Kabanata 13
Masungit
Hindi ako nakatulog kagabi kakaisip sa iniwang salita ni Ginoong Fransisco.
May alam kaya siya sa tunay na pagkatao ko?pero paano?
Naputol ang aking iniisip ng may kumatok sa pinto.
"Binibining Susana?"
Tinig ni Aling Corazon.
"Po?"
"Nakahanda na po ang umagahan sa ibaba,ipinapatawag na po kayo ni Donya Villaflor."
"Susunod na lang po ako."
"Sige,binibini."
Nakakahiya naman kung paghihintayin ko pa sila ruon sa hapag kaya hindi na ako nag-ayos pa,nakabuhag-hag ang aking mahabang wavy na buhok at naka sayang ginamit ko pa kahapon.
Pagkababa ko ay nasa hapag na silang lahat akamang uupo na ako sa upuan ko ng magtaka ako dahil tahimik silang lahat,agad naman akong napatingin sa lahat at muntik na akong mahulog sa upuan ko.
"Magandang umaga,Susana."
Bati ni nanay.
"Pfft."
Naandito si Romeo,Clara at si Fransisco!!!
Hindi pa namam ako nag-ayos,nakakahiya!
"Pagpasensiyahan niyo na iyang aking kapatid kung ganiyan ang kaniyang kasuotan at pustura,hindi kasi siya sanay na may ibang tao tuwing umaga ang alam niya ay kami lang."
Mahabang lintaya ni Ate Milagros.
Napayuko na lamang ako.
"Napakaganda mo pala,Binibining Susana kapag bagong gising."
Ani ni Romeo at humalakhak ng malakas,akala mo talaga siya e no.
"Tama na yan,naghihintay na sa atin ang pagkain."
Ani naman ni Ama at may mahina pang pagtawa.
Nakakalahati na kami sa pagkain ng magsalit si ama.
"Siya nga pala Susana,ngayong araw din ay mag-aaral ka na."
"Mag-aaral po?"
"Oo sa San Benildo,tapos ng lahat ang iyong kapatid at ikaw na lamang ang hindi dahil sa iyong pagkawala."
"Ano po ang aking pag-aaralan ruon?"
"Marami iha,kaya nga narito sila Fransisco upang tulungan ka.Huwag kang mag-alala magiging kamag-aral mo naman sila Clara."
"Pag-aaralin niyo po si Clara?"
"Oo,kung maaari ay dapat kong tulungan umangat ang mga pilipino."
"Marami pong salamat."
Pagkatapos namin kumain ay sinabi ni ama na kailangan na naming pumasok sa eskuwelahan.siyempre naligo na muna ako,tyarat tyarat kayo.
"Ama?"
Napahinto kami sa tawag ni Ate Sophia kay ama.
Akala mo talaga kami yung tinawag e no.
"Nais ko pong tumulong sa mga naninirahan sa kabilang bayan,at magbakasyon narin po."
"Maayos ba ang iyong titirahan ruon?"
"Opo,naruon naman po ang aking kaibigan."
"Magpadala ka sa amin ng mensahe kapag nakarating ka na ruon at ang iyong lagay."
"Opo."
"Sige na,Susana.Magpatuloy na kayo."
Ani ni ama.
"Paalam ate Sophia."
Ani ko.
"Sa iyo rin,Susana."
Tapos umandar na ang aming sinasakyan.
Nakarating kami sa aming destinasyon sa loob ng tatlumpung oras,malayo pala ito sa bahay.
"San Benildo de Acadamya."
Basa ko sa karatula na nasa labas.
"Nakakamangha palang mag-aral sa ganitong klase ng eskuwelahan."
Manghang sabi ni Clara,animoy may kumikinang pa sa mga mata neto.
"Halika na sa loob."
Malamig na turan ni Fransisco,kotongan ko kaya to.
Napaka sungit e,bakla ba siya?
"Paniguradong iisa lamang ang ating silid aralan."
"Isa lang ang silid aralan sa eskuwelahan na ito?Ang laki laki tapos isa lang?"
Nagta-takang sabi ni Clara.
"Ang ibig kong sabihin ay magkakasama tayo sa iisang silid,kamag-aral ba."
Pag-sagot naman ni Ginoong Romeo.
"Kayo lamang ang magkakasama sa Silid Aralan bilang magkamag-aral.Isa ako sa guro rito."
"Totoo?"
Takang sabi ni Clara.
"Oo."
At ngumiti pa kay clara tapos sa amin nakasimangot siya?
Ano to may favorite students?baka bumagsak kami ng dahil sa sama ng loob niya sa amin.
"Halika na."
Pagka-pasok namin ay inaasahan kong may magtitinginan dahil sa pagdating namin,ngunit kahit isang estudyante ay wala.
Sobrang lawak pala nito rito sa loob,halos puro gusali ang mga narito na hanggang dalawang palapag.
May mga halaman,kainan,Silid-aklatan at simbahan pa.
Sadyang nakakamangha nga.
"Nasaan ang aming silid aralan?"
Tanong ni Ginoong Romeo kay Ginoong Fransisco.
"Ituturo ko sa inyo."
Tapos sumunod lamang kami sa kaniya,akala ko pagpasok namin sa classroom e wala paring tao mabuti at meroon naman kaso hindi lalagpas sa bente.
"Maupo na kayo kung saan may bakante,at tayo'y mag-sisimula na sa ating aralin."
"May nais akong itanong."
Pagsabat ko.
"Ikaw lang ba ang aming guro?"
"Tatlo kami."
"Ahh."
"Maupo ka na,Binibining Dimitria."
Tinawag niya ako sa pangalawa kong pangalan.Warning tone ba yun?
Umupo ako sa tabi nila Ginoong Romeo at nakinig kay Ginoong Fransisco na aming guro.
"Ang ating aralin ay tungkol sa mga mabuting epekto ng pag-sakop sa atin ng mga kastila."
Akala ko ligtas na ako sa pag-aaral,hanggang daydream ko na lang ata yun.
"Alam niyo ba na sila ang nagpalaganap sa ating bansa ng kristiyanismo?At dahil tinuro nila ito sa atin natuto tayong mapalapit sa diyos."
Ano kayang buhay ng totoong maria kung nagpakasal sila netong si ginoong Fransisco nuon,may anak na kaya sila.
Tulala akong nakatitig sa mukha ng aming guro habang nagsasalita siya ng hindi ko naman maintindihan dahil ang aking pag-iisip ay lagpas pa sa modernong panahon.
"Ngunit sila rin ay may pagkakamali na dapat baguhin ng ibang mga kastila."
Guwapo siya huh.May mahaba na nakataling buhok sa likod hindi gaanong maputi ang balat,may matangos na ilong at nakakaakit na mga mata.
Ang gondo rin ng kurba ng labi niya na hindi gaanong maitim,hindi rin mapula sakto lang.
"Binibining Dimitria!!!"
Nagulat ako sa lakas ng paghampas sa lamesang kahoy ni Ginoong Fransisco.
"Tila naglalakbay ang iyong pag-iisip."
Nakatingin ng malamig na turan sa akin neto.
Kaya halos lahat ay napalingon sa dako ko,shocks why ko pa kasi pinansin yung features niya e.
"H-hindi po,ginoong Fransisco."
Pagsisinungaling ko,alangan naman aminin ko na ang iniisip ko ay yung kaniyang features diba?hindi pa naman ako nashu-shunga.
"Kung gayon,magbigay ka sa amin ng mga hindi mabuting nagawa ng nga kastila sa ating bansa."
Masungit na sabi nito.
Matagal ako bago nagsalita dahil inalala ko pa yung pinag-aralan namin sa Filipino nung grade 9 yung Noli Me Tangere ni Dr.Jose Rizal.
"Masama ang magsi---"
Hindi ko na siya pinatapos at tumayo ako ng tuwid.
"Ang ibang kastila ay may mga nagawang hindi mabuti sa mga pilipino ngunit hindi lahat.Ang kanilang masamang nagawa ay ang Pag-abuso sa kanilang kapangyarihan."
"Paanong pag-abuso ng kapangyarihan?"
Sarap kotongan nito,alam naman niya yan.Aigoo.
"Dahil ang tuluyang pag-sakop ng mga Kastila sa Pilipinas akala nila ay ang mga pilipino ay kanilang mga alipin dahil kulang sa mga pinag-aralan.Ang mga prayle pa ay may mga hindi nagawang mabuti."
"Lahat ba ng mga prayle na naninilbihan sa simbahan ay may nagawang kamalian?"
Masungit parin na tanong ni Ginoong Fransisco sa akin,pinapahirapan niya ba ako?porket ba iniwan siya ng tunay na maria dati sa nalalapit nilang kasal?talaga naman,buti na lamang at pinagawa kami ng isang notebook nun na isasalin ang summary ng Noli Me Tangere kundi ligwak ako.
"Hindi po,Ilan sa mga prayle na naninilbihan sa simbahan ay ruon inaabuso ang mga paslit na sakristan at pag-gahasa sa natitipuhang binibini."
"Ano pa?"
"Dahil hindi nga magkasundo ang pamahalaan at ang simbahan sa ibang paraan,mas lalo lamang nahirapan ang mga mamamayan."
"Iyon lang?"
"Opo,Ginoong Fransisco."
"Kung gayon,umupo ka na sa iyong upuan at siguraduhing makikinig sa aking mga sasabihin.Maliwanag tayo,binibining Dimitria?"
Tumango ako at ngumiti ngunit inirapan lamang ako neto,hindi niya ba napansin na magaling ako sa klase niya?terror na proffesor ata ang balak aplayan neto e.Che ang taray mo sis.
Nag thumbs up sa akin si Ginoong romeo at si clara.
"Balik tayo sa ating aralin."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top