Kabanata 21
Huling Aktibidad
H-hindi ko siya kilala...sino ang aleng ito?
"Binibining Maria?Maaari ba tayong mag-usap?"
"M-mag-usap po?"
Utal-utal kong sabi sa kaniya,ngunit masama yung pakiramdam ko pagka-kita pa lamang sa kaniya.
"Oho.Ginoo,maaari bang diyaan ka lamang?"
Tumango lamang si Ginoong Fransisco,at saka nagwika.
"Huwag ka ng umasa na madadatnan mo pa ang iyong ihaw."
"Subukan mo lang."
Humalakhak lang ito at nginuso na ang ale na makikipag-usap raw sa akin.
Sumunod ako sa ale na nagpunta sa likod ng mga stalls duon o tindahan sa tagalog.
Nagseryoso ang mukha niya.
"Maria,kailangan mo ng lumisan sa taong ito."
"A-ano po?"
"Isa ako sa nangangalaga ng bulaklak na nagpunta sayo rito,kailangan mo ng umalis."
"B-bakit po?"
"Maraming magiging gulo na magaganap sa mga susunod na mga araw o buwan,ngunit nasa iyo naman ang desisyon narito ako upang sabihin sa iyo ito."
"Paano pong gulo?"
Punong-puno ako ng mga katanungan sa aking utak,gugustuhin ko na bang bumalik kung saan ako nagmula?Bumalik at iwan ang mga taong naging parte na ng aking buhay?
"Hindi ko na ide-detalye pa,kailangan mo ng desisyon.Sasama ka ba sa akin pabalik sa modernong panahon?O mananatili ka lamang rito?"
"Ngayon na po ba?"
Tumango ito.
"Rito na po muna ako,hanggang hindi pa bumabalik ang tunay na Maria."
"Sigurado ka na?"
"Opo."
"O siya,kung iyan ang iyong gusto ay hindi kita pipigilan basta't alalahanin mo na huwag ka kaagad magtitiwala sa kahit na sino."
"Opo."
"Kung sino sa tingin mo ang iyong kakampi ay siya palang kalaban."
Yun ang huli niyang sinabi at inilabas ang pamilyar na bulaklak,iyon ang nakuha ko sa gubat nuong gabi na hinahabol ako.
Siya na ay naglaho at naiwan akong mag-isa,tama ba ang naging desisyon ko?
"Binibining Maria?"
Narinig kong tawag ni Ginoong Fransisco,lumingon ako at lumapit sa kaniya.
"Halika na at umuwi."
"Hindi pa tayo nakakapaglibot."
"Sa susunod na lamang,sumama kasi ang aking ulo."
"Ganuon ba?Nasaan nga pala yung matanda?"
"N-naglakad na papunta sa gawing ito."
Turo ko kunwari sa daan na papunta sa kagubatan,naalala ko ang sinabi nuong Ale na huwag kaagad magtiwala hindi naman sa wala akong tiwala kay Ginoong Fransisco ngunit para sa akin rin naman iyon.
"Ahh,kung gayon sa susunod na lamang.Ihahatid na kita sa inyong tirahan."
Nakarating kami sa bahay namin ng walang imikan nararamdaman niya rin ata na ayaw kong magsalita.
Sa lahat ng iniisip ko ay nakatulugan ko na ito ni hindi na nga ata ako kumain pa.
*Kinabukasan*
"Binibining Susana?"
Nagising ako sa sunod-sunod na mga katok at pagtawag,si Aling Corazon.
Oo nga pala hindi pala ako sa dormitoryo umuwi nitong nakaraang gabi.
Binuksan ko ang pinto at nabungaran ko nga si Aling Corazon.
"Iha,bumaba ka na raw at gustong-gusto ka ng makita ng iyong ina."
"Opo."
Hindi na ako nag-ayos pa at bumaba na,tinali ko lamang ang aking medyo kulot na buhok at sumunod na sa kusina.
Pagka-kita ko pa lamang sa kanila ay may mga ngiti na ito sa labi,Si Ate Josephina,Ate Milagros,Ate Delilah at si ina.
"Mabuti at naparito ka,aking anak."
Ani ni ina.
"Nakita ko siyang hinatid ni Ginoong Fransisco kagabi,nabubuo na ba ulit ang inyong pagma-mahalan?"
Tanong ni Ate Milagros at ngumisi pa ng nakakaloko.
Naubo si ate Josephina dahil sa sinabi ng ate.
"Huwag ka ngang ganiyan sa iyong kapatid Milagros!Nahihiya iyan."
"Tuloy na ba ang kasal?"
Ani naman ni Ate Delilah.
"H-hindi."
"Tara na at magplano,Hahaha."
"Kayo talagang mga bata,kumain na kayo at papasok pa iyan sa paaralan si Susana."
Naghagikhikan pa sila at nagpatuloy narin sa pagkain.Nararamdaman ko na rin ang pagma-mahal ng isang pamilya.
Pagkatapos ng aking mga anik-anik sa sarili ay nagpaalam na ako kila ina na kasalukuyang nagpipinta sa sala.
"Aalis na ho ako."
"Mag-iingat susana huh!"
Ani ni ina.
"Nariyan na ang iyong sasakyan papunta ruon."
Ani naman ni Ate Josephina.
"Marami hong salamat."
"Nakakapanibago talaga ang naging ugali mo simula ng bumalik ka,Susana hahaha."
Ani ni Ate Milagros na nagpakabog sa aking dib-dib.
"Ano ka ba naman Ate Milagros,malamang ay marami na siyang natutunan sa kaniyang napuntahan."
Pagkampi sa akin ni Ate Josephina,oo nga pala alam niya ang tungkol sa aking pagkatao.
"Ganuon ba?O siya,mag-iingat ka Susana."
"Opo,Ate."
"Mahal ka namin!!!"
Sigaw nila ina habang umaandar na ang kalesa na aking sinasakyan.
Sa tingin ko ay tama ang ginawa kong desisyon,sana nga.
Nakarating ako ng aming eskuwelahan at pumasok sa aming silid-aralan.
"Saan ka nagtungo kahapon,Binibining Maria?"
Tanong ni Ginoong Romeo.
Naalala ko na naman ang kaniyang pag-amin ng nararamdaman.
"Sa bayan,pagkatapos ay sa aming bahay."
"Ganuon ba?Mabuti at ligtas ka.Tungkol pala ruon sa aking pagtatapat,huwag kang mag-alala tanggap ko ng kaibigan lamang ang turing mo sa akin.Mabuti na rin siguro iyon."
"Mm,mabuti at naisip mo na iyan."
"Maganda kasi ang aking pagmu-mukha."
"Anong saysay nun?"
"Kapag maganda ang pagmu-mukha siyempre may utak rin."
"Kahanginan mo!"
Sabay tawa naming dalawa,natigil lamang ito ng pumasok sa aming silid-aralan si Ginoong Fransisco.
Agad na lumapat ang kaniyang tingin sa akin,ngunit agad ring iniba ng direksiyon.
"Aking mga estudyante,ngayon ay ang huling araw ng aktibidad."
"Anong aktibidad ho?"
"Lahat kayo ay magtungo sa gilid ng bahagi ng paaralan,duon ay inyo niyong matatagpuan ang huling aktibidad."
"Opo!!!
Lahat ay nagtungo papunta sa sinabi ni Ginoong Fransisco.
Nakita namin ang dalawang lubid na nakarugtong sa isang puno at sa isang puno ngunit may mga putik sa ibaba.
May twist ang kababagsakan hahaha.
"Tatawirin niyo iyang lubid na iyan,kung hindi niyo kaya at nalaglag alam niyo na siguro ang inyong kahahantungan."
Ani ni Ginoong Fransisco.
Iisang lubid lang ang aapakan?At isang lubid lang rin upang hawakan?kaya ko ba iyan?Ano ito pang sundalo?
"Magsimula na!!!"
Sigaw ni Ate Lili.
"Tandaan niyo,huwag kayong mala-laglag dahil walang sasalo sa inyo.Kayo rin ang masasaktan."
Ani naman ni Basilio.
Mung baliw,hugot lang teh?
Agad namang nagtawanan ang lahat.
Ang unang tumawid ay si basilio,ngunit nadulas ito kung kaya't nalaglag sa putik as in buong katawan niya puro putik hahaha.
Si Clara naman ngunit agad itong nakapunta sa kabilang bahagi,ang galing naman hahaha.
Si Romeo ay ganuon rin,sanay na sanay sila ah.
Hanggang sa marami ng nalag-lag ngunit marami rin namang nakapunta sa kabilang bahagi,hanggang sa ako naman ang tatawid.
"Muling tandaan,Binibining Maria walang sasalo sa iyo kaya kailangan mong magsikap sa pagtawid."
Ani ni Basilio,ngunit tinawanan lang namin siya.
"Ang lakas ng iyong loob na magsabi niyan,ngunit ikaw naman ang unang bumagsak sa putikan."
Ani ni Ate Lili.
Buti nga hahaha.
Dahan-dahan akong tumawid at nasa gitna na ako ng...
"Wahhhhh!!!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top