Kabanata 14

Laban gamit ang isip

Nagpatuloy nga si Ginoong Fransisco sa pagtuturo sa iba pang naambag na mabuti ng mga kastila sa ating bansa.

Akala ko nuon ay puro negatibo ang tungkol sa mga kastila ngunit may mga nagawa naman pala sila na ikakabuti ng ating bansa na hanggang sa kasalukuyan ay ginagawa o nagagamit natin.

"Iyon lamang ang ating aralin sa ngayon,ang inyong takdang aralanin ay mangalap ng impormasyon ukol sa makabagong teknolohiya na sa pagdating ng panahon ay mag-iiba siya.Paalam."

Ito lamang ang sinabi neto at lumabas ng aming classroom.

Marami talagang napapahamak aa mga akal ano,akala ko kasi dito hindi na ako makaka-encounter ng mga takdang aralin.

Natigil ang aking pag-iisip ng pumasok ang isang ginang,medyo may katandaan na ito at mukhang mas masungit pa sa mga menopause na kababaihan.

Sa bagay menopause na pala siya hahahaha.

"At dahil kakasimula lamang ng ating klase,maari niyong ipakilala ang inyong mga sarili."

Masungit na ani neto sa amin,hindi ko talaga siya kikitaan ng onting kabaitan.May hawak pa ito na stick.

Yung nasa harapan muna ang nagpakilala hanggang sa ako na.

Tumayo ako at nagpakilala.

"Ako nga pala si Maria Susana Dimitria y Dela Fuente."

"Ow,isa kang y Dela Fuente..."

"Opo."

"Sunod."

Madiing sabi nito na parang grabe ang galit sa aking apilyido,ano na naman ang ganap?

"Romeo Bitare."

"Clara---"

"Tigil,kilala na kita."

"A-ah sige po."

Halos maihi yung iba dahil sa kilos ng aming guro na ito.

"Ako si Ginang Peru,ako ang guro niyo sa dalawang larangan."

Ni wala man lang naghiyawan o natuwa sa sinabi ng guro,dahil takot na makagalitan.

"Una,ang pagturo ng magandang asal sa inyo dahil kayo ang pag-asa ng bayan para malabanan ang mga kastilang sumasakop sa atin ngayon."

"Ginang Peru?Hindi ba't may mga ginagawa rin naman po silang mabuti para sa ating bansa?"

Matapang na sabi ng nasa unahan,Annie ang pangalan.

"Ngunit napakarami ang mga hindi maganda,kaya kayong mga kabataang Pilipino ayon kay Ginoong Rizal kayo ang pag-asa ng bayan."

Si Dr.Jose Rizal naandito sa panahong ito?edi makikita ko na siya in person?pero kung gaano ako napangiwi dati kapag isinasalaysay ang bawat detalye na pagpapahirap sa mga pilipino parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa.

"Ngunit napaka-lakas nila,Ginang Peru.Paano natin sila matatalo kung sila ang mas may kapangyarihan sa buong bansa?"

"Kailangan niyo lamang maging edukado,kapag mayroon kayo nito kahit na sino ay matatalo niyo iyon ay kung may pagmamahal kayo sa inyong mga gawa."

Nag simula na ang ibang magbulungan.

Natahimik lamang ng lahat ng mag salita ang ginang.

"Pangalawa kong ituturo sa inyo ay ang mga aktibidad upang madepensahan niyo ang inyong mga sarili,sakali mang may mangyari sa inyong hindi inaasahan."

Matanda na kaya siya,pero sabi nga "don't judge a book by it's cover."kaya keri na yan.

Naguguluhan na tuloy ako kung ano talaga ang mga pinag-gagawa ng mga kastila sa mga Pilipino.

"Iyon lamang ang ating gagawin sa araw na ito,kinabukasan ay ihanda niyo na ang inyong mga sarili."

"Opo."

"Iyon lamang,paalam."

Pagka-alis ng guro ay agad akong dinaldal nila Romeo at Clara,likas ba talaga sa mga pilipino ang pag-chikahan?

"Hindi ko inaasahang nakakatakot ang pangalawa nating guro."

Paunang sabi ni Clara.

"Hinihiling ko na sana ay ang susunod na guro ay hindi ganuon ka-kaba."

"May punto naman si Ginang Peru,ganuon na siguro ang kaniyang ugali ngunit may kabuluhan kung bakit ganuon."

"Siguro ngunit nakaka-kaba."

"Hindi ba't kastila ang iyong ama,maria?"

Tanong ni Clara.

"Oo."

"Hindi ba't isa siya sa mga naglalabas ng utos?Paniguradong may ginawa rin na masama ang iyong ama."

"Inaakusahan mo ba ang aking ama?liban sa pagpa-paaral niya sa iyo?"

"Sinasabi ko lamang,Maria.Pati isinusumbat mo ba ang pagpa-paaral sa akin ng iyong ama?Hindi ko ito hiniling Maria,ibinigay niya ito ng kusa."

"Ngunit ang iyong pananalita ay pag-aakusa sa kaniya."

"At iyon ang katotohanan,isa siyang kastila kaya huwag mong ipagka-kaila na wala siyang nagawang kasalanan."

Nagsi-palibot na sa amin ang aming mga kamag-aral dahil sa komusyon na nagaganap sa aming dalawa.

"Oo,aaminin ko may naging kasalanan si ama pero ginawan niya ito ng paraan para maitama!"

Sigaw ko rito,unti unti na akong nang-gigil kay clara.

Lahat naman ng tao nagka-kamali,pero bakit parang sinasabi niya na masama si ama dahil isa siyang kastila?

Toxic people nga naman.

"Ngayon ay sinisigawan mo na ako dahil totoong malaki ang kasalanan ng ama mo!Kaming mahihirap ay mababa ang iyong mga tingin dahil may dugo kang kastila,isa ka rin sa kanila."

Sa sobrang gigil ko sakanya nasampal ko siya ng malakas,anong karapatan niyang mag deklara ng isang bagay na hindi naman kaniyang pagkatao?

"Anong nangyayari rito?"

Dumating si Ginoong Fransisco at agad namang lumapit sa kaniya si Clara.

"Ginoong Fransisco,Si Maria ay pinagbuhatan ako ng kamay."

"Ano sa tingin mo ang ginawa mo maria?"

"Ano rin sa tingin mo ang ginawa ko?"

Hindi ko alam kung bakit naging ganuon ang pag-sagot ko kay Ginoong Fransisco.

"Hindi magandang asal ang iyong naipapakita,para sa iyong kaparusahan humanap ka ng kakaibang halamang gamot sa loob ng labin-limang minuto.At kailangan ay maipaliwanag mo ang bawat detalye nito."

"Tingin mo ba tama ang iyong pagkami dahil nakakaawa ang mukha ng niya?Hinahamon kita sa parusang sinasabi mo.Nais mong maipaliwanag ko,hindi ba?bakit hindi mo ako samahan sa paghanap ng ipina-pahanap mo?"

"Ginoong Fransisco,dagdagan niyo pa ang parusa.Idinadamay pa kayo."

Paawa effect na sabi ni Clara,hindi ko alam kung pina-plastic lang ako ni Clara nuong nasa kanilang pamamahay nila ako.Hindi ko alam na siguro ay naiinggit siya sa akin.

"Payag ako,kung sakali mang matalo mo ako may karapatan kang sabihin sa akin lahat ng iyong mga imumungkahi.Ngunit kapag ako ang nagwagi,ako ang mag-tatanong sa iyo."

"Sige,payag rin ako."

Malamig niya lamang akong tinignan at lumabas na ng silid aralan.

Nagpaawa naman si Clara sa iba naming kaklase at iyong mga nauto niya ay masama na ang tingin sa akin.

Tingin nila porke't mukha akong mabait magpa-paapi ako sa kanila?tsk.

"Maria."

Nag-aalalang sabi ni romeo.

"Huwag kang mag-alala Romeo,hindi porke't isa akong binibini ay ibig-sabihin na wala akong kayang gawin."

"Naandito lamang ako,kung kailangan mo ng tulong."

"Maraming salamat sa pagiging totoo,Romeo.Sana tumagal pa iyan."

"Oo naman.Pero Maria alam kong kaya mo iyan,nakaya mo nga ang galit ng iyong ama si ginoong Fransisco pa kaya hahaha."

"Nasasapian ka nanaman?"

Ngunit tumawa lamang ito ng malakas.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top