Kabanata 19
Ang Away
Tuloy tuloy ang aking pagbagsak.
Nakapikit ako habang padaus-dos ako sa puno ng niyog,ansaket!!!
Saktong naramdaman ko na ang paa ko sa lupa,ay ang pagbukas ng aking mga mata.
Inilibot ko ang aking paningin at nakita kong malapit sa paa ni Clara ang bukong nalaglag.
Umiiyak ito at dumalo naman sa kaniya ang mga kaibigan....at si Ginoong Fransisco.
"Binibining Maria,ayos ka lang ba?Dumudugo ang iyong mga braso."
Nag-aalalang ani ni Ginoong Romeo.
Namanhid ang buo kong pagkatao pagkarinig ko ng salitang dugo.
Shocks...bago ako mawalan ng malay pagkatapos kong tignan ang dugo na umaagos sa aking mga braso ay may mga bisig ng pumaikot sa aking katawan.
*Pangatlong Katauhan*
Habang nawalan ng malay si Binibining Maria ay agad naman itong sinalo ni Ginoong Romeo.
"Clara,ayos lang ba iyang paa mo?"
Nag-aalalang sabi ng isa sa kaibigan ni Clara.
Binuhat ito ni Ginoong Fransisco at papunta ito sa pagamutan.
"Ipagpatuloy na ang aktibidad at huwag ng tumunganga lamang."
Ani ng kanilang nakakatandang kaklase na si Binibining Lili.
Sa kabilang banda.
"Apo Philip,napakaraming sugat ang natamo ng aking kaibigan."
Nag-aalalang ani ni Ginoong Romeo.
"Ano ba ang nangyari riyan,Iho?"
"Napadaus-dos po sa puno ng Buko."
"Naku,e bakit nawalan ng malay?"
"Takot ho ata sa dugo,kailan ho siya magigising?"
"Ihiga mo muna siya ruon sa papag at gamutin mo ang kaniyang mga sugat nitong dahon ng malunggay."
Ani ng Apo.
"Makakagaling ho ba iyan?"
"Oo naman iho,ayon sa ating mga ninuno ay isa iyan sa mabisang halamang gamot upang mapatigil ang pagdurugo ng isang sugat."
"Marami hong salamat."
"Walang anuman,hintayin mo lamang at mamaya-maya ay magigising narin iyan."
"Opo."
Pagkalabas ng Apo ay agad namang pinunasan ng basang maliit na tuwalya ang sugat ni Binibining Maria.
"Mm..."
Nataranta si Ginoong Romeo ng umungol ng mahina si Binibining Maria na animo'y nasasaktan.
Kaya naman dinahan-dahan niya ang pagpunas at saka nilagyan ng dinikdik na malunggay.
(Sana all may nagke-care!!!jok.)
"Ginoong Fransisco!"
Bulalas ni Ginoong Romeo ng pumasok sa bahay pagamutan ang Ginoo.
"Nasaan si Binibining Maria?"
"Narito,ano ang iyong kailangan sa kaniya?Nasaan si Binibining Clara?"
"Nais ko lamang siyang kamustahin,nasa kabilang silid si Binibining Clara."
"Nais kamustahin?"
Mapaklang tawa ni Ginoong Romeo.
"Masama bang kamustahin ang aking estudyante?"
"Estudyante nga bang talaga?Ginoong Fransisco alam ko naman na hindi madaling kalimutan ang pagmamahal sa isang tao."
"Anong ibig-mong sabihin,Ginoong Romeo?"
"Iniibig mo parin si Binibining Maria,napakadaling sabihin Ginoong Fransisco."
"Wala kang karapatan na mangielam ng buhay ng ibang tao,Ginoong Romeo."
Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ni Ginoong Fransisco dahil hindi niya alam kung ano ang ipinupunto ni Ginoong Romeo.
"Hindi ako nanghihimasok sa iyong buhay.Ngunit kung tingin mo ay madali mo lamang makukuha ang loob ng Binibining Maria dahil may dapat na mangyari dati,nagkakamali ka."
"Paano naman ako nagka-kamali,iniwan niya ako dati tingin mo ganuon kadaling bumalik yun?"
"Huwag kang magsinungaling sa iyong sarili,Ginoong Fransisco."
Unti-unting nagliliyab ang kaninang maliit na dingas ng apoy sa pagitan nila.
"Hinding hindi na ako iibig sa kaniyang muli.Hindi na."
"Kung gayon puwede na akong umakyat ng ligaw sa kaniya?"
"Bakit ako ang iyong tinatanong?Bakit hindi mo siya tanungin sa oras na magising?"
"Pumapayag ka?Himala at hindi mo ako pinigilan kung may nakaraang naganap sa inyong dalawa."
"Hindi ganuon kalalim iyon,kung kaya kong kalimutan ang hindi mabuting mga pangyayari siya pa kaya."
"Mabuti ng nagkaka-intindihan tayo,nakita mo ng nasa maayos na siyang kalagayan hindi ka pa AALIS?"
Idiniin ni Ginoong Romeo ang salitang aalis kay Ginoong Fransisco parang pinapaalis niya na ito.
"Lilisan na ako,pakisabi kay Binibining Maria magpunta sa Dorris Hardin."
"Maari ko bang malaman kung bakit?"
"Hindi."
"Sige."
Pekeng ngiti ang ipinakita nito kay Ginoong Fransisco pagkatapos sabihin ang salitang Sige.
Tuluyan na ngang lumisan sa silid si Ginoong Fransisco at naiwan si Ginoong Romeo.
"Anong tingin niya sa akin,utusan?Bahala siyang maghintay ruon hanggang sa mamuti ang kaniyang mga mata."
Nasa isip na sinasabi ni Ginoong Romeo.
Hindi niya alam ay sa oras na tumaas ang boses nilang dalawa ni Ginoong Fransisco ay nagising na si Maria.
Narinig niya na ang sinabi ng Ginoong Fransisco.
*Maria Susana Dimitria*
Anong gagawin ruon sa Dorris Hardin?Papagalitan niya ba ako dahil sa ginawa ko kay Clara?
Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at nakita ko si Ginoong Romeo na halos maging siling red ang mukha.
Bakit?
"Ginoong Romeo..."
"Oh,Binibining Maria.Ayos na ba ang iyong pakiramdam?"
"M-medyo?Sino ang iyong kausap kanina?"
"Kausap?Si Ginoong Fransisco,nais niyang malaman ang iyong kalagayan."
"Kamusta na si Binibining Clara?"
"Mabuti na raw,ayos na ba talaga ang iyong pakiramdam?"
"Maayos na ako,salamat aking kaibigan."
"Kaibigan?Isang kaibigan ang turing mo sa akin?"
"B-bakit may iba ka bang inaasahan?"
"Ang akala ko'y may pagtingin ka rin sa akin."
"Nagbi-biro ka ba?Hindi ganuon ang aking tingin sa iyo.Isa ka sa aking matalik na kaibigan,paano ako makakaramdam ng ganuon?"
"Pinaglaruan mo lang ba ang aking puso,Binibining Maria?"
"Hindi,Ginoong Romeo.Ngunit hinding hindi ko sisirain ang ating pagkakaibigan ng dahil lamang sa mga pagtingin ukol sa magkaibigan."
"Ngunit ako,hindi pagkakaibigan ang aking nararamdaman ukol sa iyo."
"Hangga't maaga pa ay itigil mo na iyan,masisira lamang ang ating pagka-kaibigan."
"Mag-isip ka pa,Binibining Maria.Talaga bang hanggang pagka-kaibigan lang?"
"Oo,Ginoong Romeo."
"Dahil ba ito kay Ginoong Fransisco?
Hinawakan nito ng mahigpit ang aking braso na puno ng sugat,kaya naman napa-aray ako sa sakit.
"Aww!Bitiwan mo ako riyan,Ginoong Romeo."
Agad naman itong bumitaw.
"Pag-isipan mong mabuti,dahil na ito kay Ginoong Fransisco?"
"Marahil."
Tumalikod na ako sa kaniya at lumabas na sa silid na iyon.
Kitang kita ko ang malalakas na pagbagsak nang patak ng ulan sa lupa.
Agad ko namang naalala si Ginoong Fransisco kaya agad-agad akong dumiretso sa Dorris Hardin.
Nabasa na ang aking saya ng ulan,actually buong katawan ko na ngunit kailangan kong mahanap si Ginoong Fransisco.
Sa ilang minutong pagha-hanap ay nakita ko siya sa isang silong sa bahay kubo.
Agad nagtama ang aming paningin at sumigaw ako ng.
"Ginoo!!!"
Isang ngiti ang pinakawalan niya na ikahihimatay ko,nais ko sana siyang kuhaan ng litrato ngunit wala pala ako nun.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top