Kabanata 18

Buko

Pagkatapos ng pagsu-sumpa ko kay Ginoong Fransisco ay nagpatuloy na kami sa pagdesenyo.

Alas dos ng hapon ay akala namin ay mag-iiba na ang aming guro ngunit si Ginoong Fransisco parin pala ito.

"At dahil may aktibidad na gagawin sa linggong ito ay may iba't iba tayong mga gagawin sa araw na ito."

Another one?bakit kasi napunta pa ako rito sa sinaunang panahon?Ano para pahirapan ng ganito?

"E kakatapos lamang namin sa pag-dekorasyon ng silid-aralan,Ginoong Fransisco."

Ani ng isang babae na maliit.

Akala mo hindi maliit e no.

"Kailangan matapos itong aktibidad na ito kaya naman sana ay buhayin niyong uli ang inyong mga dugo."

"E Ginoong Fransisco--"

"Tumayo ang lahat."

Pinutol niya ang sasabihin ni ate Lili,sinabing tumayo kailangan tayo talaga mahirap mabugahan ng apoy ng tsonggo na ito.

Kaya tumayo naman kaming lahat.

"Itaas ang mga kamay sa ere."

Segunda pa nito,at dahil uto uto kami siyempre ginawa namin.

"Maglapit-lapit kayo at amuyin niyo ang kili-kili ng katabi niyo."

Seryosong ani nito.

Seryoso?si Ginoong Romeo naman ang katabi ko siguradong mabango naman yan.

"Seryoso ba iyan,Ginoong Fransisco?"

"Seryoso ako,kung hindi kayang gawin ay hindi makakasali sa kahit anong aktibidad na magaganap."

Kaniya-kaniya naman silang amuyan sa kili-kili ng katabi,mga shunga lang.

"Amoy langka!!!"

Sigaw nung isa.

"Puwedeng-puwede ka na magtayo ng sukaan ah!"

Ani naman ng iba,at sari-saring reklamo ng ilan.

Mga shunga kayo e,nagpauto kayo.

"Dios miyo!"

Singhal sa gilid ko ni Ginoong Romeo,yung kabilang katabi kasi yung aamuyin mahina tuloy akong natawa hahaha.

"Ang bango ng iyong kili-kili Binibining Maria."

Ani naman ni Sierra yung katabi kong babae.

"Ngayon lamang iyan,hindi kasi kainitan hahaha."

"Ganuon ba?Hahaha."

Tumawa lamang ako at inamoy na rin ang kili-kili ni Ginoong Romeo.

Shocks ang bango,amoy strawberries na vanilla.

"Naglagay ka ba ng prutas sa iyong kili-kili,Ginoong Romeo?"

Takang tanong ko.

"Hindi,bakit mo naitanong?Ganuon ba ang amoy?"

"Oo."

"Dati na iyan,hahaha."

"Edi sana all."

"Anong ibigsabihin ng sana all?"

"Ahh ano yun sana lahat."

Gagsti bakit ba ako nakakalimot na wala ako sa modernong panahon,hayysst.

"May kaniya-kaniya naman tayong katangian na ibinigay ng diyos,hahaha."

"Sus,e ikaw---"

Naputol ang sasabihin ko ng magsalita ng seryoso si Ginoong Fransisco sa harapan.

"Nabuhayan na kayo?Maaari niyo ng ibaba ang inyong mga kamay."

"Opo,Ginoong Fransisco sinong hindi mabubuhayan ng dugo kung yung kili-kili ng iyong katabi ay grabe ang tapang."

Ani ng unang sumigaw kanina.

Natawa lamang si Ginoong Fransisco,bipolar talaga ito tsk.

"Iyon na nga,pumila na kayo sa labas at sisimulan na natin ang isa pang aktibidad."

"Opo,Ginoong Fransisco."

Pumila kami ng dalawang linya,babae at lalaki.Umikot kami sa likod ng paaralan at nakakakita kami ng napaka-raming puno ng niyog/buko.

Pagkarating namin sa gitna nuon ay pumwesto sa harapan namin si Ginoong Fransisco.

"Siguro naman ay nakikita niyo ang mga puno ng niyog sa inyong paligid."

"Opo,Ginoong Fransisco!"

Sigaw ng ilan,siyempre nangunguna ruon si Clara.

"Ang gagawin niyo riyan ay aakyat kayo at hahawakan ang isang buko,kapag nagawa niyo iyon ay may premyo kayong makukuha."

"Kahit kaming mga babae,Ginoong Fransisco?"

"Oo dahil kailangan nating ipalaganap sa buong bansa ang pantay na tingin sa babae at lalaki."

"Tama!"

"Simulan na natin sa mga lalaki."

Ani ni Ginoong Fransisco.

"Opo,Ginoong Fransisco!!!"

"Isa,dalawa,tatlo!!!"

Sigaw namang ulit ni Ginoong Fransisco.

Nagsimula ng magsi-akyatan isa-isa ang mga kalalakihan at madali lamang para sa iba na maka-akyat at hawakan ang isang piraso ng buko.

Hanggang sa si Ginoong Romeo na ang aakyat.

"Go,Ginoong Romeo!!!"

Huli na ang lahat ng mapagtanto ko ang aking isinigaw.

Go talaga naman...

"Anong salita ang kaniyang ginamit?"

"Go?Ano iyon?"

"Isang klase ng mura ba iyon?"

Nagsimula na silang magusap-usap ukol sa aking nasabi,gusto ko na talagang batukan yung sarili ko.

"Binibining Maria,ano ang ibigsabihin ng iyong sinabi?"

Tanong ng isa naming kamag-aral.

"I-ipagpatuloy ang ibig-sabihin non."

"Saan mo naman nalaman ang salitang iyon?"

"S-sa libro,tama sa libro sa aming silid-aklatan."

"Hindi ba't sinabi mo na galing ka sa modernong panahon?"

Pagsasabat naman ni Clara,nagsisi tuloy ako kung bakit ko sinabi sa kaniya iyon.

"M-modernong panahon?Paano naman ako makakapunta ruon,haha."

Alanganin kong sagot sa kaniya,naku baka mahuli pa ako nito ah.

Tumingin ako kay Ginoong Fransisco at nakita kong umiwas lamang siya ng tingin at pagkuwa'y umubo ng malakas.

"Tama na iyan,ipagpatuloy na ang aktibidad!"

Ani ni Ginoong Fransisco.

Nakahinga ako ng maluwag ng hindi na ulit sila nagtanong pa,siguro ay iniisip nila na imposible yun.

Mabilis na nakaayat sa taas si Ginoong Romeo at nakababa.

Pagkababa ay dumiretso siya kaagad sa akin.

"Napakahusay ko ano?"

Mayabang na ani nito.

"Taong gubat ka e."

"Mabuti ng ganun,para sanay hahaha."

"Tama,hahaha."

Mabuti't hindi na siya nagtanong pa ukol sa kumusyon kanina,nang mapadaan yung tingin ko kay Clara ayun inirapan ako.

Nakatapos na ang lahat ng kalalakihan at mga babae na ang sumunod.

Nauna si ate Lili sa pag-akyat at gaya ng mga kalalakihan ay parang napaka-dali lamang nito sa kaniya.

Kaso ang sumunod ay pabebe,yung kaibigan ni Clara.

"Ginoong Fransisco,hindi ko po kaya e.Masisira po ang aking balat."

Maarteng sambit nito,halata naman na galing sa mayamang pamilya.

"Hindi ka makakasali sa mga aktibidad,tama lang ba sa iyo iyon?"

"H-hindi po,susubukan ko na po."

Akala niya siguro madadaan niya sa arte iyang si Ginoong Fransisco e mas maarte pa sa kaniya iyan.

Inaasahan na nga na hindi makakaakyat ng matiwasay iyong kaibigan ni Clara kaya naman pagkatapos nito ay halos maiyak na ito dahil sa mga gas-gas sa braso.

Wala siyang magagawa,pang survival ata ito e.

"Ikaw na muna,Binibining Maria.Labis akong natatakot."

Ani ng isang mukhang mas bata sa aming lahat.

"Sige."

Paano ba umakyat ng puno ng niyog?Sa siyudad naman ay bihira ka lamang makakita ng puno ng buko e.

Kinakabahan tuloy ako,pero dahil baka apihin nila ang mga kababaihan dahil sa puno lang ay hindi pa maakyat.Kaya ko ito.

"Kaya mo iyan,Binibining Maria!!!"

Si Ginoong Romeo,yieee hahahaha.

"Mm!"

Unti-unti na akong nakakalahati,iniiwasan kong tumingin sa ibaba dahil takot ako sa matataas.

Ngunit kailangan kong labanan ang takot ko.

Umakyat pa ako hanggang sa onti na lang ay abot ko na ang isang buko.

Napatingin ako sa ibaba ng may makita akong tumatawa,si clara inposibleng lalaki iyon dahil nasa isang gilid na sila upang hindi kami masilipan sa aming mga saya.

"Hahahah."

Hindi ko na lang pinansin at umakyat pa ng isa pang hiwa sa puno ng buko.

Pagkahawak ko rito ay siya namang pagkalas nito sa kaniyang kinakapitan,gagsti ano yun marupok na dahil sa ilang beses ng hinawakan?

Nawalan ako ng konsentrasyon kaya naman sa pagbagsak ng buko paibaba ay siya namang pagdausdos ko sa puno paibaba.

Ang hirap talaga maging t*nga.

Nakita kong namutla si Clara dahil sa kaniya babagsak ang buko.

Kaso mas ininda ko yung pag-gasgas ng nakausling mga kahoy ng buko na pinagtabasan upang apakan kapag aakyat,shocks ang sakit!!!

"Binibining Maria!!!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top