Kabanata 12

Sikreto

Nais ko na sanang magsalita ng maunang magsalita si Fransisco sa aking likuran.

"Ikaw pala ang tinutukoy ng binibining ito,halika na at umuwi."

Ani nito at minuwestra ang kalesa.

Hindi na rin umimik pa si Romeo at sumakay na sa kalesa.

"Papasok na muna ako sa loob upang ipaalam ang ipinadalang mensahe ni ama para kay nanay clarita."

"Sige."

Pagkapasok ko sa loob ng bahay nila nanay clarita ay nakita ko itong nakapalumbaba sa lamesa at tila malalim ang iniisip.

"Nay,si Maria."

Ani ni Clara.

"Iha,ayos ka lang ba?ipinagpabukas na ba ang aming pag-lipat?"

"Wala na pong magaganap na paglisan sa mga tahanan,nay."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Kinausap na po ako ni ama,sabihin raw sa inyo na patawarin niyo daw po sila sa padalos-dalos na pasya."

"Hindi na kami mapapaalis sa aming mga tirahan?"

"Hindi na po."

"Ay salamat sa diyos.Maraming salamat sa iyo iha."

"Wala pong anuman,basta po at kailangan niyo ng tulong naandirito lamang po ako."

"Sobra na ang iyong nagawang kabutihan sa amin,Maria."

"Ulit-ulit ka naman,nay."

Saway rito ni Clara,ngumiti lamang ako sa kanila.

"Ah basta maraming salamat pa rin."

"Wala pong anuman."

"O siya,mukhang nagmamadali si Ginoong Fransisco hanggang sa susunod nating pagkikita."

"Opo."

At tuluyan na akong lumabas sa kanilang tirahan,atleast may nagawa akong mabuti hahaha.

"Mas mabagal ka pa sa pagong."

Mahinang ani ni Fransisco.

Ano?pagong?

"May nais ka bang sabihin sa akin?"

"Wala ho,binibini."

Tapos umirap pa ito,bakla ba siya?

"Ah maria?"

Ani naman ni Romeo.

"Bakit?"

"Ipagpabukas na lamang natin ang pagpasyal sa kabundukan."

"Sige,ngunit anong oras?"

"Alas sais ng umaga."

"Napaka-aga naman!Alas otso nga tulog pa ako."

"Agahan mo na lamang bukas."

"Napakahusay mag-utos ah,susubukan ko."

Sumimangot ito at umiwas ng tingin.

"Susubukan ko nga,suwerte ka na nga dahil pagla-laanan pa kita ng oras."

"Tssk."

"Biro lang hahahaha."

"Pu-puwede bang hinaan niyo ang boses niyo?ang aking tainga ay naririndi na."

"Pasensiya na po,prinsipe Fransisco."

"Tingin mo ba nagbi-biro ako,Binibini?"

"Ay hindi ba?Alam mo Fransisco maaga kang tatanda,tapos kukulubot ang iyong mukha nakakatawa iyon hindi ba?"

"Ikaw lamang ang matatawa sa iyong sariling biro."

"Ah talaga ba?"

Agad naman akong napasimangot ang ano netong fransisco na to,babawi rin ako rito ng malupit balang araw anong akala niya sa akin isang mahinang nilalang?Diyaan siya nagka-kamali hahaha.

Hindi na lamang ako umimik pa hanggang sa nakarating na kami sa aming tirahan.

"Pumasok ka na sa loob,Binibini."

Nakangiting wika ni Romeo.

"Sige,Ginoong Romeo."

Nagwave pa siya sa akin tapos nginuso ang pinto ng aming bahay.

Magngingiti na sana ako ng sobra ng mahagip ng tingin ko si Ginoong Fransisco,nakasimangot ito at tipong hindi mo talaga makikitaan ng pagiging isang ginoo e.

Ngumiti na lamang ako kay Ginoong Romeo at pumasok na sa loob ng bahay.

"Bakit ginabi ka ng uwi?"

Bungad na wika ni ate Josephina.

Minsan ewan ko kung kakampi ko ba itong ate na ito ni maria e,bipolar kasi siya.

Para siyang asong aswang,yung tipong kahit may ilang layer ng mga skin sa aking pagkatao ay alam niya ang itinatago ko sa aking small intestine hahaha.

"May ipinahatid lamang si ama na mensahe kila nanay Clarita."

"Nais sana kitang makausap."

"Tungkol saan po?"

Agad akong kinabahan sa pag-uusap na magaganap sa pagitan namin ni ate Josephina.

Nagtungo kami sa dulong parte ng hardin at nagsalita na si ate.

"Alam ko na,Maria."

"A-ang ano po?"

"Alam kong hindi ikaw ang aming kapatid."

"Ano pong ibig niyong sabihin?"

"May natanggap ako na liham na dapat ay para sa iyo,ang tunay na maria ang nagsulat."

"Alam niyo na po?Ngunit bakit hindi mo pa ako sinusuplong?"

"Alam ko na may dahilan kung bakit ka naparito,basahin mo muna ang liham na iyan.Pasensiya ka na kung iyam ay aking binuksan."

"Wala pong problema ruon."

Tapos inabot ko na ang sobre na may laman na isang yellow paper na mayroon ang modernong panahon.

Binasa ko ang sulat...

"Maria,
Alam kong nariyan ka na sa taon kung saan ako nabibilang.Alam ko rin na kaya mo ang magpanggap na bilang ako dahil magkapareho tayo ng wangis at halos lahat.Nagtataka ka kung paano ko nalaman?Sinabi ng aking tunay na ama,kasama ko na siya rito sa modernong panahon at sadyang napaka-saya mabuhay rito kung saan walang nagba-bawal.Kaya naman magiging makasarili na muna ako,hinihiling ko na sana ay pag-igihin mo ang pag-akto riyan.Salamat.

Lubos na gumagalang,
Ang tunay na Maria.

"Nais ko mang magalit sa iyo dahil napaniwala mo kaming lahat sa iyong pagba-balat kayo ngunit hindi naman masamang tanggapin ka na lamang hindi ba?"

Ngumiti si ate Josephina at niyakap ako ng mahigpit at saka...

"Kahit sino ka pa,alam kong may mabuti kang kalooban at may misyon ka lamang rito.Simula ngayon mananatiling lihim ang iyong sekreto sa akin at ituturing parang kapatid parin."

"Salamat ate."

"Walang anuman,basta't tandaan mo na narito ako lagi sa iyong likod."

Hindi na ako sumagot pa at niyakap siya ng mahigpit.

Atleast may nakakaalam na ng sikreto ko at hindi ko na ito papasanin ng mag-isa.

"Halika na at pumasok sa loob,mahamog na."

"Sige po."

Pumasok na kami sa loob ng bahay ay nagtungo sa kaniya-kaniyang silid.

Dumaan na ang ilang oras at nakatingala lamang ako sa bubong ng bahay.

Ganito talaga ako kapag maraming iniisip.

Napatingin ako sa bintana at napakaliwanag ng buwan,kamusta na kaya sila tita at ang aking mga kaibigan?

Sana nasa mabuting kalagayan sila.

Tumayo ako sa pagka-kahiga at dahan dahang umakyat sa bintana.

Kahoy naman ang bawat materiyales kaya naman nakababa ako ng walang kagalos galos,nagtungo ako sa ilog at umupo.

"Bakit kaya kailangan pang itago ang sikreto?"

Tanong ko sa hangin.

"Dahil isa silang sikreto."

Nagulat ako sa tinig na sumagot aa akin,akala ko may maligno na sa gilid e.

"Ginoong Fransisco,anong ginagawa niyo rito?"

"Nagngangata ng hangin."

"Balak mo bang mamuno sa mga debate?Kung oo,duon ka nga nababagay."

"Kung tungkol sa sikreto ang iyong nais resolbahin,magtiwala ka lamang sa sarili mo.Hangga't kaya mo pa itong itago,gawin mo.Pero sabi nga nila,Walang sikreto ang hindi nabubunyag."

Iyon lamang ang sinabi niya at naglakad na papunta sa kabayo niya.

Iniwan niya akong blangko ang utak,alam niya rin ba?




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top