Kabanata 20

Kasiyahan

Pagsilong ko sa kubo na kinaroroonan ni Ginoong Fransisco ay agad akong nagpagpag ng sarili dahil sa mga ulan na nasa aking katawan.

Agad namang tumalikod si Ginoong Fransisco at lumayo sa akin.

"Suotin mo ito at ipantakip riyan sa iyong katawan."

Garalgal na sabi nito at agad ko naman itong kinuha at ginawa ang kaniyang sinabi.

"Bakit ka nga pala nagpaulan?Wala bang pamandong o payong ruon?"

Dagdag na ani nito habang nakatalikod sa akin.

"Hindi ko na naalala pang magdala dahil inaalala ko ang iyong kalagayan,sapagkat umuulan."

"Sana ay nagdala ka ng pamandong upang hindi ka magkasakit,kamusta ang iyong braso?"

"Tumigil na rin ang pagdurugo ngunit masakit parin."

"Mas lalo iyang sasakit dahil nabasa ng ulan."

"Sanay na naman ako sa sakit,biro lang."

Akala mo naman nakakatawa yung birong nabanggit ko e no?Hahaha.

"Halika at umakyat sa itaas nitong kubo,baka may mga kagamitan sila upang tumuyo ang iyong kasuotan."

"Sige."

Umakyat na kami at malinis ang loob nito.

May isang papag,may parang kusina na may mga kahoy.Probinsiyang probinsiya talaga ang theme ng kubo na ito.

"Maupo ka muna riyan sa papag."

Ani niya sa akin,hindi ko maiwasang kiligin hihihi.

Enebe.

Habang nagsisilab siya ng mga kahoy sa lutuan ay agad naman akong nagtanong.

"Oum,Ginoong Fransisco?"

"Bakit?"

"Nais ko sanang itanong kung ano ang iyong pakay sa pagtawag sa akin?"

"Nais kong ipaalam sa iyo na mag-iingat ka kay Ginoong Romeo,may nais siyang malaman ukol sa iyo."

"Si Ginoong Romeo?Anong mayroon sa kaniya?"

"Basta't huwag mo lamang sabihin sa kaniya ang iyong mga sikreto ng basta-basta lamang.Hindi mo alam kung sino ang iyong pagkakatiwalaan sa bawat taong nakapaligid sa iyo."

"Ikaw?Hindi kita puwedeng pagkatiwalaan?"

"Nasa iyo na iyon."

Yun lamang ang kaniyang sinabi at nagtungo sa bintana habang nakatingin sa malayo na animo'y malayo ang iniisip.

"Paanong nasa akin?May sikreto ka rin ba?"

Hindi niya ako sinagot,bagkus ay iniba niya ang aming pinag-uusapan.

"Lumalago na ang apoy ruon sa banggerahan,magpunta karuon upang mainitan at matuyo ang iyong kasuotan."

"Bakit hindi mo sagutin ang aking katanungan?Nababahala ka ba na isusuplong ko ito?O baka naman kagalitan kita?"

"Natatakot ako na baka pagdating ng araw ay kamuhian niya ako."

"Sino?"

"Magpainit ka na lamang riyan,unti-unti ng humuhupa ang ulan."

Ganuon ulit ang kaniyang ayos,parang nais niya na magpahinga sa napakaraming iniisip.

Ilang minuto lamang ay tuluyan ng humupa ang ulan at medyo tuyo na rin ang aking puting saya.

"Halika,magpunta tayo sa bayan ng San Luis."

"Anong gagawin natin ruon?"

"May pista."

"Kahit umulan kanina?"

"Oo,hindi mapipigilan ang kasiyahan kapag nais mong lumigaya."

"Saan ba iyon?"

"Malapit lamang."

At bumaba na siya sa kubo kung kaya't bumaba narin ako pagkatapos pinatay ang apoy.

Dumaan kami sa gubat at ayon sa kaniya ay rito raw ang pinakamalapit na daan papunta ruon.

Ilang oras na kaming naglalakad ng wala parin kami sa destinasyon.

"Akala ko ba dito ang pinakamalapit na daan?"

"Dito nga."

"E bakit ilang oras na tayong naglalakad,ngunit wala parin tayo sa ating destinasyon?"

"Sampung lakad na lang,Binibini."

"Sampu ka jan,sige nga maglakad ka nga ng sampu."

Naglakad nga ito hanggang sa makasampu.

"Oh nasaan ang bayan ng San Luis rito?"

Natatawa kong ani.

"Sampung daan na lakad."

"Ano ba yan,Ginoong Fransisco."

Ngunit humalakhak lamang ito na nagpatigil sa akin.

Pantay na pantay ang kaniyang mga mapuputing ngipin na bumagay sa hindi maitim o mapulang labi yung sakto lang.

Ang guwapo.

"Ehem."

"A-ah ano yun?"

"Nais mo ba akong matunaw?"

"A-anong matunaw ka diyaan?Ni hindi nga kita tinititigan."

"Bakit parang nahuli ka sa akto na gumagawa ng masama?"

"Heh!Dalian na natin."

"Paniguradong wala pa namang alas singko."

"So papaabutin mo?"

"Alas sais na tayo,umuwi."

"Baka kagalitan ako ni Ama kapag nalaman na alas sais na ako umuwi sa dormitoryo?"

"Nasabi ko na sa iyong ama na isasama kita nitong mga nakaraang araw,kaya hindi mo na kailangang mabahala."

"Alam niya na ito?"

"Oo,dahil kung hindi baka pinahalungkat na sa lahat ng sibilyan ang buong Pilipinas."

"Ganuon talaga ang mga ama,masyado silang nagiingat para sa kanilang mga anak."

"Tama,narito na tayo."

Agad akong napatingin sa harapan at kitang kita ang makukulay na mga palamuti sa paligid.

Lalo pang kumukulay ito dahil sa ngiti ng mga bata at ng mamamayan na naninirahan rito.

"May dala kang salapi?"

Tanong ko rito dahil nakakakita ako ng mga iba't ibang pagkain.

Gaya ng suman,puto,kutsinta at mga sorbetes.

Ngunit hindi lang iyon,marami pang iba.

"Mayroon,nais mong kumain?"

Ang hirap mag-assume hahaha,date ba ito?

"Ah oo,nakakagutom rin e."

"Ano ba ang iyong nais?"

"Ikaw."

Bulong ko ngunit narinig niya ata.

"Bawal ako,milyon ang aking halaga."

"Hangin mo tsk,sabi ko ihaw bingi nito."

Tumatawa lamang ito kaya lalo akong natutunaw,why naman ganiyan.

"Akin na nga iyan."

Kuha ko sa papel na salapi sa kamay niya at nagtungo sa ihawan o tawag sa modernong panahon ay barbeque.

"Binibining Maria."

"Ano?"

"Hindi mo ba tatanungin kung ano ang gusto ko?"

"Hindi na ah,bumili ka ng iyo may salapi ka naman riyan."

"Dali,tanungin mo ako."

Nagtaka ako,parang hindi siya ang striktong Ginoong Fransisco.

"Ang arte nito,oh anong gusto mo?"

"Ikaw din."

"Tsk,ano nga!"

"Ikaw nga!"

Tawa tawa nitong inulit ang kaniyang sinabi.

Ewan ko kung namumula na ang aking pisngi ngunit pakiramdam ko,oo.

"Anong klaseng ihaw?Dali at naghihintay si Manang."

"Inihaw na Maria,mayroon ba nuon?"

"Umayos ka nga!"

"Isaw at yung dugo na lamang ng manok."

"Gaya-gaya ito."

Ganuon rin kasi ang aking binili.

"Iyon ang aking gusto,Hahaha."

"Ganiyang-ganiyan rin kami ng aking mister nuong kabataan namin."

Pagsingit ng nagtitinda sa amin.

Ngumiti ako at sinabi na...

"Gurang na po iyan,ako lamang ho ang bata."

"Ganuon ba iha?Mas maganda nga iyon,magnobyo't nobya ba kayo?"

"Hindi---"

Pinutol ako ni Ginoong Fransisco at sina bing...

"Magiging Mag-asawa na ho."

"Nakakatuwa kayo hahaha,sana ay tumagal ang inyong relasyon."

Ngumiti lamang ako kay manang at kinurot ng palihim si Ginoong Fransisco.

"Binibining Maria?"

Tanong ng isang ka-edad ko na babae,sino siya?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top