Kabanata 23
Panimula ng Selebrasyon
Nagulat ako ng pagpasok namin sa silid-aralan ay lahat sila ay nakatingin sa amin.
"Binibining Maria?Bakit niyo suot ang kasuotan ni Ginoong Fransisco?"
Tanong ng isang babae sa gilid.
"Hindi natin alam kung ano ang kanilang ginawa.Ano nga ba ang inyong ginawa?"
Ani naman ni Clara na may kasama pang irap.
"Iba ang inyong iniisip,wala kaming ginawang masama pinahiram ko siya ng aking kasuotan dahil wala siyang maisusuot."
"Hindi ba't bawal yun lalo't magkaiba kayo ng kasarian?"
Segunda naman ng kaibigan ni Clara,natatandaan ko nga na concervative ang bawat tao rito hindi katulad sa modernong panahon.
"Bawal iyon kung hindi kayo ang magiging mag-asawa o kaya naman ang ikakasal,sa sitwasyon namin ay malapit na kaming maikasal uli."
Nagulat ako sa kaniyang sinabi,ano ang kaniyang ibig sabihin?
"Maitutuloy na ang kasal?"
Tanong ng iba.
"Ang akala ko ba ay nagbago na ang iyong nararamdaman ginoo?"
Sarkastik na ani ni Ginoong Fransisco.
"Maaaring sinabi ko iyon ngunit hindi ko kayang baguhin ang laman ng aking puso."
"Yieeeee!!!"
Ani ni Ginoong Basilio,bugok lang ang peg?
Ano ba kasing pinag-sasabi nitong lalaki na ito.
"Kung kaya't alam niyo na ang ibig kong sabihin,magsimula na tayo sa ating aralin."
Nagturo na nga siya at mga alas dos ay nag-anunsyo ang ibang mga guro na magpupulong kung kaya't maaga kaming umuwi.
At dahil Biyernes ngayon ay uuwi ako sa aming tirahan.
Kinuha ko lang ang mahalagang mga bagay sa aking dormitoryo at nagpahatid na rin sa aming bahay sa San Lorenzo.
"Anak!"
Ani ni ina ng aking pagbaba sa karwahe.
Agad ko naman itong niyakap at giniya narin papasok sa loob.
"Kamusta ka naman sa paaralan,Susana?Bakit may mga galos ang iyong braso?"
"Nalaglag ho ako sa puno,nasaan po si Ama?"
"Nasa bayan pa at may inaasikaso pa,nagamot na ba iyan?"
Pagpapatungkol niya sa mga sugat na nasa aking braso.
"Opo,sila ate Josephina po?"
"Sinundo si Sophia sa San Pedro kasama ng dalawa mo pang kapatid."
"Bakit po?"
"May gaganapin kasing selebrasyon mamaya rito dahil sa iyong pagbalik."
"Napakatagal na ng aking pagbabalik at may selebrasyon na dati,bakit mayroon ulit?"
"Nais kasi ng iyong ama na ipakilala ka na sa lahat dahil ilang taon ka ng hindi man lang nakikilala ng ating nasasakupan."
"Hindi naman po iyon kailangan,mahalaga naman po ay naandiyaan po kayo nila Ate at ama."
"Iba parin ang sa ibang tao,paano kung may mangyari sayo sa daan?Hindi ka nila tutulungan dahil hindi ka nila kilala kung kaya't ipapakilala ka."
"Likas naman po na mabuti ang mga tao rito hindi naman po nila siguro gagawin iyon."
"Susana,gusto lamang namin na makilala ka ng lahat hindi yung nakatago ka na lang lagi."
"Sige na nga po,basta po ay mapapasaya po kayo nito."
"Pahingi nga ako ng yakap riyan."
Ngumiti ako at niyakap si ina,atleast naramdaman ko ulit ang pagmamahal ng isang ina.
"Hindi ba ako kasali riyan?"
Ani ng isang tinig na siguradong kay ama.
"Halika na rito,aarte ka pa e."
Ani ni ina kung kaya't tumawa si ama at nakiyakap narin kaso ay may iba pang dumagdag sila Ate Josephina pala.
"Tama na ah,hindi na makahinga si Susana."
"Tama ang inyong ina hahaha,magbihis na kayo ruon nasa inyong mga silid na ang inyong susuotin sa selebrasyong magaganap mamaya."
"Nasa aming silid na?"
"Oo anak,may mga pangkulay narin sa inyong mukha ruon."
"Pangkulay ka riyan,may mga kagamitan duon upang makulayan niyo ang inyong mukha upang gumanda."
"Opo."
Isa isa na kaming umakyat sa aming silid at nasa aking kama na nga ang isang asul na saya,hindi siya pangkaraniwang saya pangbongga ba ganuon.
Tapos yung pangkulay na sinabi,makeup pala hahaha.
Ilang minuto ang lumipas at sinabi na ni ama na kami ay magbihis na.
Nag-ayos narin ako at naglagay ng lipstik yung light lang tapos nilagyan ko yung para sa eyeshadow.
Sinuot ko na rin ang aking saya at sadyang napakaganda nito,bumagay sa medyo maputi kong balat.Inilugay ko ang aking buhok at tamang tama naman ito dahil may pagkakulot ito.
Lumabas na ako pagkatapos kong mag-ayos at nakita ko nga sa ibaba na napakaraming tao.
"Nariyan na ang Panlimang Binibini!!!"
Sigaw ng isa kung kaya't napalingon lahat sila sa akin.
"Napakaganda ng kaniyang pagmumukha."
"Isa yata siyang diwata."
"Nahiya ang aking kutis."
Ilan sa mga komento na naruon.
"Aking anak."
Tawag sa akin ni Ama na pinapalapit ruon sa unahan.
"Ipinapakilala ko sa inyo ang aking panlimang anak,si Maria Susana Dimitria."
"Ngayon lang namin siya nakita,amiga."
"Ngayon lang kasi napilit na magpakita sa inyong lahat,hahaha."
Tumawa naman ang iba.
"Ipinakikilala ko ang iba ko pang anak.Maria Milagros,Maria Delilah,Maria Josephina at Maria Sophia."
Isa isa naman silang lumabas naka violet si ate milagros,naka yellow si ate delilah,green kay ate Josephina at black naman kay Ate sophia.
Nagsipalakpakan ang lahat,tapos ay muling umupo.
"Ngayon ay sisimulan na natin ang mga palaro."
Ani ni Ama,naupo kaming lima sa isang puwesto at nakinig sa mga sasabihin ni ama.
"Mga bata lamang muna ang maglalaro,iusog na ang mga upuan!"
Inusog na at pumwesto na ang lahat ng bata sa gitna.
"Ang unang palaro ay hanapin niyo ang mga itlog sa ilalalim ng mga silya,kung sino ang may pinakamaraming nakuha ay siyang may premyo."
Agad namang nagsihanap ang mga bata at pati nga ang aming upuan ay hinanapan rin.Nagkataon na mayroon kay Ate Sophia kaya naman natatawa na lamang siya na tinago ito sa kaniyang saya.
Ilang minuto ang nakalipas at may nanalo na,kinain naman ni Ate sophia ang kaniyang itlog na itinago inilaga na pala ang mga ito.
Napadako ang tingin ng lahat ng bumukas ang pinto at may mga pumasok na kamukha ni Ginoong Fransisco.
"Nariyan na pala ang mga Salazar,salubungin natin sila ng masigabong palakpakan."
Nagsipalakpakan silang lahat.
Nakita ko na nahuli sa pagpasok si Ginoong Fransisco.
"Magandang Hapon sa inyong lahat!"
Ani ng ina ni Ginoong Fransisco,napakaganda niya animoy isa talagang pilipina.
At ang ama naman niya ay napakaguwapo rin.
Napadako ang tingin ko kay Ginoong Fransisco at nagtama ang aming paningin,kumabog ng napakalakas ang aking dibdib...hindi ito maaari.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top