatandaan?Napakarami niyong kabayo sa likod ng inyong bahay."

Mayroon ba dun?Bakit hindi ko alam.

"A-ah halika na,basta ay magkasama tayo ah!"

"Oo naman,hindi kita pababayaan baka masapak na ako ng panay tanggi mong nobyo."

Sinapak ko tuloy siya sa braso.

"Nobyo ka riyan."

"Wala pa akong sinabing ngalan ngunit may nakapaskil na sa iyong utak,hahaha!"

"Tseh!"

Sumakay na kami sa isang kabayo na aming napili at tumuloy na sa gubat.

Habang mabagal na ang lakad ng kabayo ay bumaba kami ni Romeo at iginalaw niya ang mga damo na naruon,nagulat ako dahil nagsiliparan ang napakaraming alitap-tap na nagkukubli sa mga damo hahaha.

"Ang ganda,Romeo!!!"

"Ganiyan ba ang magkaibigan?Wala ng ginoo at binibini?"

"Ngayon lamang noh,kapag wala tayo sa harap ng iba hahaha."

"Tama ka,Maria hahaha!Napakaganda ano?Natutunan ko kay Nanang Liza ang bagay na ito."

"Nanang?"

"Ang ina ni nanay."

"Ahhh,ang galing nga e."

"Ngayon ay naipamahagi ko na sa iyo kaibigan huh,baka ay ipagsabi mo sa iba sekreto ito!"

"Oo na hahaha,paramihan tayo ng nakuhang alitap-tap!!!"

"Payag ako!"

At nagsimula na nga kaming manghuli ng may marinig akong kaluskos sa hindi kalayuan,may naaninag akong isang lalaking pigura.Agad akong kinabahan,baka may masamang mangyari sa amin ah.

Kunwari ay hindi ko siya nakita at medyo lumayo ruon sa gilid ng aking mata papunta sa aming pinanggalingan ay nakakita naman ako ng lalaking pigura ngunit nakasakay ito sa kabayo.

Ngunit napadako ang tingin ko sa harap ko,hindi kalayuan ay may napansin akong pamilyar na bulaklak.

Agad ko itong nilapitan ngunit para itong lumalayo sa bawat paglapit ko.

"Maria!!!"

Naririnig ko ang tawag ni Romeo ngunit sadyang naka focus ang aking isip sa bulaklak na kamukha ng aking ginamit upang makapunta rito.Unti-unti ko ng naririnig na pahina na ng pahina ang tinig ni Romeo hudyat na napapalayo na ako.

Akmang hahawakan ko na ito ay bigla naman itong nawala,tanging ang sikat ng buwan lamang ang nagsisilbi kong ilaw.Tiyaka lamang ako nangamba ng mapagtanto na napalayo na ako kay Romeo!!!

Sk,sk,sk.

May mga kaluskos na akong narinig.

"Sino yan?Romeo?"

Sk!sk!sk!

Mas lalo lamang lumalakas ang mga kaluskos,napadako ang tingin ko sa hindi kalayuan sa aking paanan ay may ahas.

"Romeo?Ginoong Fransisco..."

Pahina na ng panina ang boses ko dahil sa takot,iba pa sa ahas at sa kumakaluskos sa damuhan.

Fransisco...sana naman ay sana maramdaman niya ang aking kalagayan.Na alam kong hindi maaari dahil wala naman ako sa fairytale.

"Psst!"

Ani ng kung sino man na nasa mga damuhan,natatakot na talaga ako.

"Swishh."

Yung ahas naman na animoy lalapit pa ng lalapit sa akin.

Sisigaw na sana ako ng may humawak sa aking likod at hinarap sa kaniyang dibdib.

"Shh."




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top